Chapter 32

“I WILL not enjoy this,” pagkakita pa lamang ni Jasmine sa lugar kung saan siya dinala ni Ali ay nasabi na niya iyon kaagad.

Hindi mag-e-enjoy si Jasmine na kasama si Ali. Nakatali na siya sa iba. Palagi niyang inilalagay iyon sa isip niya. Patuloy pa rin niya lang na binibigyan ng pagkakataon si Ali dahil nangako siya rito. Pinagbibigyan niya lamang ito.

Sa kabila ng mga sikretong nabunyag, nanatili pa rin ang desisyon ni Jasmine patungkol kay Ali. Pipigilan pa rin niya ang nararamdaman niya. Gaano man na “sorry” ang sabihin nito tungkol sa nangyari sa nakaraan, hindi na nila maibabalik iyon. The damage had been done. Nasaktan siya. Ang lahat na lang dapat ng sakit ang kailangan na maramdaman niya…

“Alam ko na ang totoo, Jasmine. On Dad’s deathbed, he told me everything…” pagpapaliwanag ni Ali kay Jasmine.

“Sampung taon na ang nakalilipas---“

“Alam ko. At ang tanga-tanga ko para hindi ako humingi ng paliwanag sa loob ng sampung taon na iyon. I lose you.”

“Sinaktan mo ako.”

“Nasaktan rin ako noon, Jasmine.” Huminga nang malalim si Ali. “It devastates me when you told me you want us to break up. Nang makita ko ang maleta na naglalaman ng gamit mo, mas lalo akong nasaktan. Hindi ka lang makikipagkalas sa akin. Aalis ka rin sa mansion, sa buong buhay ko. And the lamp---“

“I maybe a child of a criminal pero hindi ako iyon. Pinaniwala mo ako na hindi iyon makakaapekto sa judgment mo tungkol sa akin!”

“Gulong-gulo ang isipan ko.. Sa sakit ng pag-iisip na iiwanan mo na ako at sa pagkawala ng lampara. Sinamahan pa iyon ng paulit-ulit na pagpapaalala sa akin ni Mommy na hindi ka dapat pagkatiwalaan. Dinala ko ang sakit na iyon sa nakalipas na taon. She always feed me the fact that I am a fool to love someone like you.”

“Then what really happened?”

“Mommy set you up.” Yumuko si Ali sa pagkapahiya.

Napasinghap si Jasmine. “Paanong---“

“She doesn’t like you. Naghinala siya tungkol sa ating dalawa. Hindi niya nagustuhan iyon. Pinaimbestigahan ka niya at lalo lang siyang nagalit nang malaman ang tungkol sa nakaraan mo. Sinira niya tayo.

“Alam ni Daddy ang lahat. Sumang-ayon siya hindi naman dahil sa ayaw niya sa `yo. It is about me. Alam ni Daddy na umaalis ako ng trabaho para makipagkita sa `yo. Nasisira raw ang career ko dahil sa `yo. Nakakasira ang relasyon para sa career ko na siyang pinakamahalaga para sa kanya. Ako ang nag-iisang tagapag-mana niya. Hindi ko kailangan ng distraction.

“Bagaman nakabuti para sa career ko ang pag-alis mo sa buhay ko, nagsisi siya sa naggawa niya. Matagumpay nga ako pero hindi ako masaya. Wala rin ang lahat gayong wala ka sa buhay ko….”

Umiling si Jasmine. “Sinasabi at ginagawa mo lamang ang lahat ng ito dahil guilty ka!”

Umiling si Ali. Kinuha nito ang kamay niya. Ipinuwesto nito iyon sa dibdib nito. “My heart beats for you. Always. I love you, Jasmine. Napakatagal ng sampung taon pero nanatili ka pa rin sa puso ko.”

May mga oras na gusto ng maapektuhan ni Jasmine sa naririnig kay Ali. Pero mali. Hindi niya puwedeng ibigin ito. Puwedeng pasiyahin niya kahit papaano ito at ang sarili niya. Pero kailangan niya na matutunan na may hangganan iyon. Bukod sa may fiancé na siya, hindi pa rin siya bagay sa mundo nito. Nandiyan pa ang Mommy nito. Kung minsan ay hindi ito sumang-ayon sa kanya, maaaring ganoon pa rin ngayon.

