THE HAVEN OF SECRETS. A weird name for an island, sabi ni Ariadne sa sarili. Sakay ng isang helicopter na nirentahan ni Fryth ay nagpunta sila roon. Isa iyong isla sa Marinduque na binili daw nina Fryth at ng mga kaibigan nitong pintor. Isang nagngangalang Dwight daw ang nagbigay ng pangalan ng isla dahil doon daw itinatago ng mga ito ang kanya-kanyang sikreto ng bawat isa. She wondered what Fryth’s secret was that lies here.
Pero masyado siyang kinakabahan kaya hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa makapasok sila sa loob ng villa roon ni Fryth. Ngayon kasi nila gagawin ang kasunduan nila tungkol sa pagpipinta nito sa kanya ng nakahubad. Wala siyang maisip na palusot para makatakas dito. And honestly, she wanted to be with him too.
“Ano’ng sikreto ang itinatago mo dito?” tanong niya kay Fryth nang makapasok sila sa loob ng villa nito. Iginala niya ang tingin sa loob ng malaking bahay na iyon at nakita niyang wala naman unusual na bagay doon para maging ‘sikreto’ nito.
Fryth’s villa was laid-back, homey and very traditional unlike three other villas across the isle. It’s a two-storey nipa hut structure. Noong nasa high school pa sila, alam niya kung gaano kagusto ni Fryth na magkaroon ng bahay-kubo sa likod ng mansion ng mga ito pero hindi pumayag ang lolo nito dahil wala na daw space. Kamukha niyon ang rest house ng mga ito sa Tagaytay pero mas open ang isang ito.
“Nothing, I guess. Just a certain painting. Hindi ako katulad nina Calyx, Dwight at Knight na gustong itago ang pagpipinta nila. I’m a professional painter after all,” anito. Sa biyahe nila patungo roon ay napansin niyang napaka-relax na nito sa kanya. “Pero magagamit ko rin pala ang pangalan ng islang ito para sa gagawin ko ngayon,” dugtong pa nito.
Hindi niya alam kung bakit nagkaroon ng kakaibang kaba sa puso niya ngayon. Hindi na lang iyon dahil sa maghuhubad siya sa harapan nito. She felt like it’s going to be something more.
“Well, mag-start na tayo para matapos na ‘to. Kailangan nating bumalik sa Manila after this,” aniya rito.
“You would really go naked in front of me?” amused na tanong nito sa kanya. At hindi siya natutuwa dahil doon.
She scowled at him. “Well, what the heck are we in here for?”
“The truth.”
“What truth?” Nagsimula siyang maglakad patungo sa labas ng villa nito para sana makahinga ng maayos pero napatigil siya dahil sa sunod na sinabi nito.
“About how I messed up everything between us ten years ago.”
“Don’t you think that’s ten years late now?”
“Yes. But since you’re not married yet, may chance pa ako na gawin ang ipinangako ko sa’yo ten years ago,” sabi naman nito.
“Ten years from now, I’ll marry you, Ariadne. That’s a promise,” naalala niyang sabi nito sa kanya noon. Iyong mga oras na akala niya’y nagbibiro ito. But then, inisip nga pala niyang biro lang ang lahat nang nangyari sa kanila noon.
If this is a practical joke pulled by fate and love on me again, I’ll curse them to death!
“Gusto mo bang kumain muna? Nagpa-stock ako kina Manang Oliva—our caretaker here—ng mga pagkain dito bago tayo dumating,” anito.
“Hindi ka naman prepared? Hanggang kailan mo balak na manatili dito?”
“Well, depende sa’yo,” anito sa kanya pagkuwa’y binigyan siya nito ng isang alanganing ngiti.
“Fine. I want to hear the truth now, Fryth. Don’t leave anything unanswered,” mariing sabi niya rito. Matagal na niya itong gustong mangyari sa kanilang dalawa—ten years ago. Pero ayos na rin sa kanya dahil at least, mangyayari na ngayon.
