Chapter 37

“NAALALA MO BA ‘yong ikinwento ni Mr. Borja sa Spanish class natin kanina?” tanong kay Ariadne ni Fryth.

Kasalukuyan silang gumagawa ng fairy costume niya—para sa gaganaping Halloween party sa kanilang school sa Sabado—sa bahay nila. Kagagaling lang nila sa school at nagprisinta itong tulungan siya sa paggawa ng kanyang costume. She’s going as Tinker Bell and Fryth as Peter Pan. Tapos na raw ang costume nito at ni Wryth—na magiging Captain Hook naman. Sawang-sawa na daw siyang makita ng kanyang mga kaklase na naka-witch costume kaya nag-fairy naman siya ngayon.

She had this huge liking on witchcraft. Kaya malapit siya kay Madame Delfi—ang kaibigan ng lolo niya—na isang fortune teller at ‘white witch’ daw. She’s born as a clairvoyant. At iyon ang hindi nito maaaring ituro sa kanya.

Naglalagay siya ng glitter sa fairy wings niya samantalang nagdidikit naman si Fryth ng green gems sa damit niya gamit ang mighty bond. Mamaya ay may class dinner silang napag-usapan sa isang Italian restaurant sa Makati kaya minabuti na rin ni Fryth na umaga sa bahay nila at sabay na silang pupunta doon.

“His love story?” aniya rito. Napangiti siya sa isiping iyon.

Anniversary kasi ngayon nina Mr. Borja at ng asawa nito kaya mukhang first time ulit na in love ng teacher nila. Sa buong durasyon ng Spanish class nila ay wala silang ibang ginawa kundi ang makinig sa kwento nito tungkol sa love story nito at ng asawa nito. Mr. Borja said his wife doesn’t love him at first but he still pursued her. Hanggang sa napasagot nga nito ang asawa nito.

“Yup. Gusto kong gayahin ‘yong naging technique niya. Although, mine’s surely better,” ani Fryth.

“Conceited ka talaga,” sabi naman niya rito. Hindi naman na nito kailangang magpakahirap masyado para patunayan ang sarili sa kanya dahil mahal na niya ito. Pagkatapos ng naging komprontasyon nila noon ay napagkasunduan nilang magiging ‘tahimik’ muna ang panliligaw at pagde-date nilang dalawa. Ayaw kasi niyang ulanin ng tukso ng kanilang mga kaklase at kaibigan. Pumayag naman ito.

Ah, I never thought we could be like this, masayang sabi niya sa sarili. Hindi niya inasahan na magiging ganito sila ni Fryth. She hoped they would, she dreamed they would, but she never thought it could really happen.

“Give me your hand,” pagkuwa’y sabi nito sa kanya.

“Bakit?” kunot-noong tanong niya rito. May glitter dust pa kasi ang kamay niya.

“Basta,” sabi lang naman nito. Nang iabot niya ang kaliwang kamay niya rito’y agad nito iyong hinawakan ng mahigpit. Pero nanlaki ang mga mata niya ng maramdamang may glue ang kamay nito.

“What the hell?” sigaw niya rito. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay niya rito pero nakadikit na iyon sa kamay nito. Mighty bond nga pala ang gamit nito. At kaya pala agad nitong hinigpitan ang kapit sa kamay niya kanina.

“Now, I’m stuck to you like glue,” nakangising sabi sa kanya ni Fryth.

“He didn’t mean it literally,” aniya rito na ang tinutukoy ay ang ‘stick to her like glue’ tactic ni Mr. Borja na ginamit daw nito sa asawa nito.

“I told you mine’s gonna be better.”

“Oo na! Tanggalin na natin ‘to,” aniya rito.

“Mamaya na. Ipakita natin sa kanila.”

“Fryth...” aniya sa nagpapaalalang tinig.

“Fine, fine,” anito saka siya hinila patungo sa kanilang kusina.

Dumiretso sila sa pinakamalapit na sink doon at binuksan nito ang gripo. Itinapat nito ang naka-glue nilang kamay sa rumaragasang tubig para matanggal ang pagkakadikit ng mga iyon. They rubbed their glued hands but it made them laugh hard because it tickled their palms.

“Don’t you wanna be glued to me forever?” pagkuwa’y tanong sa kanya ni Fryth.

