Chapter LTMWAH 42

Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “I am glad that you care for me. I am just sorry that you are hating yourself because of this. Pero `Gusto niyang pumiglas para makalayo dito. Pero wala siyang lakas dahil kailangan mismo niya ang yakap nito. Kailangan niyang maramdaman na totoong buhay ito. Unti-unti siyang nakadama ng kapayapaan. Kumalma pati ang pagtibok ng puso niya. Na parang natagpuan na nito ang tahanan nito.

“Ihahatid na kita. Mainit na dito,” sabi ni Amadeus sa kanya at pinahid ang luha niya.

“Huwag ka nang sasagip ulit ng tsinelas sa susunod. Bumili ka na lang ng bago,” nakalabi niyang sabi. “Huwag mo na akong tatakutin.”

Magaan itong humalakhak. “I won’t. Promise.”

NAKATULALA sa kisame si Esmeralda habang binabalikan ang nangyari sa kanila ni Amadeus sa tabing-ilog. Parang sinabi na niya dito na importante ito sa kanya. Hindi ba parang sinabi na rin niyang in love siya dito?

At ano naman ang sagot sa kanya ng binata? Di naman nito sinabi na may espesyal siyang nararamdaman? Hindi nito sinabi na mahal siya nito. Sa maikling salita, wala siyang maaasahan na kahit ano mula dito.

“Anong gagawin ko? Habang nandito siya sa San Luis, di naman niya ako titigilan. Lalo na ngayong alam niyang mahina ako pagdating sa kanya.” Ano ang gagawin niya para sagipin ang sarili niya.

Sa huli ay tinawagan niya si Aiden. Ito lang ang nakakaalam ng buong kwento nila ni Amadeus. Ito lang ang makakaintindi sa kanya.

“Hello,” boses ng babae ang sumagot sa telepono. Mukhang kagigising lang.

“Sorry. Si Aiden pwedeng makausap?” maingat niyang tanong.

“Wait. Aiden, phone call,” anang babae sa pagka-pormal na boses.

Babae. May babaeng sumagot sa cellphone nito sa disoras ng gabi. At pamilyar ang boses ng babaeng iyon sa kanya.

“Esmeralda?” tanong ni Aiden.

“Sorry. Naabala ko ata ang tulog ninyo. Si Lexie ba ang sumagot?” tanong niya.

“Yes. May t-tinatapos kaming t-trabaho.”

“Ahhhh! Parang naabala ko kayo sa ibang bagay.”

“Esmeralda!” saway nito sa kanya.

“Wala naman sa akin iyon. Personal mong buhay iyon. Bukas na lang ako tatawag kapag di na nakakaabala.”

Umungol lang lalaki. “Mukhang importante iyan. Spill.”

“Sabihan mo ang kuya mo na umuwi na.”

“Wow! Nandiyan pa rin siya?”

“Oo. Tumutulong pa rin siya sa pagpapaayos ng nasirang bahay at inaasikaso ang shelter. Sa umaga naglilinis siya sa bakuran namin, nagbubungkal sa bukid, minsan sumasamang mamalengke at tutor ni Jeremy minsan.”

“Anong problema? Mahal ba ang talent fee niya?”

“Iyon nga. Wala siyang hinihinging kapalit. Ni hindi niya ako sinisingil sa deal namin.”

“So... Nothing happened since he went to San Luis? He didn’t ask you to have sex with him?”

“Wala. Ni hindi nga niya ako hinalikan.”

“Sinabi ba niya kung bakit nandiyan siya?”

“Para daw makita ko ang ibang parte ng pagkatao niya. Na di naman siya masama. Para saan pa?”

“Para magustuhan mo siya.”

“O tapos?”

“Hindi mo ba naisip na in love sa iyo si Kuya Amadeus?”

“Hindi naman niya sinasabi sa akin.”

“Baka di rin niya alam kung paano. Kasi kapag sinabi niya iyon, hindi siya maniniwala.”

