NAGSASAYAW SINA Ariadne at Fryth sa eighteenth birthday ni Elia nang kapwa nila marinig ang isang boses na tumawag sa pangalan ng huli. The next moment she know, Fryth was already liplock with a girl in a red gown in front of her. Napanganga na lang siya sa mga ito.
“I miss you so much, babe,” malambing na sabi ni Jona kay Fryth matapos ng halikan ng mga ito.
“Jona...” gulat na sambit ni Fryth. Gusto niya itong suntukin ng mga oras na iyon. Hindi man lang nito itinulak palayo si Jona. And then it hit her. This is Jona here—Fryth’s ex-girlfriend and first love. Siyempre nga naman, hindi ito magagawang itulak ni Fryth.
I can’t believe it! Bakit kailangan pa niyang bumalik? Not that she mattered anymore. But. She really does matter. For me, ani Ariadne sa sarili nang mag-sink in sa isipan niya na bumalik na ang ex-girlfriend ni Fryth, ang tanging babaeng minahal nito. Hindi siya nag-aalala kay Lyn dahil alam naman niyang hindi seryoso dito si Fryth pero ibang kaso si Jona.
Nandoon siya nang makipaghiwalay si Fryth dito. She witnessed how devasted Fryth was when he found out that her family was moving on to the States. Alam niya na minahal talaga ito ni Fryth. At ngayong nagbalik ito, natatakot siyang baka bumalik din ang nararamdaman ng dalawa para sa isa’t isa. Paano siya kapag nagkataon?
Trust Fryth. They doesn’t matter anymore. You are, paalala niya sa kanyang sarili.
“Oh, hi, Ariadne! I heard you took care of my baby when I’m gone. Thank you,” nakangiting baling sa kanya ni Jona pero may bahid na angil sa tinig nito.
Hindi makapaniwalang napatingin siya rito. “Hindi ako baggage counter o babysitter at mas lalong hindi naman baggage at baby si Fryth para iwan mo siya sa’kin,” mariing sabi niya rito. Nang tingnan niya si Fryth ay tila namamangha itong nakatitig kay Jona.
Pakiramdam niya’y minamaso ang puso niya dahil sa ginagawa nito ngayon. Shit!
Hindi na siya nag-isip pa. Iniwan niya ang mga ito sa gitna ng dance floor. Ramdam niya ang mainit na tingin sa kanya ng mga kaklase nilang nakakita sa nangyari pero wala siyang pakialam sa iisipin ng mga ito. Iniisip siguro ng mga ito na dahil nandoon na ang “original” at kailangan nang umalis ng “replacement”. Isa lang ang gusto niyang gawin ng mga oras na iyon—ang makalayo sa lugar na iyon dahil pakiramdam niya’y hindi siya makahinga.
Nasa lobby na siya ng hotel na pinagdarausan ng birthday ni Elia ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Actually, dalawang boses iyon. Ang una ay si Doug na nasa unahan niya. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito roon. Ang pangalawa ay si Wryth na sumunod pala sa kanya—na mas ginusto sana niyang maging ang kakambal nito ng mga oras na iyon. Sabay pang naglakad palapit sa kanya ang dalawa.
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Doug.
“Ariadne...” nakikiusap na sabi naman sa kanya ni Wryth.
“Ayaw ko nang bumalik do’n Wryth. I’m sorry but I just can’t,” aniya rito. Nararamdaman na niyang malapit na siyang umiyak ng mga oras na iyon pero pinigilan niya ang kanyang sarili.
“Nagulat lang siya. Lahat naman tayo ay nagulat dahil hindi natin alam na babalik pa si Jona,” anito na tila alam talaga ang rason kung bakit bigla na lang siyang umalis doon hindi katulad ng iniisip ng ibang taong naroon.
“Yeah. Whatever. Pero gusto ko nang umuwi,” aniya rito.
“Ihahatid na kita pauwi,” alok naman ni Doug.
“Who are you anyway?” tanong naman dito ni Wryth.