“May mga tanong ka sa’kin, itanong mo na,” pag-e-encourage naman nito sa kanya.
“Start with Lyn first. Alam mo bang kinorner niya ako no’n sa CR, no’ng kumain tayo sa restaurant nina Elia,” aniya rito saka siya umupo sa narra set sa living room nito. The memories came rushing back to her now. At alam niyang maging dito rin.
“Hindi totoo ang naging relasyon namin noon. Alam mong hindi ko siya pwedeng ligawan o i-date man lang dahil kaibigan siya ni Jona. Humingi lang siya ng pabor sa’kin noon na kung pwedeng magpanggap ako bilang boyfriend niya para itaboy ‘yong makulit niyang manliligaw. I thought it wouldn’t hurt so, I did it. Pero ‘yon lang ‘yon, we didn’t even kiss. But then, she began telling me that she loves me. Hindi ko alam na may hidden agenda pala siya sa pretension na ‘yon. Totoo ‘yong makulit na manliligaw niya pero kinuha niya ang oportunidad na ‘yon para magparamdam siya sa’kin. Of course, I told her ‘no’. Hence, our ‘break-up’,” paliwanag nito sa kanya.
“Huh! You’re Fryth Adams, siyempre palaging may hidden agenda sa’yo ang mga babae,” sabi naman niya rito na ikinangiti nito.
“Except you. You have every chance to take advantage of me then, but you didn’t,” anito.
“I value our friendship a lot. Then,” sinadya niyang idagdag ang huling salita pero ngumisi lang ito sa kanya. What the heck is funny with that?
“See? That’s why I chose you. You’re different which makes you special.”
“Yeah, right. Stop with the flowery-mouth. I—“
“Junior year. Noon pa lang, alam ko nang may gusto ka sa’kin. Hindi ko alam kung kailan mo in-assume noon kung kailan ko nalaman ang tungkol sa feelings mo, pero aksidente kong nakita ‘yong diary mo no’ng nag-aaral tayo sa Trigonometry sa kwarto mo. Hindi ko alam na diary mo pala ang notebook na ‘yon pero may nagtulak sa’kin na buksan ‘yon kaya nalaman ko,” paliwanag pa nito sa kanya.
“Damn! Hindi na kita nagawang komprontahin noon dahil do’n,” aniya rito nang maalala niya ang tungkol sa bagay na iyon. “Alam mo bang dahil do’n kaya ako nagalit din sa’yo noon? Akala ko sinabi mo lang sa’kin na mahal mo ako dahil alam mong mahal kita. So, is that true?” tanong naman niya rito.
“I love you? Yes. I always have,” agad na sabi nito sa kanya. Hindi siya agad nakapagsalita dahil doon. Diretso sa puso niya ang sinabi nito at matagal siyang napatitig sa mga mata nito, naghahanap ng kumpirmasyon sa sinabi nito. And there it was, sincerity and truth visible in his eyes.
“Ang tagal ko nang hinintay ‘yan, Fryth. Ten years ago, right after no’ng sinabi ni Jona na buntis siya at ikaw ang ama. Pero tinakbuhan mo lang ako. I wanted you tell me you love me then. Kahit no’ng hinatid mo kami sa airport noon ni Wryth. I was hoping you’d tell me you’re sorry and that you love me. Kasi alam mo, kung sinabi mo ‘yon sa’kin noon, kakalimutan ko na niloko mo ako, na sinaktan mo ako. Because one ‘I love you’ would mean everything to me, because that still meant you love me. Pero hindi mo ‘yon sinabi sa’kin noon. Kaya inisip ko na maaaring nasabi mo lang na mahal mo ako noon kasi secured at safe ka sa’kin pero mas mahal mo si Jona, na siya talaga ang totoong mahal mo. You never wanted to be alone, so I figured you’d wanted to be with me because you know I love you and I can’t leave you. It fucking hurts, Fryth! Sinaktan mo ako ten years ago, at sinaktan mo ako every friggin’ year until now.”
