Chapter 36

“ANO’NG GINAGAWA mo dito?” mataray na tanong ni Ariadne kay Fryth nang makita niya itong nakaupo sa tabing upuan ng kanya. Kararating lang niya at obviously, maaga ito ngayon. Dahil bago na ang homeroom teacher nila ay ginawa nitong alphabetically arranged ang mga upuan nila. Kaya sa unahan nakaupo si Fryth dahil

“Adams” ito at sa likuran naman siya dahil “Tatlonghari” siya.

“Teacher Rica allowed me to sit beside you,” nakangiting sagot nito sa kanya. Of course, his their homeroom teacher’s favorite student. Pagkuwa’y may inilabas itong isang tangkay ng pink carnation—ang paborito niyang bulaklak. “I’m sorry about what happened yesterday,” hinging-paumanhin nito sa kanya.

“Okay. You’re forgiven. Bumalik ka na sa upuan mo,” aniya rito.

Kakausapin naman na talaga niya ito ng araw na iyon. Lalo na’t nakatanggap siya ng admission letter sa Yale University kung saan siya kukuha ng Business Management. Alumnus doon ang Lolo Ynocencio niya maging ang kanyang ina kaya doon din siya gustong pag-aralin ng lolo niya. Kaya masayang-masaya siya ng mabasa niya kanina ang acceptance letter ng Yale. Kasabay niyang magpasa ng application doon ang kambal kaya sigurado siyang makakasama niya ang dalawa doon. Pare-pareho din sila ng balak na kuning kurso.

“You’re still mad at me,” anitong nag-puppy eyes pa sa kanya. Naiikot lang niya ang kanyang mga mata sa inakto nito. Pero ang puso niya’y kumabog na agad ng mabilis dahil sa ginawa nito. Damn, he looked so irresistible.

“Hindi naman ako galit sa’yo. Nainis lang ako kahapon. Don’t ever do that again,” mariing sabi niya rito. Sumaludo naman ito agad sa kanya. Nang hindi ito umalis sa kinauupuan nito’y tinaasan niya ito ng kilay. “Fryth, magsisimula na ang klase. Go back to your seat,” utos niya rito.

“I’m allowed to sit here,” katwiran naman nito. Hinayaan na lang niya ito. Kinuha na niya ang notebook niya at ang ginawa niyang research paper tungkol sa European politics na siyang topic nila sa World History ngayon. Nang walang inilabas na research paper si Fryth ay sinita niya ito. “Where’s yours?”

Itinuro nito si Teacher Rica. “I got an A plus and so did Wryth. Mas kompleto pa daw ang papers namin kaysa sa notes niya,” nakangising sabi nito sa kanya.

Kaya rin siguro ito pinagbigyan ng kanilang guro na tumabi sa kanya ngayon. Tinanguan na lang niya ito. Nasanay na rin siyang madalas siya nitong maungusan sa klase. Hindi na niya ito kinausap pa dahil nakinig na siya sa kanilang discussion pero ramdam niya ang tingin nito sa kanya.

“So, I heard you got accepted in Yale,” narinig niyang sabi ni Fryth. Nakangiti siyang bumaling dito. Excited siyang ikwento rito ang tungkol doon pero nagtaka siya kung paano nito nalaman agad iyon. “Lolo Yno,” anito na tila nabasa ang tanong sa isipan niya.

“Oh my god! I’m so happy and excited. Can you believe it? I’m gonna go to Yale,” mahinang sabi niya rito pero nasa boses pa rin niya ang kasiyahan at excitement.

“I’m so happy for you. Kami rin ni Wryth nakatanggap ng acceptance letter kanina,” anito pero mukhang hindi naman ito masaya.

“What’s wrong?” nag-aalalang tanong niya rito.

“I also got accepted in SOFA,” anito. It means School of Fine Arts in Paris. Gusto kasing maging pintor ni Fryth pero inaasahan ito ng Lolo Bryan nitong kumuha ng Management course dahil ito at si Wryth ang magmamana ng car dealership company ng mga ito.

“At mas gusto mo do’n,” hindi na niya ito tinanong dahil alam na niya na iyon talaga ang gusto nito. “Kausapin mo si Lolo Brye. I’m sure maiintindihan naman niya. Mahal na mahal ka no’n eh.”

