52: Heart break.
-
Thunder’s POV
Hindi ako makapaniwalang nakatayo si Rain ngayon sa harapan. Bumalik na talaga siya, akala ko ay panaginip lang ang nangyari noon sa ground zero pero ito siya ngayon. Naglalakad patungo sa direksyon ko dahil sa tabi ko na lang ang bakanting upuan.
“Rain, can we talk?” Tanong ko nang sa wakas ay makaupo siya.
“May dapat ba tayong pag-usapan? Sa tingin ko wala naman kaya kung pwede, stop acting as if nothing happened.” Malamig na saad niya bago ako iripan. Nilingon ako ni Jiro at tinignan ako ng nagsasabing ‘wag mo munang kulitin’ Napabuntong
hininga na lamang ako at walang nagawa kung hindi ang pasimple
siyang sulyapan. Ibang-iba na talaga siya, hindi na siya iyong Rain na kilala koㅡand I know that it’s my fault. I changed her.
“Stop staring.” Walang emosyong sabi ni Rain nang hindi man lang lumilingon sa akin. Hindi ko na rin kaya parang pigilan ang sarili kaya naman hinila ko siya palabas ng classroom. Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko at masasabi ko na masiyado siyang malakas.
Dati ay madali lang naman para sa akin ang gawin ito but now, para nang lalaki ang hila-hila ko.
“Ano ba?!” Sigaw niya kaya naman huminto ako at inilagay na lang siya sa balikat ko para buhatin.
Paakyat na sana ako sa rooftop ngunit nakita ko iyong Cloud kaya pumasok na lang ako sa nakabukas na Janitor’s room. Agad kong ibinaba si Rain at laking gulat ko na lang ng sampalin niya ako.
“Rain, let’s talk. Please.” Makaawa ko habang pilit hinahawan ang kamay niya pero lagi niya iyong tinatabig sa marahas na paraan. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero naunahan ko siya at mabilis na sinipa ang doorknob para masira iyon.
“What the hell?! Are you out of your mind? Paano tayo makakalabas dito?!” Sigaw niya at nag kibit-balikat lamang ako.
“Alam mo, kahit ilang beses pa kitang patawarin, hindi mawawala ang sakit na binigay mo sa’kin kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo. Give up.” Mataray na sabi niya nang maupo ito sa isang sulok.
“I won’t give up. Nagawa mo kong baguhin noon, kaya sure akong magagawa ko rin ‘yon sa’yo.” Tinignan niya ako na may halong panunuya bago ngumisi.
“Baka nakakalimutan mong nabago mo na ako. ‘Di ba ikaw ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon?” Tanong niya at hindi ko na nagawang kumibo pa dahil may punto siya roon. Hindi naman ako ganito, pero ngayong kaharap ko si Rainㅡpakiramdam ko ay umatras lahat ng guts ko. Nawala ang pagiging insolent ko.
“My life is fine without you, Thunder. Tigilan mo na ‘yang pag-arte na parang walang nangyari noon.” Tumayo siya at saka tumalikod sa akin. Napanganga na lang din ako nang makita kung paano niyang buong pwersang sipain ang pinto at masira iyon.
“At kung ako sa’yo, mananahimik na lang ako, dahil kapag nakita ni Cloud ‘yang pangungulit mo sa’kin, hindi mo magugustuhan ang mga salitang lalabas sa bibig niya.” Banta niya bago tuluyang umalis. Nanatili lamang akong nakanganga pero nang marealize ko ang huling sinabi niyaㅡnapangisi na lang ako. Tch, sino ba ang Cloud na iyon sa akala niya?
ㅡ
"Hindi mo ba talaga ako pakikinggan? Sabi ko hayaan mo muna si Rain.” Singal sa akin ni Jiro habang nandito kami sa kwarto.
“Why would I do that? Papatunayan ko na mahal ko siya at nagawa ko lang ang bagay na ‘yon dahil wala akong choice.”
“Tss, bahala ka sa buhay mo!” Padabog siyang lumabas ng kwarto, samantalang ako ay napahiga na lan sa kama. Papikit na sana ako pero biglang nag-ring ang phone ko.
“Hello, Axel. Bakit?”
“Nandito ako sa tapat ng hell’s gate. Pumunta ka rito.”
“Anong meron?”
“Basta.” Pagkasabi niya noon ay binabaan na niya ako kaya bumangon ako at lumabas. Pagdating ko sa tapat ay nandoon ang buong Dark kasama si Liam.
“Anong trip niyo?” Tanong ko ngunit sapilitan lang nila akong dinala sa parking lot at sinakay sa kotse ni Jasper. Wala akong ideya kung saan kami pupunta pero sumama na lang din ako. Tutal ayaw rin naman nila sabihin kung anong gagawin namin.
“Let’s drink. Treat ko.” Pag-aya ni Axel pero hindi ako kumibo. Huminto kami sa isang convenience at nagsibabaan silang lahat ngunit ako ay nanatili lang dito sa loob ng kotse. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Rain.
