STAR CITY. So far, so good. Nang humingi ng timeout si Wryth sa pagsakay nila sa mga rides ay kumain muna sila sa isang food stall sa loob ng Star City. Hindi naman sila lahat metikuloso sa pagkain kaya ayos lang sa kanilang kumain sa mga stalls doon. Napapansin din niyang nagwa-warm up na si Fryth kay Cash kaya pakiramdam niya ay gumagana ang plano niya kahit malaki ang ‘kapalit’ niyon.
Sa mga rides na sinakyan nila ay sinisiguro niyang palaging magkasama at magkatabi ang mag-ama. Ipinapagpasalamat na lang niyang hindi pa tinotopak si Fryth dahil hindi pa ito nagde-demand ng mga gusto nitong gawin. Ang seating arrangement nila ngayon ay siya, si Cash at si Fryth sa isang mahabang upuan samantalang nasa kabilang panig naman sina Asia at Wryth kaharap nila.
“Ha! Another point for me,” bulalas ni Asia pagkuwa’y nakipag-high five pa ito kay Cash. Naiikot naman ni Wryth ang mga mata nito dito.
“Ano ba kasi ‘yang laro n’yong ‘yan?” tanong niya sa dalawa dahil kanina pa niya naririnig ang mga itong nagbibilangan ng puntos at si Cash ang scorer.
“Hayaan mo na kami, Ariadne. Besides, sabit lang naman kami dito. Might as well find something entertaining to amuse us,” paliwanag ni Wryth.
“Eh, ano nga ‘yong nilalaro n’yo? Baka pwedeng sumali,” aniya rito. Nagkatinginan ito at si Asia pagkuwa’y sabay na umiling ang dalawa.
“It would spoil the fun and amusement,” ani Wryth.
“Whatever. So, sino na ang nananalo?” baling niya kay Cash.
“Si Tita Asia po. Kasi tingin ng tingin sa’yo si daddy,” Cash blurted out. Napanganga siya dahil sa sinabi nito. Kakain na sana siya ng French fries pero napatil siya at nang sumulyap siya kay Fryth ay iinom naman sana ito sa coke in can nito ngunit napatigil din ito dahil sa sinabi ni Cash. “Um, sorry,” pagkuwa’y ani Cash.
Huhulaan niyang ang laro at pustahan nina Wryth at Asia ay kung sino sa kanila ni Fryth as mas madalas tumingin sa isa’t isa. Inaamin naman niyang napapatitig siya rito ng ilang beses na pero nag-init ang buong mukha niya ng malamang may nanonood pala sa ginagawa niya. How dare these two!
Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya’y tumatalon-talon din iyon sa loob ng dibdib niya. Heck, may pakiramdam din nga siyang lumilipad iyon sa loob niya. As crazy as it sounds, she felt her heart do hundreds of somersaults, backflips and cartwheels all at the same time.
“Well, nanalo pa rin ako,” nasisiyahang sabi ni Asia.
“Naunahan mo lang kasi ako sa kanya. Siya rin ang bet ko eh,” katwiran naman ni Wryth.
Nakatingin pa rin siya kay Fryth na ngayon ay itinuloy na ang pag-inom sa coke in can na hawak nito. He tried to act normal or oblivious about the matter but she just can’t. How could he! Hindi man lang ito tumingin sa kanya.
Oh, come on, Ariadne. Si Asia ang nanalo sa pustahan at ang sabi ni Cash, iyon ay dahil ‘tingin ng tingin’ sa’yo ang daddy niya, paalala at pangongonsola na rin sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya. Hindi naman sa gusto niyang tumingin talaga sa kanya si Fryth. Of course, you do, agad namang sabi ng isipan niya.
“Gusto kong ang Bahay ng Lagim ang sunod nating puntahan,” biglang sabi ni Fryth. Alam nitong ayaw niya sa horror at horror houses.
“Shit, no!” agad na sigaw niya rito. Pagkuwa’y tiningnan niya si Cash at humingi ng paumanhin dito dahil sa ‘shit’ niya.
“You’re calling yourself a witch but you’re too afraid to go to a horror house?” baling nito sa kanya. Sa wakas ay nakita niya itong tumingin sa kanya noon.