Hindi na mababago ni Jasmine ang nakaraan. Nananalaytay sa kanya ang dugo ng magnanakaw. May masamang dugo siya. Ginagawa lang rin naman niya ang pagpipigil rin para kay Ali. Hindi sila maaari sa isa’t isa.

“We will enjoy this.” Kumindat si Ali sa kanya. Hinawakan pa nito ang kamay niya.

“`Wag mong hawakan ang kamay ko!” tinanggal ni Jasmine ang kamay.

“Sinasanay lang kita. I bet, masosobrahan ka mamaya.

“I am not afraid of heights,” wika ni Jasmine pero napalunok rin sa huli. Sa totoo lang, takot siya sa heights. Nanginginig siya kapag sumasakay sa ferris wheel.

Dinala ni Ali si Jasmine sa Angeles, Pampangga. It’s a flying club. Ano pa ba ang aasahan niya sa lugar? Sasakay sila sa isang eroplano o ang siyang pinaka-main attraction sa club---ultralight flying.

“Well, let’s see.” Ngumiti si Ali.

“Hindi ko gusto ang mga ganitong gawain!”

“There’s no real magic carpet, my Love. But let’s try this one. I can show you the world through ultralight flying,” kinindatan pa ni Ali si Jasmine.

Nagmamatigas si Jasmine pero mapilit si Ali. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakasakay sa ultralight aircraft, with Ali as the pilot!

“Teka nga, puwede ka bang magpalipad nito?” tanong niya kay Ali mula sa earphone. Pinasuot na siya nito ng earphone nang makasakay sa ultralight aircraft.

Ultralight aircraft is a fixed-wing aircraft. Tila isang eroplanong saranggola ang itsura noon. Pero may mga features iyon na kagaya ng sa helicopter. May control roon.

“Aye, aye, captain…of my heart!” giliw na giliw pang wika ni Ali. “I have been taking ultralight flying lessons. I’m already qualified.”

“But is it safe?”

“Sure. Do you trust me?”

Napatitig si Jasmine kay Ali. Pamilyar sa kanya ang linya na iyon. “W-what?”

“Do you trust me?”

Napailing-iling si Jasmine. “Funny, ito ang linya sa Aladdin nang pasakayin ni Aladdin si Princess Jasmine sa Magic Carpet.”

“Well then, just say yes.” Kinuha ni Ali ang kamay ni Jasmine. Pinisil pa nito iyon.

Nang tumango si Jasmine ay naging napakaganda ng ngiti ni Ali. “I will take you wonder by wonder, my princess.”

Nang simulan ni Ali na paliparin ang ultralight ay naging mas malakas pa kaysa sa dati ang tibok ng puso ni Jasmine. Natatakot siya. Pumikit siya. Napakalakas ng sigaw niya ng igalaw pa kaysa sa normal na takbo ni Ali ang ultralight aircraft.

“Relax. See, it’s like a magic carpet. Over, sideways and under…” wika ni Ali mula sa radio.

Hindi maka-relax si Jasmine. Tinatawanan na siya ni Ali. “It’s fun. Don’t close your eyes.”

Sinubukan na makinig ni Jasmine. Turns out na tama si Ali. Nang imulat niya ang mata ay napakaganda ng paligid. It’s really a wonder seeing the field, the forests at nang malaman kung gaano sila kataas.

Bagaman hindi pa rin napigilan ni Jasmine na manginig. Masaya na nakakaba. Nakakapaghalo ang emosyon. Isa na rin siguro na factor ang makina. Malamig rin ang klima sa taas. Hanggang sa matapos ang ride, ganoon ang pakiramdam ni Jasmine. Pagkababa ng ultralight, niyakap siya ni Ali.

“Hey, we’re done, okay? We’re done.” Pagpapakalma sa kanya ni Ali.

“I-it’s fun,” pag-amin rin ni Jasmine.

