Chapter 39

I HAD TO ENDURE five months of pity-stares from our classmates until graduation when the news broke out then. Nag-drop out sa school si Fryth at promise, I considered doing it to. Pero nakausap ko noon ang Lolo Yno ko at si Doug. Iisa lang ang sinabi nila sa’kin noon—siguro kasi protégée na ni lolo si Doug. Ang sabi nila, “Feel the pain but don’t let it overrule you. Don’t let what other people say get to you. Show them. Show him.” Kaya hindi ako pinayagan ni lolo na mag-drop out and I showed them na kaya ko. I showed Fryth.

Kung wala sina Lolo Yno, Madame Delfi, Doug at Wryth—na naging tagapagtanggol ko sa school noon—feeling ko araw-araw akong iiyak. Imagine? Five months akong iiyak. Namatay siguro ako sa dehydration noon kung nangyari ‘yon. Doug and I had been friends. Pero hindi iyon katulad no’ng friendship na mayro’n kami dati ni Fryth. Though, Wryth and mine’s friendship was close to that. But then, I didn’t get too close to anyone ever again.

Kinausap pa rin naman ako ni Fryth noon. Bago kami lumipad ni Wryth patungong Amerika. SOFA kasi ang piniling eskwelahan ni Fryth noon. Far from me. Too far from me. Pero mas mabuti na rin naman ‘yon sa’ming dalawa. At siguro, nagpapasalamat ako do’n dahil hindi ako masasaktan tuwing nakikita ko siya. Alam mo ba kung ano ang sinabi sa’kin ni Fryth noon? “Don’t study too hard and live. Do what you want.”

Iyon lang ang sinabi niya, pagkatapos ay naglakad na siya palayo. I can’t believe him! Gusto ko siyang habulin, sumbatan at suntukin sa mukha pero naiyak ko lang ang sakit at frustration na binigay niya sa’kin noon. Dapat nga hindi na lang siya naghatid noon sa’min sa airport. That would’ve been easier on my part. Pero sinaktan lang muli niya ako noon. Because honestly, I was hoping that he’d say, “I love you, Ariadne. I’m sorry.” Kasi ‘yon naman ang dapat niyang sabihin ‘di ba?

Siguro, kung sasabihin niya ang mga iyon noon, handa akong patawarin siya. But he didn’t, thank God! He made me realize that I don’t deserve a jerk like him—kahit na sinabi na iyon sa’kin ni Doug dati. I guess, that had been his way of giving us both closure. Parang iyon na rin ang paraan ng pagsasabi niya na mahal niya ako pero mas mahal pa rin niya si Jona. So, on that day, I swore to never want to see him again.

Although, minsan nagpapasuntok sa’kin si Wryth kapag naalala ko sa kanya si Fryth. He was too kind to let me. He even changed his hairstyle and grew stubbles para hindi na niya maging kamukha si Fryth. Kasi sabi niya sa’kin noon, may kasalanan din siya sa’kin. Hindi daw kasi niya sinabi sa’kin agad. He’s good right? (Sigh)

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kina Fryth at Jona pagkatapos noon. Basta ang alam ko, nanganak si Jona—so, Cash—at nawala siya—hence, Fryth’s changes. Hindi naman kasi kami nag-uusap ni Wryth tungkol kay Fryth. As much as possible ay hindi nito binabanggit ang pangalan ni Fryth. Pero sinabi niya sa’kin no’ng unang magkaroon ng exhibit ang kakambal nito.

And when I saw Cash for the first time, I nearly cried. I should’ve hated him. Dahil ang nanay niya ang dahilan kung bakit nagkasira kami ni Fryth. Pero nang sabihin sa’kin ni Wryth na hindi pinapansin ni Fryth ang bata, I saw myself in him. Kaya ibinigay ko sa kanya ang pagmamahal ng isang ina—a love that my mother hadn’t given me then. Isa pa, hindi naman niya kasalanan ang idinulot na sakit sa’kin ng mga magulang niya. So, why hate him?

Hmmm. Bakit nga ba hindi pinapansin ni Fryth si Cash? At kanina, sinabi niya sa’kin na may ginawa daw si Jona sa kanya. As a matter of fact, his exact words were, “ruin my life” nang tanungin ko siya kung ano ang ginawa sa kanya ni Jona. How could she ruin his life? Hindi ba mahal nila ang isa’t isa? There’s something missing here...Oh, great! Kailangan kong ipaaalala sa sarili ko na hindi na ako dapat makialam pa.

