CHAPTER 53

53: Flashbacks.

-

Ayesha’s POV

Masaya akong bumalik na si Rain pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil sa laki ng ipinagbago niya. Naiintindihan ko siya kung bakit at nag-aalala ako dahil doon.

Paggising ko kanina ay wala na siya sa kama niya kaya agad akong nag-asikaso.

Wala namang klase ngayon pero may party kasi mamayang gabi, gathering ng bawat kind. Kung dati ay every month iyon ginaganap, ngayon trice a year na lang.

“Liam.” Tawag ko nang makita ko siyang papasok ng main building.

“Bakit? Bihis na bihis ka yata. Wala naman pasok, ah.” Puna niya nang lapitan niya ako at hawakan ang mga kamay ko.

“Bibili ako ng susuotin mamaya. Samahan mo koㅡteka. Saan ka pala pupunta?” Tanong ko at saktong paglingon niya ay lumabas ng main building si Thunder habang nakaalalay sila Jiro at Matthew.

“What happened?”

“Hangover. Doon na siya natulog sa infirmary. Alam mo na ba ‘yung tungkol sa kasal ni Rain?” Agad kong naibalik ang atensyon kay Liam dahil sa sinabi niyang iyon.

“ What do you mean? Ikakasal si Rain?” Hindi makapaniwalang tanong ko at dahan-dahan lang siyang tumango.

“Oo. Doon sa Cloud, mukhang sobrang nasaktan si Thunder dahil sa nalaman niya kaya ayan, naligo sa alak.” Naiiling na sabi ni Liam at bigla kong naalala ang kwinento ni Rain na magkapatid si Cloud at Thunder, hindi ko na lang muna iyon ipagsasabi sa iba.

Sure akong mas masasaktan si Thunder kapag nalaman niya ang katotohanan na kaya siya iniwan ng papa niya noon ay dahil may iba siyang pamilya at kung idadagdag pa na kapatid niya ang pakakasalan ng babaeng mahal niya, sigurado akong hindi kakayanin ni Thunder.

Ngayon pa lang naaawa na ako sa kanya. Mukhang sobra sobrang parusa na iyon sa pagkakamaling nagawa niya kay Rain noon. Napalapit na rin kasi sa akin si Thunder kaya alam ko na nagsisisi siya sa mga nagawa niya and I hope maging okay na ang lahat.

“Paalis ka na ba? Mag-aasikaso lang ako para masamahan kita.” Tumango lang ako sa sinabi ni Liam at napiling maghintay na lang sa field. Naisip ko rin na tawagan si Rain para malaman kung nasaan siya

“Beb. Where are you?”

“Nasa studio ako. Bakit?” Inilayo ko ng bahagya ang phone sa tainga ko dahil sa ingay na naririnig sa kabilang linya.

“Bakit ang ingay?”

“Nag p-practice sila Cloud. Tutugtog sila mamaya sa party. Let’s talk later. Bye!” Agad niyang binaba ang tawag kaya napanguso na lang ako.

“Ano ba! Ayoko nga sabi, eh!” Sigaw ng pamilyar na boses. Nilingon ko kung sino iyon at nakita na lang si Emerald at Jasper na nagtatalo.

“Bakit ba ayaw mo makinig sa’kin?! Sinabihan na kitang wag magsusuot ng masiyadong sexy na damit,eh. Makinig ka nga!” Sigaw ni Jasper pabalik.

“Bigay nga ni Pink sa’kin ‘yon. Nakakahiya naman kung hindi ko susuotin sa party mamaya. Ano bang problema mo sa damit? Backless lang naman ‘yon!”

“Tss. Bahala ka, basta magsuot ka ng Jacket.”

“Ano? Naka-dress ako tapos pagsusuotin mo ako ng Jacket? Grabe. Nahihibang ka na talaga. Ano bang gusto mong suotin ko? Longsleeve na turtle neck at pantalon para hindi makita ‘yung balat ko?! My God!” Napasabunot na lamang si Emerald sa sobrang inis habang ako ay natatawa na lang sa kanila. Lagi na lang silang parang aso’t pusa na nag-aaway.

