Chapter 60

(Cain)

Si tiyo Victor ang bumasag sa katahimikan. “Bakit hindi niyo na lang kasi sabihin? Alam naman nating lahat na si Ambrosio lang ang may kakayahang gawin ito. Siya ang may kapangyarihang magmanipula sa isip at katawan ng mga tao. Nagbalik na siya hindi ba? Now everything that has been happening for months now made sense. Siguradong namanipula at ginawa na niyang puppet ang mga tao sa paligid ng pamilya natin kaya nagkagulo-gulo ang sitwasyon natin ngayon.”

Kumabog ang dibdib ko. Tama ang kutob ko na siya nga ang may pakana ng mga nangyayari sa amin. Kumurap ako. “Wait, a power that can manipulate people’s minds? Hindi ba mapanganib ‘yon?”

“Sobrang mapanganib,” sagot ni lolo Bartolome, may himig ng galit sa tono. “Hindi basta mind manipulation ang kapangyarihan niya, Cain. Sometimes, it can also manipulate a person’s heart.” Sinulyapan ng matanda si papa Gregorio na marahas lumingon kay lolo. Nagbabanta ang tingin.

“Ano ang ibig niyong sabihin diyan?” tanong ko. Tiningan ko si papa. “At kailan niyo ipapaliwanag sa akin ang tungkol sa nakaraan? Bakit niyo sinabi sa akin noon na patay na ang mga magulang ko kung mukhang alam niyo naman lahat na buhay siya. Bakit ngayon lang siya nagpakita? Bakit wala akong matandaan sa naging kabataan ko?”

“Cain,” tawag ni Angus sa akin at tinapik ang balikat ko.

Napahinga ako ng malalim. Narealize ko na nagtaas ako ng boses. Kahit sa pandinig ko may halong panunumbat ang tono ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko. “I hate this feeling of forgetting. Na para bang may jigsaw sa utak ko na kulang ng puzzle piece kaya hindi ko mabuo. Na para bang may alaala akong dapat natatandaan ko pero kahit anong gawin ko hindi ko maalala. I am trying to cope up with this empty feeling. Pero hanggang kailan niyo itatago sa akin ang totoo?” Bumaling ako kay lolo Bartolome. “Ano ang ginawa mo lolo? Did you do something with my mind? Did you alter my memory in a way that made me forget my parents?”

Hindi sumagot ang matanda at yumuko. Natahimik na naman sila. Kahit si tiyo Victor ayaw din magsalita. Nag-iwas pa ng tingin na parang may hindi magandang naalala.

“Come to think of it, hindi ko rin matandaan ang mga magulang ni Cain. Na nakakapagtaka dahil nasa tamang edad naman na kami ni Chance noon para matandaan ang mga miyembro ng pamilya natin,” sabi ni Angus.

“Mas makakabuting huwag niyo na maalala pa ang nangyari. You all lived better without remembering. Especially you, Cain. So, for your own sake, stop asking,” malamig na sagot ni papa. Ni hindi niya ako matingnan sa mga mata.

“So talagang ginamitan kami ni lolo Bartolome ng kapangyarihan niya noong bata pa kami,” mapait na sagot ko.

Matiim na ekspresyon ang naging sagot ni Gregorio Alpuerto. Mas lalo lang tumindi ang frustration at bigat ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim at magsasalita pa ulit nang biglang umungol si lolo Ingracio na para bang sinasakal siya. Lahat kami napatingin sa kaniya. Mahigpit niyang hawak ang dibdib.

“Papa?!” sigaw ni papa Gregorio at agad kumilos para lumapit kay lolo Ingracio. Lahat kami humakbang din palapit. Pero bago pa may makahawak kay lolo, bumagsak na siya sa sahig at nawalan ng malay.

ISINUGOD namin si lolo Ingracio sa pribadong ospital kung saan part owner din ang pamilya. Agad siyang dinala sa emergency room at sa mahabang sandali na naghihintay lang kami para sa doktor, pakiramdam ko lumolobo ang ulo ko. So many things have been happening and I am at my limit. Pero katulad ng dati, kailangan kong maging matatag. Lalo at natataranta na ang mga Elder, biglang naging mga vulnerable. Lalo na si lolo Carlos na katulad ni lolo Ingracio nagmukhang mas matanda kaysa dati at mas mahina mula nang mawala ang kapangyarihang taglay. Paano kung si lolo Bartolome ang sunod na mawalan ng kapangyarihan? O si papa? O si tiyo Demetrio?

Ang mga Elder ang pundasyon ng pamilya Alpuerto. At damang dama ko ang unti-unting pagguho ng pundasyon na iyon.

Isang oras ang lumipas bago may lumabas na doktor at mga nurse sa emergency room. Nagkaroon daw ng minor heart attack si lolo at may mga ugat sa puso niya ang kailangan operahan.