Kung may kailangan man akong pakialaman sa kanila ngayon, iyon ay ang tungkol kay Cash. The kid doesn’t have to grow up that way. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para mapag-ayos ang mag-ama. Kahit na ibig sabihin noon ay ang kausapin ko palagi si Fryth. That wouldn’t hurt, wouldn’t it? Wish me luck for that!

Anyway, that had been my “most memorable” love story. May dalawa naman akong naging boyfriend—Trip at Denver. Trip had been my boyfriend for three months when I was still in Yale. Naghiwalay kami nang malaman niyang pumunta ako sa New Orleans para mag-aral ng witchcraft at voodoo magic—na nakalimutan ko na noon dahil kay Fryth. He thought I was weird and I said he’s stereotyping. So, mutual decision namin ang maghiwalay.

Si Denver naman ay nakilala ko sa London nang una akong magpunta sa Hogwarts. Nag-click agad kami dahil pareho naming paborito ang Harry Potter series. He’s a self-proclaimed wizard and I’m a self-proclaimed witch. We both fit. But not really. He took it to a whole new level hanggang feeling ko naging psychotic na siya. He kept on saying that he can move things with his “wand” pero kapag pinapakita na niya sa’kin ang “magic” niya ay wala namang nangyayari. I broke up with him because I wasn’t “weird” enough to believe him.

Seriously, what’s with all the guys in this world? Pero alam mo, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Sana lang, makilala ko na ang aking one true love—at hindi ko alam kung bakit ang mukha ni Fryth ang naisip ko nang isulat ko iyon. Come to think of it, naalala kong sinabihan niya ako kanina ng “I miss you”. Fuck, shit! My heart. Kailangan kong malaman ang rason kung bakit niya iyon sinabi. At kailangan ko ring masiguro ang nararamdaman ko...dahil sa naging paghaharap namin kanina, naramdaman kong mahal ko pa rin siya.

-Ariadne

ADAMS’ MANSION. Minsan ay pumupunta doon si Ariadne para bisitahin ang pamilya Adams maliban kay Fryth at pumupunta lang siya roon kapag wala ito. Pero ngayon ay ito naman ang sadya niya roon. Linggo naman kaya tamang-tama ang plano niya sa mag-ama ngayon. Bumili na siya kahapon ng ticket sa Star City para makapag-bonding sina Fryth at Cash. Babantayan lang niya ang mga ito. Sa Disneyland sana pero kailangan ng “urgent fix” ang relasyon ng mag-ama. So, Star City will do.

What made you think na papayag si Fryth sa ideya mo? tanong naman sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya. Actually, kahapon pa niya iyon itinatanong sa sarili niya. Wala siyang solidong plano o paraan kung paano mapapayag si Fryth pero gagawin niya ang lahat mapapayag lang ito roon.

Nadatnan niyang nanonood sa malawak na sala ng mga ito sina Lolo Byran, Wryth, Cash at Asia—na ‘best friend’ daw ni Wryth. Pero alam naman nilang lahat—kahit ni Asia—na hindi naman talaga pagkakaibigan ang hangad ng mga ito sa isa’t isa. Hindi lang niya alam kung bakit ‘magkaibigan’ lang ang mga ito ngayon.

“Happy Sunday, guys!” masiglang bati niya sa mga ito. Pabirong tinakpan pa niya ang telebisyon na pinapanooran ng mga ito. Natawa na lang si Lolo Bryan sa kanya—ito ang ikalawang lolo niya dahil kaibigan din ito ng Lolo Ynocencio niya.

“Ariadne!” sabay na sigaw naman sa kanya nina Wryth at Asia na mukhang gustong-gusto ang pinapanood. At tumakbo naman palapit sa kanya si Cash at agad siyang niyakap.

“Hello, baby,” bati niya kay Cash saka sila umalis sa pagkakaharang sa tv.

“Hindi pa ba kayo nagsasawa sa isa’t isa? Magkasama lang kayo kahapon ah,” sabi ni Lolo Byran sa kanila ni Cash.