Maya-maya lang ay dumating na rin si Liam, kumunot pa ang noo niya nang makita kung paano magtalo ang dalawa pero agad din siyang ngumiti nang makalapit siya sa akin.

“Walang araw na hindi nagtatalo ang dalawang ‘yon. Sure ako kapag nagkaanak sila, insolent ang kalalabasan.” Naiiling na komento ni Liam at hinatak ko na lang siya paalis para makabili na ng damit na susuotin para sa party mamaya.

Rain’s POV

Kakatapos lang mag-practice nila Cloud at naisipan naming dumiretso sa mall. Wala kasi kaming susuotin sa party, nakakahiya naman kung tutungtong sila sa stage na ordinaryo lang ang suot. As long as possible, gusto ko silang makasabay sa mga estudyante ng Monstrous. Ayoko sila pagmukhaing outcast.

“Masaya ba ‘yung party na ‘yon?” Tanong ni Cha habang tinutulungan ko silang pumili ng mga damit na susuotin.

“Oo, may lightsㅡ” Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil bigla kong naalala ang nangyari noong first time kong pumunta sa gathering na iyon. Sa lights off ko nakuha ang first kiss ko kaya hinding hindi ko iyon makakalimutan.

“Alam mo ba na kung sino raw ang hahalik sayo sa light’s off, siya ‘yung makakatuluyan mo?”

For some reason, bigla nag-echo sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Ayesha noon. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko ng wala sa oras.

“Hey, Rain. Are you okay?” Tanong ni Cloud nang tapikin niya ako sa balikat. Ngumiti lamang ako ng bahagya at saka tumango.

“Basta sa party mamaya, mamamatay ng tatlong beses ‘yung ilaw. Lights off ang tawag do’n at kung sino man ang mahawakan mo sa dilim. Kailangan mo siyang isayaw.” Paliwanag ko at nagtawanan pa sila bago magpatuloy sa paghahanap ng damit.

Hindi rin naman nagtagal ay nakabili na rin silang apat ng susuotin para mamaya, kaya ako naman ang sinamahan nilang mamili.

Masaya kaming nagk-kwentuhan habang naglalakad papunta sa isang sikat na store nang mahagilap ng paningin ko si Ayesha’t Liam malapit sa entrance na papasukan namin.

“Beb, akala ko nasa studio ka?” Tanong ni Ayesha nang lapitan niya ako.

“Ah oo, mabilis silang natapos sa practice kaya dumiretso kami rito para bumili ng damit. Namimili ka rin ba?” Imbis na sagutin ang tanong ko ay bigla na lang niya akong hinatak at niyakap ang braso ko. Nakuha ko naman ang gusto niyang mangyari kaya tinignan ko sila Cloud at ngumiti lang ito habang tumatango.

Sabay kaming pumasok ni Ayesha sa store, samantalang nanatili lang sila sa labas kasama si Liam.

Mukhang wrong move yata na iwan ko ang apat na iyon kasama si Liam. Masiyadong honest ang lalaking iyon, baka kung ano-ang itanong sa kanya nila Cloud.

“Ah... Beb? Nalaman kong ikakasal ka na raw?” Nag-aalangang tanong ni Ayesha habang sinisilip nito ang mga damit na nakasabit sa cloth rack, tinignan niya ako at ganoon din ako.

“Gano’n na nga.” Tipid kong sagot bagon kuhain ang dress na natipuhan ko. Black longsleeve ito na fitted dress at low back, ang haba naman nito ay aabot hanggang sa kalahati ng hita ko kung susuotin. “Ito na ang bibilhin ko.”

“Hindi mo ba susukatin?” Tanong ni Ayesha nang mukhang nakapili na rin siya ng damit. Parang katulad lang iyon ng akin, kulay white nga lang iyon at sleeveless.

“Hindi na, sure naman akong sakto ‘to sa’kin.” Nakangiting sabi ko kaya naman binili na namin iyon. Kailangan ko rin kasing magmadali dahil baka kung ano-ano na ang sinasabi ni Liam sa mga kasama ko.

