Chapter THE DAY YOU WENT AWAY 5

Kanina pa nagtataka si Dorothea sa mga ikinikilos ni Miguel. Dati ay madalas na nakasimangot ito sa kaniya pero ngayon ay parang nag iba ang ihip ng hangin. Panay kasi ang ngiti nito na para bang may magandang nangyari dito ngayong araw.

Sa halip na pansinin ang binata ay mas pinili na lang niya na ituon ang atensiyon sa trabaho. Buong araw siyang nagdrive dahil maraming inasikaso ang amo niya. Pagsapit naman ng hapon ay bumiyahe sila patungong Maynila. Dahil sa matinding traffic kaya lampas alas otso na ng gabi nang makarating sila sa hotel na pag aari ng mga Mondemar.

“Okay ka na po ba dito, sir? Lilipat na ako sa kabilang kwarto.” Paalam niya kay Miguel pagkatapos niyang mailapag sa mahabang table sa may paanan ng kama ang mga folder na bitbit niya.

Mula sa paghuhubad ng itim na jacket ay mabilis na lumingon ito sa kaniya. Nakita na naman niya ang pamilyar na ngisi sa mga labi nito.

Ano naman kaya ang iniisip ng loko? Nakakunot noong sinalubong niya ito ng tingin.

“May problema po ba o talagang masaya ka lang dahil nakausap mo kanina si Janella?” nagtatakang tanong niya.

Siyempre pa ay alam niya ang tungkol sa best friend nito na nasa France daw ngayon at unti unti nang sumisikat bilang isang mahusay na fashion designer. Madalas na maikwento iyon sa kaniya ni Donya Leticia. Alam din niya na matagal nang nililigawan ni Miguel ang kaibigan nito.

“Masaya lang talaga ako ngayon, iba kasi ang pakiramdam na alam mong makakaganti ka na.” Naglakad ito patungo sa kaniya at tinapik pa siya sa balikat.

Napaatras siya sa ginawa ng binata. Hindi niya inaasahan ang pagdidikit ng mga balat nila. Napabuntong hininga na lang siya nang maiwan pa sa balat niya ang init ng palad nito.

“Ewan ko sa'yo,” sabi na lang niya.

Kaysa naman isipin pa niya kung ano ang ibig sabihin nang sinabi ni Miguel ay mas mabuting lumabas na lang siya ng kwarto nito dahil gusto na niyang magpahinga.

“Aalis na ako, sir.”

Kumuha ito ng shaver sa malaking bag na nasa ibabaw ng kama bago lumingon sa kaniya.

“Okay, enjoy!” kumaway pa ito sa kaniya.

Ang weird talaga!

Nagtatakang kinamot niya ang batok at lumabas na ng kwarto ng lalaki.

Ano ba kasi ang nangyayari sa boss niya? dati naman ay palagi itong nakasimangot kapag nakikita siya.

Pero ngayon ay pwede na itong maging model ng toothpaste dahil panay ang ngiti nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang sarili kanina na matulala sa tuwing makikita ang kakaibang kislap ng mga mata nito.

Kahit na may pusong lalaki siya ay aminado naman siya sa sarili na gwapo talaga si Miguel. Wala naman pangit sa mga binatang anak ng mag asawang Mondemar. Naiiba nga lang si Miguel dahil sa limang magkakapatid ay ito ang may pinakamaamong mukha.

Matangkad ito at malaki ang katawan na halatang alaga sa workout. Namana nito sa mga kastilang ninuno ang kulay berdeng mga mata na siyang isa sa mga asset nito. Iisipin siguro ng iba na hindi nakakakilala kay Miguel na modelo ito at hindi isang magaling na negosyante dahil nga sa hitsura at tangkad nito.

“Hay..” inunat niya na muna ang mga braso bago niya binuksan ang pinto ng hotel room niya.

Dahil magkatabi lang naman sila ng kwarto ni Miguel ay inaasahan na niya na maganda at sosyal na kwarto rin ang gagamitin niya ngayong gabi. Alam niyang galante talaga ang mga Mondemar kaya hindi na nakapagtataka pa ang bagay na iyon.

Hindi lang naman kasi iyon ang unang beses na lumuwas sila ng Maynila. May bahay ang mga Mondemar sa isang sikat na subdivision sa Makati pero mas gusto pa ni Miguel na magpahinga sa hotel.

