Chapter MLB 39

Taimtim na panalangin ang ibinigay ni Callea sa puntod ng Lolo Leandro niya at Lola Celesta niya. Nakakalungkot isipin na hindi na matutupad ang hiling niya na maging katulad siya ng mga ito. Na makatagpo din siya ng pag-ibig na para sa kanya. Sa pagbabalik niya sa madilim niyang mundo, nawala sa kanya si Deive.

Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kanya. Nagtatanong si Marina kung may pinag-awayan sila ngunit pinili niyang ipinid na lang ang bibig.

Natitiyak niyang galit sa kanya si Deive. Biglaan ang pagbabago niya. At hirap rin itong ipaliwanag sa iba kung bakit di na matutuloy ang engagement party niya. Di niya alam kung nakausap na nito ang kapamilya niya. Wala pa rin kasi siyang natatanggap na tawag na nagtatanong sa kanya kung bakit di na matutuloy ang engagement party nila ni Deive. Sampung araw na lang. Malapit na.

Ang tanging pakonswelo niya ay di na siya ginugulo pa ni Walter. Wala na itong kagandahang makikita. HIndi na nito makikita pa ang bakas ni Callea. Bumalik na naman siya sa istilo niyang mukhang di naliligo at di nagsusuklay.

Iyon nga marahil ang mundong nababagay sa kanya. Madilim, malungkot subalit ang kadiliman lang ang nagsisilbi niyang kaligtasan.

“Miss Callea, ipinapatawag po kayo ng sundo ninyo,” anang sacristan.

“Salamat.” At itinabing niya ang belo sa ulo niya. Di niya napansin na hapon na noon. Babalik na naman siya sa madilim at malamig na Villa Celesta.

Kotse ng Kuya Torque niya ang nakaparada. Di man lang nagpasabi ng Kuya Torque niya na uuwi na ito. Akala niya sa ibang araw pa ang dating nito mula sa Cambodia.

Bumukas ang pinto para sa tabi ng driver’s seat. Dali-dali siyang pumasok. “O, Kuya Torque! Anong…” Nawala ang ngiti niya nang hindi ang pinsan niya ang nasa manibela. “Walter.”

“Hello, Callea!” Parang walang dalawang taong nagdaan dahil ganoon pa rin ang itsura nito. Malinis ang pagkaka-trim ng wavy nitong buhok. There was a gentle glint in his eyes and his kind smile that cool fool anybody that he was nice.

But she knew better. Isa itong buhay na bangungot at alam niya ang kakayahan nitong gawin sa kabila ng maamo nitong mukha. Hindi niya napansin na ito ang nasa driver’s seat dahil tinted ang salamin ng sasakyan.

Hinawakan agad ng kamay niya ang pihitan ng pinto subalit mas maagap ito dahil nai-lock agad nito. Isang tela ang itinakip nito sa ilong niya.

Nanlaban siya subalit unti-unti na ring umepekto ang kemikal sa tela na naamoy niya. Unti-unti siyang nawalan ng ulirat.

Bago tuluyang magsara ang mata ay nakita niya ang ngising demonyo nito. Right there and then, she knew that she was in hell again.

MALAYSIAN mums. Iyon agad ang nakita ni Callea nang imulat niya ang mata. Iyon pala ay puro Malaysian mums ang nakapinta sa kisame ng kuwartong iyon. Pilit siyang bumangon. Sa naliliyo niyang diwa ay naalala niya na dinukot siya ni Walter. At ngayon ay nasa kama siya na punung-puno ng talulot ng bulaklak.

Napasiksik siya sa headboard ng kama nang makitang nakaupo sa couch si Walter sa gilid ng kama. Di nito inaalis ang mata sa kanya nang tumayo ito at umuklo sa gilid ng kama.

Nayakap niya ang sarili. “Anong ginawa mo sa akin?”

“Wala. Kinuhanan lang kita ng pictures.” Ipinakita nito ang mga kuha sa kanya habang natutulog siya sa digital camera nito. “Alam mo naman na hindi kita kayang saktan, di ba? Hinintay lang kitang magising. Ang ganda-ganda mo kahit natutulog ka o kahit gising ka.”

Naipagpasalamat niya na wala itong ginawa sa kanya na di maganda. “Nasaan tayo?” lakas-loob niyang tanong.

“Nandito tayo sa palasyo natin.” Hinawi nito ang kurtina ng bintana at bumulaga sa kanya ang madilim na gabi. “Matagal ko nang pangarap ito para sa atin. Dati pa kita gustong dalhin dito pero nasa ospital ako.” Humagikgik ito.

“Paano ka nakalabas?” Wala siyang laban sa kabaliwan nito ngayon. Nasa teritoryo siya nito. Kailangan niyang kumalma para I-assess ang sitwasyon niya.

“Mayaman ako. Maraming-marami kaming pera.” Umupo ito sa dulo ng kama. “Akala ninyo habambuhay ako sa ospital ng mga baliw? Hindi. HIndi ako baliw kaya hindi ako bagay doon.”

Mayaman ang pamilya ni Walter. Pero di niya inaasahang hanggang sa ibang bansa ay umaabot ang impluwensiya ng mga ito. Ibig sabihin ay palabas lang ng ospital na naka-confine pa rin sa mga ito si Walter. Pero ang totoo ay nakalaya na ito at nakauwi na ng Pilipinas. At di pa rin siya nito tinitigilan.