“Paano siya nagkaroon ng sakit sa puso? He has always been healthy. Kaka-pa-check up lang niya ilang buwan ang nakararaan,” sabi ni papa.

“Iyan nga ang ipinagtataka ko. I even checked his records and he was perfectly healthy. Pero iba na ang kaso ngayon, senator. He’s really sick and he needs an operation.”

Sa huli pumayag din kami na isailalim sa operasyon si lolo Ingracio. Tinawagan namin sina tiya Martha at tiya Corazon para ipaalam ang tungkol doon.

Ang pinakamahirap na parte ay ang paghihintay na matapos ang operasyon. Kumuha kami ng private room para kay lolo Ingracio at doon ko pinaghintay ang mga nakatatanda para makapagpahinga din sila. Kami ni Angus ang naiwan sa labas. Pabalik-balik sa tapat ng emergency room at sa lobby, naglalakad-lakad para makalma ang mga sarili.

Nakuha ang atensiyon ko ng palabas sa malaking tv screen sa lobby. Napahinto ako sa paglalakad at ganoon din si Angus na mahina pang napamura. Laman ng balita ang ginawang paghuli kay tiyo Demetrio. May mga nakaabang pala na media sa labas ng Forbes Park kanina at ngayon may nadagdag na naman sa expose nila tungkol sa pamilya namin.

Ang magandang reputasyon ng pamilya namin, ang pangarap ni papa na makilala kami sa magandang paraan, gumuho bigla. Ang kapangyarihan na taglay ng sinauna naming angkan at nananalaytay sa mga ugat namin, unti-unti na ring nawawala. Ngayon may sakit pa si lolo Ingracio.

Gods, may ibabato pa ba kayo sa amin?

May namuong bikig sa lalamunan ko at bumigat ang pakiramdam ng dibdib ko. Tinalikuran ko ang tv screen. “Magpapahangin lang ako.” Hindi ko na tiningnan si Angus at naglakad na palabas ng ospital.

Sinalubong ako ng ingay ng siyudad kapag ganoong alas sais na ng gabi at nasa kasagsagan ng rush hour. Sinundan ko ng tingin ang mga taong sigurado ang bawat kilos. Ang mga sasakyan na sigurado na pauwi na sa kanilang mga bahay o kaya ay papunta sa kung saang gimmick. These people, they are all normal.

Bigla pakiramdam ko na naman isa akong outcast sa mundong ito na ni hindi alam ang existence ng mga katulad ng pamilya namin. Not that I want them to know. Mas delikado kung malalaman ng mga tao ang lihim namin.

It’s just that sometimes, having a power bestowed by the Gods feels more like a burden than a blessing. Mahirap ang maging iba sa mundong ito na madaling manghusga at mahirap tumanggap ng mga bagay na hindi nito naiintindihan.

It’s just that sometimes, I wish there is someone out there who can accept me. Including my lineage.

Huminga ako ng malalim at marahas na umiling. Damn, ano ba ang tumatakbo sa isip ko ngayon? Hindi ngayon ang oras para maging vulnerable. Pumihit ako paharap ulit sa ospital at humakbang na para pumasok ulit doon.

“Cain!”

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa pinanggalingan ng boses na ‘yon.

Si Ayesha. Kabababa lang ng taxi na hindi ko namalayang huminto sa tapat ng ospital. Kasama niya sina Chance at Agnes. Naunang humangos palapit sa akin ang nag-iisa kong pinsan na babae, tinanong agad si lolo Ingracio. Pero hindi ko pa rin maialis ang tingin ko kay Ayesha. Anong ginagawa niya rito?

“Narinig namin ang tungkol kay lolo kaya nagpunta kami ni Agnes,” sabi ni Chance. “Iginiit ni Ayesha na sumama.”

Humakbang palapit sa akin ang dalaga. May determinasyon sa pagkakataas ng noo. Pero nakikita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Hindi na ako maghihintay pa sa Tala, Cain. Kahit simpleng bagay lang na pwede kong magawa, gusto kong makatulong sa inyo. Kaya kahit magalit ka, mananatili ako dito,” matigas na sabi niya. Pero ilang segundo lang lumambot ang ekspresyon niya. “Are you okay?”

Suddenly, the thin string of my control over my emotions snapped. Mariin kong itinikom ang mga labi ko sa huling pagtatangka kong kontrolin ang sarili. Pero wala ring silbi. Hindi na rin ako nakatiis. Seeing Ayesha’s face broke my mask. Kumilos ako at mahigpit siyang niyakap. Narinig ko ang pagsinghap niya. Mukhang nagulat. Pero hindi niya ako itinulak palayo. Nakahinga ako ng maluwag. Mariin akong pumikit at isinubsob ang mukha ko sa kanyang buhok.

“No,” garalgal na anas ko. “I’m not okay.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.