Nag-aaral nga siya ng witchcraft pero hindi naman siya totoong witch. Gusto lang niyang maging isa dahil sa tingin niya’y “cool” iyon. Kahit naman siya ang may-ari ng Moon Stones ay si Madame Delfi pa rin ang malapit sa pagka-‘witch’ sa kanilang dalawa. At hindi rin naman niay ibinubuhos ang buong atensyon niya sa Moon Stones dahil nagta-trabaho rin siya bilang isang marketing director sa Mirage.
“Witches and witchcraft aren’t scary,” sagot naman niya rito.
“Of course, they are! Napanood mo na ba ‘yong The Conjuring—‘yong witch talaga ang kontrabida do’n. She’s making...ugh! Ayoko nang ikwento. Nakakatakot talaga! At ‘yong remake ng Hansel and Gretel: Witch Hunters—ang papangit ng witches do’n, nakakatakot,” kwento ni Asia.
“Matatakutin ka lang talaga. Hindi naman nakakatakot ang The Conjuring,” sabi naman dito ni Wryth.
“Ewan ko sa’yo! I hate you for making me watch that!” sumbat dito ni Asia. Pagkuwa’y nag-awayan na ang mga ito pero alam naman niyang petty fights lang iyon.
“Seryoso ka?” tanong niya kay Fryth.
“Yes. May agreement tayo, ‘di ba?” anito sa kanya. Napaungol siya bilang pagprotesta dito. Hindi niya alam kung bakit napaawang ang mga labi ni Fryth. Pero binawi nito ang tingin sa kanya at tumingin sa falls na nasa harapan nila.
Nang matapos silang kumain at nakapagpahinga na sila ay pumunta sila sa Bahay ng Lagim. Ayaw man niyang pumasok doon ay hindi pumayag si Fryth. Dapat ay dala dalawa ang magkasamang pumasok sa loob sa grupo ng sampu. Hindi sumama sa loob si Asia at bago pa niya mahila si Wryth para ito maging ka-partner niya ay nahila na nito papasok si Cash. Kaya silang dalawa ni Fryth ang naiwan para maging magka-partner ngayon at sa susunod na batch pa sila.
“Ayaw mo naman akong kasama, ‘di ba? ‘Wag tayong tumuloy,” sabi niya rito bago sila pumasok sa loob. Alam niyang ‘ganti’ nito iyon sa kanya na para bang kasalanan niya kung bakit tingin ito ng tingin sa kanya kanina.
“I want to,” sabi naman nito sa kanya. Hindi niya alam kung sagot nito iyon sa unang sinabi niya o iyon ang gusto nitong gawin.
Ah, heck. My mind and heart are a little—if not too messed up right now to even think straight about these kinds of things.
“Kayo na po,” anang Star City crew na in-charge doon. Binaha ng sobrang kaba ang puso niya.
Naunang humakbang papasok si Fryth at agad siyang humawak sa suot nitong damit. She stepped in closer to him and she kept her head bent. Para hindi niya makita kung anuman ang mga nakakatakot na bagay na nasa loob. May mga arrows na nagsasabi kung saan sila dapat pumunta. Sa unang sampung segundo nila sa loob ay okay pa naman siya. Pero nang makarinig siya ng sigaw ay napasigaw na rin siya at naging sunud-sunod na iyon.
Nang mag-angat siya ng kanyang mukha ay may nakita siyang skeleton. Napasigaw na naman siya. Pagkuwa’y may nakita siyang mga nakakatakot na dummy, bloody people at mga mukhang Chuckie Doll sa mga rehas na naroon at pati na rin mga floating coffins. Kaya mas malakas ang naging sigaw niya roon. Tatakbo na sana siya pabalik pero hinila siya ni Fryth palapit dito. Napasubsob siya sa dibdib nito pero patuloy pa rin ang pagsigaw niya. Naiiyak na rin siya ngayon dahil sa takot.
Naramdaman niyang ipinulupot ni Fryth ang dalawang braso nito sa may baywang niya at naramdaman niyang lumulutang na ang sarili niya mula sa lupa. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ni Fryth. Wala na siyang pakialam kung sino ito at kung ano ang nangyari sa pagitan nila. Ang mahalaga ngayon ay ang makaalis sila sa loob ng horror house na iyon ng hindi pa siya nawawalan ng malay.
