Chapter MLB 36

“KUYA TORQUE, okay lang ba ang itsura ko?” tanong ni Callea sa pinsang nasa manibela. Papunta sila sa boutique hotel kung saan ginaganap ang anniversary ng Hontiveros Coco Company.

“Uhmmm!” ungol nito at tumango.

Kinalabit niya ito. “Kuya, sagutin mo naman ako nang maayos.”

“Ano pa bang gusto mong sagot ko? Para kang parrot. Kanina ko pa sinasagot iyang tanong mo. Hindi pa ba sapat na apat na oras ka sa kuwarto mo kapapalit ng damit ng mukha? Nandito na tayo sa Manila. Iyan na ang itsura mo. Okay na iyan.”

Ipinatong niya ang kamay sa dibdib niya. Kinakabahan pa rin siya hanggang ngayon. Hindi siya sigurado kung magugustuhan ni Deive ang bagong ayos niya. Light lang ang make up na inilagay niya at light yellow ang muslin gown niya na bili sa kanya ni Deive noon. Hinawi din niya ang buhok palayo sa mukha niya. Ngayon lang ulit niya ipapakita ang mukha niya nang kusa sa publiko.

Natuon agad ang mata sa kanya pagpasok pa lang niya ng ballroom. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang humahangang tingin ng mga ito. Naiilang siya. Sa huli ay hindi siya nakatiis at iniyuko ang ulo.

Narinig na lang niya na binabati ni Don Jorje ang pinsan niya. “Torque! Akala ko hindi na kayo dadating. Kanina pa hinihintay ni Deive si Callea.”

“She’s here.”

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo at pilit na ngumiti. “Good evening po.”

Tumawa ang mga mata ni Don Jorje nang makita siya. “Callea! You look different. Come!” Hinawakan nito ang kamay niya at idinala sa isang grupo kung saan naroon ang Lolo Tomas niya. “Tomasino, look who is here.”

“Callea!” Parang aatakihin sa puso ang lolo niya nang makita siya.

“Your granddaughter is beautiful. Baka pwede iyan sa apo ko,” anang isa sa mga kaumpok sa mesa. Maging ang iba ay inaalok din ang mga apo at anak nito para maging boyfriend niya.

“She is already Deive’s girlfriend. I am sorry, gentlemen,” wika ni Don Jorje.

“Nasaan po si Deive?”

“Nasa verandah. Nainip kahihintay sa iyo. Puntahan mo na.”

Malalaki ang hakbang ni Callea kahit na di siya sanay sa high heeled shoes. Perfect! The verandah. Makakasagap siya ng sariwang hangin at makakasama niya si Deive.

Kaya lang naman siya nagpunta doon at nagpaganda para kay Deive.

“Sino bang ipinagmamalaki mo, Deive? Your lunatic girlfriend?”

Natigilan si Callea sa paglapit nang makitang di nag-iisa si Deive sa verandah. May kasama itong babae na bahagyang malaki ang tiyan. Mukhang nagdadalang-tao. Siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Guard your tongue, Rubie. Callea is not a lunatic!” depensa ni Deive. “At malapit na kaming ikasal. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa akin.”

“Mas pipiliin mo pa ang isang babaeng nakatira sa haunted house kaysa sa akin?” Naglakad-lakad si Rubie paikot kay Deive. “Come to think of it. Kung pakakasalan mo siya, tiyak na lalayuan ka rin ng mga tao. It will affect your family’s business even if you are not a part of it anymore. Malalahian kayo ng mga baliw kaya maglalayuan ang mga kliyente.” Nilaro ni Rubie ang necktie ni Deive. “But if you will marry me, you can clean your name. I will make you happy.”

Hinawakan ni Deive ang balikat nito at inilayo. “Asikasuhin mo na lang ang magiging anak mo kaysa habulin mo pa ako. Wala nang naniniwala sa paninira mo.”

“Deive, you are mine!” Kinabig ni Rubie ang ulo ni Deive at hinalikan.

Naalarma siya. Kung intensiyong sirain ni Rubie si Deive, hindi niya dapat hayaan ang mga nangyayari. Baka isang patibong ang lahat. Kailangan niyang iligtas si Deive mula sa bruhang Rubie na iyon.

“Excuse me!” aniya at humakbang palapit.

“What! Can’t you see that we are busy here?” Rubie shrieked. Habang si Deive ay nakatitig lang at di magawang kumurap. As if she was an apparition.

