Niyakap siya ni Nezea. “It is good to have you back. HIndi mo kasalanan ang pagkamatay ni Luna. Ipinagtanggol ka lang niya sa obsessed na Walter na iyon. Kahit siguro ikaw ang nasa sitwasyon niya, ipagtatanggol mo rin ang kaibigan mo.”
Nasa Cambodia sila ni Luna bilang parte ng training nila. Pinag-aaralan kasi nila ang iba’t ibang Southeast Asian arts at isa na doon ang Angkor Wat na matatagpuan sa bansang iyon. Nakilala nila ang batang photographer na si Walter Naval, isa ring Filipino na interesado sa Cambodian arts.
Noong una ay inisip nilang mabait lang ito. Dahil pare-pareho silang Filipino ay ine-entertain naman niya ito. Dahil hilig ni Walter ang photography kaya sanay na siyang kinukunan nito ng picture.
Luna warned her to stay away from Walter. Iyon pala ay napupuna na ni Luna na di na normal ang ikinikilos ni Walter. Sa pag-iwas niya, lalo lang siyang hinabol ni Walter. Hanggang pasukin nito ang apartment nila ni Luna. He tried to kidnap her. Ipinagtanggol siya ni Luna sa pamamagitan ng kitchen knife subalit naagaw iyon ni Walter at nasaksak ito.
Sumaklolo ang mga kapitbahay nila at nasukol si Walter subalit huli na. Patay na si Luna. Nakulong si Walter sa isang mental institution. May psychological disorder ito. Subalit di iyon sapat. She was marked for life.
It was traumatic to see a friend die. Nang dalhin siya sa pad ni Walter ng mga imbestigador puno iyon ng mga pictures niya. She hated looking at her face since then. Sinisisi niya ang kagandahan niya kung bakit namatay si Luna.
“Live a life for Luna, Callea,” payo ni Jaid.
“Ngayon ko na lang nare-realize iyan. Marami pa akong magagandang bagay na magagawa nang di nagtatago sa mundo.” Deive would help her with it.
Gusto nga niyang dalawin ang puntod ng kaibigan niya sa Ilocos matapos ang engagement party nila ni Deive. Saka siguro niya maiku-kwento nang buo kay Deive ang pinagdaanan nila ni Luna.
“Miss Callea,” untag sa kanya ng waiter.
“Yes?”
“May nagpapabigay po sa inyo.”
Inabot nito ang tray na may Malaysian mums at Polaroid picture. Kuha niya sa coffee shop ang larawan kasama ang mga kaibigan niya habang umiinom siya ng kape. I miss you, anang sulat ng pentel pen sa baba.
“Wow! How sweet! Padala ba ng boyfriend mo iyan?” tanong ni Jaid.
Luminga-linga siya sa paligid. Wala naman doon si Deive. Lumabas siya ng coffee shop para tingnan kung naroon ang kotse ng nobyo sa labas. Nang di makita ay tinawagan niya ito. “Deive, nasaan ka na?”
“Trapped here at EDSA Santolan. May banggaan. Hindi ko alam kung anong oras ako makakarating sa Makati.”
“It’s okay. Thanks for the flowers and the picture. I love it.” Parang sinasabi nito na sana ay katabi niya ito habang nasa malayo ito.
“Flowers? Pictures? Hindi ko alam iyan…”
“Basta! I love you, Deive!”
Lumulutang ang pakiramdam niya nang balikan ang mga kaibigan sa mesa. Deive was indeed the sweetest soul. She was excited to say, “I do” to him.
“GANITO ang design na gusto ko!” Ipinakita ni Callea kay Pipay ang gusto niyang isuot para sa engagement party nila ni Deive. Kulang-kulang isang buwan na lang iyon pero wala pa rin siyang napipiling gown.
“Huwag na kayong mag-engagement party. Magpakasal na agad kayo.”