Umiiyak na siya ngayon. Katulad noong sampung taon na ang nakararaan, ang puso niya ang umiiyak. Pero masarap at magaan sa pakiramdam na nailalabas na niya ngayon kung ano ang mga naramdaman niya noon, na nasasabi na niya kay Fryth ang lahat kahit sampung taon na ang nakalilipas.
Lumapit sa kanya si Fryth at bahagya siya nitong niyakap. “I did love Jona but it was never like yours, like ours,” anito.
“You knocked her up! You did it with her. At ‘wag mong sasabihin sa’kin na ginagawa na ‘yon ng halos lahat ng tao ngayon dahil sasaktan talaga kita, Fryth,” mariing sabi niya rito.
“Cassius is not mine.”
“Wh-what?”
“TWELVE YEARS AGO, I first met you in our Algebra class. Gumagapang ka noon papunta sa upuan mo, ‘di ba? The moment you lifted your face, I was awed. I’m an artist and I know beauty. Right there and then, gusto kong sabihin sa’yo na ‘wag ka munang gumalaw dahil gusto kitang i-sketch noon. I wanted to make an impression to you then, kaya—“
“Sinumbong mo ako kay Mr. Fitz at nagkaroon ako ng minus ten. Good move.”
Natawa si Fryth sa komentaryong iyon ni Ariadne pero nagpatulong lang siya. “I’m really sorry about that. Pero gusto kong makakuha ng reaksyon sa’yo kahit na inis pa ‘yon. No’ng tumingin ka kasi sa’kin parang wala lang ako sa’yo samantalang ang lakas ng naging impact mo sa’kin noon. My first plan was to ask you out pero masyado kang malamig. Kaya sabi ko sa sarili ko, this girl is different and I totally have to make an effort with this one. Sabi sa’kin noon ni Lolo Bryan, everything would turn out great with friendship. Thus, our friendship.”
“As months passed by, naging mas malapit tayo sa isa’t isa at gusto na kitang ligawan noon. Kaya kinausap ko muna si Lolo Yno para maging legal ang lahat. Pero pinigilan niya ako. He wanted me to prove myself to him. Kapag hindi daw niya ako nagustuhan para sa’yo, wala raw akong karapatang ligawan ka. And so, I did all I could to earn his vote and trust and it took me two years. Kaya ‘wag kang magtaka kung bakit bigla na lang akong nagparamdam sa’yo noon. The girls I’ve been with, they’re just distractions. Alam mo na hindi naman ako seryoso sa kanila.”
Hindi sinabi sa’kin ni Lolo Yno ang tungkol do’n! protesta ng isipan niya. Kailangan niyang kausapin ang lolo niya tungkol doon.
“But the thing with Jona is different, she likes me and she knew my feelings about you but she still played with me, said it was okay. Naging malapit din kami sa isa’t isa dahil alam niya ang feelings ko sa’yo. No’ng umalis sila papuntang States, nalungkot ako kasi nawalan ako ng isang kaibigan. Kaya siguro in-assume mo na brokenhearted ako noon. Well, dahil nawalan ako ng isang kaibigan. You see, I only loved one girl and it’s you. I could stand losing all my friends but not you. Hindi kita kayang makitang nasasaktan lalo na kapag alam kong ako ang may kasalanan niyon.”
“When Jona came back, she came back with a mission. A mission to save her ass. Na-disappoint ako sa kanya noon pero hindi niyon mapapantayan ang galit na nararamdaman ko sa kanya nang aminin niya sa’kin ang totoo. No’ng time na dapat ay manonood tayo ng sine—“
“That was also the time I’d say ‘yes’ to you, you know,” singit niya rito.
