DINALA si Ella ni Thunder sa bahay ng mga ito. Nagulat siya dahil naroon ang Ate Jeya niya maging ang abogadong kaibigan ng daddy niyang si Uncle Henry. Naroon din ang manager ni Thunder na si Fred at si Yna na siyang pinagkunan niya ng ticket noon sa Dream Records, ang daddy ni Thunder at isang binatang hindi niya kilala.
“Okay. Ano ba talagang mayro’n?” tanong niya kay Thunder. Pinisil nito ang kamay niya at hinalikan siya sa noo.
“You’re a damsel in distress and because everybody loves you, you need to know the truth. You deserve to be happy, princess,” sabi lang nito sa kanya.
“What truth?” naguguluhang tanong nito sa kanya. Sa pagkakaalam niya’y ito ang dapat na may malaman.
“Katotohanan para hindi mo na i-complicate ang mga bagay-bagay. But I don’t blame you. Sabi nga ni Ate Jeya, ‘yong dalawang monsters ang may kasalanan ng lahat. And a dragon too,” anito.
“Stop speaking in—“
“Ella,” tawag sa kanya ng Uncle Henry niya.
“Uncle Henry, ano pong ginagawa n’yo dito?” tanong niya rito. Ngunit bago pa man ito sumagot ay lumapit sa kanya ang lalaking hindi niya kilala roon.
“Hi, Ella Benavidez. Ako nga pala si Kendrick Sarmiento. Ako ang nagdala dito kay Attorney Henry Simon,” anang lalaki sa kanyang ‘Kendrick’ pala ang pangalan. Nag-abot ito sa kanya ng isang folder.
“He’s a private investigator, Ella,” ani Thunder. Hindi niya masyadong pinansin ang sinabi nito dahil tiningnan na niya kung ano ang nilalaman ng folder na ibinigay ni Kendrick sa kanya. At nagulat siya sa nilalaman niyon.
All these years…
“Uncle Henry, paano mo ‘to nagawa sa’kin?” galit na tanong niya sa dating abogado nila at tanging pinagkakatiwalaan ng daddy niya. Naikuyom niya ang dalawang kamay niya sa galit dito. Her chest heaved. Hinagod naman ni Thunder ang likod niya bilang supporta.
“I’m so sorry, hija. N-nadala lang ako kay B-Bettina,” sagot nito na hindi makatingin sa kanya ng diretso.
Napaluha siya dahil sa galit dito at sa galit sa kanyang madrasta. All these years, she thought that nothing was left to her. Niloko lang pala siya ng mga ito! Ayon sa report na nakasaad sa folder ay hindi naman pala totoong na-bankrupt ang kompanyang itinayo ng daddy niya noon. Ang Uncle Henry niya ang humawak niyon sa mga nakalipas na taon katulong ang Tita Bettina niya. The two is having an affair!
Hindi rin totoong isinangla ng daddy niya ang bahay nila maging ang coffee shop ng mommy niya. Ang kompanya, ang bahay at ang coffee shop ay pawang mga nakapangalan sa kanya pero hindi naman siya nakikinabang sa mga iyon. Hindi niya nahawakan ang kompanyang dapat ay sa kanya matagal na. Naging alipin siya sa sarili niyang pamamahay at ipinaglaban pa niya ang coffee shop na sa kanya naman talaga.
Gusto niyang bumalik muli sa kanilang bahay at sugurin ang mag-inang Bettina at Selena. Sampung taon siyang inalila ng mga ito. Dapat ay sa kanya lahat ang anumang mayroon ang mga ito ngayon dahil walang karapatan ang mga ito sa dinaranas na karangyaan ng mga ito.
Naniwala siya noon sa sinabi ng Tita Bettina niya dahil sinabi din sa kanya ng Uncle Henry niya na wala siyang nakuhang mana sa kanyang ama. Ito ang confidante at matalik na kaibigan ng daddy niya noong nabubuhay pa ang huli. At alam niyang dito iniwan ng daddy niya ang last will and testament nito. Kung nabubuhay pa ang daddy niya ngayon ay sigurado siyang magagalit ito sa Uncle Henry niya. Pinagkatiwalaan ito ng daddy niya pero isa ito sa mga taong nanloko sa kanya. Sa isang banda ay naidalangin niyang sana’y multuhin ng daddy niya ang Tita Bettina at Uncle Henry niya dahil sa nagawang panloloko ng mga ito sa kanya.