Pagkuwa’y sumulyap siya kay Teacher Rica na tuloy pa rin ang pagtuturo ngayon. Ayaw niyang malaman nitong nagdadaldalan sila ni Fryth dahil baka ipadala sila nito sa detention room kapag nagkataon.

“Pero hindi kita makakasama do’n,” tila malungkot na sabi nito. Na-touched naman siya roon. Hindi rin niya ma-imagine ang magiging college life niya kung wala ito sa tabi niya. Pero kung saan ito masaya ay susuportahan niya ito.

“Eh, ‘di bibisitahin ka namin ni Wryth tuwing summer doon. Besides, we all love Paris, right?” aniya nang muli niya itong tingnan.

“It won’t ever be the same without you. Pinag-iisipan ko pa rin kung alin ang pipiliin ko,” seryosong sabi nito.

“It won’t ever be the same without you too,” nakangiting sabi niya rito pero parang gusto na niyang umiyak ng mga oras na iyon. Nasanay na siyang palagi niyang kasama si Fryth. In fact, ito ang dahilan kung bakit naging malapit din siya sa ibang kaklase nila. “Choose the one who’ll make you the happiest, it’ll gonna be the best for you,” pagkuwa’y sabi niya rito.

“Eh, ‘di ikaw pala ang best for me?”

“Huh?” kunot-noong tanong niya rito.

“You always make me happy. Therefore, you’re the best for me,” nakangising sabi nito sa kanya. Inirapan niya ito dahil alam niyang nangti-trip na naman ito ngayon. Saka niya ibinalik ang tingin kay Teacher Rica. Hindi na talaga maiaalis sa nature nito ang mang-trip sa ibang tao lalo na sa kanya kahit na pa siya ang best friend nito. “How do you see yourself ten years from now?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya.

“Married to my soul mate and one true love—“

“Ah, to me, then.”

She literally felt her heart skipped a beat when he said that. Hindi siya makabaling dito dahil pakiramdam niya’y nanigas ang buong katawan niya mula sa kanyang kinauupuan. When she finally mustered the courage to face him, she saw him looking straight at her.

“Bakit naman sa tingin mo’y ikaw ang sinasabi ko?” tanong niya rito.

“Because that’s what I see myself ten years from now too. Married to my soul mate and one true love. And you know what? Your face kept on popping inside my head whenever I think of that. So, whichever university I choose and whatever path I’d take, will you wait for me, then?” tanong nito sa kanya.

She was dumbfounded. May gusto rin ba ito sa kanya kaya nito naiisip ang ganoon? Hindi pa niya naiisip ang kanyang sarili na kasama ito ten years from now dahil mas importante sa kanya ang present pero ito...

Could it be that he likes me too?

Pero katulad ng katwiran niya noon. Baka isa na naman ito sa mga trip ni Fryth. Kaya hindi pa rin siya dapat maging transparent dito.

“Ha-ha! Funny, Fryth. Maghanap ka na lang nga ng bagong girlfriend para hindi mo sa’kin pina-practice ang mga pick-up lines mo,” pairap na sabi niya rito. Sa gulat niya’y hinawakan pa ni Fryth ang kanyang kamay. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.

“I’m serious,” anito.

Don’t let me have false hope. Damn you!

“All right, this should stop now. Fryth Adams, I don’t want to play trip-for-Fryth with you anymore!” sigaw niya rito. Wala siyang pakialam kung narinig iyon ng buong klase nila. Binabawi niya ang kamay niya kay Fryth pero mas humigpit pa ang hawak nito roon.

“Ten years from now, I’ll marry you, Ariadne. That’s a promise,” pagkuwa’y sabi nito sa kanya. Hindi niya mawari kung seryoso ba ito o hindi dahil hindi niya mabasa ang emosyon ng mga mata nito. Siguro ay dahil mas iniintindi niya ang tibok ng kanyang puso.

Ano ka ba, Ariadne? Hayan na o, your most coveted wish. He likes you. Iyon lang ang dahilan kaya siya ganyan ngayon. Go grab it! anang isang bahagi ng isipan niya.

He’s just playing with you. Umaarte lang siya para asarin siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamadman mo kaya ganyan siya sa’yo, sabi naman ng isa pa.

