Chapter BLOSSOM IN MY HEART 10.3

“Hey,”

“Ay kambing!” gulat na natutop ni Blossom ang mga labi nang maramdaman ang pagbuga ng mainit na hangin sa batok niya. “Claud!” tumatahip ang dibdib na saway niya sa lalaki. Natawa naman ito at naupo sa kalapit niyang stool.

“Bakit ba kasi nandito ka? pasado ala una ng madaling araw. Kung nagugutom ka sana nagpadala ka na lang ng pagkain sa kwarto.”

Napailing siya. “At sino naman ang aabalahin ko sa ganitong oras?” nakataas ang isang kilay na tanong niya.

“Ako,” mabilis na tugon nito. Natigilan siya at awtomatikong nag init ang mga pisngi nang mapansin na halos umabot na sa mga mata ang ngiti nito.

“Ayos lang ako.” Tugon niya at muling ipinagpatuloy ang pagkain ng cereal.

“Ah, hindi ka mabubusog diyan kaya ang mabuti pa ay ipagluto kita.”

Malakas na napasinghap siya nang mapansin na tumayo si Claud. Maagap na pinigilan niya ito sa isang braso.

“Ayoko!” mariing pagtanggi niya. “Okay na ako sa cereal.”

“Sigurado ka?”

Mabilis na tumango siya. “Ayoko naman tumaba kaya sakto na sa akin ito.”

“Mahal, hindi ka naman basta-basta tataba at kung mangyari man iyon ay hindi mo kailangan matakot. Mamahalin pa rin kita kahit maging XXL pa ang size mo.” Naaaliw na pinisil nito ang baba niya.

“T-talaga?” naikurap niya ang mga mata at kumakabog ang dibdib na sinalubong niya ng tingin ang mga mata ni Claud. Ngumiti lang ito sa kaniya at saka ito muling naupo sa tabi niya. Itinukod nito ang siko sa mesa at nakapangalumbaba na pinagmasdan siya.

“Eat,” utos nito.

“Papaano pa ako makakakain niyan kung panay naman ang titig mo sa akin? baka naman matunaw na ako na parang cereal niyan.”

At kung alam lang sana niya na madadatnan siya nito sa kusina ay nagsuklay man lang sana siya ng buhok at nagpahid ng kahit kaunting lipstick.

Hindi kasi siya makatulog kanina at nang matapos naman siya sa pagbabasa ng libro ay bumaba siya sa kusina dahil bigla siyang nakaramdam ng gutom. Nakapuyod pataas ang buhok niya at alam niyang namumugto pa ang mga mata niya dahil iniyakan niya ang huling chapter ng librong binasa niya kanina.

“Umiyak ka ba?” nakakunot noong tanong ng binata sa kaniya. Hinagod ng isang daliri nito ang ilalim ng mata niya at nalilitong tiningnan siya nito.

“M-medyo,” nakangiting tugon niya. Nang ipaliwanag niya dito ang dahilan nang pag iyak niya ay malakas na napapalatak ito.

“Nagiging iyakin ka na.”

“Nagsimula lang naman ang pagiging iyakin ko noong makilala kita—”

Boom basag! Para siyang bote na biglang nabasag nang mapagtanto niya kung ano ang huli niyang sinabi. Nabitiwan niya ang hawak na kubyertos at kumakabog ang dibdib na nag iwas siya ng tingin kay Claud.

“May nakalimutan pala ako, may gagawin pa ako sa kwarto ko.”

“Anong gagawin mo?”

“Matutulog.” Nagmamadaling tumayo na siya.

“Nakalimutan mo na dapat matutulog ka? ah hindi, dapat kanina ka pa natutulog.”

“Parang ganoon na nga—aaay!” impit na napatili siya nang pigilan nito ang isang palad niya. Bago pa siya makahuma ay masuyong hinila na siya nito paupo sa kandungan nito. “C-claud..” iglap lang ay naging mabilis na naman ang tibok ng puso niya.

Jesus! napalunok siya nang hawakan nito ang mga kamay nito at inalalayan nito ang mga iyon na yumapos sa batok nito. Pigil ang paghinga na naipikit niya ang mga mata nang dumausdus ang mga kamay nito sa bandang baywang niya at maingat na pumulupot doon.

“Open your eyes, baby.”

“I-I can’t,” halos hindi na humihingang anas niya. Sa bawat pagdidikit ng tungki ng mga ilong nila ay para siyang papel na unti unting nagliliyab.

“Please?” may bahid ng pagsusumamo ang tinig na anas ni Claud. Hindi niya ito kayang biguin kaya kahit nanghihina ang buong katawan sa matinding epekto ng pagdidikit ng mga balat nito ay napilitan siyang imulat ang mga mata.

“Beautiful,” hindi mapigilan na anas niya nang tumambad sa kaniya ang kulay berdeng mga mata nito.

“No. You are beautiful.” Nangingiting ipinaloob nito ang mga pisngi niya sa mainit na mga palad nito.

Buong pagmamahal na pinagmasdan niya ito. Ngayon ay napakaraming katanungan ang tumatakbo sa isip niya. Kagaya ng papaano nga ba niya natiis ang pitong taon na wala siya sa piling nito?

“I-I’m sorry..” nagyuko siya ng ulo at biglang natigilan nang maalala kung papaano niya ito sinaktan nito.

“Sorry? para saan?” sinapo nito ang baba niya at iniangat ang ulo niya. Tumingin siya sa kisame para maiwasan lang niya ang tumitig sa mga mata nito.

“Sinaktan na kita noon, ipinamukha ko sa`yo na hindi tayo bagay. Hindi ko naman inaasahan ang ganito mula sa`yo eh. A-ang akala ko kasi kapag nagkita tayo ulit ay isusumbat mo sa akin na iniwan kita noon.” nasasaktan na paliwanag niya.

“At may dahilan ka kaya mo ginawa iyon, right?”

“Ayokong madamay ka pa sa kahihiyan na ibinigay sa akin ng kakambal ko at natatakot ako na baka tumutol si lolo sa relasyon natin dahil sa nangyari.” Aniya at marahas na napabutong hininga.

“Exactly,” muli nitong ginagap ang mga pisngi niya kaya napilitan na siyang magbaba ng tingin dito. “Kaya nga hinintay kita dahil alam ko na babalik ka at kahit walang makapagsabi sa akin kung kailan iyon ay hindi ako napagod sa paghihintay.”

“Claud..” iglap lang ay nag unahan na sa pagpatak ang mga luha niya. Kinabig naman siya nito at isinandal sa dibdib nito. Kontentong pinakinggan niya ang mabilis na tibok ng puso ng binata habang patuloy sa paghagod sa likod niya ang isang palad nito.

“I love you.” Buong pagmamahal na anas nito. Natigilan siya at halos hindi na humihingang naupo siya ng tuwid at pinagmasdan ito. “Hindi ka naniniwala?”

“H-hindi kaya lang ay—” nanlaki ang mga mata niya nang maingat na hilahin siya nito sa batok at apuhapin nito ang mga labi niya. Animo ay may malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa bawat himaymay niya nang maramdaman ang masuyong pag angkin nito sa mga labi niya.

Naniniwala na siya. At oo, mahal na mahal din niya ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.