At mukhang tama nga ako dahil paglabas namin ni Ayesha ng store ay kitang-kita ko ang ekspresyon ng mukha ni Cloud. Halatang may mga nalaman siya ngayon mula kay Liam.

“Beb, Liam. Mauna na kami ha?” Paalam ko bago dali-daling hinila si Cloud palayo.

“Ian, Jae, Cha. Mag-ikot ikot muna kayo, kakausapin ko lang si Cloud.” Utos ko nang lingunin ko sila. Sabay lang silang tumango kaya tuluyan ko nang hinila si Cloud papunta sa tahimik na lugar kung saan kami pwedeng mag-usap pero siya na mismo ang nagdala sa akin sa isang ice cream store.

Shit. Bakit dito? Bigla-bigla tuloy nagf-flashback ang mga bagay-bagay na gusto ko ng kalimutan.

“Subukan mong palitan, ipagsisigawan ko sa buong Monstrous Academy na gusto kita.”

Agad akong napailing at saka pinigilan si Cloud sa balak niyang pag-upo sa pwesto kung saan kami pumwesto noon ni Thunder nang una niya kong dalhin sa ice cream store na ito. Ayoko ng maalala lahat ng may kinalaman kay Thunder.

“Maingay pa rin dito, doon na lang tayo sa loob ng kotse.” Suhestiyon ko ngunit yumuko lang siya at saka hinawakan ang kamay ko.

“Alam mo ba na si Thunder ang nagligtas kay papa?” Tanong niya at dahan-dahan lamang akong tumango.

“Dapat ko siyang pasalamataㅡ”

“No, please wag.” Pagputol ko sa sinasabi niya kaya bigla siyang napalingon sa akin.

“Bakit? Sa tingin ko kailangan niyang malaman ‘yung totoo.”

“I know pero wag muna.” Pagkumbinsi ko at kahit labag sa kalooban niya ay pumayag pa rin siya na itago muna kung sino ba talaga siya. Kilala ko si Thunder, sensitive iyon pag-usapang pamilya kaya sure akong hindi niya kakayanin.

Tapos na akong mag-ayos sa harapan ng salamin nang matapos sa pagsuot ng heels si Ayesha. Ilang minuto na lang at mag-uumpisa na ang party, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

“Let’s go?” Aya ko at tumango naman siya kaya sabay na kaming lumabas ng dorm. Naroon na si Liam kaya nauna na rin silang umalis, ako naman ay nanatili lang dito sa tapat.

“Rain.” Nauutal na tawag sa akin ni Jasper at Matthew. Nginitian ko lang silang dalawa at saka lumingon sa entrance dahil sa paglabas ni Emerald at Tymee.

Masaya ako na magkaayos ng dark, kahit paano pala ay may magandang naidulot ang pagkawala ko sa Academy. Mukhang ang saya-saya ng buhay at lovelife nila ngayon. I’m really happy for them.

“Rain.” Agad akong niyakap ng girls at ngumiti ako habang niyayakap sila pabalik. Hindi ko kasi kaklase si Tymee this school at ito ang muli naming pagkikita simula noong makita ko sila sa ground zero.

“Kamusta ka na?” Sabay nilang tanong.

“Okay lang naman ako.” Nakangiti kong sagot bago maglibot ng paningin.

“Hindi ka ba susunduin ni Thunㅡeste ng fiance mo?” Tanong ni Emerald kaya napatingin ako sa kanya. Mukhang may alam na sila sa pagiging engaged ko.

“Ah, parating na rin ‘yon. Sige na, mauna na kayo. Naghihintay mga date niyo, eh.” Sabay silang tumango at lumapit sa kanya-kanya nilang boyfriend. Saktong pag-alis naman nila ay dumating na ang hinihintay ko.

“Sorry, kanina ka pa naghihintay?” Umiling ako sa tanong ni Cloud at balak na sanang umalis ngunit bigla akong tinawag ni Zea na kakalabas lang mula sa girl’s dorm kasama si Amethyst at Pink.