“Whoa!” sigaw naman ng ilang kaklase nila dahil sa sinabi ni Fryth.

“Dude, Lyn’s gonna cut your balls off later,” sigaw naman ng isa. Doon siya tila natauhan. Hinanap ng kanyang mga mata si Lyn at nakita niya itong nakatingin sa kanya—inis, galit, inggit. Iyon ang nabasa niyang emosyon ng mga mata nito.

Inggit? Hindi nito alam na dito siya naiinggit dahil malaya itong maiparamdam at masabi kay Fryth na mahal nito ang lalaki. Samantalang siya, kailangan niya munang isaalang-alang ang kanilang pagkakaibigan.

“Besides, I know you like me too. I can feel it,” dagdag pa ni Fryth. Hindi siya makapaniwalang tumingin dito. “I accidentally saw your notebook with a note written about me. The one in your room. It says that you love me,” pag-amin nito sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya. Diary niya ang sinasabi nito! Doon lang naman niya isinusulat ang ‘pag-ibig’ niya rito.

That’s it! He’s just going sweet-mouth with me because he knows I like him. Damn you, Fryth! And damn that diary!

Ipiniglas niya ang kanyang kamay na hawak ni Fryth. “Hindi mo alam kung gaano mo ako nasasaktan dahil sa mga sinasabi mo, Fryth,” pabulong na sabi niya rito. Pagkuwa’y walang sabi-sabing lumabas siya ng kanilang classroom at dumiretso sa pinakamalapit na CR doon. Doon ay pilit niyang kinalma ang kanyang puso at nag-isip siya ng maayos.

Kung ang puso lang niya ang kanyang pakikinggan, maniniwala agad siya sa mga sinasabi ni Fryth. Pero wala naman iyong kasiguraduhan.

Argh! I hate you, Fryth Adams! Damn my heart for even loving you.

NAGULAT SI ARIADNE nang madatnan niya sa kanilang bahay si Fryth kausap ang Lolo Ynocencio niya at may dala pa itong bungkos ng mga pink carnations. Hindi niya ito binigyang pansin buong araw pagkatapos ng first period nila. Hanggang maaari ay iiwasan muna niya ito hanggang hindi pa maayos ang pakiramdam niya tungkol sa ‘kanila’.

Humalik siya sa pisngi ng lolo niya bilang pagbati dito pagkuwa’y nagpaalam siya ritong pupunta na sa kwarto niya ngunit pinigilan siya nito.

“Mag-usap muna kayo ni Fryth. Nagpapahanda na ako ng hapunan natin. Maiwan ko muna kayo,” nakangiting sabi ng lolo niya sa kanila.

“No, lolo. I don’t want to talk to him right now,” aniya rito. Nginitian lang siya nito at hinalikan sa kanyang noo.

Mahal na mahal niya ang lolo niya. Ito na lang ang natitira niyang kapamilya maliban kay Madame Delfi na kaibigan nito at paminsan-minsang dumadalaw sa bahay nila.

Kung wala ang lolo niya para alagaan siya ay baka nagrebelde na siya dahil noong nabubuhay pa ang kanyang ina ay hindi man lang siya nito magawang tingnan. Pinunan ng Lolo Ynocencio niya ang pagmamahal ng kanyang mga magulang.

Hindi niya alam kung ano ang ginawa niyang mali sa mama niya pero may hula siya na hindi nito nagustuhan ang pagsilang sa kanya—o ang kanyang ama. Hindi niya kilala ang kanyang ama at ganoon din daw ang lolo niya kaya hindi nito masabi sa kanya ang kinaroroonan nito. Noong magkaisip siya ay abala sa pagtatrabaho sa Mirage—ang perfume company nila—kaya hindi siya nito naalagaan. Pero may pakiwari siya na hindi talaga siya nito gustong alagaan. Pumanaw ang kanyang ina noong sampung taong gulang siya na hindi man lang siya nayayakap o natatawag na “anak”. Masakit at mahirap sa kanya ang mamuhay ng walang pagmamahal ng ina o ng kanyang ama pero kinaya niya dahil sa presensiya at pagmamahal ng lolo niya.

Kung gagawin nito para sa kanya ang lahat para sumaya lang siya, ganoon din ang gagawin niya rito. Utang niya ang buhay niya rito at kung anuman ang mayroon siya.