Miss na miss ko na talaga siya at ngayong nakakasama ko na siya, mas lalo ko siyang namiss. ‘Yung dating Rainㅡsana bumalik na siya, alam ko namang malaki ang parte ko kung bakit siya nagbago kaya gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa dati. Kahit ilang beses niya pa akong itaboy, hindi ako susuko. Gusto kong itama ang mga pagkakamali ko noon kahit huli na.
“Thunder! Tara dali!” Nagmamadaling aya ni Matthew nang buksan nito ang pinto ng kotse at hilahin ako palabas.
“What the hell is wrong with you?!” Iritang tanong ko at imbis na sumagot ay may itinuro lang siyang direksyon gamit ang nguso niya. Naiiling na lang akong sinundan iyon na agad ko namang pinagsisihan.
“Rain!” Sigaw ni Liam at saka nagmadaling tumakbo papunta sa direksyon nila
“Rain!” Sigaw ni Liam at saka nagmadaling tumakbo papunta sa direksyon nila. Kahit ilang beses i-pagsigawan ng utak ko na wag na silang tignan, hindi ko magawa. Bullshit!
Rain’s POV
After ng klase ay mabilis akong bumalik ng girl’s dorm para magpalit ng damit, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamove on ang ibang estudyante sa pagbabalik ko.
“Beb, saan ka pupunta? Bakit bihis na bihis ka?” Tanong ni Ayesha habang pinagmamasdan akong mag-ayos sa harap ng salamin.
“Ah, may lakad kami nila Cloud ngayon. Baka gabihin na ako ng balik.” Sagot ko nang isuot ko ang jacket ko.
“Gano’n ba? S-sige. Mag-ingat ka.” Bahagya lang akong tumango at saka nagmadaling lumabas. Pagdating ko sa parking lot ay nandoon na sila Cloud. Wala na kaming sinayang na oras at agad na sumakay sa kotse ni Jae. Sasamahan ko sila sa bar na pinag-applyan nila para tumugtog, ang sabi kasi nila ay kakausapin daw sila ng manager about sa schedule.
Hindi lang kasi sila basta gangster. Nasa iisang banda silang apat, at ngayong wala na sila sa east district, naghahanap sila ng bagong bar kung saan sila pwedeng mag-gig para kumita ng pera.
Pagbaba namin ng kotse ay agad silang pumasok sa loob and as expected, wala pang mga tao dahil hindi pa naman gabi, maganda rin ang lokasyon ng bar dahil hindi naman ito kalayuan sa Academy.
“Rain, dito ka lang. Antayin mo kami, makikipag-usap lang kami sa manager.” Paalam ni Cloud nang maupo ako sa isa mga upuan dito, ngumiti ako ng tipid at tumango bilang pagsangayon. Habang naghihintay sa kanila ay naramdaman ko bigla ang init kaya naisipan ko na lumabas muna at magpahangin.
Hinubad ko rin ang suot kong jacket at itinali na lang iyon sa baywang ko, ramdam na ramdam ko ang ginhawa ng tumama sa balat ko ang hangin. Inayos ko ng bahagya ang buhok ko at sa hindi kalayuan ay may natatanaw akong pamilyar na sasakyan.
Hindi ko na lang iyon masiyadong pinansin at pupunta na sana sa convenience ngunit biglang lumabas si Cloud at hinawakan ang kamay ko.
“Saan ka pupunta? Alam mo namang delikado dahil nakabalik ka na ulit dito ‘di ba? Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari. We need to be careful, Rain.” Sabi niya at ramdam ko na talagang nag-aalala siya kaya ngumiti ako at tinignan siya ng diretso sa mata.
“Sorry, ang init kasi sa loob.”
“Sumama ka na lang sa office, airconditioned do’n.” Tumango lang ako sa sinabi niya at papasok na sana sa loob ngunit agad akong napahinto nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng pamilyar na boses.
“Liam? Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko nang makalapit siya sa amin, balak niya pa sanang sumagot ngunit hindi niya nagawa dahil sa biglaang pagdating ni Thunder. Everything happed so fast na nakita ko na lang na nakabulagta si Cloud sa sahig.
“Ano bang problema mo?!” Sigaw ko habang inaalalayan si Cloud patayo. Mabilis naman nagsilapitan ang ibang miyembro ng Dark para pigilan si Thunderbat ilayo ng bahagya.
Agad naman akong tumayo nang makitang lumabas sila Ian at bago pa man sila makasugod sa dark ay pinigilan ko na sila.
“Wag na, lalo lang lalala eh.” Pag-awat ko at saka humarap kay Thunder. Hindi na ako nag-alinlangan at mabilis siyang sinuntok sa mukha ng buong lakas. Bahagya siyang napaatras dahil sa ginawa kong iyon. Sumusobra na siya.
“Rain.” Tawag ni Jiro pero hindi ko iyon binigyan ng pansin.
“Ano bang kailangan mo?! Sinabi ko na sa’yo ‘di ba? Kahit mag-usap tayo o kahit patawarin kita, hindi na no’n maibabalik ang dati!” Sigaw ko at saka hinawakan ang kamay ni Cloud para ipakita kay Thunder ang engagement ring namin.
