Chapter 36

KINABUKASAN ay naging customer na naman ng Bettina’s Café si Thunder. Nang makita ito ni Ella ay agad na nagtago ang huli dahil sa “bago” na naman nilang kasunduan ng kanyang madrasta. Nang nagdaang gabi ay ipinakita ng Tita Bettina niya sa kanya ang kasulatan na nagsasabing gagawin na nitong “Isabella’s Café” ang Bettina’s kaya naman nagalak ang puso niya. Ang kailangan na lang niyon ay ang pirma nito para maging opisyal na iyon. Nagpapagawa na rin daw ito ng bagong café header at logo na ilalagay sa itaas ng coffee shop kapag nagpalit na sila ng pangalan.

Ngunit hindi daw nito iyon pipirmahan kapag may nabalitaan pa itong nakikipag-usap o nakikipagkita siya kay Thunder. Sinabi kasi dito ni Selena ang mga nangyari kahapon sa café. Kung wala lang siyang gustong makuha sa mga ito ay matagal na niyang nabanatan si Selena. Napaka-selfish at spoiled brat ito. Tama nga si Hunter sa sinabi nito tungkol kay Selena. Maganda nga ito pero pangit naman ang ugali.

Para makasigurado ang Tita Bettina niya ay maghapon itong nagbantay doon sa coffee shop. Hindi pa naman naghihilam ang mga mata niya dahil mugto pa rin iyon dahil sa pag-iyak niya kagabi. Sabi ni Syrene ay may pagkasadista daw siya dahil mas gusto pa daw niyang masaktan kaysa ang sumaya ngunit kailangan niya munang gawin ito.

“Ang daya mo ah. Bakit nandito ka? Tapos na ba ang shift mo?” bungad sa kanya ni Hunter na kadarating lang.

“Boss’ orders. Ang aga mo ah,” sabi niya rito.

“Selfish and scheming bosses huh. That sucks,” komento nito at bigla na lang itong naghubad sa harapan niya mismo.

“Hoy! Ano’ng ginagawa mo?” tanong niya rito habang nakapikit at nakatabon sa kanyang mga mata ang kanyang kamay.

“Nagbibihis. Pumikit ka na lang. But you can also look if you like,” nakangising sabi nito sa kanya.

“Aba, aba. Kailan ka pa natutong gumanyan, Hunter?” tanong niya rito.

“It’s a natural for a guy like me, princess,” sabi nito sa kanya.

“Sabihin mo nga sa’kin, mayaman ka ba? Kung makapagsalita ka ng Ingles, ang sosyal eh,” puna niya rito.

“Nanonood lang ako ng English movies,” katwiran naman nito. If she was a writer, she would describe Hunter as dark, dangerous yet tempting. May imahe ito ng pagiging bad boy pero komportable siya rito.

“Tell me, nagtatago ka dito dahil inutusan ka nilang ‘wag makipagkita kay Thunder?” pagkuwa’y sabi nito. Nagmulat na siya ng mata. Mabuti na lang at nakabihis na si Hunter ng café uniform nito kaya mukha na itong disente.

“Napaka-rational mo talagang mag-isip, Hunter,” sarkastikong sabi niya rito. Tumabi si Hunter sa kanya.

“Ano ba ang nagustuhan mo sa Thunder na ‘yon?” tanong nito.

“There are so many things to like about Thunder. But he’s making one unique thing to me. He’s making my heart beat so erratically. Isang bagay na kahit na sinong lalaki ay hindi nagagawa sa’kin,” paliwanag niya rito.

“Ah. The little thing they called love,” tumatangong sabi ni Hunter.

“Oh, so the mighty Hunter knew something about love,” aniya rito.

Tumango ito. “Yeah. Pero talo ako pagdating d’yan,” makahulugang sabi nito.

“Huh? Bakit naman?”

“Nasabi ko na sa’yo dati. The one I love likes someone else,” anito.

“Ouch. Saklap naman no’n. Pero ‘like’ pa lang naman eh. Keri mo pa ‘yon. Mas mabuti kung lumaban ka kaysa wala kang ginawa,” payo niya rito.

“Aba! Sabihin mo din ‘yan sa sarili mo. Bakit, kaya mo na bang ipaglaban si Thunder?” balik nito sa kanya.