Kaya lahat ng utos nito ay sinusunod niya.

“You two love each other so much to even be mad with one another. Ayusin n’yo kung ano ang problema n’yong dalawa,” bilin ng lolo niya sa kanila ni Fryth bago sila nito iwan doon.

“Hi, Aya!” masiglang bati sa kanya ni Fryth.

“What do you want? Ayaw kitang makausap ngayon at alam mo kung bakit. Those flowers won’t even suffice my madness,” mataray na sabi niya rito.

“I’m not sorry about how I acted, Aya. I won’t take those words back because it’s true,” anito pagkuwa’y inabot pa rin nito sa kanya ang mga bulaklak na hawak nito. Ngunit hindi niya iyon tinanggap. “Look, I like you—“

“Oh, jeez! Really? ‘Ayan ka na naman. Kaya nga ayaw muna kitang kausapin ngayon dahil d’yan. Tumigil ka na, Fryth. Hindi na nakakatuwa. Just leave me alone for days. Kapag hindi ka pa rin tumigil at kapag inulit mo pa ‘yan, hinding-hindi na talaga kita papansin kahit kailan,” banta niya rito.

Nagkibit-balikat ito sa kanya. “Believe it or not, I really like you. And I’m just gonna prove it to you,” anito. Ngunit hindi pa rin siya naniwala dito. Malakas ang pakiramdam niya na sinasabi lang nito iyon dahil alam nitong may gusto siya rito.

“Let’s end this issue right now, Fryth. We’re just best friends. No more, no less. Kung ayaw mo nang maging mag-best friend tayo, ‘wag ka nang lumapit sa’kin kahit kailan. And stop playing with me!” mariing sabi niya rito.

Gusto na rin niyang imulat ang kanyang mga mata na hindi sila maaaring “maging” nito. Ayaw na niyang paasahin ang sarili niya dahil alam naman niya noong una pa lang na hanggang pagiging magkaibigan lang silang dalawa.

“Hindi kita pinaglalaruan, Ariadne. I won’t ever do that to you,” anito.

“Oh, really? Kung hindi mo ako pinaglalaruan, hindi ka magsasalita ng ganyan sa’kin ngayon,” aniya rito.

“But I’m telling you the truth,” giit nito sa kanya.

“No. Sinasabi mo lang na gusto mo ako dahil nabasa mo sa diary ko na mahal kita. Damn you! You’re not supposed to read that!” inis na sigaw niya rito. Hindi ito ang ini-imagine niyang sitwasyon kapag nalaman nito ang tungkol sa nararamdaman niya para dito.

“I’m sorry for reading your diary. But I want you to know that I liked you even before I found out about that. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya no’ng nabasa ko ang note na ‘yon sa diary mo. We never should’ve been best friends. I never should’ve—“

“Right. We never should’ve been best friends,” aniya ritong may pait sa tinig. Hindi siya makapaniwala na sinabi nito iyon sa harapan niya ngayon. Pakiramdam niya’y hawak nito ang puso niya ngayon at sinasaksak nito iyon.

“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Would you let me finish first?” anito.

“No. From now on—“

“Hindi na tayo best friends. Naniniwala ako na magandang foundation ang friendship para sa isang relasyon pero mahirap din palang tawirin ang Friendship lane to Lover’s lane. One thing’s for sure, this is gonna be worth it. I like you, Ariadne. And I’m not gonna waver my feelings just because you don’t believe it yet. I’ll make you believe. Hindi ko ito sinasabi dahil alam ko ang feelings mo para sa’kin. Sinasabi ko ito dahil ito ang nararamdaman ko. Tama si Wryth at si Lolo Bryan. I should’ve been clear about my intentions on you the very first time I saw you. Truth is, I never want you to be my best friend. I want you to be my girl friend. Pero natorpe ako sa’yo no’ng in-approach kita noon. Ikaw lang ang babaeng kinatatakutan ko. But I’ve realized that it’s because I don’t want to commit mistakes in front of you, because I want to impress you. We can’t change the past but we could just move on forward to the future. And I’m looking forward to my future with you, Aya,” ani Fryth sa kanya.

And yes again, she was dumbfounded and dazed by all he said.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.