Narinig niya ang tawa ng kung sino ng makalabas sila doon. Umiiyak na siya ngayon dahil sa takot at kaba. Ibinaba siya ni Fryth—at noon lang niya na-realize na bahagya pala siya nitong binuhat para makalabas sila mula sa horror house—pero halos yakap pa rin siya nito at bahagya pa ring nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Hindi pa rin humuhupa ang takot at kabang nararamdaman niya kaya mabilis ang tibok ng puso niya.
“Hindi ko akalain na iiyak ka dahil lang sa isang horror house. ‘Talo ka pa ni Cash o. Hindi man lang siya natakot kahit na sumigaw din siya,” natatawang sabi ni Wryth sa kanya. She wanted to punch him straight in the face right now. Kung humupa na sana ang takot at kaba na nararamdaman niya.
“Ssshhh. I’m so sorry, baby. I shouldn’t have made you go in there. I’m so sorry,” masuyong bulong sa kanya ni Fryth. Hinahagod nito ang likod niya para komportahin siya. Pagkuwa’y naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya.
He hadn’t done that in ten years! At tinawag din siya nitong “baby” dalawang beses na ngayong araw. Ngayon ay tila tumigil naman sa pagtibok ang puso niya.
What the hell is happening to my heart?
Then, it hit her. This is Fryth Adams—her first love and the man she had only loved. Hindi nga talaga magiging normal ang tibok ng puso niya tuwing malapit ito lalo na kapag hinahalikan siya nito. Katulad noon. Pero katulad noon ba’y mahal pa rin niya ito? But she missed him for sure.
“Smooth move, Fryth. Real smooth. Hindi ko alam na may hidden agenda ka pa—Ouch! What was that for?” reklamo ni Wryth. Hindi niya alam kung sino ang pumalo dito dahil may narinig siyang malakas na paglapat ng balat sa isa pang balat.
“’You okay?” tanong ni Fryth nang bahagya siyang lumayo rito. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at pinakatitigan siya. Napatingin siya sa mga mata nito at nakita niya roon ang pagsisisi, pag-aalala, guilt at pagmamahal.
Pagmamahal? Oh, jeez! ‘Wag kang umasa.
“Don’t. Ever. Make. Me. Go. In. There. Again,” aniya ritong binaybay ang bawat salita. Gusto niyang diinan ang bawat salitang sinabi niya pero ipinagtaka rin niya kung bakit hindi niya nagawa. Gusto niyang magalit dito o mainis man lang dahil ito ang pumilit sa kanyang pumasok doon sa horror house pero hindi niya magawa.
“I won’t, I promise. I’m so sorry,” muling sabi nito sa kanya saka siya muling kinabig para yakapin. She knew he meant to comfort her and take away her fright but he just gave her another heart attack.
A very sweet heart attack.
At sa pagkakataong ito, sa tingin niya’y matagal iyong mawawala.
“YOU TWO STILL have the magic, you know.”
Napakunot-noo si Fryth sa kakambal niyang si Wryth dahil sa sinabi nito. “Magic, huh? And here I thought you don’t want anything cheesy,” sabi naman niya rito.
Kahahatid lang nila kay Ariadne sa bahay ng mga ito. Siya ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan, katabi niya si Wryth at tulog naman na sa back seat sina Cash at Asia. It was a great day indeed. Maraming nangyari sa araw na iyon at pakiramdam niya—kahit papaano—ay bumalik sila ni Ariadne sa dati. Pero alam naman niyang hindi na sila makakabalik pa sa dating ‘sila’. Theirs was already messed up ten years ago. It couldn’t be sewn back.
Hindi na niya hiniling pang gawin nila ngayong gabi ang kasunduan nilang ipe-paint niya ito ng nude. Hindi naman talaga niya gustong ipagawa iyon dito. Tinatakot lang niya ito kanina. But if he ever painted her nude, he won’t let anybody see it.
“Seriously, bakit ba hindi mo na lang sabihin sa kanya kung ano ang totoong nangyari? You could both save your broken hearts and I won’t call you a coward anymore,” sabi pa ni Wryth pero hindi niya ito sinagot. Alam nito ang stand niya sa usaping iyon. He didn’t deserve Ariadne anymore. He messed up. “She still loves you. She still cares for you. Hindi niya ito gagawin kung wala na siyang pakialam sa’yo. Hindi niya lang ito ginagawa dahil kay Cash o para mapabuti ang pakiramdam niya. Narinig mo naman ang sinabi niya sa’yo kanina, ‘di ba? Ayaw ka niyang matulad sa mommy niya. And just to let you know, hindi naman talaga siya nagalit sa’yo dahil sa mga nangyari. Believe it or not, she loves you too much to hate you for it. Kaya tigilan mo na ang pag-iwas sa kanya. Woo her, let her know you still love her, whatever. Just...make up all ready!”
