“GOOD morning…”
Ilang beses na napakurap si Katrina nang magising siya at makita na nasa harap niya si Rumple at ang anak. Parehong nakatingin ang mga ito sa kanya, mukhang hinihintay na magising siya.
Ngumiti si Rumina nang makitang gising na siya. Lumapit ito sa kanya at pinugpog ng halik ang mukha niya. “Ang tagal mong gumising, Mommy…”
Niyakap at hinalikan rin niya ang anak. “I’m sorry. Late na akong natulog at---“
Natigilan si Katrina nang maalala ang nangyari kagabi. Tumingin siya sa lugar kung nasaan siya. Nasa kuwarto siya. Huling pagkakaalala niya ay nasa living room siya ng unit ni Rumple. Tinatapos niya ang design niya na isa-submit sa kompanya nila ngayong araw.
“Nakatulog ka sa living room. You look so uncomfortable kaya binuhat kita rito…” Mukhang nabasa naman ni Rumple ang tanong sa isip niya.
“Oh, thank you…” Namula si Katrina. So concern sa kanya ang lalaki? It touched her heart with the thought.
“No need to say thank you. It’s my pleasure to do so…” Bahagyang ngumiti pa ang lalaki. Parang gusto pa lalong mamula ni Katrina. So gusto pa nito ang ginagawa sa kanya? Bakit?
Ano kayang nakain ng loko?
Ilang araw na silang nakatira ng anak sa poder ni Rumple. Maayos na ang relasyon ng anak sa ama nito. Pero sila ay hindi niya masasabi. Civil lang sila sa isa’t isa ni Rumple. Hindi rin sila masyadong nagkakasama dahil abala siya sa trabaho. Ang palagi lang nitong kasama ay si Rumina at hinahayaan naman niya ito. It was the least she could do.
Aminado si Katrina na malaki ang kasalanan niya sa dalawa. Pero maituturing pa rin niya ang sarili na masuwerte dahil kahit ganoon, hindi pa rin tuluyang inaagaw ni Rumple si Rumina. At ito nga, naging concern pa pala sa kanya ang lalaki kagabi. Hindi niya in-expect iyon mula rito.
“Get up now, Mommy. Ready na ang breakfast,”
“Ha?” Lalong ikinagulat pa iyon ni Katrina. Walang kasambahay si Rumple kaya siya na ang gumagawa ng breakfast. Kapag may oras rin siya ay naglililinis siya. Nakabakasyon rin kasi ngayon ang Yaya ni Rumina. Si Rumple ang nag-aalaga sa anak nila dahil nakabakasyon rin naman ito sa trabaho.
Tumingin si Katrina sa orasan. Natutop niya ang noo nang makitang alas nuwebe na. Napahaba ang tulog niya. “Oh God. I’m so sorry. Hindi ko man lang kayo naasikaso.”
“It’s okay, Mommy. Si Daddy na po ang nagluto. Kaya nga po bumangon ka na. Gutom na ako. And I want to taste Daddy’s dish. I’m excited.”
Nagkamot ng ulo si Rumple. “Anak, `wag kang masyadong excited. It’s just breakfast. And I’m not a good chef.”
“Still, I want to. It smells good,” Ngumiti ang anak. Hinawakan nito ang kamay niya. “Come on, Mommy…”
Napangiti rin naman si Katrina. Minsan na may nakapagsabi sa kanya na kapag mag-aasawa daw ang isang babae ay pumili raw ng guwapo. Masarap daw kasing tignan tuwing umaga. Pero madalas naman na naiisip niya na mas magandang makakapag-asawa siya nang lalaking marunong magluto at masipag. Sa tingin niya, mas masarap na gumising kapag may masarap na almusal ng nakahanda na sa kanya.
Pero ngayon, pakiramdam niya ay naka-jackpot siya. Guwapo na nga si Rumple at pinaghanda pa siya nito ngayon ng almusal. Bonus pa na inasikaso pa sila nitong dalawa ni Rumina.
“Ako na,” pigil ni Katrina kay Rumple nang ito pa mismo ang maglagay ng pagkain sa plato niya.
“Stop. I want to serve you both…”
“Hmmm…” Siyempre, kinilig si Katrina kaya hinayaan na nga niya. Minsan lang naman!
“Ang sarap, Daddy!” puri ni Rumina nang makapagsimula itong kumain. “You’re really the best,”
“If so, where is my kiss?” Ungot naman ni Rumple sa katabing si Rumina.