“Manloloko kayo! Hindi ako makapaniwalang na-brainwash ka rin ni Tita Bettina, uncle! Magsama kayong dalawa! Kukuha ako ng isang magaling na abogado at sisiguraduhin kong makukulong kayong dalawa ni Tita Bettina! Napaka-sakim n’yo!” galit na sigaw niya sa Uncle Henry niya.
“Ella, I’m so sorry. Alam kong galit ka pero ibabalik ko sa’yo ang lahat ‘wag mo lang kaming ipakulong,” pakiusap nito sa kanya.
“Ang kapal ng mukha mo, attorney! Pagkatapos n’yong lokohin si Ella? Gano’n na lang kadali ‘yon? Dapat kayong makulong!” naiinis na sabi dito ng Ate Jeya niya.
“Uncle, paano mo ‘to nagawa sa’kin? Pinagkatiwalaan namin kayo nina daddy. Best friend ka ni daddy,” panunumbat niya rito.
Namalayan na lang niya ang kanyang sarili na umiiyak. Iniyakan niya ang lahat ng nangyaring kamiserablehan sa buhay niya. Iniyakan niya ang mga pang-aapi ng kanyang madrasta sa kanya. Iniyakan niya ang mga bagay na dapat ay matagal nang sa kanya. Iniyakan niya si Thunder dahil pinili niya ang isang bagay na sa kanya naman pala talaga noon pa.
Thunder’s right. This would end all the complications in her life and she would be happy because she’ll have her happy ending now. Iyon na lang ang iniisip niya.
“I fell in love with Bettina. Bago pa man maging sila ng daddy mo noon ay mahal ko na siya, Ella. Inggit na Inggit ako sa daddy mo noon dahil mas nagustuhan siya ni Bettina kaysa sa’kin dahil mas mayaman siya. Naipangako ko sa sarili ko noon na makukuha ko rin si Bettina and I became obsessed with that. Hanggang sa mamatay ang daddy mo at maibigay niya sa’kin ang last will and testament niya.”
“Alam ni Bettina na nasa akin ang last will and testament at alam din niya kung gaano ko siya kamahal. Kinuntsaba niya akong itago ang totoong last will and testament ng daddy mo. Nakumbinsi niya akong sabihin sa’yo ang maling bagay. Nakumbinsi niya akong kaming dalawa ang humawak sa mga ari-ariang iniwan ng daddy mo. Pinalabas namin sa’yo na na-bankrupt ang daddy mo at nawala na sa inyo ang lahat dahil iyon ang iniutos sa’kin ni Bettina. Hindi ako makatanggi sa kanya dahil mahal ko siya.”
“Pero hindi naman napasakanyang totoo ang mga ari-ariang iyon. Pinalabas kong nailipat ko na sa pangalan naming dalawa ang lahat ng ari-arian n’yo pero ang totoo’y pinanatili ko sa pangalan mo ang lahat. Sa’yo pa rin ang coffee shop, ang bahay n’yo at ang kompanya. Hindi naman marunong humawak ng isang kompanya si Bettina kaya ipinagkatiwala niya sa’kin ang pagpapatakbo niyon. Sinuhulan ko naman ang board na hindi sabihin sa’yo ang totoo. Pero pinagsisisihan ko na ang lahat, Ella. I’m sorry,” mahabang paliwanag ng Uncle Henry niya sa kanya.
Hindi pa rin humupa ang pag-iyak niya. Niyakap naman siya ni Thunder at kinonsola. An init ng katawan nito at ang mga hagod ng kamay nito ang nakapagpapapanatag ng loob niya. Pero gusto pa rin niyang managot sa mga kasalanan ng mga ito ang Uncle Henry at Tita Bettina niya. Dapat lang sa mga ito iyon.
“Nagsisi ka dahil nabuking ka nila, Uncle,” sumbat niya rito.
“I’m sorry, Ella. I’m sorry,” paulit-ulit na hingi nito ng paumanhin sa kanya. Ngunit hindi iyon sapat para sa kanya.
“Hindi sapat ‘yon, Uncle. Hindi sapat,” lumuluhang sabi niya rito at saka patakbong lumabas ng bahay nina Thunder. Agad naman siyang hinabol ni Thunder at pinigilan. “Gusto ko ng umuwi, Thunder,” aniya rito.
“Mas mabuti kung dito ka muna matulog sa’min. Baka hindi makabubuti sa’yo ang makita sina Selena,” anito sa kanya.
“Thunder, bakit gano’n? Kahit papaano naman, may hope ako na magiging maayos din kami. Pamilya ko na sila. Paano nila nagawa sa’kin ‘to?”
“Hush. Ang mahalaga ay magiging maayos na ang buhay mo ngayon, princess,” pag-aalo nito sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit. He made it feel like everything really would be all right. And she trusts him. She believes in him.