Nahigit niya ang paghinga nang tumambad sa kaniya ang napakagandang kwarto. Malalaki ang mga bintana at natatakpan ang kalahati niyon ng kulay gintong kurtina. May personal ref at malaking flat screen tv sa isang sulok. Ang kama na nasa bandang gitna ay malaki at nababalutan ng kumot na kakulay ng kurtina.

“Ang ganda!” namamanghang bulalas niya.

Nasasabik na inilapag niya sa mababang mesa ang dala niyang backpack at mabilis na tumalon siya sa kama. Hinubad niya ang sapatos at parang batang ibinuka ang kumot para sana magtalukbong ng bigla siyang matigilan. Sa kabilang side ng kama ay bigla na lang may bumangon na babae.

“Surprise!” sigaw ng babae.

Hinila nito ang malaking bahagi ng kumot na tumatabing sa kalahati ng katawan nito at ganoon na lang ang pagkagimbal niya nang makita na wala itong kahit anong saplot sa katawan.

“Hi baby!”

“Anong—shit!” malakas na nagmura siya nang kunin ng babae mula sa mesang katabi nito ang vibrator at ipakita iyon sa kaniya.

“Ready ka na ba?” nang aakit na sabi pa ng babae.

Tumagilid ito ng higa paharap sa kaniya. Ang hawak nitong vibrator ay unti unti nitong pinagapang sa leeg nito pababa sa mga dibdib nito. Hindi na siya makahinga habang nakikita niya ang ginagawa nitong pagpapaligaya sa sarili.

Nag iinit ba siya? O baka naman hindi lang siya mapakali dahil alam din niyang babae siya at hindi naman talaga babae ang gusto niya. Naging sunod sunod na ang paglunok niya ng dahan dahang bumaba ang pulang vibrator pababa sa puson nito hanggang sa dumako na iyon sa maselang parte ng katawan nito.

“Gusto mong itry?” hinihingal na turan nito na nagpapitlag sa kaniya.

Mabilis ang ginawa niyang pag iling. Hindi niya kayang makita ang sarili sa ganoong sitwasyon na makikipagtalik siya sa kapwa niya babae. Hindi niya sinasabi na mali iyon pero may mga bagay na hindi naman madaling gawin lalo pa kung hindi naman handa ang isang tao.

“Umalis ka dito! Nagkamali ka ng kwartong pinasok!” nanginginig ang tinig na taboy niya sa babae.

Tumingin lang ito sa kaniya at mas lalo pang ibinuka ang mga hita na para bang ipinapakita talaga nito sa kaniya ang ibabang parte ng katawan nito.

“Bakit naman? Malaki ang ibinayad sa akin ng boss mo para lang paligayahin ka ngayong gabi.”

Mahinang napamura siya at pinanlamigan na ng buong katawan. Dahil ayaw naman umalis ng babae sa kwarto niya ay siya na lang ang tumayo para iwan ito.

Parang wala sa sarili na isinuot niya ang sapatos at basta na lang lumabas ng kwarto. Natigilan pa siya nang makita niya si Miguel na nasa labas at nakasandal sa pinto ng kwarto nito.

Ngumisi na naman ito nang makita siya. Hindi na niya napigilan ang emosyon nang lapitan siya ng lalaki at galit na itinulak niya ito.

“Masaya lang talaga ako ngayon, iba kasi ang pakiramdam na alam mong makakaganti ka na.”

Naalala pa niya na sabi nito sa kaniya kanina. Halos sumabog na siya dahil sa matinding galit sa binata.

Halatang nagulat naman ito sa ginawa niya. Walang kakurap kurap ang mga mata nito nang salubungin siya ng tingin. Kanina pa sumasakit ang lalamunan niya at hindi na niya kayang pigilan pa ang pag ahon ng matinding emosyon sa dibdib niya kaya tuluyan na siyang napaiyak.

“Ang sama mo, ang sama-sama mo!”

mariing sabi niya kay Miguel habang panay ang patak ng mga luha niya.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Nawala ang kislap ng kapilyuhan sa kulay dahon na mga mata nito habang pinagmamasdan siya.

“Hey…”

“I hate you!” asik niya bago mabilis ang mga hakbang na iniwan na ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.