Pinagbigyan ito ni Rumina. Ang ganda ng ngiti ni Rumple sa ka-sweetan ng anak. Nahawa rin naman siya. Masaya siya na magkasundo ang dalawa. At kahit minsan na naisip niyang may pusong bato ang lalaki, pinapatunayan nito ngayon na mali ang akala niya. Napakaganda ng trato nito sa anak nila. Sandali pa lang na magkakasama ang mga ito ay parang napakatagal na. There was also adoration whenever he looks at their daughter.
“Mommy, may work ka ba today?” tanong ni Rumina maya-maya.
Tumango si Katrina. “Sabado. Wala naman talaga akong pasok. Pero kailangan kong i-submit ang ginawa ko kagabi…”
“Ganoon?” Lumabi si Rumina. “Plano pa naman namin ni Daddy na pumunta sa amusement park.”
“It’s okay. Puwede naman kayong gumala ng wala ako…”
“Pero gusto ko ngayon na kasama ka…”
Sumabat si Rumple sa usapan. “Matagal ba `yung pagsa-submit mo? We can wait for you…”
“Ahmmm… okay lang ba?”
“Siyempre naman, Mommy!” wika ni Rumina.
Sa halip na pansinin ang anak, mas tinignan niya ang reaksyon ni Rumple. Alam na naman kasi niya na iyon nga ang gusto ng anak. Pangarap nito ang isang masayang pamilya. Pero ganoon rin ba ang gusto ni Rumple?
Ngumiti si Rumple. “But of course. It’s good to roam around with family…”
Family… Parang may humaplos na mainit na kamay sa puso niya. Hindi siya binigo ni Rumple.
Siguro ay hindi niya deserved na makasama sa pamilyang siya mismo ang unang sumira. Pero napakagandang marinig na mukhang okay naman rito ang lahat. Napakagandang marinig na itinuturing na siya nitong pamilya.
Umaga pa lang pero kompleto na ang araw ni Katrina. It was a good morning indeed.
IT WAS supposed to be a good day. Pero hindi pa rin pala para kay Katrina. Sa halip na mag-enjoy siya sa unang pagagala nila ng mag-ama niya ay naging epic fail iyon. Sumama ang pakiramdam niya sa pagpupumilit ni Rumina na sumakay sila sa mga rides. Pang-limang ride pa lang nila ay napa-excuse na siya sa dalawa. Hindi na niya kinaya. Nagpunta siya ng banyo. Parang hinalukay ang sikmura niya sa roller coaster na sinakyan nila. Nagsuka siya. Hindi siya sanay.
Nanghihina at nahihilo pa rin siya nang makalabas siya ng rest room.
“You’re not feeling well…” wika ni Rumple nang makita siya. Kagaya niya ay namumutla rin ito. Pero ikinagulat niya ang pagsalubong nito sa kanya. Hindi naman kasi niya sinabi sa dalawa ang totoong nararamdaman niya pagkatapos nilang sumakay sa roller coaster. Ayaw niya kasing mag-alala ito.
“I-I’ll be fine,” pinili ni Katrina na magpakatatag. Tumingin siya sa paligid. Hinanap niya ang anak. Ang alam niya ay sasamahan ni Rumple si Rumina na bumili ng ice cream. “Nasaan si Rumina?”
“Mamaya na daw siya mag-ice cream. She’s on the play area,” itinuro ni Rumple ang indoor playground sa amusement park. “May nagbabantay naman roon kaya iniwan ko na muna. Nag-aalala kasi ako sa `yo.”
Umiling si Katrina. “`Wag mo akong alalahanin. Magpapahinga lang ako and I will be---“
Natigilan si Katrina nang bigla na naman siyang nahilo. Napahawak siya kay Rumple. The roller coaster ride really hit her hard.
Sandaling napapikit siya para kalmahin ang sarili. Nagmulat lang ulit siya nang maramdaman niyang hinawakan rin siya ni Rumple. Unti-unting binuhat siya nito.
Pumalag si Katrina pero naging matigas si Rumple. “Let me take care of you and bring you in the clinic…”
“Pero magiging okay rin ako. Hindi ko na kailangang dalhin sa clinic…”
“I insist. At `wag kang malikot. Baka mahulog ka…”
Kailangan mo pa bang ipag-alala `yan? Sa tingin ko ay nahulog na talaga ako. Sa `yo…
“Hmmm…” Tanging nasabi na lang ni Katrina.