Oo nga, Ella. Kaya mo na bang ipaglaban si Thunder? Ang lakas ng loob mong magbigay ng payo, eh ikaw naman ang hindi sumusunod sa payo mo.

“Uy! Ibang usapan naman ‘yon. Ikaw ang pinag-uusapan dito,” katwiran niya. Napailing lang ito sa sinabi niya at saka pinindot ang ilong niya.

“Maniningil na ako ng utang mo mamaya ha.”

“Wala pa akong pambayad,” sabi niya rito.

“Kayang-kaya mong magbayad, princess,” anito sa kanya bago lumabas ng employee’s room.

Nang tumapat sa alas-singko ang orasan ay nagpalit na siya ng damit para makauwi na siya. Hanggang alas-singko lang siya doon dahil sa bahay naman siya nag-aasikaso. Ang sabi niya kay Syrene ay pupuntahan siya doon kapag wala na si Thunder. Mukhang nagtagal doon ang binata ngayon. Paano kaya siya makakalabas gayong ang tanging daan palabas ng café ay ang main door sa unahan.

“Uy, umalis na si Thunder. Nakakainis talaga ang dalawang monsters na ‘yon!” bungad sa kanya ni Syrene.

“Thank you, Sy,” nakangiting sabi niya rito at saka siya lumabas ng employee’s room. Nadatnan niyang tila nagtatalo sa may counter sina Hunter at ang Ate Jeya niya. Pero nang makita siya ng mga ito ay tumigil ang mga ito sa pag-uusap—kung anuman ang pinag-uusapan ng dalawa.

“Hi, Ate Jeya,” bati niya rito.

“Ella, Thunder talked to me. Nakakakilig talaga,” tila lutang na naman na sabi ni Selena sa kanya. Tahimik lang sila nina Syrene, Ate Jeya at Jed ngunit nagkomento si Hunter.

“He seemed bored,” ani Hunter. Parang kidlat naman sa bilis ang pagtingin ng pailalim ni Selena dito. “Just saying,” kibit-balikat na sabi ni Hunter. Pigil niya ang sarili na mapatawa dahil siguradong magwawala si Selena.

“Mommy!” she wailed. Lumapit naman agad sa kanila ang Tita Bettina niya. “Fire him now,” ani Selena dito habang tinuturo si Hunter.

“Tumigil ka nga, Selena. Ella, sumabay ka na sa’kin pauwi,” yaya nito sa kanya na binale-wala ang pagiging spoiled brat ni Selena. Sumunod na siya rito.

Nakalabas na siya sa counter nang tawagin siya ni Hunter. “Bakit?”

“Basta lumapit ka,” anito sa kanya. Lumapit naman siya sa may counter.

Sa gulat niya’y hinawakan siya nito sa batok at hinapit palapit dito. The next thing she knew, Hunter’s lips were already on hers. She and everybody else gasped. Nanlaki ang kanyang mga mata pero wala siyang kahit na anong kakaibang naramdaman. Agad niyang tinulak si Hunter.

“Bakit mo ginawa ‘yon?” galit na sita niya rito. Ito ang first kiss niya at naiinis siya dahil hindi iyon si Thunder!

“Utang mo ‘yon sa’kin,” katwiran nito na ikinalaki lalo ng mata niya at ikinainis pa niya.

“Pwede akong magbayad sa’yo ng kahit na magkano!” sigaw niya rito.

“Sabi mo sa’kin lumaban ako ‘di ba? ‘Ayan na. Lumalaban na ako. I love you, Ella,” sabi nito sa kanya na ikinatanga niya at ng mga taong malapit sa kanilang dalawa.

KINABUKASAN ay nagulat si Ella dahil kasabay na niyang magtrabaho si Hunter. Ang sabi nito’y inutusan daw ito ng Tita Bettina niya na mag-morning shift na lang. Si Jed tuloy ang napapunta sa night shift nila. Ang hinala niya’y iyon ay para mapalapit sa kanya si Hunter. Ibinubuyo siya ng Tita Bettina niya sa binata simula pa nang nagdaang gabi. Sa buong araw naman ang sinusungitan niya si Hunter.

“Ayoko n’yan,” mataray na sabi niya kay Hunter nang makita niyang nagbaba ito ng paborito niyang iced mocha sa may harapan niya.