“Dammit! I could kill her—god. I’m so sorry. Tinawagan ako ni Jona ng gabing ‘yon. Umiiyak daw siya at sinabi niyang may problema siya. Kaya pumunta ako sa bahay nila. Noon ko nalaman na hindi pala umuwi kasama niya ang parents niya. Pinainom niya ako ng juice noon and I suddenly felt dizzy. Pagkagising ko, nasa tabi ko si Jona at pareho kaming hubo’t hubad. I know that she drugged me, pero sinabi niyang totoong may nangyari sa’ming dalawa. I felt disgusted with myself, I cheated on you. Kahit hindi ko sinasadya. Kaya nag-hibernate ako sa rest house namin sa Tagaytay at hindi ako pumasok ng ilang araw. Hindi ko kayang humarap sa’yo. Hindi ko kayang aminin sa’yo ang naging kasalanan ko. Then, Jona turned up in our door step after three weeks. Sinabi niya sa’min nina Lolo Bryan na buntis siya at ako ang ama. I hated her for it but I hated myself more! Hindi ko alam kung paano sasabihin sa’yo ang lahat. Humahanap ako ng tamang tiyempo pero hindi kita kayang makitang masaktan nang dahil sa kagagawan ko. I’m a coward, Ariadne and I almost killed myself for that.”
“Bago ipinanganak ni Jona si Cassius, inamin muna niya sa’min ni lolo na hindi sa’kin ang bata. Na bago siya umuwi dito sa Pilipinas ay buntis na siya pero hindi siya pinanagutan ng ama no’ng bata at alam niyang itatakwil siya ng kanyang mga magulang kapag nalaman ng mga ito ang totoo. Kaya naisip niyang biktimahin ako. Pero itinakwil pa rin siya ng mga magulang niya. Pinakasalan ko siya pero ang sabi ni lolo ay pineke daw niya ang lahat. Pinalabas lang niyang totoo ang kasal namin para walang masabing masama sa’min ang ibang tao at ang pamilya ni Jona. Sick, right?”
“Kaya hindi ko kayang tingnan si Cassius. Naaalala ko sa kanya ang ginawa ng kanyang ina. That’s why I don’t want you near him too. Sila ng nanay niya ang sumira sa’ting dalawa. Pero may kasalanan din ako. I should’ve told you about this sooner but I chickened out. I felt like you don’t deserve me anymore. I’ve had a bad record and I don’t want you tainted with it. You deserve someone better and I know you know it too. I heard you say it before.”
“You heard me say what?” maang na tanong nito sa kanya.
“That I don’t deserve you anymore. Narinig ko kayong nag-uusap no’n ni Doug sa may garden ng bahay n’yo.”
“Ang sakit, Doug. Ang sakit, sakit. Hindi lang ang taong mahal ko ang nawala sa’kin, pati ang best friend ko,” narinig niyang sabi ni Ariadne. Nagkubli siya sa malaking pillar ng bahay ng mga ito malapit sa garden ng mansion. Nakasubsob si Ariadne sa garden table ng mga ito.
“Sige lang, iiyak mo lang. Feel the pain but don’t let it overrule you. Show him what he’d let go. Kung ako ang tatanungin mo, hindi ko na aasaming makausap pa siya. You don’t deserve him anymore. You deserve someone better. Niloko ka niya at two times ang sakit na idinulot niya sa’yo—ang panloloko ng isang best friend at isang almost-boyfriend. Pero siyempre, kailangan n’yong dalawa ng closure kaya kailangan n’yo ring mag-usap,” sabi naman dito ni Doug.
Nang mga oras na iyon ay gusto na niyang lapitan ang mga ito. Pero tumagos sa puso niya ang mga sinabi ni Doug. Sinaktan niya si Ariadne ng doble. He was right. He didn’t deserve her anymore.
“You’re right. I don’t deserve someone like him,” pagkuwa’y narinig niyang sabi ni Ariadne.
And that stung him a million times.
“I can’t believe this!” bulalas ni Ariadne. Itinulak siya nito palayo rito at lumayo pa ito sa kanya. “Hindi lang talaga si Jona ang may kasalanan. Ikaw!”
“Yeah, I know.”