“Miguel!”
“Ang taray ng lola mo, first name basis na ngayon.”
Malakas na napasinghap si Dorothea nang tumambad kaniya si Selly. Nakatayo ito sa may paanan ng kama at malamang na kanina pa siya hinihintay na magising. Ngumiwi siya nang lumapit sa kaniya ang pinsan at hawakan ang kamay niya.
“Cousin, may masakit ba sa'yo? nagugutom ka ba? Magsalita ka naman, halos isang araw kang nakatulog kaya sobrang nag aalala na ako sa'yo.”
Umungol lang siya at sinapo ang kumikirot na ulo. Pilit na inaalala niya ang nangyari at kung bakit nga ba siya napunta sa ospital. Ipinikit niya ang mga mata kasabay ng biglang pagsikip ng dibdib niya nang lumitaw sa isip niya ang mukha ni Miguel.
“N-naalala ko na, may bumaril sa akin!”
“Oo, nakakulong na sila. Nahuli na sila ng mga pulis at nalaman na rin kung sino ang may pakana nang nangyari sa inyo. May nakabangga palang druglord si Governor Seth at gumustong gumanti kaya ang boss mo ang napag initan.”
“Nasaan si Miguel?”
Sinubukan niyang tumayo pero marahang hinila lang siya ni Selly paupo sa kama.
“Ano ka ba, gusto mong dumugo ang mga sugat mo?”
Mahinang napamura siya nang makita ang mga benda niya sa magkabilang balikat. Masakit din ang buong katawan niya kaya kahit sa simpleng pagkilos lang ay nahihirapan na siya.
“Nasaan nga si Miguel?”
“Ligtas siya, okay? Kasama ko siyang nagbabantay sa'yo. Lumabas lang siya saglit dahil may tinawagan siya.”
Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Ngayon na alam niyang maayos naman ang kalagayan ng binata ay mababawasan na ang sakit na nararamdaman niya.
“Loka ka, alam mo bang nag ala the flash ako para lang makapunta agad dito. Ako pa talaga ang inilagay mo sa record mo sa kompanya na pwedeng tawagan kapag may emergency ka? paano na lang kapag nalaman ito ng pamilya mo?”
“Hindi mo ba sinabi?”
“Hindi pa sa ngayon, pero alam mo naman dito sa bayan natin. Mabilis lang kumalat ang tsismis kaya siguradong malalaman din agad ng tatay mo ang nangyari sa'yo.”
Patay!
Kilala niya ang ama. Siguradong katakot takot na sermon na naman ang aabutin niya kapag natuklasan nito ang nangyari sa kaniya.
“Gora na muna ako, nandito na pala si prince charming.”
Naging mabilis ang tibok ng puso niya nang makita ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni Miguel sa loob ng kwarto. Pakiramdam niya ay tumigil sa normal na pagtakbo ang oras niya nang makita ang pinaghalong tuwa at pagod sa magandang pares ng mga mata nito.
Bago pa man siya makahuma ay mabilis ang mga hakbang na tinawid nito ang mga pagitan nila. Nanlaki ang mga mata niya ng bigla siya nitong yakapin habang panay ang sambit nito ng maiksing pasasalamat.
Magaaan lang ang paraan ng pagyakap nito sa kaniya dahil sa mga sugat niya sa balikat. Ang palad nito ay marahang humahaplos sa buhok niya na halos magpalambot na sa mga tuhod niya.
“God, Thea, tinakot mo ako ng sobra. Kasalanan ko ito—”
“Wala kang kasalanan—”
“Kung hindi ako nagkaroon ng panic attack ay hindi kita mapapabayaan. Hindi ka sana napahamak. I’m so sorry.”
Hindi makapaniwalang nag angat siya ng tingin sa binata.Naramdaman niya ang pagwawala ng puso niya habang magkadikit ang mga paningin nila.
“Kamuntik na akong makidnap noong bata pa ako kaya ako nagkaroon ng matinding trauma. Sa tuwing natatakot ako ay umaatake ang sakit ko.”
Kumurap ang mga mata niya at hinayaan ang sariling magpakasawa sa perpektong hugis ng mga labi nito.
Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng isang Miguel Mondemar?
Nababaliw ka na ba Dorothea? Bakit mo hinahayaan na baguhin ka niya? saway niya sa sarili.
“Hindi mo naman kailangan sabihin sa akin iyon, sir, trabaho ko na masigurong ligtas ka.”
“Miguel, mas gusto kong tinatawag mo ako sa pangalan ko.”
Namilog ang mga mata niya at kusang umawang ang mga labi niya nang unti unting bumaba ang mga kamay nito sa baywang niya. Gumapang ang matinding kilabot sa bawat himaymay niya dahil sa ginawa nito.
“Utang na loob ko pa rin sa'yo ang buhay ko at dapat lang na may kapalit ang ginawa mong pagliligtas sa akin.”
“Kapalit? Kung pera 'yan pasensiya na pero hindi ko matatanggap. Uulitin ko lang sa'yo na trabaho ko ang bantayan at protektahan ka.”
“Nope.”
“Ano?
“Gagawin kitang babae.”
“Ha? B-babae?”
Nahigit niya ang paghinga ng bahagyang yumuko si Miguel at ilapit nito ang mga labi sa isang tenga niya. Hindi lang ang puso niya ang nagwawala. Isama na rin ultimo ang pinakamaliit na parte ng katawan niya.
“Yup, isang tunay na babae.”
Halaaaaa! Ano daw?