“He’s a friend, Wryth. At kilala siya ni Lolo Yno,” sabi naman niya kay Wryth.
“So? Look, Ariadne. Talk this out with Frye,” anito sa kanya.
“Yeah, sure. Baka bukas—“
“Ariadne!” tawag sa kanya ng isang boses. Pagkuwa’y nasa tabi na agad niya si Fryth. Agad siya nitong niyakap ng mahigpit—at katulad ng palagi na nitong ginagawa—hinalikan nito ang noo niya. “I’m sorry about what happened. Hindi ko alam na babalik siya at pupunta dito,” paliwanag nito sa kanya na para bang sapat na iyon.
“You just stared at her, Fryth. Hindi mo man lang siya pinigilan no’ng hinalikan ka niya. Sa harap ko pa!” nang-aakusang sabi niya rito. Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Agad naman siyang niyakap ni Fryth.
“God, I’m so sorry, baby. Nagulat lang ako sa ginawa niya. Pero kung nakita mo ng maayos, you’ll see that I didn’t even kiss her back. Hindi lang ako makapaniwalang bumalik pa siya,” paliwanag pa nito sa kanya.
“At gusto mo na bumalik pa siya! You loved her then—“
“And I love you now. Tapos na kami ni Jona two years ago. Alam mo ‘yon. You’re what matters to me now,” masuyong sabi nito sa kanya.
And if it weren’t enough yet, he pressed his lips on hers next. He gently nibbled her lower lip. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. He was kissing her! Sa harap ng ibang tao. Pero nang mga oras na iyon ay tila wala itong pakialam at agad namang na-adapt niya ang ginagawa nito kaya tinugon niya ang mga halik nito. She didn’t know how, but she just followed how his lips danced against hers. She didn’t know something could be as sweet as chocolates do. But their kiss is even better.
Pero mas tumatak sa isipan niya ang unang sinabi nito. Iyon ang unang beses na sinabi nito ang mga katagang “I love you” sa kanya mula nang ‘niligawan’ siya nito. It meant a lot for her. Lalo na ngayon.
ISANG SABADO NG GABI ay hinintay ni Ariadne na sunduin siya ni Fryth sa kanilang bahay dahil manonood sila ng sine ngayon. Noon na sana niya ito balak sagutin dahil tatlong buwan na rin naman silang nagde-date. At ano pa ba naman ang kailangan nilang malaman sa isa’t isa gayong matagal na silang magkakilala? Isa pa’y alam na nila parehong mahal nila ang isa’t isa. Ang ‘official status’ na lang nilang dalawa ang kulang sa kanila. Ngunit hindi ito dumating ng gabing iyon at hindi rin ito pumasok sa school ng tatlong araw.
“He caught some kind of flu and allergy. At ayaw niyang magpakita sa ibang tao dahil ang pangit niya ngayon. Nasa rest house namin siya sa Tagaytay,” paliwanag ni Wryth noon sa buong klase. Pero hindi siya naniwala rito noon.
“I’m so sorry I can’t go to class yet, Ariadne. Pero sa oras na mawala na ang mga allergies na ‘to, didiretso agad ako sa’yo. I miss you so much. And I...I love you, Aya. Always,” iyon naman ang sabi sa kanya ni Fryth ng tawagan niya ang cell phone nito. Kaya kahit paano ay napanatag ang kalooban niya.
Pero hindi pa rin siya mapakali hanggang hindi niya nakikita si Fryth ngayon. May masama siyang kutob at sumasagi sa isipan niya na nagsisinungaling si Fryth. Hindi niya alam kung bakit.
Kasalukuyan siyang kumakain ng lasagna sa may kitchen pantry nila ng dumating sina Madame Delfi at Doug kaya niyaya niya ang mga ito na saluhan siya sa pagme-merienda.
“Malungkot ka these days. Ano’ng nangyari?” tanong sa kanya ni Madame Delfi.