“I don’t actually mind. Pero hindi ka na makakapag-paint. Right-handed ka pa naman,” aniya rito. Nang maramdaman niya ang mainit nitong tingin sa knaya ay bumaling siya rito. Nahuli niya itong titig na titig sa kanya habang malawak ang ngiti. “Bakit?” maang na tanong pa niya rito.

“You just said one of the things I wanna hear most. That you don’t actually mind being glued to me forever. Hay, ang saya,” masayang sabi nito sa kanya.

“Ano naman ang ‘pinaka’ gusto mong marinig?” tanong naman niya rito.

“’I love you’,” agad na turan nito.

“Ha-ha! Smooth, Fryth. Smooth,” naiiling na sabi niya rito kahit na ang totoo’y kinikilig siya. Walang anu-anong hinalikan na lang nito ang noo niya.

Nagulat siya sa ginawa nito. Iyon ang unang beses na hinalikan siya nito sa kanyang noo. Minsan kasi ay hinahalikan siya nito sa pisngi pero bilang pagbati lang iyon at alam naman niyang ang mga halik sa pisngi ay “friendly kiss” lang. Ang sabi nila, kapag daw hinalikan ka ng isang lalaki sa noo, ibig sabihin daw niyon ay iginagalang ka nito at mahalaga ka dito.

Her heart suddenly warmed up because of that thought. Kaya hinalikan naman niya si Fryth sa baba nito dahil ma sabot niya iyon kaysa sa noo nito. Nakita rin niya ang pagkagulat sa mukha nito. Nginisihan naman niya ito. Kailangan na siguro nilang masanay na maging “touchy” sa isa’t isa ngayon.

“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng isang halik sa baba?” tanong nito sa kanya.

“No, but I bet it’s good. Katulad ng halik sa noo. I mean, every kiss is good, right?” aniya rito.

“It’s meant to be a come on, you know,” anito.

“Oh,” nasambit niya. “Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin. I’m s—“

Mabilis siya nitong hinalikan sa kanyang mga labi bago pa man niya maituloy ang paghingi niya ng paumanhin dito. “You can kiss me anytime you want. And don’t feel sorry about it. Ever,” anito sa kanya. Tinanguan niya ito.

Pero mas binigyang-pansin niya ang mabilis at eratikong pagtibok ng kanyang puso. Everything that had happened this past few days were all so surreal for her. And now, Fryth just kissed her!

“Okay ka lang?”

Tumango siya rito.

“Sure ka?”

Tumango ulit siya rito.

“What’s wrong?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.

“You just...kissed me. Nagulat lang ako,” aniya rito.

“Nililigawan na kita ngayon. Masanay ka na,” nakangiting sabi nito sa kanya.

“Parang hindi ka naman nanliligaw sa’kin eh. Parang tayo pa rin ‘to plus the holding hands and kissing and dates and a much higher level of relationship status that’s better than friendship. It’s still us,” aniya rito.

“It’s still us. A more definite ‘us’.”

“At ang ‘us’ na ‘yan ay dadaan sa mga pagsubok,” bungad sa kanila ng boses ni Madame Delfi. Nang lingunin nila ito ni Fryth ay nakita nilang may kasama itong binatilyo. “Love is a battlefield. It’s actually unfair. Kaya n’yo na bang isugal ang pagkakaibigan n’yo sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan kung hanggang kailan tatagal?” sabi pa nito sa kanila habang pinapaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Fryth. Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito.

May nakita ba ito sa “future” nila ni Fryth?

“Of course, Madame D. If our friendship is strong, our love would be stronger,” confident na sagot dito ni Fryth. Mataman naman siyang tiningnan ni Madame Delfi.

Dapat ang sagot niya ay katulad ng sagot ni Fryth. Siguradong-sigurado din dapat siya katulad ng sagot nito pero bigla siyang napaisip sa mga sinabi ni Madame Delfi.

Ngayon lang niya naisip ang “risks” para sa kanila ni Fryth at nagkaroon agad ng mga “what ifs” sa isipan niya. Noon ay inisip niya ang “risks” kapag nalaman ni Fryth na may gusto siya rito. Pero nang dumating na ang panahon na kailangan naman niyang mag-isip ng “risks” para sa maaaring maging relasyon nila ay hindi na siya nakapag-isip pa ng maayos.