“Bakit?” Tanong ko nang hawakan niya ang kamay ko. Ito pala ang unang beses naming pagkikita ulit.

“Finally, nakausap din kita. We really missed you! At saka nga pala. May babaeng naghahanap sa’yo kahapon.” Sabi niya at dahil dumating si Jiro kasama si Jin at Marky.

“Sino raw?” Tanong ko.

“Hindi sinabi ‘yung pangalan, eh. Basta hindi siya nag-aaral dito. Hmm, maliit siya, maigsi ang buhok at saka naka-full bangs.” Agad kaming nagkatinginan ni Cloud dahil sa sinabing description ni Zea.

“Dora?” Komento ni Jin kaya kahit ayaw kong matawa ay natawa pa rin ako. Umiling-iling ako at binalik ang atensyon kay Zea.

“Wala ba siyang sinabi sa’yo? Or pinapasabi?” Tanong ko at umiling siya kaya napatango na lamang ako.

Napagdesisyunan din naming sabay-sabay nang pumunta sa function hall. Nakahinga rin ako ng maluwag nang malaman kong hindi pupunta si Thunder. I guess, mas makakabuti iyon sa kanya.

“Rain.” Tawag ni Axel nang makapasok kami sa function hall. Nilingon ko naman siya at nakitang kasama niya si Amanda.

“Pwede ka ba namin makausap?” Tanong niya at tinignan ko si Cloud.

“Okay lang. Pupunta na rin kami ng backstage, mukhang sa stage lang kami hanggang matapos ‘tong party.” Sabi niya at ngumiti na lang ako. Pag-alis nila ay agad kaming nag-usap nila Axel sa isang tabi.

“About what happeㅡ”

“Matagal na ‘yon at naiintindihan ko kayo.” Pagputol ko balak sanang sabihin ni Amanda.

“Thank you, pero may gusto pa akong ipaalam sa’yo.” Hindi ako nagsalita at hinintay lang sa sasabihin niya. “Remember this?”

Ipinakita niya sa akin ang peklat sa braso niya kung saan ko siya tinusok ng tinidor noon para masira ‘yung microchip.

“Tulad ko, wala ring choice si Thuㅡ” Paliwanag niya ngunit bigla na lang namatay ang ibang ilaw at napunta ang spotlight sa stage kaya hindi na niya naituloy ang dapat pa niyang sabihin.

“Goodevening ladies and gentleman. Have you heard about our hot transferees? Tutugtog sila ngayong gabi. Let’s give them a round of applause. Please welcome, N.flying!” Naghiyawaan ang mga estudyente, especially ang mga babae kaya bigla na lang umingay sa loob ng function hall, dahilan para hindi kami makapag-usap ng maayos nila Axel.

Nag-umpisa na ring tumugtog sila Cloud. Maraming babae ang mas piniling manuod sa kanila kesa makipagsayaw pero ng tumugtog na sila ng love song ay nag-umpisa nang mamatay ang ilaw gaya dati.

Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa maramdaman kong may humawak sa baywang ko. Alam na alam ko ang amoy niya kaya hindi na ako nabigla ng siya ang makita ko pagbukas ng ilaw.

Alam na alam ko ang amoy niya kaya hindi na ako nabigla ng siya ang makita ko pagbukas ng ilaw

“Please. Dance with me, kahit ngayon lang.” Makaawa niya at napabuntong hininga na lamang ako. Aaminin ko, naiintindihan ko na ang rason ni Thunder kung bakit niya nagawa iyon sa akin, but stillㅡIt’s hard for me to forgive him. Masiyado akong nasaktan.

“Pagtapos ba nito titigilan mo na ko?”

“Hindi ko maipapangako.” Sabi niya at saka hinila ang baywang ko palapit sa kanya. Halos maramdaman ko na ang paghinga niya dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa at ang titig na ibinibigay niya sa akin. Bakit pakiramdam ko ay nalulunod ako? Dapat ay iniiwasan ko siya pero ito, hinahayaan ko siyang isayaw ako tulad ng dati.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.