“Madame Delfi, nagkaroon ka ba ng premonition tungkol sa’min ni Fryth?” sa halip ay tanong niya rito. Natigil ito sa pagkain at diretsong tumingin sa kanyang mga mata.
“Wala. Pero kung iniisip mo ay ‘yong mga sinabi ko noon sa inyo, iyon ay dahil alam kong mahirap ang magmahal sa isang kaibigan. Minahal ko ang isang kaibigan ko noon, pero hindi nag-work out. Friends just don’t do as lovers. Pero inisip ko rin na baka sa’min lang ‘yon, baka iba ang sa inyo ni Fryth. Sabi mo nga, ready na kayong i-risk ang friendship n’yo at confident naman si Fryth na kaya n’yo. Isa pa, no love stories are exactly alike. So I had hope with you two. Kahit na napupuno ng friendship-turned-into-lovers-cynicism ang utak ko. At nakikita ko rin naman na maayos ang lagay n’yong dalawa. So, ano’ng problema mo ngayon?”
Tiningnan niya si Doug. Nginitian siya nito at tila naintindihan kung ano ang sinasabi ng tingin niya kaya dala ang plato ng lasagna nito ay umalis ito roon. Noon lang niya ikinwento kay Madame Delfi ang mga nangyari sa kanila ni Fryth nitong mga nakalipas na buwan lalo na ang pagbabalik ni Jona.
“So, sa tingin mo’y nagkabalikan silang dalawa nang hindi sinasabi sa’yo ni Fryth? Ariadne, you know him better than that. Alam kong hindi niya gagawin ‘yon sa’yo at alam kong alam mo rin ‘yon. Selos lang ‘yang nararamdaman mo at hindi ka dapat nagpapadala sa selos,” sabi naman sa kanya ni Madame Delfi matapos magkwento rito. “Besides, I can see how much he loves you. Hindi niya ‘yon itatapon dahil lang bumalik ang isang babaeng matagal na niyang hiniwalayan. Kahit na ‘yon pa ang first love niya. You’re gonna be his last. That, I’m sure of,” sabi pa nito.
“You think so?”
“I know so.”
Nang gabing iyon ay sumaya ang puso niya dahil bumisita sa kanya si Fryth. Hindi niya inasahan ang pagpunta nito sa kanilang bahay pero nagalak siya dahil tinupad nito ang sinabi nitong pupunta agad ito sa kanya kapag magaling na ito sa sakit nito. Agad siyang yumakap dito nang makalapit siya rito. Sa gulat niya ay hinalikan naman siya nito.
This time, it’s not like those light kisses he used to give her. It was more passionate and sweet like he’s thirsty for water and air and she’s both. Nagulat man siya sa ginawa nito ay tinugon naman niya ang halik nito. Ito ang first kiss niya at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Nang ma-realize iyon ni Fryth ay bumagal ang ritmo ng halik nito. Iyong tipong tinuruan siya nito kung ano ang dapat gawin. He held her face with one hand while the other lay on the back of her head. Humawak naman ang isang kamay niya sa braso nito samantalang ang isa’y nakahimlay sa dibdib nito.
“Missed me much?” nanunudyong sabi niya rito.
“You can never imagine how much. I love you, Ariadne. For always,” masuyong sabi nito sa kanya pero may bahid na lungkot ang boses nito.
“Ano’ng problema?” kunot-noong tanong niya rito.
“Nothing. Na-miss lang talaga kita. And I’m really sorry...kung hindi ako nagpakita sa’yo these past few days,” sabi naman nito.
“I miss you too. At okay lang, at least, okay ka na ngayon,” nakangiting sabi din niya rito.
Nginitian din siya nito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. Pero inisip na lang niyang baka nagre-recover pa rin ito mula sa sakit nito. Masyado na siyang nag-iisip at hindi maganda ang idinudulot niyon sa kanya kaya ayaw na niyang mag-isip ng masama sa relasyon nila ni Fryth ngayon. Kung may problema naman ito’y tiyak na sasabihin nito iyon sa kanya. Besides, she was still his best friend. Sa kanya nito sasabihin—maliban kay Wryth—ang kung anumang problema nito.