Sinabunutan niya ang sarili. “Anong gagawin ko? Ayokong mahalin niya ako. Gusto ko lumayo siya sa akin. Ayoko nang masaktan.”

“Masasaktan ka lang kung mahal mo siya. Do you love my brother?”

Mariin siyang pumikit. “Ayoko nang isipin. Minsan na akong nasira dahil sa kanya. Wala na halos natira sa akin. Ayoko nang maulit iyon. Tulungan mo naman ako na palayuin siya sa akin.”

“Hindi ko alam kung paano kita matutulungan...”

“Umisip ka. Di man direkta, kasalanan mo kung bakit nasa sitwasyong ito ako. Sabihin mo masmasaya ang buhay niya diyan kasama ang ibang babae na sosyal at mayaman. Mas bagay siya sa mga iyon. Magsasawa din siya sa akin. Nakakainip din ang buhay sa probinsiya. Wala siyang aasahan sa akin.”

“Kakayanin mo ba kung lalayo siya sa iyo? Iyan ba talaga ang gusto mo?”

Lumunok siya. “Kakayanin ko.”

“MUKHANG magagandang klase ang mga bignay ninyo. Kaysa hindi napapakinabangan, bakit di ninyo gawing fruit one. Nagsisimula nang umingay iyan di lang sa Pilipinas kundi sa abroad. Kung interesado ka, pwede kang um-attend ng training para diyan,” sabi ni Amadeus kay Esmeralda habang pauwi na sila sa bahay niya. Sinamahan siya nitong pumunta sa bukid. Nagsisimula na kasing mamunga ang mga mangga at gusto nitong makita ang iba pang pananim niya. Habang ang bignay naman na dati ay walang pumapansin ay naisipan nitong gawan ng paraan para mas lumaki ang kita niya at ng mga taga-San Luis.

“’Yung ani dito sa bukid, sa iyo ko na ibibigay. Kung papayagan mo sana ako na upahan ko itong bukid mo, di para sa akin kundi para kay Jeremy,” sabi ng dalaga dito.

“Hindi ako naniningil. Alam ko na kailangan mo ng pangsuporta kay Jeremy.”

Umiling siya. “Ayoko ng utang na loob. Gusto ko makabayad sa iyo kahit na gaano pa katagal,” aniya sa matatag na boses.

“Fine. Kung gusto mong makabayad sa akin, let’s do something about your produce. Let’s make the most out of it. We can be business partners,” anito at inabot ang kamay sa kanya.

Tiningnan niya ang nakalahad nitong palad. Hindi niya sigurado kung magandang ideya na maging business partner nito. Gusto nga niyang putulin na ang komunikasyon dito at itaboy ito. Malabong mangyari iyon kung business partners sila.

“Pwede bang pag-isipan ko muna?” tanong niya.

Ibinaba nito ang kamay. “It’s okay. I understand. Basta bukas ako na ang maghahatid sa iyo sa Manila.” Kailangan nilang lumuwas na magkapatid para sa check up ni Jeremy.

Pilit siyang ngumiti. “Huwag mo na sigurong ihatid kami sa Maynila. Abala pa iyon sa iyo.”

Umiling ito. “It is not a bother. Gusto kong matiyak na safe kayo ni Jeremy. Nang nakaraan sa isang murang hostel ka lang daw tumuloy. Ni ayaw mong tumuloy sa Brava Hotel...”

“Okay lang naman ako sa tinuluyan ko,” protesta agad niya.

“Ngayong kasama mo si Jeremy, dapat sa hotel na kayo tumuloy. Mas magiging komportable kayo doon. Nandoon din naman ako. I have business to attend to. Pero may mga taong mag-aasikaso sa inyo at ako rin ang makakasabay ninyo pabalik dito sa San Luis,” paliwanag nito sa kanya.

Mariing nagdikit ang labi ng dalaga. “May iba na kaming matutuluyan.”

“Saan?”

Bago pa siya nakasagot ay sinalubong na sila ni Jeremy kahit na malayo pa sila sa gate. “Ate Esmie, nandito si Kuya Aiden.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.