“SO, WHAT CHANGED your mind upon talking to me now?” tanong kay Ariadne ni Fryth.
Kasalukuyan silang nasa school library para mag-usap. Kakausapin niya ito ngayon para hingin ang tulong nito sa art appreciation class nila—na nagpo-focus sa painting. Sa isang buong linggo ay alam niyang magaling ito sa art lalo na sa pagpipinta kaya nga puring-puri ito ni Monsieur Louffet—ang French art instructor nila.
“I...need your help. I hate art at alam kong napansin mo na ‘yon. If you could...help me...please?” aniya rito. Alam niyang hindi malinaw ang pagkakasabi niya niyon pero hindi pa siya humihingi ng tulong sa kahit na sinong kaklase niya kailanman. Ngayon lang—at sa mortal na kalaban pa niya sa klase.
I cannot flunk at art. Art lang ‘yon, aniya sa sarili.
“Sure,” agad namang sabi nito.
“Talaga?” nasisiyahang tanong niya rito. Mabilis naman pala itong kausap. Maybe he’s not such a bad guy, after all.
“On one condition.”
Or not. “ Ano naman ‘yon?” nakasimangot na tanong niya rito.
“Be friends with me, then I’ll help you anyway I can,” seryosong sabi nito sa kanya.
“Bakit ba gustong-gusto mo akong maging kaibigan?” seryoso ring tanong niya rito.
“Because...I want to. Hindi pa ba sapat na dahilan ‘yong ‘gusto ko’ lang?” anito.
“Not really. Hindi ako friendly and I’m sure alam mo na ‘yon. I don’t go to parties to socialize. Sa bahay lang ako lagi. So, kung magiging kaibigan mo ako, I will bore you to death,” paliwanag niya rito. Her hobbies are: reading books and trying to learn witchcraft.
“Well, at least, I’ll get to know you first before I die,” sabi naman nito. Kung hindi niya alam na pagkakaibigan lang ang gusto nito sa kanya, iisipin niyang gusto siya nitong i-date.
“Seriously? I don’t need a friend.”
“You do now. Come on, Aya. Bakit ba ayaw mong magkaro’n ng kaibigan? Bakit tinutulak mo palayo ang mga taong gustong mapalayo sa’yo?” tanong nito.
“Fine. Ayokong mapalapit sa mga tao dahil natatakot akong baka iwan din nila ako. You know what, I grew up without a father. I had a mother, pero hindi man lang niya ako magawang tingnan. Ni hindi man lang niya ako tinawag na ‘anak’ bago siya mamatay. The only family and friend I have is my lolo dahil sigurado akong hindi niya ako iiwan at pababayaan. I’m afraid that people will abandon me. That’s why,” paliwanag niya rito at ito ang unang taong pinagsabihan niya niyon.
“Well, don’t you think that’s the very reason kung bakit kailangan mong magkaroon ng kaibigan? Para hindi mo maramdaman na mag-isa ka lang, para hindi mo maramdaman na iniiwan ka ng mga tao. I don’t want to sound crude, pero hindi mo ba naisip na mawawala rin ang lolo mo na tanging ikinokonsidera mong hindi mang-iiwan sa’yo? I mean, all of us will die. But it’d be better to die with friends around you, with a companion. Hindi lang ikaw ang nawalan ng magulang, Ariadne. My parents died when we were twelve, car accident. Kaya as much as possible, gusto ko ng maraming kaibigan,” paliwanag naman nito sa kanya.
“Oh...I’m sorry about your parents,” sinserong sabi niya rito. Pero napaisip siya sa lahat ng sinabi nito.
“Yeah. Me too. I’m sorry about yours too. Look, Ariadne. I really want to be friends with you,” anito at sigurado siya na sinsero ito.
“Um, s-sure,” pagpayag niya.
“Great!” he beamed.
Pagkuwa’y inilahad nito sa kanya ang isang kamay nito para makipagkamay sa kanya. Nag-atubili man noong una ay tinanggap naman niya iyon. Somehow, the warmth coming from his hands reached through her heart. Maybe she really should have a friend like him. He’s not so bad.
“My friend, Aya,” nakangiting sabi nito sa kanya.