“Susulitin lang namin ang time hanggang wala pa siyang pasok, Lolo Brye,” sagot naman niya rito. “Naligo ka na ba, Cash? We’re going somewhere,” baling niya kay Cash.

“Really? Where?” excited na tanong nito.

“It’s a surprise. Go on, change into something comfortable,” utos niya rito. Bigla namang lumungkot ang anyo nito at bumitiw sa pagkakayakap sa kanya.

“Pero si daddy...”

“Don’t worry. Kakausapin ko ang daddy mo habang nagpapalit ka ng damit, okay?” sabi naman niya rito.

“Okay,” anito na kahit papaano’y napangiti naman sa sinabi niya. Pagkuwa’y tumakbo ito paakyat sa kwarto nito.

“Ano’ng plano mo?” tanong ni Wryth.

“Okay na kayo ni Fryth?” tanong naman ni Asia.

“As much as I don’t want to talk to him or see him yet, hindi ko naman kayang makita na palagi niyang iniignora si Cash. Kawawa naman ‘yong bata,” aniya sa mga ito.

“Wait a minute. You don’t know why he—“

“No, gramps. They’re both too stubborn, you know. Sabi ko nga, I’m gonna bump two heads with my own two hands someday,” makahulugang putol ni Wryth sa iba pang sasabihin ni Lolo Bryan. Napakunot-noo siya sa mga ito.

“Ano ang hindi ko alam?” tanong niya sa mga ito.

“What are you doing here?” anang isang boses sa kung saan. She instantly knew whose icy cold voice was that. Pababa si Fryth sa hagdanan ng mansion ngunit napatigil ito sa pagbaba sa may gitna niyon nang siguro’y makita siya.

“Hi, Fryth! We’re going to Star City,” agad na sabi niya rito—siyempre ay nakangiti siya rito habang pilit na pinapayapa ang puso niya dahil bumilis na naman ang tibok niyon pagkakita niya kay Fryth.

Seriously, heart? Stop. Now!

“Kailan pa kayo nahilig sa theme parks?” kunot-noong tanong nito kina Wryth at Asia saka nito tinuloy ang pagbaba sa hagdanan.

“Me, Cash and—“

“Hindi ba sinabi ko na sa’yong hindi na kayo pwedeng magkita o magkalapit ni Cash? Bakit ba ang kulit mo?” asik nito sa kanya.

“Kung makikita kong pahahalagahan mo na si Cash, hindi ko na kayo pakikialaman,” mahinahong sabi niya rito.

“Bakit ba mahalaga sa’yo na mapansin ko siya? It’s not as if he’d die—“

“Ayoko siyang matulad sa’kin at ayaw kitang matulad kay mommy!” sigaw niya rito. Hindi na ito nagsalita pa pagkatapos niyon. An awkward silence came next.

“I think you should all go,” pagkuwa’y sabi ni Lolo Bryan na tiningnan pati sina Wryth at Asia.

“Old man! Family bonding ‘yon. Makakaistorbo lang kami,” ani Wryth sa lolo nito.

“I might be old but I can still kick your ass, son,” sabi naman dito ni Lolo Bryan. Naiikot lang naman ni Wryth ang mga mata nito sa lolo.

“Yeah. Sama tayo. Matagal na rin naman akong hindi nakakapunta sa Star City. It would be fun,” sang-ayon naman ni Asia na sa tingin niya’y pumayag lang sumama para masiguro nitong hindi sila ‘magpapatayan’ ni Fryth.

In truth, there really isn’t any animosity between them. Just pain, memories and all those what ifs.

“I’m ready!” nakangiting sigaw naman ni Cash habang pababa ito ng hagdanan. Ngunit nabura ang ngiti nito nang makita ang hitsura nilang mga matatanda doon.

“Great! Sasama na sa’tin ang Tito Wryth at Tita Asia mo,” nakangiting sabi niya rito. Nilapitan ito ni Wryth at ginulo naman ng huli ang buhok nito.

“May lalaruin kaming game ng Tita Asia mo mamaya. Ikaw ang magbibilang ng points namin kung sino ang mananalo ha?” ani Wryth kay Cash. Agad namang tumango dito ang bata. Noon naman siya lumapit kay Fryth.

“Fryth, please? Kahit this time lang. Maramdaman lang no’ng bata na may daddy siya. After this, wala na akong pakialam kung paano mo siya tratuhin,” pabulong na sabi niya kay Fryth.