“Let yourself be comfortable in my arms. Hahanapin ko pa ang clinic dito…”
Sinunod na nga ni Katrina. Mag-iinarte pa ba siya? Gusto niya ito. She felt nice to be covered by this man. Parang kinikiliti rin ang puso niya. She purred like a kitten into him.
Sandaling tumingin sa kanya si Rumple nang ihilig niya ang ulo niya sa dibdib nito. Tinaasan siya nito ng isang kilay.
“What?” Gustong mapangiti ni Katrina. “Ang sabi mo, maging comfortable ako…”
He had a lopsided grin. “Yeah, hindi naman ako nagsasalita, ah.”
“But your reaction says so…”
“Hmmm… You’re getting close.”
“And?”
Ngumiti si Rumple. “It’s okay. Gusto ko nga iyon…”
Si Katrina naman ang napangiti. Well, puwede na ba siyang umasa na the feeling is mutual? Gusto rin niyang maging close kay Rumple. Physically, at kung papalarin ay emotionally.
Pero masyado pang maaga, nasa isip ni Katrina. At magkakapag-asa ba talaga samantalang napakalaki ng kasalanan niya rito?
Miracles happen. Tiwala lang, Katrina.
Sa ngayon, ang magagawa na lang ni Katrina ay ang umasa. Paano kasi, wala na yata siyang magagawa sa nangyayari sa puso niyang palagi na lang ipinagkukunulo siya kapag nasa malapit si Rumple.
“SIGURADO ka ba talaga na gusto mo akong samahan?” Napakagat labi si Katrina pagkatapos magtanong kay Rumple. Iisa lang ang dahilan kung bakit: nahihiya siya. Pero sa tingin niya ay dalawa ang explanation niya ng pagkapahiya. Una ay dahil nakakahiya na nag-abala pa ito dahil sa kanya. Pangalawa naman ay dahil sa reaksyon nito. Kumunot ang noo nito. Mukhang hindi ginusto ang pagsisiguro niya.
“Anong klaseng tanong `yan? We’re already here in the car. I’m driving you to your event. Kung hindi kita gustong samahan, hindi ko gagawin ito.”
“I’m sorry. I-it’s just that, hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ito.”
Sandaling napatingin sa kanya si Rumple. Itinigil rin nito sandali ang kotse. Tinignan siya nito at ang kabubuuan niya.
Sa pagdaan ng araw ay nabubuhay na naman ang pag-asa sa puso ni Katrina na baka gusto rin siya ni Rumple. Lalo na ngayon. There was amazement in his eyes while looking at her today. Well, masasabi rin naman kasi niya na kakaiba ang itsura niya ngayon. Nag-ayos siya. A-attend kasi siya ng birthday ng isa sa mga kaibigan niyang fashion designer. Nang malaman iyon ni Rumple, nagsabi ito na gustong sumama. Hindi naman nila isinama si Rumina dahil alam niyang mabo-bored lang ito. Naiwan ito sa bahay. Dumating na rin kasi mula sa bakasyon ang Yaya nito.
Bigatin na fashion designer ang kaibigan ni Katrina. Mayaman naman kasi talaga ito. Malaki at sosyal ang party kaya kinailangan niya na mag-ayos. Ayaw naman niyang magmukhang kawawa. Pero siguro nga ay tama lang ang kanyang ginawa. Nagpaganda siya at mukhang nagustuhan iyon ni Rumple dahil nga sa klase ng tingin nito sa kanya. Gusto rin naman niya iyon. Kinikilig siya.
“I want to protect you.”
“P-para saan?”
“For the people who would woo you away…”
“Oh…” Namula naman si Katrina. “Bakit mo naman gagawin iyon?”
“Ayaw ko lang na magkaroon ng kaagaw sa ina ng anak ko…”
“You’re possessive.”
“Hmmm…”
Maraming tanong ang pumasok sa isip ni Katrina. Bakit para ngang nagiging possessive si Rumple? Bakit kailangan siyang protektahan nito? Hindi siya responsibillidad nito. Isa pa, ano ba kung may umagaw sa kanya? Hindi siya pagmamay-ari nito. Hindi siya nito gusto para protektahan siya.
O baka nga mali siya. Baka naman gusto talaga siya ni Rumple kaya ginagawa nito iyon.