“I know. And its more fun with me because you are there. You are with me.” Hinawakan ni Ali ang mukha ni Jasmine. Kinuha nito iyon palapit rito. At bago pa makapag-react si Jasmine sa ginawa ni Ali, nailapit na rin nito ang mukha sa mukha niya.

Ali kissed Jasmine. Nagulat, iyon ang unang reaksyon ni Jasmine. Iyon rin ang gusto niyang sisihin kung bakit tila naparalisa ang buong katawan niya. Pero nang unti-unti niyang maramdaman ang kuryente na dala ng halik ni Ali, alam ni Jasmine na nagsisinungaling na talaga siya.

Jasmine missed this. She missed Ali. She still loved Ali. Dahil kung hindi may nag-uumapaw na saya sa puso niya sa pagkakalapit ng labi nila? Bakit naiiyak siya sa masarap na pakiramdam?

Mali ang lahat. Pero mas mali si Jasmine kung itatanggi niya pa rin ang nararamdaman kay Ali. Mali kung ipagpapatuloy niya ang pinakadahilan naman talaga ng pagtanggi niya: Nag-iinarte lang siya.

May magagawa si Jasmine. Hindi mali ang mahalin muli si Ali sa kabila ng pagkatali niya sa ibang lalaki.

Engaged naman talaga si Jasmine. Pero ang mali ba na hindi niya ipaglaban talaga si Ali? Ang nararamdaman niya ngayon? Gayong nakatali man siya, nakatali naman siya sa lalaking alam niyang ginagamit lang rin naman siya…

HALOS tumalon si Ali sa loob ng kotse niya nang sa pangatlong araw ng pagbisita niya kay Jasmine ay nakita rin niya ito. Pagkatapos ng trabaho niya ay inabangan na niya ang pagbabalik nito sa apartment nito. Dahil Biyernes ngayong araw at wala siyang pasok kinabukasan, determinado siya na maghintay kung kailan babalik si Jasmine.

Mahigit dalawang oras ng naghihintay si Ali sa labas ng apartment ni Jasmine. Sa mga nakaraang araw ay wala siyang balita sa babae. Hindi nito sinasagot ang text at tawag niya. Wala rin ito sa bahay. Inaabot na siya ng dis-oras ng gabi, walang ilaw na nagbubukas. Walang bakas ni Jasmine.

Umalis ito. Hindi ito nagpaalam sa kanya. Sinadya nito iyon. Iniiwasan siya ni Jasmine. Ginagawa lang naman nito ang tama. Pero malaking mali iyon kay Ali. Nasasaktan siya. Isa pa, nagbigay ng salita sa kanya si Jasmine. Pumayag ito na bigyan siya ng pagkakataon. Wala pang isang buwan simula nang mag-umpisa siya.

Lumabas si Ali ng kotse. Bago makapasok sa loob ng apartment nito si Jasmine ay hinawakan niya ang balikat nito. Pinatigil niya ito. Nagulat ito dahilan para malaglag ang dala nitong bag.

Nalaglag mula sa bag ang ilang gamit ni Jasmine. Pinulot niya ang mga gamit para ilagay sa bag. Pero napatigil siya nang makitang may nalaglag na airplane ticket roon. Nakapangalan iyon kay Jasmine.

“Y-you are leaving,” tiningala ni Ali si Jasmine. Dahil sa liwanag ng street light, nakita niyang namutla ito.

“A-akin na `yan!” pagkuha ni Jasmine sa ticket. Hindi ibinigay iyon ni Ali.

“This is a ticket for an international flight, Jasmine!”

“So what? Wala ba akong karapatan na umalis ng Pilipinas?”

“May usapan tayo---“

“Alam mo na mali iyon…” nag-iwas ng tingin si Jasmine. “Tigilan mo na ako, Ali. Tigilan na natin ang ginagawa natin.”

Tumalikod si Jasmine kay Ali. Binuksan nito ang pinto ng apartment at pati na rin ang ilaw. Pumasok ito sa loob.

Pumasok rin si Ali. Kailangan nila na mag-usap ni Jasmine. “I can’t let you go.”

“Kailangan mo.”

“Jasmine…” ang isipin na ikakasal si Jasmine ay dinudurog na ang puso ni Ali. Mahirap rin sa kanya na umalis ito. Tama na ang sampung taon.