“My friend, Fryth,” sabi rin niya rito.
Two years later...
“AYA, I’VE BEEN LOOKING everywhere for you! Nandito ka lang pala.”
Mula sa librong binabasa ay nag-angat ng tingin si Ariadne sa binatang umupo sa tapat niya na siya lang tumatawag sa kanya ng “Aya”. Nasa library sila pero naiikot niya lang ang kanyang mga mata dahil kahit na siguro magsisisigaw pa doon ang lalaking ito’y walang sisita dito. He would just charm the librarian and all the students who are studying there.
“Bakit na naman?” nakataas ang isang kilay na tanong niya rito.
Recess time nila at mas pinili niyang magbasa sa library kaysa ang kumain sa school cafeteria dahil excited na siyang matapos ang librong binabasa niya. Hindi siya makapagbasa ng maayos sa loob ng classroom nila dahil masyadong maingay ang mga kaklase niya. Babawi na lang siya ng kain mamayang lunch break nila.
“I was going to treat you to snack. Bigla ka namang nawala sa classroom,” anito sa kanya.
Paano ba siya nito mapapansin gayong pinagkumpulan na agad ito ng kung sinu-sinong babae sa classroom nila hanggang sa makalabas ito roon. Simula yata ng pumasok ito sa eskwelahan nila’y ganoon na palagi ang nangyayari pero hindi pa rin siya nasasanay. Hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya na napakasikat ng best friend niyang ito.
Heck, Fryth Adams was their school’s number one heartthrob and Prince Charming. With his jet black hair, blue eyes, thin pink lips that looks so soft that had been every girls’ lips target, his towering height at eighteen, his toned body, his fashion and his husky voice, he could get away with anything and everything. He could charm even their teachers’ hearts to his favour. Even hers.
Fryth was her best friend. And yes, she was in love with her best friend. After two years ay mas lumalim pa ang pagkakaibigan nilang dalawa na hindi niya inasahan—too deep, actually. Who would have thought that the very guy who annoyed her on his first day in class would be her very own best friend? Ngunit isinumpa niya ang araw noong ni-‘level up’ nito ang ‘relasyon’ nila at inalok siya nito bilang maging matalik nitong kaibigan. Noon kasing nangyari iyon ay noon lang din niya nalaman na in love na pala siya rito. Pero nagkaroon din iyon ng malaking advantage sa kanya. Madalas silang magkasama at marami siyang alam dito na hindi alam ng ibang tao.
Ito ang naging escort niya noong sweet sixteen at eighteenth birthday niya. Ito ang nakasama niya noong payagan siya ng lolo niya na mag-tour sa Europe pati na rin si Wryth. Siya naman ang palaging kasama nito tuwing alas-dose ng gabi kapag sinasalubong nila ang birthday nito at ni Wryth. She was his confidante other than Wryth. He was kissing his girlfriends and telling her about it. Sa kanya lang nito iyon sinasabi at nakikinig siya sa mga iyon kahit na masakit sa puso niya. At naroon siya sa tabi nito ng una itong ma-heartbroken dahil kay Jona.
Marami rin kaming “moments”. Iyon nga lang, moments as friends, sabi pa niya sa sarili.
“O, bakit? Wala ka na namang recess date? Ano’ng nangyari kay Lyn?” kunot-noong tanong niya kay Fryth.
Ang ‘Lyn’ na tinutukoy niya’y ang nobya nito nang dalawang linggo na. Nagulat na lang siya ng malaman niyang nobya na pala nito ang babae. Hindi kasi ito kailanman nabanggit sa kanya ni Fryth. Isa pa’y kaibigan ito ni Jona kaya hindi niya inasahang papatulan nito ang babae.
“We broke up yesterday,” kaswal na sabi nito.
“Just another girl, huh? Kailan ka pa ba magse-seryoso, Fryth? Ang dami mo nang naging relasyon, puro palpak naman. And don’t even tell me that you’re still young kaya pwede ka pang hindi magseryoso sa mga relasyon mo. That’s a lame excuse. Every girl needs respect and genuine love. Kung hindi mo naman pala mahal ang isang babae, ‘wag mong ligawan,” sermon niya rito.
