“ARIADNE!”
Hindi nilingon ni Ariadne ang pagtawag sa kanya ni Fryth. Nagtatakbo siya palabas ng villa nito kahit hindi niya alam kung saan pupunta at kung paano siya makakaalis sa islang iyon. She was delighted because she finally knows the truth about what happened then. Pero naiinis siya kay Fryth dahil ngayon lang nito sinabi sa kanya kung ano ang totoo. Pinalipas pa nito ang sampung taon—okay, siguro ay siyam lang—bago nito sabihin sa kanya ang lahat pero ganoon pa rin iyon.
He caused them both the agony of being away from each other when they could have been together before this. Hindi naman siya galit, naiinis lang talaga siya dahil hindi niya akalain na iyon pala ang malalaman niya.
“Ariadne!”
“Gusto ko nang umuwi. Ayokong manatili sa isla na ito kasama ka. Nakakainis ka at ayaw kitang makita ngayon!” sigaw niya kay Fryth. Sa wakas ay naabutan siya nito pero nasa may dalampasigan na siya. “I hate you!” sigaw pa niya rito.
He looked hurt. “Yeah, I know. I deserve—“
“Oh, please! Stop saying the word ‘deserve’. Mas naiinis ako sa’yo! How could you say that? Hindi ikaw ang magdedesisyon no’n, Fryth. Shit! Ten years! Sampung taon ang dumaan bago tayo magkakaro’n ng ganito? Unawaan ng lahat ng nangyari, sa wakas? Are you expecting me to say, ‘yey! I love you’? Because, damn you! I’m not going to say that to you! Hindi mo alam kung anong sakit ang dinamdam ko sa loob ng sampung taon. And you know what? I damn tried to hate you but I can’t! And I hate you more for that!”
Damn! I sounded pathetic. I can’t hate him but I hate him? Nagko-contradict na ang sinasabi ko. Ugh! I hate him! Paano niya nagawang itago sa’kin ang lahat ng ‘yon all these years? But damn it! I love him too! Still.
“Hate me all you want, Aya—“
“Don’t call me that,” she snapped at him. Bumuntong-hininga ito pagkuwa’y pilit pa itong lumapit sa kanya pero hindi niya ito hinayaan. Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. “Please, Fryth. I need to be alone,” pakiusap niya rito. Sa wakas ay bumaba na ang tono niya.
“Pwedeng dito ka muna sa’min,” anang isang boses ng babae. Hinanap niya ang boses kung saan iyon nanggaling at nakita niya ang isang babae at lalaking nakatayo sa front porch ng villa na malapit sa dalampasigan na tinakbuhan niya. Narinig ng mga ito ang usapan nila. Dahil doon ay nag-init ang buong mukha niya sa hiya.
“Harmless naman kami,” sabi naman ng lalaking kasama nito. Medyo lumapit sa kanila ni Fryth ang dalawa at doon niya nakita ang mukha ng mga ito.
“Ariadne?”
“Pepper?” gulat na sambit niya ng makilala niya ang babaeng nagsalita kanina. She was Pepper Sy Co., Ltd. who was supposed to marry Joey Montinola of the Montinola Group of Companies but she ran away and the latter got engaged to one of her friends.
Talk about twisted. Kilala nila ang isa’t isa dahil madalas silang magkita sa iba’t ibang business parties na pareho nilang pinupuntahan.
“Magkakilala kayo?” tanong ng lalaking kasama nito.
“Yes. Sila ang may-ari ng Mirage perfume. At hindi mo sinabi sa’kin na si Fryth pala ay si Fryth Adams ng AutoTechnic,” sabi naman ni Pepper. Pagkatapos noon ay nagpakilalahan silang apat. Fiance na pala nito si Calyx. Somehow, the two’s presence were a breath of fresh air.
“Um, posible nga palang magkakilala kayo dahil pareho kayong mayayaman,” anang lalaki. “Frye, let’s talk,” yaya naman nito kay Fryth. Ngunit nag-alinlangang sumama dito ang huli.
“Don’t worry, Fryth. Ako na ang bahala kay Ariadne,” sabi naman ni Pepper dito.
May kung anong ibinulong si Calyx kay Fryth kaya pumayag na rin ang huli na umalis ang mga ito roon. Nagtungo ang mga ito sa villa ni Fryth samantalang sinama naman siya ni Pepper papasok sa villa ni Calyx.
“Alam mo ba last month, ikinasal dito ‘yong isa nilang kaibigan. Si Dwight Hontiveros,” ani Pepper habang naghahanda ito ng juice para sa kanilang dalawa.
“Narinig ko nang ikinasal na siya pero hindi ko alam na dito pala siya ikinasal,” aniya rito.
