“Tumawag sa akin si Esmeralda. Basta mo na lang siyang iniwan sa party.”
Dumilim ang mukha ni Amadeus. “She’s a traitor. Nagsabwatan silang lahat. They turned me into a laughing stock. May relasyon sila ni Kuya Amadeus. I thought she’s a decent woman. Na maa-appreciate niya ang lahat ng naitulong ko sa kanya. Pero kahit siya nabibili din.”
“Hindi pa natin alam ang buong kwento. Masama pa ang loob mo ngayon pero di nati siya dapat husgahan,” sabi ng dalaga at ipinagsalin ito ng Pocari Sweat sa baso nang dalhin ng waitress.
Ni hindi nito hinawakan o sinulyapan man lang ang baso. Parang gusto nitong manatiling lasing. “Alam ko na ngayon kung bakit ayaw mo akong pakasalan kahit na mahal mo ako. I am a loser. Who wants to be saddled up with a jinx?”
“Sir Aiden, alam mo na hindi iyan totoo…”
“Mula simula pa lang malas na ako. I am a product of an affair. Minalas daw ang hotel mula nang dumating ako. Nang unang dumating ako sa hotel, pakiramdam ko ayaw ng mga tao sa akin. I feel like I don’t belong. Kaya gusto kong kumawala noon. Pakiramdam ko kahit anong pagsisikap ko, walang kwenta kay Kuya Amadeus at sa iba. Tell me, ano bang mali na ginawa ko?”
“Wala.” Hindi nito kasalanan kung mababa ang tingin dito ng ibang tao. Hindi nito kasalanan kung nagkasala ang mga magulang nito.
“Umalis ka na. Baka madamay ka pa sa kamalasan ko,” pagtataboy nito.
Dumating na ang ramen nila at inilapit iyon sa lalaki. “Kumain ka na, Sir. Hindi ako aalis dito. Ano pa bang kamalasan ang pwede kong maranasan kapag kasama ka?” She already got her heart broken. Wala nang mawawala sa kanya. “Kumain ka na, Sir.”
Humiga ito sa kandungan niya. “Ayoko. I just want to rest for a while. I am so tired.”
Mahabang sandali niyang pinagmasdan ang binata. He was like a lost child. Parang pinipiga ang puso niya. Kung pwede lang na ganoon lang silang dalawa. Kung maari lang huwag na niya itong ilapit sa mga taong mananakit dito.
Di niya alam kung gaano sila katagal doon. Di niya alam kung gaano katagal niyang tinitigan ang binata hanggang nilapitan siya ng waitress. “Ma’am do you have final order? Magsasara na po kami in thirty minutes.”
Pasado alas dos na noon ng madaling-araw. “Two bowls of ramen and one pot of green tea. Arigatou.” Tinapik niya ang mukha ni Aiden nang dumating na ang green tea. “Sir, gising na po. Malapit na silang magsara.”
“Can we just stay here?” tanong ng binata at nanatiling nakapikit.
“Kung hindi ka babangon, gusto mo ba away-awayin ko na lang sila Sir Amadeus at Esmeralda sa ginawa nila sa iyo?”
Dumilat ito at bumangon. “No. Laban ko ito. I won’t involve you with this. I-I just don’t know how to start. I am lost.”
Inilapit niya ang ramen dito. “Simulan mong makibaka sa maanghang na ramen. Tapos ihahatid ko na kayo sa kung saan ninyo gusto.”
“Sa condo ko,” sagot ng lalaki at naipilig ang ulo nang humigop ng maanghang na sabaw.
“May meeting kayo bukas ng umaga. Ako na ang a-attend.”
“It is your last day.”
Marahan siyang tumango. “Don’t worry. I got your back.” She would always be his partner.
“AIDEN is not here,” sabi ni Amadeus nang matapos ang meeting nila. Pinaiwan siya nito sa conference room. “He is not even here to say goodbye to his lovely assistant. He must be brokenhearted with you leaving.”
“May importante lang na inaasikaso si Sir Aiden, Sir,” magalang pa rin niyang sabi kahit ang mas gusto niya ay hampasin ng laptop ang guwapong mukha nito. “Don’t worry. Hindi siya umuurong sa laban.”
“When I first met you, I thought you will be my protegee. That you are hard and ambitious. Na sana mahawa ang kapatid ko sa iyo. But you became a softee with him, right?”
“You mean I didn’t become as evil as you are? Na mas masaya ako na makitang matupad ang pangarap ng ibang tao kaysa ibagsak sila? Pwede kong matupad ang ambisyon ko nang di nananakit ng iba. It is okay I am not your protegee. I am my own person, thank you very much.”
Ngumisi ito. “You are in love with him.”
Her heart stopped beating for a while. He is the enemy. He must not know.
Lumunok siya nang naglakad ang lalaki paikot sa kanya. “Love makes you weak and insane.”