That did the record. Masyadong maaga ang sermon niyang iyon kay Fryth ngayon kaysa sa mga nakalipas na araw dahil tuwing uwian niya ito lagi nasesermunan.
“Ang puso ko. Sinaktan mo ang puso ko, Aya,” arte nito. Marahang hinampas niya ng librong hawak ang ulo nito. “You know my score on every girl I’ve been with,” sabi naman nito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. Kapag kasi inalok nito ng isang date ang isang babae, nag-a-assume agad ang babaeng iyon na “sila” na agad ni Fryth kahit hindi pa naman nanliligaw ang best friend niya. Karamihan sa naging girlfriend nito ay ganoon ang nangyayari. Isa pa lang ang nagiging seryosong girlfriend nito—si Jona—ngunit umalis ito papuntang States para doon mag-aral kaya nakipaghiwalay dito si Fryth. Kay Jona siya selos na selos dahil nakita niya kung gaano ito minahal at binigyang importansiya ni Fryth noong sophomores sila. Kaya nakahinga siya ng maluwag ng umalis ito sa bansa at maghiwalay ang dalawa.
Masamang pakinggan pero masarap naman sa pakiramdam niya iyon. “A person’s loss is another person’s treasure,” wika nga nila. Ganoon ang naramdaman niya ng maghiwalay sina Jona at Fryth noon. Pero hayun siya, dakilang best friend pa rin hanggang ngayon. Masakit sa puso pero kaya naman niya. Kaysa naman mawala sa kanya si Fryth, ayos lang sa kanyang maging best friend nito habambuhay.
“Fine, fine. Sorry,” hinging-paumanhin niya rito.
“Nah. It’s fine. Basta ikaw ang nagsasabi, okay lang sa’kin,” nakangiting sabi ni Fryth sa kanya.
Damn you and your smile, ngali-ngaling sabihin niya rito. Masokista nga yata siya dahil kahit na nasasaktan na siya nito’y ayaw pa rin niyang lumayo dahil kung nasaan si Fryth ay doon siya masaya.
“Aya, did you ever wonder about...us?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya.
Oh-my-gosh! What to say? What to say? nagpa-panic na tanong niya sa sarili. Napakabilis ng tibok ng puso niya at nanlalamig ang kanyang mga kamay.
“What do you mean ‘us’?” maang na tanong niya rito.
“You know, us together. Like Clover and Dean and Diane and Etienne. They’re friends turned into lovers,” anito sa kanya. Hindi siya makapag-isip ng maayos na sasabihin dahil sa nagra-riot na puso sa loob niya.
“Gusto mong magkagalit at maghiwalay din tayo?” tanong naman niya rito dahil ang apat na pangalang binanggit nito ay may kanya-kanya nang ibang karelasyon ngayon at hindi mga nagpapansinan hanggang ngayon.
“No. Iba naman tayo sa kanila. But answer my question first. Did you ever think of us being together?” muling tanong nito.
Hindi niya alam kung isa na naman ito sa pangti-trip nito sa kanya dahil may kakaibang kislap ang mga mata nito. Baka kapag sinabi niyang “oo” ay asarin siya nito. Hindi niya kayang mabuking kung hindi naman pala ito seryoso.
“If ever we’ll be together, riot ‘yon. Araw-araw tayong magbabangayan,” sabi na lang muna niya rito. She’s still weighing this conversation whether it’s serious or not.
“Eh, ano naman? Tayo ‘yon. Gano’n tayo eh. A little fight won’t hurt a relationship. Tingnan mo ngayon, kahit madalas naman tayong mag-debate, nagkakaayos pa rin tayo sa huli. Kasama naman sa isang relasyon ang pag-aawayan paminsan-minsan eh,” paliwanag pa nito sa kanya.
“Seryoso ka ba talaga dito? Did you think of us being together, then?” tanong naman niya rito.
“I don’t know. Maybe. I—“
“You never did. Come on, Fryth. We’re better off as friends. Hindi ko nakikita ang sarili kong ka-holding hands o kahalikan ka. Gross! Yuck! Eww!” sunud-sunod na sabi niya rito kahit na nasaktan siya sa tinuran nito.