Hindi niya napigilang matawa dahil sa huling sinabi nito na tila pinaghalong inip at inis na ang boses nito. Pero hindi nito alam ang hirap na hinarap niya pagkatapos ng mga nangyari. Hindi niya matanggap ang mga nangyari.
“Ang gusto lang talaga niyang sabihin sa’yo, Frye, ang tanga mo!” sabad naman sa kanila ni Asia na ang buong akala niya’y tulog na sa back seat. Tinapik pa nito ang balikat niya. “I won’t go easy on you. Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Sampung taon mo siyang sinaktan. Dapat lang sa’yo ang sampung taong—“
“Nine lang,” pagtatama naman dito ni Wryth.
“Oh, nine years. Whatever, so, ‘yon nga. Dapat lang sa’yo ang siyam na taong pagtitiis, pag-iisa at pagpapahirap sa sarili mo. Tama lang talaga sa’yong maramdaman ang lahat ng ‘yon. Pero alam mo, kung naging matapang ka lang, hindi mo naman kailangang pagdaanan ang lahat ng ‘yon eh. Hindi n’yo kailangang pagdaanan ang lahat ng ‘yon. Ikaw ang tanging may kasalanan kung bakit pareho kayong nasasaktan hanggang ngayon. So, please do us a favor and tell her the truth already,” ani Asia.
“I want her, you know. God, I so want her to be with me. Pero hindi ako ang kailangan niya. Hindi ako ang nararapat para sa kanya. She deserve someone better,” aniya sa mga ito. Bawat salitang binitiwan niya’y nagdulot ng sakit sa kanyang puso. Pero tama lang iyon sa kanya dahil alam niyang nasaktan niya ng lubos si Ariadne.
“Can’t you be better for her? Jeez, Fryth! Halos labintatlong taon ka nang naghihintay sa kanya. Who would deserve her better than you?” tila nauubusan na ng pasensiyang sabi ni Asia.
“I messed up,” aniya sa mga ito.
“Oh, please! Everybody messes up! Alam mong hindi ikaw ang may kasalanan ng lahat,” bawi ni Asia sa sinabi nito kanina na siya ang ‘may kasalanan ng lahat’.
“Sinabi mo kaninang ako ang may kasalanan ng lahat.”
“Nakakainis ka kasi! Seriously, dude. Kung ayaw mo na siyang masaktan pa, tell her the truth. Kung iniisip mo na masaya siya ngayon, anong klaseng best friend ka—kahit na noon pa ‘yon—dahil hindi siya masaya ngayon,” sabi pa ni Asia.
“Umiyak siya no’ng tinalikuran mo siya sa aiport ten years ago. Maybe she was hoping you’d tell her ‘I love you’ and you’re sorry. Pero hindi mo ginawa,” sabi naman ni Wryth.
Dammit! He was such a jerk. He didn’t know that while he was hurting, he was hurting her too. Inisip niyang kung lalayo siya rito ay hindi na ito masasaktan pa. But he thought wrong and maybe he should stop thinking right now.
DEAR DIARY,
I’m trying to hate him. I did hate him. But then, I couldn’t. I guess, if you love somebody so much, no matter how hard it is for you to hate him, you just can’t because love is always stronger than hate. Fuck love, right? Pero aminin natin, ang love lang talaga ang nakakapagpasaya sa’ting lahat. At kahit na anong iwas ang gawin natin sa kanya, nand’yan pa rin siya palagi.
If you really love someone, and if he’s really made for you; no matter how much you curse him, hate him, shove him away; he’d still come back to you. It’s like the law of the universe, if it’s for you, it’s for you.
At ngayon, isang tao lang ang iniisip kong para sa’kin. His name starts with an “F” and ends with an “H.” The very guy who’d hurt me, yet the very guy whom I can’t stop loving. And I’m still hoping for a chance. Hindi ito ka-martiran katulad ng sinasabi ng ibang tao, ito lang ‘yong feeling na nakikita mo pa rin ang sarili mo na kasama niya at hinihiling mong sana’y nando’n ka pa rin sa tabi niya. Hope and chance.
-Ariadne