“Wrong. Love makes you stronger. Malakas si Sir Aiden dahil ginagawa niya ang lahat para matupad ang pangarap ng nanay niya. She might be the evil queen to some but she is still Aiden’s mother. Mahal niya ang nanay niya. Pwede mong isipin na nanalo kayo sa ngayon, Sir. But you will be miserable in the end. Life is lonely on top, I am telling you.”
Naningkit ang mga mata nito. “You…!”
“Goodbye, Sir Amadeus. I really appreciate you helping me out with my career. Don’t worry. I will be a great hotelier for Brava International.”
Nang bumalik siya sa desk niya ay maraming regalo at farewell messages para sa kanya. But her heart was heavy. Wala doon Aiden. Wala siyang balita dito kung nagkausap na ito at si Esmeralda.
Itine-turn over na niya ang mga files sa bagong sekretarya ni Aiden nang makatanggap siya ng tawag mula kay Monica, ang bagong assistant ni Amadeus. “Miss Lexie, nandito po si Sir Aiden sa opisina ni Sir Amadeus. Basta na lang pong pumasok. Nakupo! Nag-aaway po yata.”
“I will be on my way.” Tinakbo ni Lexie ang elevator at pinindot ang floor para sa mga executive.
Mabait si Aiden. Mahaba ang pasensiya nito sa kapatid pero matapos ang nangyari kagabi, baka konting sundot lang dito ay sumabog na ito. And Amadeus was very good at poking on people’s emotion.
Pagdating niya ay mangiyak-ngiyak na si Monica habang palakad-lakad sa harap ng opisina ni Amadeus. “Nandiyan pa rin sila sa loob?”
Tumango ito. “Nagkakasakitan nga yata sila, Ma’am. Tatawag na ba ako ng security? Baka kailangan na silang awatin.”
Idinikit niya ang tainga sa pinto. Hindi na niya marinig ang pag-uusap ng mga ito dahil mahina na. Dali-dali silang lumayo ni Monica sa pinto nang biglang bumukas iyon at lumabas si Aiden na nakangisi. Mukhang ito ang nagwagi sa komprontasyon nito at ni Amadeus. Subalit nakita niya na namumula ang nakakuyom nitong kamao.
Hinawakan agad niya ang kamay nito. “Sir Aiden, sinaktan ba kayo ni Sir Amadeus?”
“Wala lang ito. Di ko naman binasag ang panga ni Kuya. Sayang.”
Nakita niya ang panlalaki ng mata ni Monica. “Salamat sa pagtawag sa akin.” At inakay niya pabalik sa opisina nito si Aiden. Kumuha siya ng first aid kit para I-check kung wala nang iba pang injury sa kamay nito. “You really hurt your brother.”
“Kulang pa iyon sa ginawa niya kay Esmeralda. Sinagip siya ni Esmeralda sa baha. At ano ang isinukli ni Kuya Amadeus? She seduced the poor woman. Now he is using it against her.”
Nilinis niya ang mumunting sugat sa kamao nito. “He is really evil. Di ko inaasahan na gagawin niya ito sa iyo. Anong plano mo kay Esmeralda?”
“I don’t know if I still want to marry her. But I told my brother that I will marry her just to spite him.”
Nilagyan niya ng ice packet ang kamao nito para di mamaga. Tears fell down her face. Hindi kaya ng puso niya na makitang nasasaktan ito nang ganito. “I should have accepted your proposal then. Di siguro mangyayari ito sa iyo.”
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Good thing you didn’t accept it. Kung ikaw ang tratraidor sa akin, baka hindi ko kayanin. If my brother seduces you, I might kill him. I won’t let him lay a hand on you. You are too precious to me.”
Kumurap siya ng ilang beses. Anong ibig nitong sabhin? Na mas mahalaga siya kaysa kay Esmeralda? Mahal ba siya nito? “Sir Aiden, hindi ako aalis kung kailangan pa ninyo ako dito. Tutulungan ko kayo…”
Umiling ang binata at ginagap ang kamay niya. “Mas matatahimik ako kung malayo ka dito at inaayos ang career mo. Kung hindi ka magagamit ni Kuya Amadeus laban sa akin. Huwag mong ipapakita na importante ako sa iyo. Na buo ang loyalty mo sa akin.”
“Sir Aiden, di naman ako papayag na di mo maaabot ang mga pangarap mo.”
“You’ve done enough. More than enough. Ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko ng ilaban ang mga pangarap ko. I can fix this mess on my own. Kaya kapag umalis ka, huwag mo akong lilingunin.”
“Parang sinasabi mo na hindi na tayo magkikita ulit.”
Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “We will see each other again. I will come to you. At sa panahon na iyon, marami akong gustong sabihin sa iyo.”
“Hihintayin ko ang panahon na iyon.”
She kissed him one last time. It was a bittersweet kiss. It was goodbye. Pero iiwan niya sa binata ang puso niya.