Chapter LTMWAH 40

Nagtataka itong tiningala ni Jeremy. “Bakit ako, Kuya? Hindi po ba kayo ang nagsabi sa akin na ipagtanim natin si Ate Esmie ng rosal para maaamoy agad at makikita niya paggising pa lang niya sa umaga?”

Tinaasan niya ng kilay si Amadeus. “Sinabi mo iyon?” Di makasagot ang binata at iniwas ang tingin sa kanya. Ngayon lang niya ito nakitang speechless.

“Manliligaw daw siya, Ate,” sabi ni Jeremy at humagikgik.

“Wala akong sinasabing ganyan,” kaila ni Amadeus.

Kapatid naman niya ang pinanlakihan niya ng mata. “May nalalaman ka pang ligaw-ligaw. Bata ka pa. Pumasok ka na sa loob para batiin si Nurse Luvelyn. Maglinis ka na rin ng katawan.” Patakbong pumasok si Jeremy ng bahay.

“Aalis na rin ako dahil baka kailangan na ako sa bahay ni Mang Andoy,” sabi ni Amadeus. “Magpahinga ka na.” Tinatakasan na siya nito dahil alam nitong makakatikim ito ng sermon sa kanya.

Pagod siya sa biyahe at wala siyang oras na makipagtalo dito. Isa pa ay tiyak na mag-uusisa si Nurse Luvelyn kapag nakita ito. Pero napansin niya na may punit ang polo shirt nito. “Amadeus, bumalik ka dito. May warat ang damit mo.” Nilapitan niya ito at ipinakita ang punit sa likurang laylayan ng polo.

Lumingon ang binata. “Ah! Kanina kasi nasabit sa pako nang naghahanap kami ng pambungkal sa may bodega.”

“Hubarin mo ang damit mo...”

Nanunukso siya nitong nginitian. “Really, Esmeralda, you want to frolick on public...”

Pinitik niya ang noo nito. “Frolick ka diyan. Huwag madumi ang utak mo. Tatahiin ko lang ang sira ng damit mo.”

“Marami akong ibang damit.”

“Wala akong pakialam. Basta di ka pwedeng magpalakad-lakad diyan na may punit ang damit mo.” Makabawi man lang siya sa pagbili nito ng makina para sa kanya. “Hindi magtatagal ito. Limang minuto lang. Doon tayo sa kubo. Kukunin ko lang ang pantahi ko.”

May maliit na open na kubo sa likod-bahay na nasa lilim ng mga puno. Malapit din iyon sa poso kaya pagbalik niya ay naghihilamos ng mukha si Amadeus. Nakahubad na ang polo nito kaya isinunod nito ang hubad na katawan. Mamula-mula ang balat nito dahil na rin isang linggo na itong bilad sa araw. Napalunok siya nang mapagmasdan ang galaw ng muscles sa katawan nito. Habang napapreskuhan ito sa pagtama ng tubig sa balat nito ay parang siya naman ang pangangapusan ng hininga.

Tumalikod siya. Ayoko ng ganitong tanawin. Nanghihina ako.

“Esmeralda, saan ka pupunta?” tanong nito.

“Ano... Kukunin ko lang ang padala ni Ma’am Florida para sa iyo. Baka importante ang mga iyon,” aniya at naglakad pabalik sa bahay. Pero tumuloy muna siya sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan ba ito maglalagi ka sa San Luis? Saka talaga bang nagtanim ito ng halaman para sa kanya? Baka naman palusot lang iyon ni Jeremy para di niya mapagalitan. Pero bakit di makatingin nang diretso sa kanya si Amadeus kanina?

Pagbalik niya ay ihinagis agad niya ang tuwalya dito. “Magpunas ka!” Kinuha niya ang polo at inabala ang sarili na tahiin ang punit. “Tingnan mo na lang kung kumpleto ang padala sa iyo ni Ma’am Florida. Baka may kulang.”

“I told her not to worry much about me. I am okay.”

“Okay ka lang talaga?” Nang matapos na siyang manahi at iaabot dito ang polo ay napagmasdang mabuti ang katawan nito. Napansin niya na may pantal-pantal ito sa dibdib at braso. “Ano iyan?”

“Nothing. Just little insect bites,” sabi nito.

