“Don’t move, baby, please ?”
Tumango si Dorothea nang marinig ang sinabi ni Miguel. Nakahiga siya sa malaking kama habang nakaharap sa nakabukas na bintana at pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nakapwesto sa bandang kaliwa niya ang bintana at abala sa pagpipinta sa kaniya. Nakakangalay man dahil may ilang na siyang nanatili sa ganoong posisyon ay pinilit pa rin niyang huwag nang gumalaw dahil ayaw niyang maistorbo ulit ito.
Daig pa niya si Cleopatra dahil sa posisyon niya habang nakahiga sa kama. Nakatukod ang siko niya sa unan habang nakapangalumbaba at pinagmamasdan ang araw sa labas ng bintana. Nag effort pa si Miguel na ibili siya ng night gown na medyo sexy ang tabas na siyang isinuot niya ngayon habang ipinipinta siya nito. Kahit medyo nahihiya sa hitsura niya ay hindi naman niya magawang tanggihan ang request nito. Paano ba naman kasi siya tatanggi kung makita pa lang niya ang pagsusumamo sa mga mata nito ay tumitiklop na agad siya.
“Okay, tapos na.”
Bumangon na siya at nagmamadaling tumayo para lapitan ito. Naikurap niya ang mga mata nang makita ang ipininta ni Miguel. Buhay na buhay ang pagpinta nito sa kaniya na para bang totoo iyon. Hindi niya akalain na mas higit pa pala ang talento nito kaysa sa inaasahan niya.
“Ang ganda!” natutop niya ang mga labi at walang sawang pinagmasdan ang canvas.
“Thank you.” Naaaliw na turan naman ng binata. Hinapit siya nito sa baywang at masuyong inalalayan paupo sa kandungan nito.
“Kung ginawa mo lang sigurong trabaho ang pagpipinta, siguro mas lalo ka pang yumaman.”
“Nah, ayokong sumikat,”
“Bakit naman?” napakunot noo siya at bahagyang nilingon ang binata. Ang mga kamay nito ay kontentong nakayapos sa baywang niya. Nang maalala na ayaw nga pala ng mga Mondemar na binubuksan sa publiko ang pribadong buhay ng mga ito ay napatango na lang siya.
“Ikaw ba gusto mong sumikat? Paano kung mas makilala ka pa ng mga tao dahil sa dalawang commercial na ginawa mo? Paano kung mawalan ka na ng time sa akin?”
“Hindi mangyayari iyon!” bumitiw siya mula sa mahigpit na pagyapos ni Miguel sa baywang niya at tumayo na. Nagtatakang tumingin naman ito sa kaniya ng hilahin niya ito patayo. Kumislap ang katuwaan sa mga mata nito nang haplusin niya ang mga pisngi nito.
“Saan mo naman nakuha'yan?” tanong niya.
Kumibot ang mga labi nito at muli siyang kinabig palapit sa mainit na katawan nito. Napasinghap siya nang manuot sa ilong niya ang amoy ng pabangong gamit ng binata. Bigla siyang nakaramdam ng antok kaya isiniksik niya ang sarili sa mga bisig nito at ibinaon ang mukha sa malapad na dibdib nito.
“Masama bang tanungin kita ng tungkol sa mga priority mo? Alam kong nagsisimula ka pa lang na baguhin ang sarili mo. Maraming bagay ka pang kailangan maranasan at hindi ko alam kung hanggang saan mo gusto na samahan kita.”
“Hanggang sa huli.”
Nanlaki ang mga mata nito. Natawa siya at naaaliw na tinapik ang kaliwang pisngi nito.
“Alam mong ikaw pa lang ang hinayaan kong makalapit sa akin ng ganito. Teka nga,” tumaas ang isang kilay niya nang maalala na panay ang tanong nito sa kaniya kanina kung may nakakasama ba siyang mga lalaking modelo kapag nasa shooting siya ng commercial.
“Nagseselos ka ba?”
“Of course not!” mariing pagtanggi nito. Napahalakhak siya nang makita ang biglang pamumula ng mukha nito.
“Huli na kita!”
“I hate you!” nakasimangot na akusa nito sa kaniya. Ang kanina lang ay masayang pagtawa niya ay nilamon na ng hangin nang yumuko ito at mabilis na inangkin ang mga labi niya. Napaatras siya pero pero parang walang anuman na inabot lang siya nito sa baywang at hindi na hinayaan pang makawala.
Mahinang umungol siya at buong pusong tinugon ang matamis na halik ni Miguel. Pumaloob ang mga daliri niya sa ilalim ng malambot na hibla ng buhok nito habang unti unting lumalalim ang paghalik nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hangin sa katawan. Ang buong sistema niya ay paulit ulit na isinisigaw ang pangalan ni Miguel.
“Wait!” naitulak niya ang lalaki nang makarinig siya ng malalakas na katok mula sa pinto.
“Sir Miguel, kumain na po kayo.”
Mahinang umungol siya at pilit na kumawala sa mga yakap nito.
“My god, Manang!” inis na naibulalas ng binata. Nakita niya ang inis sa gwapong mukha nito kaya natatawang pinisil niya ang isang palad nito.
“Nangako naman ako sa'yo 'di ba na magkatabi tayong matutulog mamaya?”
“Yeah,”
“Babawi na lang ako ng maraming kiss mamaya, kumain na muna tayo.”
“Talaga?” kumikislap ang mga mata na tanong nito. Sa hitsura ni Miguel ay daig pa nito ang bata na pinangakuan ng napakaraming candy. “Promise?”
“Promise.”