“Naunahan pa nga kami ni Calyx eh. So, ano’ng mayro’n sa inyo ni Fryth? Medyo narinig namin kanina ang sigaw mo kaya may hint na ako kahit kaunti pero...oh, no. If you don’t want to talk about it, okay lang. Sorry. Nae-excite lang ako,” anito.
“’Pag naman talaga in love, excited din sa love story ng ibang tao eh,” nakangiting sabi niya rito.
“Well, yeah. Anyways, you can trust me, you know. I won’t kiss and tell. Kahit kay Calyx. Pero sigurado ako na nagkukwentuhan na silang dalawa ni Fryth ngayon tungkol sa problema n’yong dalawa,” sabi pa nito sa kanya.
Nag-atubili pa siya bago sabihin dito ang lahat ng nangyari pero sinabi pa rin niya, kahit summary lang ang sinabi niya rito. Nang matapos siyang magkwento rito ay umuunawang tumingin ito sa kanya.
“You know what, Calyx and I, we’ve been on each other’s necks for years bago naging kami. Pero nakilala ko siya no’ng sixteen pa lang ako. I treated him special but he broke my heart kasi naging girlfriend niya ang isa sa best friend ko. He ruined my fantasy at dahil do’n, inis na inis ako sa kanya. But I did fell for him then. I was stuck thinking about him. May nabasa akong libro, The Edge of Never, it says, when you fall in love, like true love, it’s love for life. All the rest is just experience and delusions. And I believe in that thought. Kasi kahit na anong kalimot ko o kahit na anong inis ko kay Calyx, hindi ko magawa. When I fell in love with him, I fell deep and I was stuck with that love. I know we’ll have it for life that’s why I’ll marry him.”
“Naniniwala ako na gano’n din ang sa inyo ni Fryth. Imagine? Ten years na ang nakalipas pero nand’yan pa rin, I’d bet that it’s a love for life. Maybe ten years ago wasn’t the right time for the both of you and maybe this time it is. ‘Tapos, pinakawalan mo lang. Tungkol naman sa paghihimutok mo kung bakit inabot ng ten years ang pagpapaliwanag niya sa’yo, hindi mo ba naisip na gano’n din ang gagawin mo ngayon sa inyong dalawa? Every second counts, make everything worth from it. Everybody is scared to make mistakes or to lose someone especially the one you love, you know. It just shows how much you love a person. Masyado niyang sinisi ang sarili niya sa mga nangyari. No’ng nasaktan ka, nasaktan din siya. I’m not saying that he had hurt less than you, but don’t you think you’d be cruel not only to him but to yourself if you keep this up? You both need to be together. As in, ASAP!”
Natawa siya sa huling sinabing iyon ni Pepper. “I know, nainis lang talaga ako kanina at kailangan ko lang huminga ng maayos. Kahit naman pilitin ko ang sarili kong magalit sa kanya, hindi ko pa rin magawa. I guess, I love him too much to hate him,” sabi naman niya rito.
“Ganyan din ako kay Calyx noon. Pero okay rin naman na pahirapan mo siya ng konti,” nakangising sabi nito sa kanya.
Nah. Fate had been cruel enough for the both of us.
“SHIT! SERIOUSLY?” bulalas ni Ariadne nang maramdaman niya ang pagkakadikit ng mga kamay nilang dalawa ni Fryth. Sinundo siya nito sa villa ni Calyx dahil pababa na ang araw at may importante raw itong ipapakita sa kanya. Nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay ay naramdaman niya ang glue—o mighty bond—sa kamay nito.
“Now, you’re stuck to me like glue. Again,” nakangising sabi sa kanya ni Fryth. Pagkuwa’y hinalikan nito ang noo niya.
“Aw, sweet. Babe, you never did that to me,” ani Pepper kay Calyx.
“That’s not our thing, babe. Do you want to do our thing?” nanunuskong tanong naman ni Calyx dito.
“Oh, please! Tara na nga, Ariadne,” sabi sa kanya ni Fryth saka siya nito hinila paalis sa villa ni Calyx.
“Bye, guys! Sana mamaya kayo na talaga. Don’t forget to do your thing!” sigaw pa sa kanila ni Calyx na kapwa nila ikinailing ni Fryth.
Hindi sila nag-usap pang dalawa hanggang sa makarating sila sa loob ng kwarto ni Fryth sa villa nito. At nagulat siya nang tumambad sa kanya ang malaking charcoal painting niya na nasa itaas ng kama nito. Alam niyang nagpipinta si Fryth pero abstract at nude paintings ang karaniwang ginagawa nito.
“Iyan ang entry ko sa SOFA noon. You were the reason why I got accepted there,” sabi sa kanya ni Fryth.
