Chapter MLB 38

Ihinagis niya sa hukay ng basura ang bulaklak at envelop saka sinigaan. Si Walter. Nakalaya si Walter. Walang ibang pwedeng gumawa niyon kundi ito lang. Pero paano nangyari iyon? Nakakulong ito sa mental institution. Kung lalaya man ito, sa kulungan ang bagsak nito.

Pero sino? Dalawang beses nang nangyari na may nagpadala ng pictures sa kanya at Malaysian mums. Someone was bothering her, following her every move.

Nang bumalik ng bahay ay tinagawan niya si Torque na nasa Bangkok. “Kuya, can you check on Walter?” Humigpit ang hawak niya sa awditibo ng telepono. Nanginginig ang labi niya habang nilalabanan ang takot na nararamdaman niya. “Basta I-check mo, Kuya. Kung kinakailangang pumunta ka sa Phnom Penh para tiyaking nakakulong siya.”

“Callea, tell me what’s wrong.”

Huminga siya nang malalim. “Basta tawagan mo ako sa update, Kuya. Bye.”

Ayaw niyang ma-paranoid pero kakaibang kilabot ang nararamdaman niya. Hangga’t di sinasabi ng Kuya Torque niya na nasa mental institution pa nga si Walter, hindi matatahimik ang buhay niya.

PAKANTA-KANTA si Callea habang binabalot ang regalo para sa inaanak ni Deive. Sa wakas daw ay hindi na ito makakantiyawan ng mga kaibigan na forever na binata. Maipapakilala na daw kasi siya nito sa lahat. Ito na ang kaiinggitan.

Natahimik naman ang isip niya nang ibalita ng Kuya Torque niya na naka-admit pa rin sa mental institution si Walter. Di ito pwedeng palabasin dahil malala ang diperensiya nito sa isip. He was a psychotic. Pero para daw sa ikapapanatag ng loob niya ay pupunta ito sa Cambodia.

Kahit paano ay nabawasan ang alalahanin niya. She was starting to live a normal life. Ine-enjoy pa rin niya ang pagsusuot ng mga costumes niya pero kapag na lang nasa kuwarto siya. Nakakalabas na rin siya ng bahay nang di itinatago ang mukha niya. Di na siya pinangingilagan ng mga tao. Nasanay na lang ang mga ito na makita siyang suot ang baro at saya ng lola niya kapag nagsisimba.

Nang mag-ring ang telepono ay patakbo niya iyong sinagot. “Hello!”

Kanina pa siya naghihintay ng tawag ni Deive. Kinabukasan pa siya nito susunduin sa Laguna para sa birthday party kaya miss na miss na niya ito.

Dalawang linggo pa bago ang engagement party nila. Kahit paano ay bibigyan na sila ng breather ni Torque. Mababawasan na ang mga mahihigpit na rules. Napatunayan naman ng pinsan niya na karapat-dapat si Deive para sa kanya.

“Miss me, honey?”

Nawala ang ngiti niya nang hindi boses ni Deive ang marinig. “Who is this?”

“You know who this is, Callea.”

Nagmistulang yelo ang dugo niya nang mabosesan ang nasa kabilang linya. “Walter?” Horrible memories came flooding back to her. Kung paano siya nitong tingnan na parang hinuhubaran siya. Naalala niya kung paano nitong patayin si Luna. Then all those pictures of her on his pad…

“Yes,” he said in a hoarse voice. “Mabuti naalala mo pa ako.”

“Ikaw nga ang nagpadala ng mga bulaklak at ng pictures!”

“I am always around. HIndi ka basta-basta mawawala sa paningin ko.”

“Hindi ba nakakulong ka sa mental?”

Humalakhak ito. “I have my ways. Walang makakapigil sa akin para makuha ka. I suffered long enough in that mental asylum.”

“Dapat nga namatay ka na lang,” mariin niyang wika. “Pinatay mo ang kaibigan ko kaya magbabayad ka.”

“Kanino ka magsusumbong? Sa mga pulis? Saan mo ako hahanapin, Callea? HIndi mo malalaman kung nasaan ako,” anito sa pahina nang pahinang boses.

“Leave me alone! Tahimik na ang buhay ko…”

Pumalatak ito. “Deive Hontiveros. Alam ko rin ang bawat galaw niya. Subukan mong sabihin ang tungkol sa akin, mamamatay siya. Hindi ko papayag na isang katulad

lang niya ang makakakuha sa iyo.”

“NO!” Minsan na siyang nawalan ng mahal sa buhay sa pagtatanggol sa kanya. Ayaw na niyang maulit iyon. “Bakit hindi mo ako patahimikin?”

“I want your beauty, Callea. I can’t get your face out of my head. You will be mine. I won’t stop until you are mine.”