“Sa palagay mo okay lang?” Mas nakikita kasi niya ang sarili na nakasuot ng wedding gown kaysa habang sinusuutan siya ni Deive ng diamond ring sa daliri. Parang formality lang kasi. Mga lolo lang nila ang may gusto ng engagement party.
“Kung ako iyon, honeymoon na agad para heaven.” Niyakap ni Pipay ang sarili at pumikit. “Oh, Fafa Deive! Iyan. Gusto ko iyan. Go for the gold.”
Tinampal niya ang noo nito. “Oy! Boyfriend ko yata iyang inaambisyon mo.”
“Ito naman sobrang damot.” Ngumisi ito. “Share your blessings.”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Umayos ka kung ayaw ipa-rape kita sa sampung sexy na babae sa istorya ko.”
“Ay! Bad iyan!” anito at humanap sa mga sketches nito ng gown na pwede niyang magustuhan para sa party.
Lumapit sa kanila si Aling Poling. “Señorita, may delivery po para sa inyo.”
Isang bungkos ng bulaklak ang dumating at isang envelop. Inagaw ni Pipay sa kanya bulaklak at nilanghap-langhap. “Ahhh! Mahal talaga ako ni Fafa Deive.”
Natawa na lang siya sa ilusyon nito at binuksan ang envelop. Basta si Deive, maraming sorpresa para sa kanya. Di na ito nasiyahan na tumawag kada oras kapag nasa Manila ito. Kung anu-ano ang ipinapadala sa kanya. O kaya ay kung anu-ano ang ibinibilin kina Mang Lito na bilhin para sa kanya. Hindi na nga niya kailangan pang humiling ito. Ito na ang kusang nagbibigay.
Mga larawan niya ang laman ng envelop. Kuha niya iyon nang nakaraang araw nang kasama niya si Deive habang namamasyal sa mall. Halos sa kanya ang focus ng mga larawan. Kahit na kasama niya si Deive ay blurred iyon.
Bakit marami siyang kuha? Sino ang nagpadala niyon?
Isang note ang natagpuan niya na nakasingit sa mga larawang iyon.
Do not fret, my love. I will come to you soon. Wait for me.
“Aling Poling, may pinirmahan po ba kayo nang dalhin ito?” tanong niya.
“Ay, hindi po! Si Señorito Deive kung sino-sino na lang ang sumusulpot para ipagdala kayo ng regalo.”
Sumasal ang kaba sa dibdib niya. Malakas ang hinala niya na hindi kay Deive nanggaling iyon. Dahil kung kay Deive iyon nanggaling, tatawag ito para magtanong kung natanggap niya ang padala nito at magtatanong pa ito ng iba niyang gusto.
Lumipas ang ilang sandali. Walang tawag mula kay Deive hanggang ngayon.
Napatitig siya sa Malaysian mums na nilalanghap pa rin ni Pipay. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa bulaklak at sa envelop na may lamang pictures niya.
She became nostalgic. Isang tao lang ang nagpapadala sa kanya ng Malaysian mums at magtitiyagang kumuha ng larawan niya. Si Walter Naval.
Gumapang ang kilabot sa katawan niya. Animo’y nagbalik ang mga bangungot sa harap niya mismo. Akala niya ay matagal na niyang naibaon ang mga iyon pero muli na namang bumangon.
Inagaw niya ang bulaklak mula kay Pipay. “Akin na iyan!”
“Ay! Bakit naman may ganoong factor?” anito at natutop ang bibig. “HIndi ko naman sisinghutin iyang mga bulaklak mo.”
Iniligpit niya ang mga clearbook ng sketches nito at pati sketch pad. “Umuwi ka na muna, Pipay.”
“Bakit? Nagseselos ka ba na aagawin ko si Fafa Deive sa iyo? Pinagnanasaan ko siya pero hindi ko siya aagawin.”
“Umalis ka na!” mangiyak-ngiyak niyang sabi at pumunta sa dirty kitchen. Nilagpasan niya si Marina na naghahanda ng pananghalian. Kinuha niya ang gaas at posporo at tumuloy sa likod-bahay.