Chapter LTMWAH 44

“Sa palagay mo pakakasalan kita para sa pera...”

“No. Alam ko na kahit ako ang pinakamayamang tao sa mundo, hindi kita mapipilit na pakasalan ako. Hindi kita masisisi kung wala kang tiwala sa akin. You gave me something so beautiful but I ruined it. I don’t have a heart. I am cruel. Kung hindi mo makita ang kabutihan sa akin, hahayaan kitang magpakasal kay Aiden. Hahayaan na kitang maging masaya dahil alam ko na iyon lang ang paraan para hindi na kita masaktan.”

“Amadeus...” Pinakakawalan na siya nito. Si Amadeus, ang lalaking kahit kailan ay di pumapayag na matalo sa laban ay handa siyang isuko para sa sarili niyang kaligayahan.

Kitang-kita niya ang kalungkutan sa anyo nito. Animo’y isa itong talunang heneral ng digmaan. “Just do me favor. Give this to our child.” Inalis nito ang kuwintas sa leeg, ang kaparehong kuwintas na ibinigay nito sa kanya. “I want our child to have this. Hindi ko gawa-gawa lang nang sabihin ko na importante ito sa akin. At ibibigay ko ito sa babaeng importante sa akin.”

“Importante ako sa iyo?”

Tumango ito. “Noon pa. Kaya huwag mong isipin na inangkin kita dahil gusto ko lang maghiganti. No, it was not thropy sex. I took you because I want you. When I found out that I was your first man, I felt so blessed. I don’t think I deserve it.” Mariin siyang pumikit nang hinaplos nito ang pisngi niya. “Alam ko nang mga sandaling iyon na hindi na kita hahayaang bumalik pa kay Aiden.”

“Gusto mo talaga akong pakasalan?” tanong niya at dahan-dahan siyang dumilat.

Tumango ito. “Yes. I want to make things right.”

“Paano kung hindi ako buntis?” maingat niyang tanong.

“Kung ganoon, itutuloy ko ang panliligaw sa iyo.”

Kumunot ang noo ni Esmeralda. “Itutuloy ang panliligaw?”

“Hindi mo pa ba alam na nanliligaw ako sa iyo? Ano sa palagay mo ang ginagawa ko nagpapakahirap ako para lang mapalapit sa iyo? ‘Yung pamamalengke kasama mo, pagiging construction worker ko, pagiging tutor ni Jeremy... Lahat handa akong gawin para makita mo lang na hindi ako iba sa iyo. Na hindi tayo magkalayo ng mundo. Na kung hihingin mo sa akin na isuko ang lahat, kakayanin ko. Because I love you, Esmeralda.”

“Akala ko gusto mo lang akong paglaruan. Baka mahalin kita para mas makakadama ka ng kasiyahan kapag iniwan mo ako.”

Umiling ito. “Pati ang isuko ang pride ko para pagbigyan ka sa hiling ng kapatid mo? If you are just a part of the game, I won’t do that.”

“Hindi ba ibinigay mo lang naman ang pangarap niya na cut-flower farm dahil gusto mong ilayo ako sa kanya?”

Magaan itong tumawa. “Siyempre gusto kitang ilayo sa kanya. Paano kita masosolo kung ikakasal ka pa rin sa kanya?”

“Pero kinamumuhian mo ako. Binlackmail mo pa nga ako. Ipinahiya mo pa kami ni Aiden sa party nang sabihin mong mahal mo ako.”

“Wrong. That’s a true declaration of love. Nang bumalik ako sa Maynila galing sa San Luis, my company was in chaos. But I had to fix it. Gusto ko ring ihanda ka kung ihaharap na kita sa mga tao. I sent people to fetch you in San Luis. Gusto ko na handa tayong dalawa kapag humarap kay Aiden. But it was too late. Bumalik ka na sa Maynila at di mo na ako nahintay. Kaya wala akong choice kundi sabihin sa harap ng mga tao ang tungkol sa atin.”

“Mahal mo talaga ako?” paniniyak niya.

“Yes. Sa palagay ko nagsimula akong mahalin ka nang muntik mo na akong sapakin sa inis dahil nagpipilit akong lumuwas ng Maynila kahit na delikado. Hirap na hirap ako noon dahil gusto kong papaniwalain ang sarili ko na hindi ka karapat-dapat sa kapatid ko. You don’t really deserve my brother because I want you to be mine.”

“Hindi lang ako makapaniwala na mamahalin mo ang katulad ko. Iba ako sa mga babaeng nakaka-date mo dati.”

“Yes. You are different that’s why you captured my heart.” Sinapo nito ang pisngi niya. “Binago mo ako, Esmeralda. Binigyan mo ako ng puso para mahalin ka. At mahal kita kaya handa akong isuko ka kahit mahirap.”

“Hindi talaga ako buntis,” nanulas sa labi niya.

“Bakit..” Pero ito din ang nakasagot sa sarili nitong tanong at tumingin sa bahay. Nagtagis ang bagang nito. “Aiden!”

Nanlaki ang mata ni Esmeralda nang nagmartsa papasok ng bahay si Amadeus. Sinundan niya ito. Sa palagay niya ay malaking gulo ito. Ayaw nito sa lahat ay pinapaikot ito. Naabutan nila na masayang nakikipagkwentuhan si Aiden kay Luvelyn habang may hawak na juice. Tuloy-tuloy itong nilapitan ni Amadeus.

“Huwag mo siyang sasaktan!” utos niya sa lalaki nang di mahabol.

Pigil ni Esmeralda ang hininga nang magpang-abot ang dalawa. Pinag-krus agad ni Aiden ang braso sa harap ng mukha para protektahan sa paparating na suntok. Sa halip ay niyakap ito ni Amadeus. “Thank you, brother.”

Natawa si Aiden. “Ikaw lang kasi. Ang hina mo. Akala ko pa mandin ikaw dapat ang idol pagdating sa panliligaw sa babae.”

“It is not easy to admit it to the girl I love. Kailangang paghirapan,” katwiran naman ni Amadeus. Ginulo nito ang buhok ng kapatid. “I am sorry for being a rotten brother. Kinainggitan kita sa loob ng mahabang panahon. I think you are tainted because of your parents’ affair that caused my mother’s death. Pero mali pala iyon. I should have been a real brother to you. Dapat suportahan kita sa pangarap mo. Gaya ng pagsuporta mo sa akin ngayon kay Esmeralda.”

“No biggies. It is not too late for us.”

Nangilid ang luha sa mata ni Esmeralda. Ngayon lang niya nakita na magkasundo ang magkapatid. Napakasarap pagmasdan. Sa wakas ay natupad na rin ang isa sa mga pangarap ni Aiden.

“Esmie, nasabi mo na ba kay Kuya Amadeus na mahal mo siya?” tanong ni Aiden.

Iniwas niya ang tingin. “Hindi. Dahil manliligaw pa siya.”

Inakbayan siya ni Amadeus at kinintalan ng halik sa ibabaw ng ulo. “Handa kitang ligawan kahit na gaano katagal. Kahit na may mga anak at apo na tayo balang-araw.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.