Narinig niya itong magmura pagkatapos. Umulan ng F-bombs mula dito pero may pakiramdam siya na hindi iyon para sa kanya. Pagkuwa’y nilapitan ni Wryth ang kakambal nito at may kung anong ibinulong dito. Muli ay nagmura si Fryth bago ito humarap sa kanya.

“I will be in command. Whatever things I wanna do, we’ll do it,” maawtoridad na sabi nito sa kanya.

“Okay lang,” aniya.

“And I have one condition,” anito. Hindi tuloy niya mapigilang maalala noong una nitong sinabi iyon sa kanya. Iyon ay noong unang araw na naging magkaibigan sila. “You would have to do something for me.”

“Ano naman ‘yon?” nakataas ang isang kilay na tanong niya rito.

“I’ll paint you nude,” kaswal na sabi nito na para bang isa lang iyong normal na bagay na palagi nitong sinasabi. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Trumiple ang bilis ng tibok ng puso niya at parang gusto na niyang tumakbo palayo sa lugar na iyon pero napako ang mga paa niya sa kanyang kinatatayuan.

“No way!” agad na tanggi niya rito. Makikita nito ang lahat-lahat sa kanya! That’s...kinda hot.

“Okay. Madali lang naman akong kausap eh,” anito sa kanya saka bumaling sa mga kasama nila. She saw a glimpse of the old Fryth in him that moment—with that tinge of playfulness in his eyes. “Hindi na tayo tuloy,” anito na agad na ikinalungkot ni Cash. Nakita pa niyang sumulyap sa kanya ang bata na may lungkot sa mga mata pero nagpakita rin ito ng emosyon na tila naiintindihan nito ang lahat.

Bago pa siya makapag-isip ng maayos ay hinawakan na niya ang likuran ng t-shirt na suot ni Fryth para pigilan ito sa paglayo sa kanya. Oh, god. I’m gonna do this for Cash, aniya sa sarili.

“I’ll do it,” aniya rito. Saka na siya mag-iisip ng palusot kung paano matatakasan ang kasunduang iyon. Hindi naman siya nito mapipilit sa ayaw niyang gawin.

“’You sure?” baling nito sa kanya. His beautiful blue eyes bore on hers. His gaze sent shivers down her spine.

“Oo naman. Para kay Cash,” aniya rito.

“Great! We’ll do it tonight,” anito na ikinanganga niya. Mautak talaga ang lalaking ito. Blue-Eyed Devil. Pero sa tingin niya’y sinabi lang nito iyon para umurong siya at hindi na sila matuloy. Hindi niya ito hahayaang gawin iyon.

“Okay,” makakatakas pa ako mamayang gabi, aniya sa sarili.

“Ano’ng gagawin n’yo mamayang gabi?” tanong sa kanila ni Wryth. May naglalarong kapilyuhan sa mga mata nito.

“None of your fucking business,” sikmat dito ni Fryth pagkuwa’y naglakad ito palayo.

“Hey!” pigil niya rito.

“God, you watch like a hawk. I’m just gonna change into something more comfortable, baby,” anito. Hindi niya alam kung sino ang mas nagulat sa kanilang dalawa dahil sa itinawag nito sa kanya—“baby”. Pagkuwa’y walang anu-anong tumalikod ito at umakyat sa hagdan para magpalit ng damit sa kwarto nito.

She was left there to deal with their “audience’s” prying eyes. “What?” maang na tanong niya sa mga ito.

“Looks like hindi lang para kay Cash aayon ang misyon na ‘to,” makahulugang sabi ni Asia.

“Nakita mo ba kung paano nila tingnan ang isa’t isa? Cheesy,” gatong naman ni Wryth dito.

“Oh, please!” aniya sa mga ito.

“Ano’ng sinabi mo sa kanya para sumama siya, Ariadne?” tanong naman sa kanya ni Lolo Byran. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya.

“Um, we kinda had a...compromise,” aniya rito.

“Whatever it is, I hope it’ll help bring the old Fryth back,” ani Lolo Bryan saka siya nito tinapik sa balikat. She could tell that the old man missed the old Fryth.

I miss him too, bulong ng puso niya.

Not again, heart.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.