Chapter BLOSSOM IN MY HEART

Hindi lubos akalain ni Blossom na tuluyan nang masasagad ang pasensiya sa kaniya ng lolo Calixto niya. Laking gulat niya nang inanunsiyo nito na ikinuha daw siya nito ng bodyguard na siyang magbabantay sa kaniya bente kuwatro oras. Mas lalo pang nadagdagan ang ngitngit niya nang makilala na niya ang bodyguard niyang may kulay berdeng mga mata na si Claud. Kulang ang salitang ‘gwapo’ kung ilalarawan niya ito, aminado naman siya sa bagay na iyon. Pero mas tuod pa ito sa robot at ang higit na nakakainis ay parang walang dating sa lalaki ang beauty niya!

Ngunit sa kabila nang pagpapahirap niya dito ay parang wala naman iyon epekto kay Claud. Madalas pa nga ay pinagtatakpan siya nito sa lolo niya. Ang sabi ng iba ay hindi daw maaaring magkagusto ang isang prinsesang katulad niya sa isang katulad ni Claud. Pero hindi naman niya mapigilan ang puso niya sa unting unting pagkahulog sa lalaki. At kung may hero at heroine ay may kontrabida din. Ang akala niya ay ang lolo niya ang magiging malaking problema sa pagmamahalan nila ni Claud, pero hindi pala. Nakialam ang tadhana at sinubok ang tiwala nila sa isa’t isa. Pagkalipas ng ilang taon ay muli silang nagkita ni Claud. Dapat na ba niyang aminin dito ang buong katotohanan nang paglayo niya noon o hahayaan na lang niya ito lalo pa at alam niya na hindi na siya ang prinsesa na nababagay kay Claud?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.