“Thank you, Thunder,” pasasalamat niya rito dahil sa mga ginawa nito.
“Si Kendrick ang nakahanap ng mga sagot na iyon,” anito.
“Bakit mo nga pala sila pinaimbestigahan?”
“Ikaw ang pinaimbestigahan ko. Nagtaka na ako noon kung bakit tila ba takot na takot ka kay Selena kaya nagpaimbestiga ako kay Kendrick,” anito sa kanya.
“Hindi ako takot sa kanya ‘no. Takot lang akong mapagalitan ni Tita Bettina. Nanunumbat kasi ‘yon eh,” aniya rito.
He chuckled. “Malaki rin ang naitulong dito ni Hunter. Bago pa man maibigay ni Kendrick sa’kin ang buong report tungkol sa’yo, sa madrasta mo at sa Uncle Henry mo ay nasabi na sa’kin ni Hunter ang lahat ng kailangan kong malaman tungkol sa’yo. Do you know that he’s an heir in disguise? Nagtrabaho siya sa coffee shop n’yo para mapalapit sa’yo,” sabi pa nito sa kanya.
“Ano?” gulat na tanong niya rito. Tama pala siya sa hinala niyang hindi basta-bastang tao lang si Hunter. At malamang ay hindi ‘Hunter’ ang tunay nitong pangalan.
“You charmed him and from then on, sinundan ka na niya. He loves you but he’s a good sport,” ani Thunder.
Nginitian niya ito. She made a mental note to herself to help Hunter—or Jace, or whatever his name is—to his lovelife next time.
“Ibig sabihin ay alam mo na rin na…”
“Na ano?” maang na tanong nito. Pero nakangisi ito sa kanya kaya alam niyang alam nito kung ano ang tinutukoy niya.
“’Wag na lang. Alam mo na ‘yon eh,” aniya rito. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mata at mukha saka niya ito tiningala.
“I guess this is the part where you’re going to confess your love to me and then, we’ll kiss and sleep together,” pabirong saad nito.
Pinindot niya ang ilong nito. “Ano’ng ‘sleep together’ ka d’yan. Swerte mo ha.”
“Okay. Maybe just the confession and kissing part,” hirit pa nito.
“Ang masasabi ko lang, magaling na imbestigador si Kendrick dahil pati ang pagiging ‘mysterious girl’ ko ay—“
“Hindi siya ang nakaalam na ikaw ang ‘mysterious girl’ ko ha,” singit ni Thunder sa kanya.
“Ha? Eh, sino?”
“Ako. Remember when we held hands for the second time sa café? Binasa mo pa nga ang palad ko eh. That was the moment I knew that you and the girl in the parking lot is the same. Grabe! Ginulo mo rin ang isip ko noon. I got confused between the Ella girl from the café and the girl from the parking lot. Pero iisa lang pala sila at ikaw ‘yon,” paliwanag nito.
“So, naramdaman mo rin ang naramdaman ko no’ng naghawak ang kamay natin?”
“Sparks,” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Akalain mo ‘yon, naniniwala ka pala do’n?”
“Oo naman. My mom and dad found each other because they had the ‘sparks’ together,” paliwanag nito.
“Wow,” sambit niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito. This is what she’d been waiting for.
“Yeah. ‘Wow’,” sabi nito sa kanya.
She closed her eyes as he leaned on her and in just a few; his lips were already on hers. It was nothing like a simple skin touching against each other. Even their lips had that electrifying ‘sparks’ together.
“I love you, Ella,” sabi sa kanya ni Thunder nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
“Love mo ‘ko? Eh, bakit hindi ka nagselos no’ng sinabi kong gusto ko si Thunder? At saka bakit nakipag-date ka kay Selena?” sita niya rito. Bahagya pa siyang lumayo dito.
“Hunter already made me jealous. No’ng nag-date tayong apat, alam ko na ang totoo…na ako ang mahal mo. Kaya bakit pa ako magseselos? Dating Selena was part of my plan. ‘Yong pagdadala sa’yo ni Hunter doon sa date namin, nakaplano din ‘yon. I only did that for us to see each other dahil nasabi sa’kin ni Hunter na pinagbabawalan ka ng madrasta mong makita ako,” anito. Marami palang nagawa para sa kanila ni Thunder si Hunter. Kailangan niyang lubos na magpasalamat dito.
“I love you too,” sabi niya kay Thunder. That was the first time she said that to him without pretense and inhibitions about what her step-mother and step-sister would say and do to her.