Pinili na lang ni Katrina na huwag magtanong. Natatakot kasi siya na baka mali rin naman siya. Mabuti nang mag-isip na lang siya nang hindi man sigurado pero masaya naman.
Nagpatuloy sa pagda-drive si Rumple. They were just right on time for the party. Sinalubong sila ni Janine---ang kaibigan niya na may birthday.
“I thought you are coming with Arman…” bati nito sa kanya nang matapos niyang batiin.
Kiming ngumiti lang si Katrina. Parehong kaibigan nila ni Janine si Arman kaya kilala na nito ang lalaki. Alam rin nito na may gusto sa kanya si Arman.
“Who is Arman?” Kunot na kunot ang noo ni Rumple nang mag-excuse na sa kanila si Janine.
Akmang sasagutin ni Katrina si Rumple nang makita naman niya si Arman. Totoong sabay sana sila na pupunta sa event. Pero natawagan na naman niya ang lalaki. Nakuwento na niya rito ang pagbalik ni Rumple sa Pilipinas. Nasabi na rin niya rito na hindi na niya gustong magpaligaw rito. He seems sad about it. Pero sinabi rin naman nito na magiging okay rin ito. Magkaibigan pa rin sila.
Lumapit si Arman sa kanila. Hindi niya mabasa ang mukha nito nang makita nito si Rumple.
“So totoo nga…”
“Hey,” Ang awkward para kay Katrina ng sitwasyon, lalo na at tumigas ngayon ang anyo ni Rumple. Pero pinili niyang kumalma. Pinakilala niya ang dalawa sa isa’t isa.
“Arman, meet Rumple. He’s my daughter’s father. Rumple, meet Arman, my friend…”
Nagkamayan ang dalawa pero titig na titig sa isa’t isa. Partikular na si Rumple. Naniningkit rin ang tingin nito kay Arman.
“Well, it’s not nice to meet you…” sagot pa ni Rumple kay Arman. Pero mukhang hindi na iyon ikinagulat nang huli. Dumilim ang mukha nito pero maya-maya ay nag-excuse rin si Arman.
“What was that?” wika naman niya kay Rumple nang makaalis sila. Medyo nainis na siya ngayon sa inaasal nito.
“I don’t like the thought that you are supposed to be with him on this party. Sino ba siya?” Iritang-irita ang mukha ni Rumple.
“We’re friends now but we used to date…” Walang dahilan si Katrina para magsinungaling.
“That’s why I don’t like him.” Tumiim ang bagang ni Rumple.
“Bakit ba ang possessive mo?” Natatakot man sa magiging sagot, hindi na rin nakatiis si Katrina na magtanong.
“Because you are the mother of my child. I have to protect you.”
“Kaya kong alagaan ang sarili ko.”
“Yeah? Samantalang mukhang nagulo ka nang makita mo ang Arman na `yun. What was really the score?”
“Tapos na kami.”
“I hate it that you’d date another man…”
“Hindi mo dapat maramdaman `yan.”
“Yeah, but I can’t help.” Bumuntong-hininga si Rumple. “Pero isipin na lang natin si Rumina. Gusto niya ba na magkaroon ng step-father? Well, ayoko. Hinding-hindi ko sasaktan ang anak ko. Kailangan niya ng isang disenteng pamilya. Kailangan niya tayong dalawa.”
Napatitig si Katrina kay Rumple. May laman ang mga salita nito. Iniisip ba nito na makipagkasundo sa kanya dahil lang sa anak nila?
Pinapahalagahan ni Rumple si Rumina. Mahal na nito ang anak nila. Kitang-kita niya sa mga mata nito. Hindi niya masisisi kung gusto nga nitong ayusin ang relasyon nila para sa anak. After all, deserved naman talaga ng anak niya na magkaroon nang maayos na pamilya. She deserved the best. And a family, a happy family, should have a happy parents, too.
Pero magiging happy nga ba ang lahat samantalang hindi naman sila nagmamahalan ni Rumple?
“What?”
“N-nothing.” Maraming gustong itanong si Katrina. Pero pinili na lang niya na manahimik. Ayaw na niya munang palakihin ngayon ang usapan, lalo na at mukhang sumama ang mood ngayon ni Rumple. Nasa labas sila. Kapag nagkasagutan sila ay baka makaagaw pa sila ng atensyon ng tao. Ayaw niya ng eskandalo.
O ayaw mo rin kasi na marinig na dahil lang kay Rumina ang lahat…
Niyaya na lang ni Katrina si Rumple na maupo na sa designated seats nila. Pero hindi ito kaagad sumagot.