“Oh, wow,” aniya rito pero sa sobrang tuwa na nararamdaman niya’y napaluha na naman siya. Naniniwala na siyang mahal siya ni Fryth—for real—pero mas naniwala siyang mahal talaga siya nito dahil doon.
“I chose Yale first, you know. Dahil ayokong malayo sa’yo. Pero nag-withdraw ako pagkatapos ng lahat ng nangyari. I know, I’m a big of a coward and I hate myself for that. But I don’t want to see you. I don’t want to see you hurt and I know I’m the one who caused you that pain. I didn’t know that when I’m hurting these past years, you were hurting too. Akala ko naka-get over ka na dahil naging boyfriend mo sina Trip at Denver. Kung hindi pa ako kinausap nina Wryth at Asia, hindi ko malalaman na mahal mo pa rin ako. I’m sorry for being a coward, Ariadne,” paliwanag pa sa kanya ni Fryth.
“’Aya’. You can call me that again. I’m sorry for being stubborn too. You know, ‘yong pagsigaw-sigaw ko kanina,” aniya rito.
“Naiintindihan ko. You have every right to be mad at me, to yell at me. You can yell ta me anytime,” sabi namman nito.
“Thank you. Hayaan mo, sisigawan kita kapag gusto ko. But thank you for the painting, Fryth. I love it,” nakangiting sabi niya rito. “I’m sorry for ever saying that I don’t deserve you then. I didn’t mean that. Well, not really. Kasi nagalit ako sa’yo noon. Pero kung nalaman ko lang ang totoo agad—kung hindi na umeksena si Jona noon, thing could’ve been easier, right?”
“A love that’s easy is a love unworthy. Maybe our time isn’t right then, and maybe this time is. Would you give me another chance?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya.
She frowned at him and he looked hurt. Pero nginitian niya rin ito. “Do I have a choice? I’m stuck to you like glue. Literally,” natatawang sabi niya rito.
“I’m glad the trick still worked. I’m gonna pay Mr. Borja a visit one of these days and thank him for the trick,” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Yeah. I miss you, you know,” masuyong sabi niya rito.
“Oh, god. You don’t know how much I’ve been dying to hear that from you,” sabi naman nito.
“Well, kung sinabi mo sa’kin ang totoo ten years ago—“
“Yeah, yeah. I know. I got a feeling that you’ll gonna give me that the next years still.
“You dese—“
“No ‘d’ word, ‘di ba?”
“Right, whatever.”
Kroo-kroo-kroo-kroo. Awkward silence.
“Aren’t you going to ask me something?” pagkuwa’y tanong sa kanya ni Fryth. Kinunutan niya ito ng noo. Nginisihan siya nito pagkuwa’y hinapit siya nito palapit dito. Magkadikit ang noo at ilong nilang dalawa. His breath was kissing her lips, he was teasing her.
“Someday, you’re gonna beg for me to kiss you,” naalala niyang sabi nito sa kanya noon.
“Fryth Adams!” hindi makapaniwalang sabi niya rito. “Kiss me,” aniya rito.
“I’m glad that my girl isn’t dumb,” sabi nito pagkuwa’y lumapat na ang mga labi nito sa kanya.
His lips were warm and firm yet soft. He gently sucked her lower lip and coaxed her to open her mouth. Once she did, he delved his tongue inside her mouth and deepened the kiss. Sumabay lang siya sa ritmo ng mga labi nito sa kanya. Their kiss was so much better than before. Nahalikan na rin niya sina Trip at Denver noon pero hindi iyon katulad ng sa kanila ni Fryth. There was sparks and whole lot of things with their kiss—especially, love.
“I love you, then and now,” pagkuwa’y sabi sa kanya ni Fryth ng bahagyang maghiwalay ang kanilang mga labi.
“I love you too!” pasigaw na sabi niya rito. Parang na-recharge siya dahil sa halik na nangyari sa pagitan nila kaya kapwa sila natawa ni Fryth. “And about Cash,” paalala niya rito.
Noon lang niya na-realize na napakabait pala ng pamilya Adams dahil kahit na alam ng mga itong hindi nito kadugo ang bata ay itinuring pa rin ng mga itong parang kanila si Cash.
“I like him, you know. I’m really sorry for treating him in a cold manner. Pero babawi ako sa kanya. Naging close na kami right after no’ng Star City so, thank you for that,” anito. “And I think kailangan ko na namang manligaw kay Lolo Yno,” pagkuwa’y sabi nito.
“Oh. Hindi mo na—“
“No. I have to prove myself to him again. No matter how many times or how long he wants to, as long as I’d end up with you,” anito sa kanya.
Ten years ago, it wasn’t the right time but it’s the right love for the both of them. Ten years later, it was still the right love and it is definitely the right time for them. One thing had been constant all these years though, they’re truly made for each other.