What mattered most was him. The two of them.

“Ready na po kami,” aniya kay Madame Delfi pero ang totoo ay hindi. Medyo mabilis nga ang pangyayari para sa kanya at ngayon lang niya napagtuunan ng pansin ang mga ganoong klase ng bagay.

Is she ready to risk their friendship? What if, hindi tumagal ang relasyon nila ni Fryth? Paano kung magkagalit at magkalayo silang dalawa? Mawawala sa kanya si Fryth. Friends can be lovers, but lovers cannot be friends anymore. Kaya ba niyang i-risk na mawala si Fryth?

Oh, god. What if I’ll lose him?

Jeez, Ariadne! Dapat ang iniisip mo ngayon ay ang pagmamahal mo sa kanya at mga bagay na makakapagpatibay ng relasyon n’yo. You should trust each other, your relationship more. Nagsisimula pa lang nga kayong pumasok sa next level, nagpapaka-nega ka na. Paano na kapag may matindi pang pagsubok ang dumating sa inyo? Give up ka agad? Hindi dapat ganyan. Learn to trust each other. You’ve been friends for a long time now. Use that, anang isang bahagi ng isipan niya.

Tama ito. Hindi dapat siya maging “nega” ngayon. She clutched Fryth’s hand—the glued one—tightly and he squeezed back. With this guy, she should do the risk. He’s going to be worth it. Besides, matagal na rin naman niyang inasam na ‘mahalin’ din siya nito. Heto na iyon, hindi niya dapat pakawalan ang chance na ito ngayon dahil lang natatakot siya.

“Sino nga pala siya, Madame Delfi?” curious na tanong niya tungkol sa kasama nitong binatilyo.

“Oh, this is Doug. Anak ng pamangkin ko. Paalala lang, hindi ako ang lola niya,” anito na ikinatawa nilang tatlo maliban kay Fryth na bigla na lang naging tahimik sa tabi niya.

“Hi, Doug!” nakangiting bati niya sa binatilyo. “I’m Ariadne and this is Fryth,” pakilala niya rito sa kanilang dalawa ni Fryth.

“Yeah. Kilala kita. Matagal ka nang ikinikwento sa’kin ni Madame Delfi. You’re really beautiful,” diretsong sabi nito sa kanya dahilan para mag-init ang magkabila niyang pisngi. Ito pa lang ang unang lalaking pumuri sa hitsura niya sa kanilang unang pagkikita.

Fryth held her hand tightly yet it was gentle too. “Yes. She’s very beautiful indeed. And she’s mine,” matigas na sabi nito kay Doug, marking his territory. Kinilig na naman siya sa inakto nito.

Naalala niya ang isang quote mula sa isang librong nabasa niya, “jealousy comes with territory”.

“Oh, really? Kayo na ba?” nanunubok na tanong ni Doug dito. That ticked Fryth off. Naramdaman niya ang paninigas nito.

“Okay. So much for introductions. Fryth, our hands,” paalala na lang niya kay Fryth para matapos na iyon. Ngunit nakipaglaban pa ito ng tingin kay Doug.

“Oh, young love, young love. So fragile, innocent yet intense and tempting. Halika na, Doug. Baka nand’yan na si Yno,” yakag naman ni Madame Delfi kay Doug paalis doon pero bumaling itong muli sa kanila. “Kukunin kasi siyang protégée ng lolo mo,” anito.

“Ah, talaga po? Good. Nice meeting you, Doug,” sabi naman niya kay Doug.

“The pleasure’s mine,” nakangiting sabi nito sa kanya. Pagkuwa’y umalis na rin doon ang mag-lola. Mas naramdaman naman niay ang paninigas ni Fryth sa tabi niya.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya rito.

“Yeah. I just don’t want you near him,” anito sa kanya.

“Okay. Whatever makes you happy,” aniya rito. That seemed to ease him up. Lumambot na ang ekspresyon ng mukha nito. Muli ay hinalikan siya nito sa noo bago sila muling bumalik sa pagtatanggal ng mighty bond sa kanilang kamay.

Whatever happens, kakayanin nila iyon ni Fryth. Together.

“SO, YOU AND FRYTH, kayo na ba?”