“Well, Deive is…”

“What? Gusto mo rin si Deive?” Namaywang si Rubie. “Kung ako nga ayaw niyang patulan, ikaw pa kaya? He wants that lunatic girlfriend of his. Kung gusto mong pansinin ka niya, magmukha ka ring aswang dapat.”

“Callea!” wika ni Deive at lumapit. “Bakit ngayon ka lang? I am so worried.”

“I am fine. Who is she?”

“Rubie Canales,” pakilala ni Deive. “His father used to be a major client in our company. Nai-kwento ko na sa iyo ang tungkol kay Rubie, di ba?”

“Yeah!” Inilahad niya ang palad. “Hi! I am Callea Lopez.”

“My future wife,” dugtong ni Deive.

Namutla si Rubie. “N-No. You are supposed to be a…”

“Lunatic?” dugtong niya. “Day off ng pagiging lunatic ko ngayon. How’s your baby? Ilang buwan na?”

Napahawak ito sa tiyan. “Don’t ask about my baby. Kapag may nangyaring masama sa anak ko, kasalanan mo! Aswang ka! Aswang!” At patakbong bumalik ng party si Rubie. Bakas ang takot sa mukha nito.

“Mukha ba akong aswang?” tanong niya kay Deive.

“No. You look like a nymph.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Ginulat mo ako. Hindi kita nakilala kanina.”

“Ibig sabihin kung pumunta ako dito nang mukhang aswang at may babaeng kasing ganda ko, ipagpapalit mo na ako?”

“Magagawa ko ba iyon?” Kinabig nito ang baywang niya. “Kung gusto mo magtanan na tayo ngayon.”

“Hindi naman ako nagseselos.” Natutuwa lang siya dahil nagandahan ito sa transformation niya. “Mabuti na lang pala nag-ayos ako ngayon. Kundi baka nga isipin ng mga

business associates ninyo nasisiraan ka na ng bait.”

“Siyempre susuntukin ko ang magsabi nang di maganda tungkol sa iyo. But you are staggering. Akala ko ayaw mong ipakita ang mukha mo sa iba?”

“Sa palagay ko wala na akong dapat ikatakot sa pagiging maganda. You are here to protect me. I trust you with my life now, Deive. HIndi madali para sa akin na magbago.

But I will try to be like any normal girl. Sawa na akong magtago sa dilim. At kapag ikinasal tayo, gusto ko ito ang mukhang makikita mo kapag inangat mo ang veil.”

“I love that, Callea.” He took her in his arms and swiftly claimed her lips. Nang umihip ang malamig na hangin ay isinalag nito ang katawan sa lamig. “Let’s set the engagement party.”

“Bruha ka! May engagement party ka pang nalalaman. Ngayon ka lang nagpakita tapos biglang nagpaplano ka nang magpakasal? Ang daya mo!”

Nangingibabaw ang boses ng kaibigan ni Callea na si Nezea sa loob ng coffee shop. Matagal niyang di nakita ang mga kaibigan noong college. Nakipagkita siya para ibigay ang imbitasyon sa engagement party nila ni Deive. Ngayon na lang sila nagkabalitaan at may kanya-kanyang pamilya na pala ang mga ito.

“Akala ko naman forever ka nang magluluksa sa pagkamatay ni Luna,” sabi ni Jaid. “Guwapo ba ang boyfriend mo?”

“Pipili ba naman ako ng pangit?” natatawa niyang sabi.

Sa loob ng mahabang panahon ay itinago niya ang sarili sa mundo. Ngayon ay nakakalabas na siya ng bahay nang walang suot na make up man lang. Nagko-costume man siya pero kapag nagsusulat na lang.

Dahil sa pagtanggap ni Deive sa kanya ay nagawa din siyang tanggapin at pahalagahan ng ibang tao. Sa pag-aalis niya ng maskara at muli niyang pagtapak sa liwanag, handa na rin siyang harapin ang multo ng nakaraan niya. Lalabanan niya ang kahinaan niya.

Nagtilian ang mga ito nang ipakita niya ang picture nila ni Deive sa party ng Hontiveros Coco Industries at maging sa cosplay-book signing niya.

“Ay! Parang prinsipe. Nakaka-inggit naman. Kung bakit kasi hindi kasing guwapo niya ang napangasawa ko. Palit na lang tayo,” ungot ni Jaid.

“Hindi ko ipagpapalit si Deive kahit pa kay Brad Pitt.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.