“Okay. Akin na lang,” bale-walang sabi nito saka ininom ang iced mocha. May dumating na customer at ginawa niya ang order nito. Pagkatapos niyang magsilbi sa customer ay muli niyang hinarap si Hunter.

“Charge ‘yan sa’yo ha,” paalala niya rito.

“Nabayaran ko na po ‘to, mahal na prinsesa.”

“Hunter, mag-usap nga tayo ng maliwanag,” sabi niya rito.

“Okay. Shoot.”

“Hindi kita gusto. Alam mo naman si Thunder ang gusto ko, ‘di ba? Marami pa namang babae d’yan na pwede mong mahalin eh. Sila na lang. Hanggang friends lang talaga tayo,” paliwanag niya rito.

“Ang sakit mo namang magsalita, Ella,” reklamo nito sa kanya.

“Parusa ‘yan sa’yo. You shouldn’t just kiss someone,” mataray na sabi niya rito.

“Did you like it?” nanunudyong tanong nito sa kanya.

“It’s disgusting,” naiiritang sabi niya rito.

“Gusto mo ulitin ko? Baka sakaling magustuhan—“

“Don’t you dare! Subukan mo lang kung hindi, makakatikim ka talaga sa’kin ng matinding galit ko, Hunter,” banta niya rito.

He chuckled, then he got serious. “Maybe it’s better for you to look on the opposite direction, Ella. Si Thunder lang naman ang nakikita mo kaya hindi mo nakikita ang ibang lalaki sa harapan mo. Why don’t you try to look at me? Baka mas magustuhan mo pa ako kaysa kay Thunder,” sabi nito.

Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. “Hunter, kahit na gaano karaming lalaki pa ang nasa harapan ko ngayon, si Thunder pa rin ang hahanap-hanapin ko dahil siya lang ang gusto kong makita maging ng puso ko. Gets?”

“’Yon na nga ang sinasabi ko. Bakit hindi mo pilitin ang sarili mo na tumingin sa iba? ‘Pag kay Thunder, masyadong complicated. ‘Pag sa’kin, hindi. Take your pick.”

“I’ll still pick Thunder dahil siya nga ang gusto ko. Siya ang mahal ko,” aniya rito.

“Love? How could you say that it’s already love? Iilang beses pa lang kayong nagkikita. Isang beses pa lang nga kayong naghahawak-kamay. You don’t even kiss yet.”

“Sabi ko, love. And when it comes to love, you don’t need to always have a physical contact to know that you’re in love with someone. Kahit nga sa tingin pa lang, pwede ka ng ma-in love sa isang tao. Sometimes, your heart would just beat and say, ‘I love him’,” aniya rito.

“Hmmm. Ganyan din ang nararamdaman ko para sa’yo,” ani Hunter.

“Hunter!”

“Okay, okay. Babalik na ako sa night shift bukas,” sabi lang nito at saka lumayo sa kanya para makipag-usap kina Ate Jeya at Syrene. Natatawa siya rito. Mabilis naman pala itong makausap ng matino.

Nang marinig niyang bumukas ang main door ng café ay humarap siya roon para sana bumati sa bago nilang customer pero napipilan siya ng makitang si Thunder ang lalaking kapapasok lang doon. Marahil ay nakita nang tatlo niyang kasama si Thunder kaya nagsilapitan ang mga ito sa kanya. Magtatago na sana siya papunta sa kanilang employee’s room at tatawagin si Selena sa opisina nito pero pinigilan siya ni Hunter.

“You love him right,” bulong sa kanya ni Hunter na ipinapaalala sa kanya ang lahat ng sinabi niya kanina.

“Hi, Sir Thunder!” masayang bati dito nina Syrene at Ate Jeya niya.

“Hello. Nand’yan ba si Selena?” tanong nito sa dalawa. Parang iba ang aura nito ngayon. Mukhang hindi maganda ang mood nito dahil hindi man lang ito nakangiti.

“Ah, opo. Tatawagin ko lang po siya,” paalam ni Syrene.

“Would you like to order, Sir?” tanong naman dito ni Hunter habang nakaakbay pa sa kanya. Naiinis na tinanggal niya ang braso ni Hunter sa balikat niya pero binabalik lang nito ng binabalik iyon.

