"SIR, hindi po kayo pwedeng pumasok. May kausap sa conference call si Sir Amadeus..."
Naantala sa pakikipag-usap sa Mindanao regional manager ng Brava Hotels si Amadeus nang marinig ang protesta ng sekretarya niya sa may pinto. Mahigpit ang bilin niya na huwag siyang abalahin lalo na’t pinaplantsa nila ang huling detalye sa ipinatatayo niyang island resort sa Palawan.
He was in a good mood after last night’s party. Sa kabila ng basta na lang pag-alis nina Aiden at Esmeralda sa party ay di naman nakaapekto sa kanya. He got positive feedback from some old fashioned colleagues and investors. Mas magiging responsable na daw siya ngayong in love na. Those old croons believed that only having a family could straighten up his life and his business. They were suddenly not too harsh on him.
Walang ideya ang mga ito na parang isang pugad ng ahas ang binulabog niya. Nakita niya kung paanong nagunaw ang mundo nina Aiden at Esmeralda. He didn’t care. Ang mahalaga ay nagtagumpay ang plano niya. Just as he expected.
"I don't care,” narinig niyang angil ng boses ng isang lalaki.
It seemed alien to his ears. Ang galit na boses na iyon ay pag-aari ni Aiden. He was always calm and collected. Di pa niya ito nakikitang magalit. He thought the younger man was too soft.
“Sir, hindi mo talaga pwede,” tutol ng sekretarya niya.
Bumukas an pinto at bumungad ang galit na galit na si Aiden. Nagpaalam siya sa kausap sa video conference at sinenyasan ang sekretarya. "Its okay, Marjayrie. Please prepare a cup of coffee for my brother."
“I don’t need that freakin’ coffee. Just leave us alone!” utos ni Aiden.
"Yes, Sir,” anang Florida na bakas ang takot sa mga mata bago lumabas ng opisina para sundin ang utos niya. Isa ito sa mga admirers ni Aiden. Mukhang nagbago na ito ng isip.
Nakakaswal na stripped polo shirt at pantalon lang ang kapatid. Hindi ito nag-report sa trabaho dahil ang sekretarya nitong si Lexie ang dumalo sa meeting. Inaasahan na rin niya ang pagsugod ng kapatid sa opisina niya.
Tumayo si Amadeus para salubungin ito. "Where are your manners, Aiden? I thought you were brought up to be a fine gentleman. Tinakot mo si...”
Pinutol nito ang pang-aasar niya nang magpakawala ng malakas na suntok na tumama sa panga niya. He didn’t expect that and it made him dizzy. "You have no business giving me lessons on how to be a gentleman. Tarantado ka!”
Muntik nang masubsob sa mahogany office table si Amadeus kundi lang niya naitukod ang mga palad. Tumayo siya at nasapo ang nasaktang panga. He could swear he tasted blood. "Language, little brother..."
"Shut up! Kulang pa iyan sa ginawa mo kay Esmeralda,” humihingal sa galit nitong sabi. “Puro kasinungalingan ang sinabi mo sa party.”
Tumaas ang kilay niya. “Iyon ba ang sinabi niya sa iyo?”
“Hindi totoong mahal mo siya.”
Pagak siyang tumawa. "Doesn’t mean the rest of the story is a lie. I just put some romantic spin to make it palatable. Dapat nga magpasalamat ka dahil iilan pa lang nakakaalam tungkol sa upcoming wedding ninyo. That woman is unfaithful. Cancel the wedding and you can still save face. You don’t have to thank me, little brother.”
Naningkit ang mga mata nito. Hinakilit nito ang kuwelyo ng suit niya at saka siya isinalya sa dingding. “You are a monster. Matapos ka niyang iligtas, ito pa ang igaganti mo sa kanya. Inakit mo na siya, pinangakuang babalikan kahit hindi naman at saka mo kami ipinahiya sa harap ng mga tao. You are enjoying the drama.”
Iginalaw-galaw niya ang nasaktang panga. “Dapat magpasalamat ka dahil hindi pa marami ang nakakaalam ng tungkol sa kasal ninyo ni Esmeralda. I can even refund the expenses for the cancellation of your wedding if you want.” Para naman maisip ng kapatid niya na hindi siya kalaban dito. Magkakampi sila. He was still protecting his younger brother.
Isang ngisi ang gumuhit sa labi ni Aiden. “Don’t bother. Wala akong planong i-cancel ang kasal namin ni Esmeralda. Pinapatawad ko na siya. I will still marry her."
Kinuyom ni Amadeus ang palad. "Paano mo naaatim na pakasalan pa rin ang babaeng iba ang gusto? You were planning your wedding but she gave herself to another man. You deserve better."
"Better? Anong karapatan mo para sabihin sa akin kung ano ang mabuti sa akin at hindi? You don't even treat me like a real brother. At dahil sa ginawa mo kay Esmeralda, di kita maatim na tawaging kapatid. Inosente siya sa laro mo."
"You are a fool then. You are the one being played, brother. Ako ang gusto niya." Gusto niyang ipamukha sa kapatid kung paanong natunaw sa mga bisig niya si Esmeralda. But that would be too much. Ang mahalaga ay napatunayan na niya ang punto niya.
"Good thing I am not like you. I'd rather be a fool than heartless. Gusto mo lang sirain si Esmeralda para patunayan na mali ako. Gusto mo na ikaw lang ang tama. Gusto mo na ikaw lang ang magaling.”
Matamang pinagmasdan ni Amadeus ang kapatid. Something was off. Ganoon na lang ba kadali para sa kapatid niya ang babaeng nagtaksil dito? Ganoon ba kagaling magpaikot ni Esmeralda? O higit pa doon?
"Bakit pakakasalan mo ang babaeng hindi ka naman mahal?" biglang naitanong ni Amadeus.
"None of your stupid business."
Naningkit ang mga mata niya. Hindi iyon ang sagot na inaasahan niya mula sa kapatid. Bakit di nito madepensahan ang pagmamahal nito sa babae? Maliban na lang kung... "You don't love her."
Nagdilim ang mukha nito. "What do you know about love, brother, except loving your self? All you know is chewing people out of their goodwill and weakness then spit them out. Wala kang sinisino. Ang nakikita mo lang ay kung ano ang mapapakinabangan mo sa ibang tao. Kahit na mahalin ka pa ni Esmeralda, itatapon mo lang siya na parang basahan sa huli."
Parang may tumadyak sa didbib ni Amadeus. "Mahal niya ako?"
He gave him a smug look. "That is just hypothetical. You only have one night with her. You succeeded in seducing her. Isa ka lang pagsubok na kailangan naming pagdaanan para malaman kung itutuloy namin ang kasal o hindi."
"She seduced me,” paglilinaw niya. Na parang iyon lang ang huling alas niya para mapigilan ang kasal. “Malaking pagkakamali kung pakakasalan mo siya. Do you really want an unfaithful wife?”
"You are her biggest mistake. At pakakasalan ko si Esmeralda para araw-araw mong makita kung gaano kami kasaya. You won't win this one, brother."
Saka puno ng kompiyansa siyang tinalikuran ng kapatid at lumabas ng opisina. He had an air of victory around him. Habang pakiramdam ni Amadeus ay isa siyang heneral ng digmaan na inilabas na ang lahat ng kawal at istratehiya pero talunan pa rin. No. This is not yet over.