“You see this? Ikakasal na kami, kaya pwede? Tumigil ka na?” Bakas sa mukha nilang lahat ang pagkagulat at hindi na rin ako nabigla sa naging reaksyon nila. Tinignan lang ng masama ni Cloud si Thunder habang nakahawak sa pisngi niya. “Stop messing around, Thunder. I’m warning you.”
Matapos siyang bantaan ay hinila ko na si Cloud papasok sa bar at agad namang sumunod ang iba pa naming kasama.
“Okay ka lang?” Tanong ko nang iharap ko ang mukha ni Cloud sa akin, tinignan kong mabuti ang parteng sinuntok ni Thunder pero hinawakan niya ang kamay ko para tanggalin sa pagkakahawak sa mukha niya.
“Okay lang ako. Kiss mo na lang para mawala.” Paglalambing niya kaya agad kong tinulak ang noo niya, but in the endㅡhinalikan ko pa rin sa pisngi.
“Ginugulo ka ba niya?” Tanong niya at bahagya lang akong tumango.
“Pero wag na nating intindihin ‘yon, mapapagod din siya.” Nakangiting sabi ko at ginulo niya ang buhok ko sa malambing na paraan.
“Teka, eh ikaw? Okay lang ba?” Tanong niya at tumango ako.
“Of course.”
Jiro’s POV
Hindi ako makapaniwalang ikakasal na si Rain. Sobrang laki ng ipinagbago niya, dati ay takot siya sa away pero ngayon... Nanununtok na rin siya. Gano’n ba talaga kalala ang epekto ng ginawa ni Thunder?
“Thunder, tara na.” Aya ko pero parang napako na ang mga paa niya mula sa kinatatayuan niya. Nabigla na lang din ako nang makitang umiiyak siya. Sinabihan ko na kasi siya na wag munang kulitin si Rain pero hindi siya nakikinig.
“Dude, hindi pa katapusan ng mundo.” Komento ni Matthew at wala na rin akong nagawa kung hindi ang sapilitang hatakin si Thunder pabalik ng kotse. Nanatili lamang siyang nakatulala hanggang sa makarating kami sa bahay ni Jasper.
“Oh! Sa’yo na ‘yang limang bote. Ubusin mo ‘yan nang makalimutan mo ‘yung nalaman mo kanina kahit saglit.” Sabi ni Axel at saka ibinigay ang limang bote ng alak kay Thunder. Walang sabi-sabi, agad niyang ininom ang isang bote ng sunod-sunod, napanganga na lang kaming lahat. He’s really crazy and out of control.
“Saglit.” Paalam ko sa kanila nang mag-ring ang phone ko. Agad naman akong tumayo para lumabas.
“Babe, bakit? Nandito na kami kila Jasper.”
“May babaeng naghahanap kay Rain, alam niyo ba kung nasaan siya? Wala kasi si Ayesha sa kwarto nila, eh.” Sabi ni Zea mula kabilang linya.
“Kanina lang nakasalubong namin sila. Sino ba ‘yung naghahanap?”
“Hindi ko alam eh, basta hindi siya nag-aaral dito. By the way, wag kang mag papagabi kung ayaw mong balatan kita gamit ang nail cutter. Wag mapapakalasing.” Banta niya at napalagok na lang ako.
“Haha opo, kailangan kong bantayan si Thunder. Mukhang balak maligo nito sa alak, eh.”
“Bakit? Dahil bumalik na si Rain? tss, what an asshole.”
“No. Engaged na kasi si Raiㅡ”
“Thunder!” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsigaw ni Liam.
“Babe, tawagan kita ulit mamaya. I love you.” Pagbaba ko ng tawag ay agad akong pumasok sa loob at nilapitan si Thunder para tabigin ang hawak niyang basag na bote.
“What the fuck? Sasaktan mo ‘yang sarili mo para lang do’n? Nababaliw ka na ba?” Sigaw ko at napaupo na lang ito sa sahig habang umiiyak. Ang layo ng taong ito sa Thunder na kilala ko, to be honest ayaw ko talaga sa kanya noon pero totoong tao si Thunder, lahat ng ipinapakita niya ay totoo.
"Mahal na mahal ko si Rain, eh. Mahal na mahal. Ganito ba talaga kasakit?” Marahas niyang pinadaan ang kamay niya sa kanyang buhok at yumuko. Napaupo na lang ako sa harapan niya at tinapik ito sa balikat.
“Sinubukan ko naman siyang iligtas noong gabing ‘yon pero wala akong naabutan. Hindi ko rin nagawang humingi ng tulong dahil alam kong madadamay kayo..”
“..Bakit ganito? Ang sakit sakit.” Inangat niya ang tingin sa akin at kitang-kita ko sa mata niya ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Wala akong ibang magawa kung hindi ang yakapin siya bilang nakakatandang kapatid.
Sana isang araw maintindihan din ni Rain kung bakit nagawa iyon ni Thunder. Sana maintindihan niya kung bakit natakot siyang humingi ng tulong noong mga oras iyon.