Binalingan agad ni Ariadne si Lyn. Nang magpaalam siya kanina kina Fryth at sa kanilang mga kaklase na magsi-CR siya ay inaasahan na niyang susunod sa kanya si Lyn. Kanina pa kasi niya napapansin ang mga pailalim nitong tingin sa kanya. Dapat pala ay matagal na niyang kinulit si Fryth kung ano ang nangyari sa mga ito para hindi siya clueless ngayon.

“No,” sagot niya rito.

“Good. Dahil ayokong masaktan ka kapag nagkabalikan kami. You know, wala pa kaming closure. At kaya lang naman nabaling sa’yo ang atensyon niya ay dahil intensyon niyang pagselosin ako. I know you’re his best friend and I also want us to be friends. Kaya sana, hindi ka masyadong madala kay Fryth. Makikipag-ayos na ako sa kanya at magkakabalikan na kami,” paliwanag nito sa kanya.

“Okay,” simpleng sagot niya rito.

“Hindi ka naniniwala sa’kin?” nakataas ang isang kilay na tanong nito sa kanya.

“Honestly, hindi. Mas kilala ko kasi kaysa sa’yo si Fryth. Alam ko kung kailan siya nagsisinungaling. Sabi mo nga, best friends kami, ‘di ba? Mas kilala ko siya kaysa sa’yo. And you know what, hindi ka man lang niya nabanggit sa’kin kahit kailan. Ibig sabihin, hindi ka mahalaga sa kanya,” aniya rito sa kalmadong tinig.

Lyn shot her a furious look. “You, bitch! Kaya hindi niya ako nababanggit sa’yo dahil alam niyang masasaktan ka lang. Alam naman kasi niya na mahal mo siya eh. Pathetic. You fell for your best friend and he just pitied you kaya ka niya binibigyang-pansin ngayon. He was just using you to get me jealous,” singhal nito sa kanya.

“Okay. Sabi mo eh. Pero hindi pa rin ako naniniwala sa’yo. You have to give me proof for that,” aniya rito saka niya ito nilagpasan. Bumalik na siya sa mahabang mesa na inookupa nila ng mga kaklase niya. Iwinaglit na niya sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Lyn dahil alam niyang nagseselos lang ito at bitter ito sa naging break-up nito at ni Fryth.

“Okay ka lang?” tanong sa kanya ni Fryth nang makaupo siya sa tabi nito. Agad nitong hinawakan ang kamay niya sa ilalim ng mesa na ikinangiti niya.

“Never been better,” aniya rito. Umisod siya palapit dito. “Bakit kayo nag-break ni Lyn?” pabulong na tanong niya rito.

“Oh, jeez! ‘Wag kayong PDA. Alam naming hot na hot kayo sa isa’t isa at inabot pa ng two years bago n’yo ma-realize ‘yon, but please!” eksaheradong sigaw ni Dean sa kanilang dalawa ng makita ng mga itong nagbubulungan sila ni Fryth. Hindi na tuloy nasagot ng huli ang tanong niya. Inulan pa sila ng tukso.

Namura niya ang kanyang sarili dahil doon. Nakalimutan niyang dapat nga pala ay “tahimik” silang dalawa ni Fryth para hindi sila pag-initin ng kanilang mga kaklase.

Pero siya rin naman ang gumawa ng move para hindi iyon magtagal.

“Inggit ka lang, Dean! Makipagbalikan ka na kay Clover,” tudyo naman dito ni Fryth kaya inulan ng tukso ang dalawang taong nabanggit nito. “’Tapos na kami ni Lyn. She’s not important now. You are, ‘we’ are, baby,” masuyong sagot ni Fryth sa kanya. Napangiti siya dahil sa endearment na itinawag nito sa kanya—‘baby’. Gasgas na siguro iyon pero kinilig pa rin siya.

Sa ikatlong pagkakataon ay muli siya nitong hinalikan sa kanyang noo. Kaya inulan na naman sila ng tukso mula sa kanilang mga kaklase. Sila ang pinakamaingay sa restaurant na iyon pero ayos lang naman dahil ang pamilya nina Elia ang may-ari niyon. Hindi sila mapapatalsik.

Fryth is right. Lyn or the others are not important anymore, they are. Kaya hindi siya talaga dapat nakikinig basta sa sabi-sabi. Kay Fryth lang.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.