“Little?” nakataas ang kilay niyang tanong. “Ginawa ka na yatang pulutan.” Naalala niya na may healing balm na padala ni Florida. Hinalughog niya ang paper bag at kinuha ang balm. “Lagyan natin.”

Tinangka nitong kunin ang balm sa kanya. “Ako na lang. I can handle it.”

Itinago niya ang balm sa likuran. Hinablot din niya ang polo nito. “Umupo ka lang diyan. Kapag di mo ipinagamot sa akin iyan, maglalakad nang nakahubad.”

Napailing ang lalaki. “I can’t believe you are blackmailing me.”

Nakipaglabanan ito ng tingin sa kanya. Akala niya ay lalayasan na siya nito pero sa huli ay umupo din. Nanginginig ang kamay niya nang lalagyan ng balm ang mga pantal nito. Kaya ko ito. Hinga lang malalim.

“You are free to fantasize about me if you want. No problem.”

“Huwag kang maingay!” saway niya dito. Hindi siya makapag-concentrate.

Pero parang nakasama pa lalo ang pananahimik ng lalaki dahil bumabalik sa alaala niya kung paano siya inangkin nito. Sa halip na dahan-dahanin niya ang paglalagay ay ikinalat na lang niya ang balm sa balat nito.

“O! Ginawa mong lotion,” sabi nito.

“Marami kasing kagat ng lamok. Magkulambo ka nga saka may katas ng tanglad dito. Gamitin mo para di ka kagatin ng lamok. Tapos na,” sabi niya at inabot dito ang balm.

“Won’t you do my front?” tanong nito at iniliyad pa ang dibdib.

“Kaya mo na iyan. Malaki ka na...”

“Si Nurse Luvelyn na lang.”

Ihinarang niya ang paa sa dadaanan nito. “Ako na. Magpapahinga pa si Nurse Luvelyn.” Kinuha niya ang oinment dito. Umuklo siya sa harap nito at pinahiran ng ointment ang dibdib nito. Nakangiti naman si Amadeus habang ginagawa niya iyon.

Subalit nalungkot siya nang makita ang paltos sa palad nito. Di naman kasi ito sanay sa trabaho sa construction.

Iyon ang sinunod niyang lagyan ng balm. “Masakit ba?”

“Wala naman akong nararamdaman.”

Bumuntong-hininga siya nang makita ang mga gasgas sa braso nito. “Bakit ka ba kasi nagtitiyaga dito? Bakit di ka na lang mamasyal sa ibang lugar? Nahihirapan ka lang dito.”

“I want to spend more time here. I want to be with you.”

Nagtataka niya itong pinagmasdan. “Ako? Wala ka namang mapapala sa akin.”

“To see you smile, to see you happy with the people who are important to you, may napala na ako no’n.”

Ikiniling niya ang ulo. “Hindi ko maintindihan. Ano ba talagang kailangan mo sa akin?”

“I just want you to see the other side of me. Alam ko na hindi magaganda ang nakita mo sa akin noon. Gusto kong makita mo na hindi ako ganoon kasama.”

“Ano naman sa iyo kung maniwala ako sa iyo? Hindi ko maintindihan kung ano pa ang kailangan mo sa akin, Amadeus. Gusto mo ang katawan ko? Sabihin mo lang sa akin. May kasunduan tayo...”

“I want you but not just your body, alright.”

“Ano pa nga ang kailangan mo?”

Matagal siya nitong tinitigan. “I want you to see me on a different light.” Pumalatak ito at biglang tumayo. “Hindi ko alam bakit ko pa ipinapaliwanag sa iyo. Hindi mo naman ako maiintindihan.”

“Hindi ko talaga maiintindihan dahil hindi mo naman sinasabi sa akin kung para saan.”

Huminga ito ng malalim. “Kahit sabihin ko sa iyo, di rin naman maniniwala. I am leaving. Sabihin mo kay Jeremy dadalawin ko siya bukas.”

At kinuha na nito ang mga gamit na padala dito. Maang na lang niya nitong pinagmasdan habang palabas ng tarangkahan. Hindi talaga niya maiintindihan si Amadeus. Kung gusto nitong makuha ang puso niya, di niya alam kung para pa saan. Manliligaw ba ito gaya ng sabi ni Jeremy? In love ba ito sa kanya?

Imposible. Walang puso si Amadeus para ma-in love. At hindi rin niya iaalay ang puso niya dito na minsan nitong dinurog.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.