Kinuha ni Jasmine ang ticket. Nagtagumpay ito sa pagkakataon na iyon dala na rin ng panghihina sa sakit ni Ali.

“Sasama ako sa pagbabakasyon sa ibang bansa ng pamilya ni Arthur. Makikipagkita rin sa amin si Arthur roon.”

“No---“

“Kailangan natin na tigilan na ito, Ali!” madiin na wika ni Jasmine. “I can’t be with you. Tanggapin mo na iyon.”

Hinawakan ni Ali ang katawan ni Jasmine. Marahas iyon dahilan para mapasinghap si Jasmine. Nagulat rin si Ali sa ginawa niya. Masyado na siyang kinakain ng galit at sama ng loob kaya naggawa na rin niya iyon.

Hindi gustong saktan ni Ali si Jasmine. Pero binibigyan siya nito ng dahilan. Nababaliw na nga siguro talaga siya. Baliw siya sa pagmamahal kay Jasmine…

Hinapit ni Ali si Jasmine patungo sa katawan niya. Masama ang pumapasok sa isip niya. Pero kung iyon ang magiging paraan para maging sa kanya si Jasmine, yayakapin niya ang impyerno. Gagawin niya ang lahat para bumalik muli ito sa buhay niya.

Tama na ang sampung taon ng lungkot. Hindi pa rin naman masasabing kasalanan itong ginagawa ni Ali. Hindi pa kasal si Jasmine. May pag-asa pa siya.

Inilapit ni Ali ang mukha sa mukha ni Jasmine. Hinalikan niya muli ito. He was dreaming of kissing her again since the day they did in the flying club. He was obsessed with her. At nang ibalik rin ni Jasmine ang halik niya, nawala ang lahat ng sama na nararamdaman ni Ali sa sarili. Gusto rin iyon ni Jasmine.

Tumigil si Ali. Pinakatitigan niya ang mukha ni Jasmine. Pulang-pula iyon. “Tell me you love me, too, Babe. You still love me.”

Napaawang ang labi ni Jasmine. Sandaling natigilan ito. “N-nadala lang ako.”

Umiling si Ali. “Your kiss doesn’t say so…”

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa rin gustong sumuko ni Ali kahit mali ay dahil sa reaksyon ni Jasmine. Kahit kasi tinatanggihan siya nito, madalas ay sa salita lamang iyon. Iba ang sinasabi ng kilos nto. Isang patunay na roon ay nang halikan niya ito sa flying club. Sa halip na itulak o sampalin siya, tinitigan lang siya nito pagkatapos.

Nakakaramdam ng pag-asa si Ali. Ayaw niyang sumuko kahit mali. Ang nararamdaman niya at ang nakikita sa kilos ni Jasmine ay tama.

“Ali…”

“I love you, Jasmine. I will fight for you. I will make you love me again, too.” Wika ni Ali at muling siniil ng halik si Jasmine. Inilagay niya sa halik ang lahat ng emosyon na nararamdaman niya kay Jasmine.

Nang ibalik muli ni Jasmine ang malalim na halik ni Ali, doon na siya tuluyan na nabaliw. Tila may sariling isip ang kamay niya na nag-umpisang maglakbay sa katawan ni Jasmine. Mula sa leeg patungo sa maseselang bahagi ng katawan nito. At kagaya ni Ali ay ganoon rin ang kay Jasmine. Her hand went through his hair. Sinasubunutan nito iyon. Then after, it also went to his body, to his chest. It made the pleasure

Parehong gusot na ang damit nilang dalawa ni Jasmine nang tumigil sila. Pero tumigil sila hindi para maghiwalay. Tumigil sila para sandaling mag-usap ang mga mata.

Hindi kumurap si Jasmine at ganoon rin si Ali. Kinuha niyang senyales iyon. Gusto ito ni Jasmine. The pleasure was overpowering them both,

When Ali carried Jasmine into her room, she didn’t even flick. Nang halikan niya muli ito, mas lalo niyang napatunayan na tama siya. Mahal pa rin siya nito. Hindi nito ibibigay sa kanya ang sarili kung hindi.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.