MADAME DELFI THOUGHT wrong. So wrong. Dahil mahigit isang buwan mula ng makita niya si Jona ay may pasabog na naman ito sa kanya. Kumakain sila ng lunch nina Fryth at Wryth sa labas ng kanilang school ng bigla na lang itong dumating doon at kung anu-ano ang sinasabi nito kay Fryth na hindi niya maintindihan—o ayaw niyang intindihin.
“Let’s go outside and talk, Jona,” mariing sabi ni Fryth kay Jona.
“No! Hindi mo sinabi sa kanya?” pasigaw na tanong nito kay Fryth.
“Ano ang kailangan kong malaman?” tanong niya sa mga ito.
“I think it’s better kung sa bahay na lang natin pag-usapan ang lahat,” sabi naman ni Wryth na mukhang may alam sa sinasabi ni Jona.
Oh my god! Nagkabalikan na ba sila? Shit, shit, shit!
“Or better yet, ihahatid ko si Jona pauwi. ‘Tapos, mag-usap kayong dalawa,” pagkuwa’y sabi ni Wryth. Hinawakan nito sa kamay si Jona pero ipiniglas lang iyon ng huli.
“No! Ariadne, I’m pregnant. At si Fryth ang ama,” sa wakas ay sabi ni Jona sa kanya na animo isa lang iyong normal na usapin.
“Dammit!” narinig niyang mura ni Fryth pagkuwa’y walang anu-ano itong tumakbo palabas ng restaurant na kinaroroonan nila.
“Selfish bitch,” inis na sabi ni Wryth kay Jona. Iyon ang unang beses na narinig niyang magmura ng isang babae si Wryth kaya nagulat siya sa sinabi nito.
“She needed to know anyway,” katwiran naman ni Jona pagkuwa’y sinundan nitong umalis doon si Fryth.
Hindi niya alam kung hihinga ba muna siya o hahayaan ba muna niyang tumulo ang mga luha niya o sisigaw siya sa inis o tatakbo din siya palabas doon. Tumabi sa kanya si Wryth at niyakap siya nito.
“I hate to see you cry but do so. I won’t condemn you. I’m sorry about this, Ariadne. Kailangan mo ngang malaman pero hindi sa ganitong paraan. Kating-kati na akong sabihin sa’yo dati pero iniisip ko rin ang kalagayan n’yo ni Fryth. I know it would hurt so bad and I can’t do anything about it but...”
“But this is how it would end, right?” dugtong niya rito kahit na tumutulo na ang mga luha niya. Surprisingly, hindi siya humagulhol ng iyak kahit na pakiramdam niya’y binunutan siya ng puso ngayon—o, gusto niyang mawalan ng puso ngayon. Because she totally felt like she was dying. She hated everything that happened most definitely, when Fryth just ran away without saying anything but “dammit!”
“Kelan nangyari?” nagawa pa niyang itanong kay Wryth habang hinahagod nito ang likod niya.
“You know what, I really hate her! Hindi—“
“Wryth...”
“Three weeks ago. Pero—“ Pinigilan na niya itong magsalita. Mas nadadagdagan lang ang sakit na nararamdaman niya ngayon. That was when she’s supposed to tell him “yes”. Pagkatapos ay bigla na lang hindi pumasok si Fryth dahil daw may ‘sakit’ ito.
“So, hindi talaga siya nagkasakit? He’s just too coward to face me and explain everything?” aniya rito.
“He can’t bear to see you hurt,” katwiran naman ni Wryth.
“At least, hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon.” Iyon lang at patakbo na rin siyang lumabas sa restaurant na iyon.
If she could just ran away from that world too. If she could just pull her heart out just to not feel the pain. If she could just undo everything that happened. If they could just go back to being friends. Pero nangyari na ang lahat. She already lost her best friend and her...love.