“Wait,”
“Ano naman iyon?”
“I have to do something…” wika ni Rumple at hinawakan ang pisngi niya. At bago pa man siya makapagtanong kung bakit nito nilalapit ang katawan sa kanya ay pinigilan na nito ang kanyang bibig. Hinalikan siya nito.
Sandaling tumigil yata ang paghinga ni Katrina. Talaga namang mahirap huminga lalo na at naging mariin ang halik ni Rumple. He even nipped her lips. Pulang-pula tuloy siya nang matapos. It was an intense and public kiss!
“B-bakit mo ginawa iyon?”
Ngumisi si Rumple. He still hold her cheeks. His touch sent a million shivers around her body. “You look very beautiful tonight that I feel so jealous of everyone. And I’m sorry, but not really. Gusto kong akin ka lang, Katrina. Hindi dahil ikaw ang ina ng anak ko. Iyon ay dahil gusto ko. Gusto kita…”
Kumurap si Katrina. Teka, hindi naman siya ang may birthday ngayon. Pero bakit siya pa ang nabigyan yata ng regalo?
YOU’RE an easy lay… Nasa isip-isip ni Katrina nang magising siya. It feels so good to be wrapped in the arms of the man she thinks she loves. Ganoon pa man, hindi niya maiwasang malungkot dahil alam niyang wala namang kapalit ang nararamdaman niya.
Gusto siya ni Rumple. Pero physically lang iyon. She felt it very hard last night. They made love. Bumigay siya sa mga hawak at halik nito. Naniniwala siya sa mga matatamis na salita nito.
Pero masisisi ba siya? Gusto rin naman niya ang lalaki. At masyado siyang naniwala roon kaya ito siya. She ended up in bed with him. She accept his touch and kisses. Ibinigay niya ang sarili rito kahit walang kasiguraduhan ang lahat.
Maling-mali.
At mukhang naramdaman ni Rumple ang maling naramdaman niya. Ilang sandali pagkatapos niyang magising ay nagising rin ito. Kinuha nito ang mukha niya at akmang hahalikan siya. Hindi naman siya pumalag. Pero napigil yata ito nang lungkot sa mukha niya.
“What’s wrong?”
Kiming ngumiti lang si Katrina. Umiling siya.
“There is. Say it…”
Bumuntong-hininga si Katrina. “Bakit natin ito ginawa?”
Hinaplos nito ang pisngi niya. Bahagyang ngumiti rin ito. “Dahil gusto natin…”
“Pero mali ito. Walang tayo. Hindi mo ako gusto,”
Kumunot ang noo ni Rumple. “I think I am clear last night. Gusto kita. Hindi mo ba naramdaman iyon sa hawak ko?”
Nararamdaman niya. He was very good to her last night. He was gentle yet passionate. Her heart sank everytime he touched her. Maraming beses na gusto na niyang maiyak dahil gusto talaga niyang maniwala.
Hinalikan siya ni Rumple. “You’re good for me, Katrina. We’re good in bed. We’re good together. We should be together…”
“Dahil kay Rumina.”
“Yeah, that’s one of the reasons. Pero nasabi ko na naman `di ba? I like you in bed, too. I like to see you everyday…”
“Hmmm…”
“Pinagdududahan mo ako.”
Hindi nagsalita si Katrina. Silence means yes. Totoo rin naman kasi. Paano ba siya maniniwala na ganoon nga kung hanggang gusto lang ang sinabi ni Rumple sa kanya. Walang pangakong relasyon. Isa pa, paano naman talaga siya gugustuhing makita ni Rumple araw-araw samantalang malaki ang kasalanan niya rito.
Umaasa man si Katrina pero alam pa rin niya ang realidad. Sadyang tanga lang siya kasi nangangarap pa rin siya.
“Pero naiintindihan ko naman kung bakit nagkakaganyan ka. But I guess, may kailangan talaga akong move para maniwala ka…”
Hindi ulit nagsalita si Katrina. Hinintay niya ang sinasabi ni Rumple.
Umayos nang pagkakaupo mula sa kama si Rumple. He looked deeply in her eyes she was afraid she would drown again with them. Mukhang seryosong-seryoso ito. Kinuha rin nito ang kanang kamay niya. Hinalikan nito iyon bago nagsalita.
“Katrina Santos, will you do me the honor of being my wife?”