Umurong siya nang tangkain nitong haplusin ang mukha niya. Kaya nagkasya na lang itong haplusin ang hangin. Animo’y iniisip na mukha niya iyon. “Ang ganda-ganda mo pa rin hanggang ngayon. Kaya hindi kita makalimutan.”

“At hindi ko makalimutan na pinatay mo ang kaibigan ko.”

Napalitan ng galit ang takot na nararamdaman niya. Napakababaw lang ng rason kung tutuusin. Dahil sa kabaliwan nito, nagbuwis ng buhay si Luna.

umuhod ito sa gilid ng kama. “Ayokong saktan siya. Pero pinigilan niya ako nang magtatanan tayo, di ba? Dapat lang iyon sa kanya. Ngayon wala nang sagabal sa pagmamahalan natin.”

Itinulak niya ang kamay nito palayo nang tangkang hahawakan siya nito. Ubod ng lakas niya itong pinagsasampal. “Ang sama mo! Ang sama sama mo!”

Pinipiga ang puso niya nang maalala kung paanong walang awa nitong saksakin ang kaibigan niya. At sasabihin nitong tama lang ang nangyari? Kung may kutsilyo lang siya nang mga oras na iyon, baka napatay na niya ito.

“Tumigil ka na, Callea,” malambing nitong sabi.

“Hindi! Huwag kang mag-ilusyon na mamahalin kita. Kahit na patayin mo pa ako ngayon, hindi kita mamahalin!”

“Tumahimik ka na!” bulyaw nito at sinampal siya sa magkabilang pisngi nang ubos lakas. Napasubsob siya sa kama. Nabingi siya at namanhid ang mukha niya sa lakas ng sampal nito. Inalog nito ang balikat niya. “Ikaw ang masama dahil hindi mo ako mahal! Masama ka! Masama ka!”

Matiim niya itong tinitigan at sinapo niya ang pisngi niya. Naramdaman niya ang pagkirot ng gilid ng labi niya. May dugo doon.

Saka lang siya natauhan. Di siya dapat nagpadala sa emosyon. Isang baliw ang kaharap niya. He has the tendency to be violent. Wala itong sinasanto. Wala itong kinatatakutan.

Nangilid ang luha nito. “May sugat ka.? I am sorry, Callea.”

Bigla ay naging maamong tupa na naman ito. Tinabig niya ang kamay nito nang hahaplusin ang sugat niya. “Huwag mo akong hawakan.”

“Galit ka? H-hindi ko naman sinasadya.” Bumaba ito ng kama habang sabunot ang sarili. “Sinaktan ko si Callea. Ang tanga-tanga ko!” Napamaang siya nang iumpog nito ang sarili sa pader. Humalakhak ito habang sapo ang ulong nasaktan. “Huwag ka nang magalit. Naiganti na kita sa nanakit sa iyo.” Inilabas nito ang baril. “Sa susunod na may manakit sa iyo, babarilin ko.”

“You are sick!” mahina niyang usal. Sinong tao ang basta-basta na lang sasaktan ang sarili? Parang masisiraan na rin siya sa nasasaksihan niya.

Inilapat nito ang hintuturo sa labi. “Shhh! Huwag kang maingay. Baka marinig tayo ng mga nurse. Baka ibalik nila ako sa ospital ng mga baliw.”

Hindi ito natulungan sa ospital ng mga baliw. Sa halip ay lumala pa ang kondisyon nito. Gumapang ang kilabot sa katawan niya. Hindi dapat pinakawalan si Walter.

Ngayon niya nakikita kung gaano katindi ang kabaliwan nito.

Hinamig nito ang mga talulot ng bulaklak sa kama at saka isinaboy sa kanya na parang confetti. “Aalis tayo dito, Callea. Magpapakasal tayo at magpapakalayo-layo. Doon tayo sa di nila tayo makikita. Ako na ang mamahalin mo.” Nakangisi nitong iniumang ang baril. “Kakalimutan mo rin ang Deive Hontiveros na iyon. Wala siya nito. Di siya marunong gumamit nito.”

Ipininid niya ang bibig. Di siya makagalaw. Kahit ang luha niya ay ayaw nang pumatak sa labis na takot. Baka sa susunod na buka ng bibig niya ay sumabog na lang ang bungo niya.

Sinundan niya ito ng tingin nang lumabas ito para ikuha daw siya ng pagkain. Di dahil ayaw siya nitong saktan ay di nga siya nito kayang saktan. Nakita niya ang lakas nito kapag nagiging bayolente.

Ayaw na niyang hintayin pa ang pagkakataon na saktan siya nito. Maaring sa mga oras na iyon ay alam na ng pamilya niya na nawawala siya. Pero kaya ba siyang hanapin ng mga ito kung siya mismo ay di niya alam kung nasaan siya.

Pumunta siya sa bintana. May malawak pa na garden ang villaCelesta. Sa dako pa roon ay puro bukirin ang natatanaw niya. Walang bahayan. Walang nakakarinig sa kanila. Gaya ng sinabi ni Walter, silang dalawa lang doon.

Wala siyang oras para maghintay ng tulong. Habang tumatagal siya doon, nanganganib ang buhay niya. Kailangan niyang makagawa ng paraan.

Gusto pa niyang balikan ang pamilya niya. Gusto pa niyang makasama si Deive… kung tatanggapin pa siya nitong muli.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.