And then, she kissed him. Ah, bliss. This is my happy ever after.
AGAD na sumugod sina Ella at Thunder sa ospital nang tawagan siya ni Selena kanina at sinabing isinugod nito sa ospital ang Tita Bettina niya. Inatake daw kasi ito nang may mga pulis na nagpunta sa bahay nila at imbitahan ito sa presinto at nakita rin nito na kasama ng mga pulis ang Uncle Henry niya. Alam niyang alam na ng madrasta niya kung ano ang ibig sabihin niyon kaya inatake ito sa puso.
Sa labas ng hospital room ng Tita Bettina niya ay may dalawang pulis na nagbabantay kasama si Kendrick. Nang makita sila ni Kendrick ay agad sila nitong pinapasok sa loob ng kwarto. Siyempre ay ingat silang pumunta doon dahil baka may makakilala kay Thunder.
Pagkapasok niya sa loob ng kwarto ay nakita niyang magkayakap ng Uncle Henry niya at si Selena habang nakatingin sa nakaratay sa kamang madrasta niya. Nang makita siya ni Selena ay agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya.
“Ella, natakot ako para kay mommy. First time siyang nagkaganyan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” umiiyak na sabi sa kanya ni Selena.
“Ano’ng sabi ng doktor?” tanong niya rito.
“Mild heart attack lang daw. Ella, ‘wag mo ng ipakulong si mommy. Nagawa lang niya iyon dahil hindi niya kayang maghirap. Walang iniwang kahit na ano para sa’min si Papa Ron. Hindi niya alam kung paano mabubuhay ng walang pera dahil nasanay siya sa karangyaan. Alam mo ‘yon, Ella,” ani Selena sa kanya.
“Kalilimutan ko na lang ang lahat ng ginawa n’yo sa’kin?” aniya rito.
“Kunin mo na ang lahat, ‘wag mo lang ipakulong si mommy. Kung gusto mo, aalis kami sa bahay at aalis ako sa café. ‘Wag mo lang ipakulong si mommy. Please,” pagmamakaawa nito sa kanya.
Tiningnan niya ang natutulog niyang madrasta sa hospital bed. Sa kalagayan nitong iyon ay parang wala itong kakayahang manumbat o mang-api ng isang tao. Nasa kanya na ang kapangyarihan at lahat ng karapatan na ipakulong ito at angkinin ang lahat ng mayroon ang mga ito. Gusto niyang makaganti sa lahat ng ginawa ng mga ito sa kanya. Pero naisip niyang kung gagawin niya iyon ay wala rin siyang pinagkaiba sa mga ito.
“Thunder, halika na,” yaya niya kay Thunder saka sila lumabas sa kwarto. Narinig pa niya ang pagpalahaw ng iyak ni Selena. “Kendrick, hindi na ako magsasampa ng kaso sa kanila. Just make sure na hindi na makakabalik sa kompanya sina Uncle Henry at Tita Bettina,” utos niya kay Kendrick.
“Sigurado ka ba?” sabay pa na tanong nina Thunder at Kendrick sa kanya.
“Oo,” sagot niya sa mga ito. Lesser evil makes the world a better place. “I want to make everything right for my life. Would you help me, Thunder?” tanong niya kay Thunder nang makaalis sila sa ospital. Pupunta sila ngayon sa Isabella’s Café.
“Anything for you, princess,” sabi nito sa kanya saka siya binigyan ng isang kindat. “Alam mo ba, you got me at a kindat,” anito.
“Ano?” natatawang tanong niya rito.
“’Di ba, kinindatan mo ako ng kinindatan no’ng una tayong nagkita? You inspired me then,” anito.
“Na-inspire kita na kumindat pa? Quota ka nga sa pagkindat no’n eh. Nahawa lang ako sa’yo.”
“I just want my charm to match your adorableness,” sabi nito.
“Right. Kaya pala. And speaking of your charm, si Selena nga pala nabiktima mo. You even kissed,” nanunumbat na sabi niya rito.
“Correction. Siya ang humalik sa’kin. I didn’t kiss her back. She just exaggerated it. Ikaw nga eh, nakipaghalikan ka kay Hunter. You can’t imagine the hurt—“
“Correction. Siya ang humalik sa’kin. I didn’t kiss him back,” panggagaya niya sa sagot nito. Pagkuwa’y nginitian niya ito ng matamis. Nawawala ang stress at problema niya tuwing nakakausap niya ng ganoon si Thunder. Hindi na kailangang magsumbatan sila dahil ang mahalaga ay sila nang dalawa ngayon. Nothing and no one can now keep them apart.