He never did think about the two of them being together. Baka naisip lang nitong kapag siya ang naging girlfriend nito ay magtatagal silang dalawa dahil kilala na nila ang isa’t isa. He’s just afraid to have his heartbroken again. He just wants to be safe and secured. Besides, she’s the only constant girl in his life.
I don’t want to be Miss Constant Girl. I wanted to be his Only Girl.
“You don’t want a piece of me? I’m the best kisser in town, you know,” nanunuksong sabi pa nito sa kanya. Doon niya nakumpirma na hindi ito seryoso sa usaping iyon.
Tinampal niya ito sa noo. “I don’t want your lips on mine. Yuck ka!” kunwa’y nandidiring sabi niya rito.
Sa gulat niya’y bigla na lang siya nitong dinukwang. Napasinghap siya sa ginawa nito. Bahagya siyang lumayo rito pero hinawakan nito ang sandalan ng uupuan niya para hindi siya makaisod paurong dito. His nose almost touched hers. Ilang hibla na lang ang layo ng mga labi nila sa isa’t isa. His beautiful blue eyes bore on hers.
“Someday, you’re gonna beg for me to kiss you,” anito sa malamyos na tinig. Pagkuwa’y naramdaman niyang dinampian nito ng halik ang kanyang noo. Muli itong bumalik sa kinauupuan at nakangising tumingin sa kanya. Pakiramdam niya ay may bulkan na sumabog sa loob niya. Hindi na siya magtataka kung tutuksin siya nito na mapula ang mukha niya dahil mainit ang pakiramdam niya doon ngayon.
Damn him!
“As if!” inis na sabi niya rito saka niya ibinato rito ang librong binabasa niya kanina.
Nasapol ito sa noo at napasinghap siya ng may bumakat na isang linya sa noo nito. Pagkuwa’y sumubsob ang mukha nito sa mesang nasa harapan nila. Narinig niya ang ilang pagsinghap sa paligid nila at napangiwi siya. Nakalimutan niyang hardbound nga pala ang cover ng librong binabasa niya. Agad siyang napatayo mula sa kinauupuan niya at tiningnan ang lagay nito.
“Oh my god! Fryth! I’m sorry,” agad na sabi niya rito.
Siguradong detention ako mamaya, aniya sa sarili. Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon. Si Fryth ang mahalaga ngayon. Tinampal-tampal niya ang magkabilang pisngi nito para gisingin ito. Binaha ng takot ang dibdib niya ng hindi pa rin ito gumalaw.
“What happened?” tanong sa kanila ng librarian nila. Itinuro niya rito ang librong ibinato niya kanina kay Fryth.
“Naibato ko po sa kanya. I’m sorry. I didn’t mean to do it. Nag-aasaran lang po kami,” paliwanag niya rito. Pinukol siya nito ng masamang tingin.
“Let’s bring him to the clinic. Baka may concussion siya,” anito sa kanya pagkuwa’y nagtawag ito ng dalawang lalaking maaaring tumulong sa kanila sa pagdadala kay Fryth sa clinic.
Pinagtulungan ng dalawang lalaki na schoolmates nila si Fryth patungo sa clinic at agad naman siyang sumunod sa mga ito. Nang ibaba ng mga ito si Fryth sa hospital bed na naroon ay umupo siya sa tabi nito habang hinihintay ang doctor. Naiiyak na siya dahil guilty siya at natatakot para kay Fryth.
“Fryth, I’m so sorry,” naiiyak na sabi niya rito. Sinapo niya ang isa nitong pisngi at hinimas iyon. Pagkuwa’y nakita niya itong ngumiti. “Fryth? Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya rito. Tumawa naman ito saka nagmulat ng mga mata.
“I can’t believe you fell for that,” natatawang sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya rito.
“You...You!” inis na sigaw niya rito saka niya ito sinampal. “Gago ka talaga!”
“Ouch! Hindi ka na nasanay sa’kin,” sabi naman nito sa kanya.
“I hate you!” sigaw niya rito. Lumayo siya rito at tinalikuran niya ito.
“But I love you!” pahabol na sabi pa nito sa kanya.
“Talk to my hand!”