Chapter THE DAY YOU WENT AWAY 14

“Bakla ka! Ang landi mo, ateng! Kayo na ba o may something lang?”

Napangiwi si Dorothea nang magsimulang tumili si Selly. Pinalo niya ito sa braso at agad na sinaway. Sa oras na magising ang kaniyang ama ay siguradong masesermunan silang dalawa dahil sa pag iingay nito.

“Eh, ikaw kasi binibigla mo ako!” nanghahaba ang nguso na sabi nito.

Naupo ito sa tabi niya kaya mas lalo pang naging masikip ang maliit niyang kama.

“”Ano nga, kayo na?”

“Hindi ko alam, siguro? Parang papunta na doon?” nalilitong sagot naman niya.

Hindi rin naman kasi niya alam ang estado ng relasyon nila ni Miguel. Sino ba naman kasi ang mag aakala na mauuwi silang dalawa sa ganoon? at sino rin ba ang mag aakala na unti unti siyang babaguhin ng mga nararamdaman niya sa binata?

“Hindi ko masyadong gusto ang sagot mo, pero sige okay lang. Nagsisimula ka pa lang naman na baguhin ang sarili mo at alam kong marami ka pang pagdadaanan. Kaya nga nandito ako para tulungan ka.” Nakangising ipinakita nito sa kaniya ang red lipstick na hawak nito.

“Kailangan ko ba talaga 'yan?” naiilang na tanong niya.

Matapos ang unang trabaho niya kay Sammy ay palagi na siya nitong binibigyan ng mga make up na hindi naman niya magawang tanggihan.

Kung tutuusin ay wala naman sana siyang balak na tanggapin ang trabaho bilang commercial model kaya lang ay hindi niya magawang tanggihan si donya Leticia.

Ayaw niyang sumama ang loob nito sa kaniya dahil kahit noon pa man ay naging mabait na sa kaniya ang matanda. Hindi naging madali para sa kaniya na gawin ang commercial dahil hindi niya agad makuha ang tamang pagkilos ng isang ganap na babae. Medyo matigas kasi siyang kumilos at kahit ang paglalakad ng ama ay namana niya. Mabuti na lang at magaling magturo si Sammy at nakuha niya ang mga itinuro nito sa kaniya.

“Alam mo girl, medyo may nagbago nga sa'yo. Epekto ba nang umuusbong na love life 'yan?” ani Selly pagkatapos nitong lagyan ng lipstick ang mga labi niya.

“Ha?”

“Medyo nababawasan na ang pagiging tigasin mo. Magaling ang coach mo.” Anito at biglang humalakhak.

Napailing na lang siya. Totoo naman kasi na unti unti na niyang natututunan ang tamang pagkilos ng isang babae. Hindi talaga siya tinigilan ni Sammy hanggang hindi niya napeperpekto ang mga kilos at tamang paglalakad na itinuro nito.

Wala naman sana siyang balak na seryosohin ang pagmomodelo dahil pinagbigyan lang naman niya ang donya at si Sammy. Pero nang makita niya ang tuwa sa mga mata ng tatay at mga kapatid ay naisip niya na iyon siguro ang buhay na gusto ng mga ito para sa kaniya. Ang maging tunay na babae siya at huwag nang malito pa sa kasarian niya.

Napatunayan na rin naman kasi niya sa sarili na hindi talaga siya lesbian dahil sa mga naging epekto sa kaniya ni Miguel.

Tama si Selly dahil totoong marami pa siyang kailangan matutunan at gusto niya ay nasa tabi niya si Miguel sa mga panahong iyon. Nang maalala ang binata ay parang may mainit at munting palad ang humaplos sa puso niya. Ilang oras pa lang niya itong hindi nakikita pero pakiramdam niya ay isang buong araw na iyon na lumipas.

Bakit ba kasi habang tumatagal ay parang mas lalo pang tumitindi ang epekto nito sa kaniya?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.