Nakita ni Esmeralda. ang pagkagimbal sa mukha ni Amadeus. “Nandito si Aiden?”
“Opo. Siya daw po ang maghahatid sa amin ni Ate sa Maynila at doon kami tutuloy sa condo niya,” sagot ni Jeremy.
Kasunod ng kapatid niya si Aiden. Tuloy-tuloy itong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya. “Hello. You are looking good.”
“Kumusta ang biyahe mo?” tanong niya sa lalaki pero tensiyonado siya dahil naramdaman niya ang negatibong enerhiya na nagmumula kay Amadeus sa tabi niya.
“I am great. Mahaba ang biyahe pero worth it naman ang view.” Tinapik nito sa balikat si Jeremy. “Halika na sa loob. Mag-empake ka na. May importante lang kaming pag-uusapan ng ate mo.”
Tinanguan niya ang lalaki at pumasok sila sa gate. Sa garden naka-set ang miryenda para sa lalaki dahil malamig sa ilalim ng puno ng acacia. Umupo agad si Amadeus sa tabi niya. Napilitang umupo si Aiden sa tapat niya.
“Hindi ka na sana nag-abala na pumunta dito. You are not needed here,” pagtatataboy ni Amadeus dito. “Saka hindi ba may iniwan akong trabaho sa iyo?”
“Hello to you, too, brother. The tan looks good on you.” Tinapik ni Aiden ang balikat ng nakatatandang kapatid na parang walang banta sa mga mata ni Amadeus. “Just like you, I have very capable staffs. Mas magaling pa nga si Lexie na i-handle ang trabaho kaysa sa akin. Hindi ko naman pwedeng pabayaan si Esmeralda. She is very important to me.”
“Ako na ang bahala sa kay Jeremy at Esmeralda. May kasunduan kami na lalayo na siya sa iyo,” anang si Amadeus sa mabigat na tinig.
“Yes, she left me because of your deal. Pero di naman kasama sa deal ninyo kapag ako ang lumapit sa kanya. I can’t stay away from her specially now. I am proposing to her again. I want to marry her again.”
Naglatang ang galit sa mukha ni Amadeus. “Marry her again? Nakuha mo na ang gusto mo...”
“You can have the money back. Kung gusto mo pati posisyon ko sa Brava Hotel ay bawiin mo na rin. I don’t need it anymore. Mas mahalaga ang kinabukasan ni Esmeralda at ng magiging anak niya. Make that our child,” usal ni Aiden.
“Anak? Buntis ka?” bulalas ni Amadeus at lumingon sa knaya. Di makagalaw si Esmeralda sa kinauupuan. Hindi rin niya alam kung paano sasagutin ang sinabi ni Aiden. Wala iyon sa usapan nila. Di naman nito sinabi sa kanya ang plano nito kung paanong itataboy si Amadeus.
Sa halip na sagutin ay binalingan siya ni Aiden at lumuhod sa harap niya. “Marry me, Esmeralda. I will be a good husband and a good father to your child. I will treat it as my own.”
“Hindi ikaw ang ama?” tanong ni Amadeus.
Nagkibit-balikat si Aiden. “It doesn’t matter. Parang di naman iba sa akin ang magiging anak ni Esmeralda. We are of the same blood after all.”
Parang sinabugan ng bomba si Amadeus nang makuha ang ibig sabihin ni Aiden. “Buntis si Esmeralda? Ako ang ama? Ipapaako mo kay Aiden ang anak ko?”
Kahit siya ay parang tinamaan din ng bomba sa deklarasyon ni Aiden. Parang napakasama namang babae niya. Wala siyang naihandang script sa kwento na binuo ni Aiden. Pero gusto niyang sakalin ang kaibigan nang mga oras na iyon. Di niya alam kung paano siya nito matutulungang itaboy si Amadeus.
“Why not, brother? I am the more responsible brothe. Handa akong pakasalan si Esmeralda. Why can you offer her? You have a different lifestyle. Jetsetting, different women every week, and Brava Hotels is your legal wife. Hindi mo kakayanin na magkaroon ng magkaroon ng pamilya. Can you imagine yourself as a father?” naghahamong tanong ni Aiden.
Namula sa galit si Amadeus. “Wala kang alam...”
“I know a lot.” Ngumisi si Aiden. “I am doing you a favor, brother. Ang pagkakatanda ko allergic ka lalo na sa mga babaeng gusto kang i-trap, nagpapanggap na buntis para lang masilo ka at pakasalan mo sila. Hindi mo kailangang maranasan iyon Esmeralda. Ako mismo ang maglalayo sa iyo sa kanya.”
“Shut up,” angil ni Amadeus at biglang tumayo. Akmang susugurin nito si Aiden kung hindi lang siya humarang.
“Amadeus, please. Huwag kayong mag-away dito,” awat niya.
“Mag-usap tayo.” Mabigat ang bagsak ng salita ni Amadeus. Matiim ang mga mata habang nakatitig sa kanya.
Nlingon niya si Aiden. “Mag-uusap lang kami. Doon ka lang sa loob.” At isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa labi nito. Na parang ito na ang nagwagi.
Tinalikuran siya ni Amadeus. Itinukod nito ang noo sa poste ng kubo. “Ganoon ba ako kasama na hindi mo sasabihin sa akin na magkakaanak tayo? Inuna mo pang sabihin kay Aiden.”
“Sa palagay ko hindi ka magiging interesado,” mahina niyang usal. Walang pagpipilian ang dalaga kundi sakyan ang kwento ni Aiden.
“You didn’t even try? Sa palagay mo ba wala akong karapatan sa magiging anak ko?”
Kinuyom niya ang palad. “Alam mo kung ano ang nangyari nang gabing iyon...”
“That night is irrelevant. Lagi tayong magkasama dito sa San Luis. And I thought we are already close. Na kung may ganitong pangyayari, sasabihin mo sa akin bago ka gumawa ng ibang hakbang. O sa palagay mo wala akong kwenta kaya wala akong karapatan na maging ama ng anak mo?”
Lumunok siya. “Tama naman si Aiden. Iba ang buhay mo.”
“At hanggang ngayon bulag ka pa rin para makita na handa kong baguhin ang buong buhay ko para sa iyo.” Lumuhod ito at ginagap ang kamay niya. “Marry me, Esmeralda. Gusto ko ng pagkakataon na maging ama ng anak mo at maging asawa mo. Yes, I don’t deserve the chance. What to you was unforgiveable. But I am trying my best to be a better person for you. And I will try some more.”
Kumabog ang didbib niya. Hindi ito ang inaasahan niya. Akala siguro ni Aiden ay tatanan siya ni Amadeus kapag sinabing buntis siya. Na matatakot ito sa responsibilidad. Mukhang pumalpak ang plano nila. Gusto nitong pakasalan siya pero hindi naman siya buntis.
“Amadeus, anong katiyakan ko na hindi mo na ako sasaktan?” tanong niya.
“I am haughty. At kasama niyon ay ang pera ko at estado ko sa buhay na ginamit ko para ipakitang malakas ako at di ako mapapaikot ng kahit sino. You can have everything under my name up to the last penny. Sa iyo na iyon kahit na wala kang itira sa akin.”