“Nasaan si Jed?” kunot-noong tanong nito kay Ate Jeya pagkatapos ay matamang tiningnan si Hunter.

“Nalipat sa night shift si Jed. Itong si Hunter na ang pumalit sa kanya,” sagot ng Ate Jeya niya rito.

“I see,” anitong hindi man lang siya sinulyapan.

“Thunder! Hindi mo naman ako t-in-ext na pupunta ka dito,” malambing na bungad dito ni Selena. Agad na humalik sa pisngi nito si Selena pagkalapit ng huli dito na ikinangitngit ng kalooban niya.

Tinabunan ni Hunter ang mga mata niya pero huli na. “Hunter, ano ba?” naiinis na sita niya rito.

“Baka masaktan ka eh. Pino-protektahan lang kita,” bulong nito sa kanya.

“Hoy! Kayong dalawa. Bawal ang PDA dito. Magtrabaho nga kayo,” sita sa kanila ni Selena.

“Sorry,” aniyang nakatingin ng diretso kay Thunder. But Thunder evaded her stare. Ano bang problema nito?

“Selena, I want to ask you out on Friday. Pwede ka ba?” tanong ni Thunder kay Selena na bumasag sa puso niya.

Bakit kailangang yayain pa nito ng date si Selena sa mismong harapan niya? Palibhasa ay hindi nito alam kung ano ang nararamdaman niya para rito.

Eh, kasalanan mo naman kasi, Ella. Hindi mo sinabi sa kanya, sisi ng isang bahagi ng isipan niya sa kanyang sarili. Gusto na niyang umiyak ng mga oras na iyon.

“Oo naman. Siyempre,” excited na sagot dito ni Selena.

“Hunter, pupunta lang ako sandali sa employee’s room. Tawagin n’yo na lang ako do’n ‘pag maraming customers,” paalam niya kay Hunter at saka pumunta sa employee’s room bago pa man tumulo ang kanyang mga luha.

Ito na nga ba ang sinasabi niya noon. Ang makahanap si Thunder ng ibang babaeng gugustuhin nito. She only got herself to blame.

NASA WAVE Bar si Thunder dahil doon sila magkikita ni Hunter. Kaninang pumunta siya sa Bettina’s Café ay nilagyan nito ng post-it note ang baso ng frappe niya ng “Meet me at Wave Bar tonight at nine pm”. Mukhang nahawa na rin ito kay Ella. Kaya naman naroon na siya bago pa man mag-alas nuwebe ng gabi. Naiintriga siya kay Hunter.

At nagseselos ka rin sa kanya, paalala niya sa kanyang sarili. Pero agad din niya iyong iwinaksi sa kanyang isipan. Nang makita niya si Hunter na palapit sa kanya ay inihanda niya ang kanyang sarili sa mga maaaring sabihin nito sa kanya. Basta ang alam niya’y tungkol iyon kay Ella.

“You love her?” agad na tanong nito sa kanya.

“Yes,” agad na sabi niya rito ng walang pag-aalinlangan.

“Too bad. I love her too.”

“Does she love you?”

“Alam n’yo, masyado kayong masakit magsalita ni Ella. Bagay nga kayo,” sabi lang nito sa kanya pero iyon ang ikinahinga niya ng maluwag. So, he wasn’t a threat. “Pero nagselos ka kanina ‘no?”

“Ah, so sinadya mo pala ang mga ‘yon?”

“I need to fight for her too. Sad part was, she’s fighting me too,” anito na ikinatawa at ikinailing niya.

“Siya ba ‘yong…”

“Yes. Siya ‘yon. And you have to know the things you should know about her. She’s not perfect, Thunder. Would you still take her?” hamon pa ni Hunter sa kanya.

“Perfect is boring,” nakangiting sabi niya rito.

Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga. “Too bad, Jace. Too bad,” sabi nito sa sarili.

Ang mga sumunod na sandali’y pinag-usapan na nilang dalawa ang tungkol sa talambuhay ni Ella na nalaman din pala nito katulad nang kung paano niya nalaman ang iba sa mga iyon. Mas nauna lang ng ilang buwan sa kanya si Hunter pero ito na rin mismo ang nagsabi na siya ang “nanalo” sa “silent battle” nila para kay Ella. For the last straw of their story, they both planned for something to rescue their princess.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.