Narinig niya ang mala-demonyo nitong tawa bago niya ibagsak ang telepono. Muntik na niyang basagin ang salamin nang makita niya ang kagandahan niya. Bumalik si Walter dahil sa mukhang iyon. Guguluhin nito muli ang buhay niya at ngayon ay pinagbabantaan pa nito si Deive.

Hindi niya alam kung paanong ipapahuli si Walter. Ang kailangan lang niya ngayon ay protektahan si Deive… sa kahit anong paraan.

“MAMA!” palahaw ng bata matapos makipagtitigan kay Callea. Nakasaklob kasi ang itim na hood ng cult’s robe niya sa ulo niya. At dahil sa pula niyang contact lens ay parang umiilaw iyon. Nagmimistula tuloy siyang halimaw.

Nasa isang sulok lang siya ng masayang children’s party na iyon. Parang nasa iba siyang mundo. Walang taong lumalapit sa kanya kahit pa ang ibang mga kaibigan ni Deive. Di rin nakaligtas ang mga bata sa kanya.

Tinanggal niya ang robe niya nang may isa na namang matapang-tapang na bata na gustong makita siya. Tumambad dito ang kulay na itim niyang labi at itim na itim ding mata dahil sa makapal na mascara at eyeliner. Nang mulagatan niya ang bata ay nagtatakbo din ito sa nanay.

Nilapitan siya ni Deive na may dalang punch. “O! Bakit umiiyak iyong bata?”

“Minulagatan ko. Tingin nang tingin, eh!”

“Ayaw mo ba dito sa party? Masama ang pakiramdam mo?”

Umangat ang gilid ng labi niya. “I am actually having fun.”

“You are terrorizing the kids. Baka lagnatin ang mga iyan sa takot,” anito sa mababang boses. “Bakit ba ganyan ang isinuot mo?”

“Malamig ngayon. Lalamigin ako sa mga damit na bigay mo.”

Mahabang sandali siyang tinitigan ni Deive. Pagkuwan ay tumayo ito at hinila siya patayo. “Let’s go! Magpapaalam na tayo.”

Tahimik siyang sumunod dito. Parang nakahinga nang maluwag ang kumare ni Deive nang magpaalam sila. “Pakakasalan ba talaga ni Deive ang babaeng iyon?” narinig niyang tanong ng isa sa ninang ng bata. “Nakakatakot.”

Matalim niyang tiningnan ang mga nag-uusap at napa-krus na lang ang mga ito sa takot at saka siya tinalikuran. Tiyak na nanginginig ang mga ito sa takot.

Huminga nang malalim si Deive nang paandarin ang sasakyan. Hindi ito nagsalita maliban na lang nang papasok na sila Villa Celesta.

“HIndi mo naman kailangang manakot sa mga bata sa party. Pati ibang bisita natatakot na rin sa iyo.”

“Akala ko ba okay lang sa iyo kung anuman ang itsura ko?”

“Yes. Pero nasanay na akong normal ang itsura mo. Hindi ba sinabi mo sa akin na magko-costume ka lang kapag nasa mansion ka?”

Sa harapan lang ang tingin niya at di ito sinulyapan. “Ano ang masama sa itsura ko? Ito talaga ako. If you have a problem with that then let’s cancel the engagement party.”

“What?” Bigla nitong nai-preno ang sasakyan. “Callea, that’s crazy!”

Bumaling siya dito. “Deive, look at me. Sa palagay mo ba magiging komportable ako nang tinitingnan lang ng mga tao na maganda? Sinubukan ko lang kung kaya ko para sa iyo. But I can’t. Mas komportable ako nang ganito.”

“Naiintindihan ko iyon. Di madali ang magbago. Di ko rin naman gustong baguhin ka. Pero bakit gusto mong pati engagement party natin ma-cancel?”

Mariin siyang pumikit. “I don’t think I am fit for a lifetime with you. Parang napaka-idealistic natin noong una. We will fight for each other. Di natin bibitiwan ang isa’t isa.

But it simply won’t work. Mabuti pang huwag na tayong magkita.”

“Bibisitahin na lang kita sa ibang araw. I will give you time.”

“NO! huwag ka nang magpapakita sa akin. I am thankful for the good things that you did for me. Pero gusto ko na lang mapag-isa… habambuhay.”

“Callea!” tawag nito sa kanya. “Sandali!”

Tuloy-tuloy na pumasok sa mansion kahit na nanunuot ang sakit sa puso niya. She loved him. She wanted to change herself for him. Pero kung ilalabas niya ang kagandahan niya, hindi siya titigilan ni Walter.

Kailangan niyang itago ang kagandahan niya para makaligtas kay Walter. Kailangan din niyang palayuin sa kanya si Deive para di ito masaktan.

Ayaw na niyang mawalan pa ng isang minamahal. Subalit bilang sakripisyo, kailangan ngayon pa lang ay mawala na si Deive sa kanya.

Siya na lang ang mananakit dito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.