Chapter 33

NAGGISING si Jasmine nang makaramdam nang sunod-sunod na vibration sa sahig. Nang tuluyan na magkamalay, naramdaman rin niya na tila may mabigat sa kanyang katawan. May malaking kamay na nakapatong sa sarili niya. Nakayakap.

It was Ali.

Tila lumakas ang vibration na naramdaman ni Jasmine. Pero hindi na iyon galing sa sahig. Galing na iyon sa katawan niya dahil sa naalalang ginawa nila ni Ali. Namula kaagad ang mukha niya.

Malinaw kay Jasmine ang nangyari sa kanila ni Ali may tatlong na oras na ang nakalilipas. Hindi siya lasing. Hindi masama ang loob niya. Kahit ngayon ay hindi niya nararamdaman ang sama ng damdamin. Lasing, puwede pa siguro. Lasing sa sarap ng pinagsaluhan nila ni Ali.

Nakaggawa na naman ng mali si Jasmine. But with Ali’s touch and kiss, she was burning. Gaano man niya iwasan ito, ipinagkakanulo siya ng katawan niya. Pero ang pinakamasaklap, wala siyang naggawang pagsisisi sa ginawa nila. Ginusto niya iyon. Ginusto rin niya na mapasaya si Ali sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng sarili rito.

Tama na ba ang pag-iinarte ni Jasmine? Tama bang gawin na niya ang mali man pero tama naman sa puso niya?

Nakapagdesisyon na si Jasmine. Iiwasan na niya si Ali. Iyon ang dahilan kung bakit pumunta muna siya sa pamilya ni Arthur sa Bulacan. Nagbakasyon siya ng ilang araw roon. Naroroon pa ang pamilya. Bukas pa ang alis ng mga ito. Pumayag na rin siya sa gusto ng pamilya na sumama sa bakasyon ng mga ito. Kailangan niyang gawin iyon para tigilan na talaga niya ang kabaliwan niya kay Ali. Ganoon rin ito sa kanya. Kailangan niyang ilayo ang sarili niya rito habang hindi pa huli ang lahat.

Sa kabila ng lahat, naipangako na ni Jasmine ang sarili kay Arthur. Kapag pinili niya ang nararamdaman kay Ali, mapapahiya ito. Malaki ang utang na loob niya kay Arthur. Hindi niya maaaring saktan ito.

Pero kung hindi niya sasaktan si Arthur, hindi siya magiging masaya. Dalawa rin sila ni Ali na ganoon. Sa isang gabi, pakiramdam ni Jasmine ay nagbago ang isip niya. She wanted to be with Ali. She wanted to cherish this night.

Jasmine loved everything about Ali. Naging impulsive ang ginawa niya ngayon pero hindi siya nagsisisi. Mas malakas ang puwersa ng saya. Sa pag-aalala rin ng nangyari kagabi ay gusto niyang mapayakap muli kay Ali.

Pero naalala na naman ni Jasmine ang tungkol sa vibration sa sahig. Nag-vibrate pa muli iyon. Medyo masama ang loob na kinuha niya iyon. Mula sa pantalon ni Ali na nasa sahig ang vibration. Cell phone nito iyon. Messages ang dahilan ng vibration ng cell phone. The messages came from her mother.

“Don’t you dare go to that girl again! Hindi kayo bagay. I can’t accept her!”

“There are so many girls out there. Bakit sa isang babae pang kagaya ni Jasmine? I can’t trust someone like her. I don’t like her. Stop your craziness!”

“Answer your phone, Ali! Nasaan ka ba? You are making me sick with worry!”

Mas sumama ang loob ni Jasmine sa nabasa. Lahat ng lakas ng loob niya ay natunaw. Hindi pa tapos ang problema. Hindi na yata talaga matatapos ang problema kapag si Ali ang pinili niya. Kaya nagkaroon muli ng panibagong agam-agam si Jasmine sa isip.

Pagod na si Jasmine sa komplikadong buhay. Kung pipiliin niya si Ali, mananatiling komplikado ang buhay niya. It was a forbidden, unacceptable love.

Bakit masarap gumawa ng bawal?

SINUNOD ni Jasmine ang unang plano. Iniwan niya si Ali sa apartment niya at sumama sa pamilya ni Arthur sa Singapore. Nagbago ang plano. Nang malaman ng pamilya ni Arthur na willing na siyang sumama ay kinausap ng mga ito si Arthur. Pinapasama rin ng mga ito ang lalaki para naman makagala rin silang dalawa. Naggawang remedyuhan ni Arthur ang schedule. Napapayag rin nito kaagad ang boss. Kalahating araw nang makarating sila sa Singapore, naroroon na rin ang lalaki.

Maayos ang lahat. Mabait ang pamilya ni Arthur. Ganoon rin naman ang lalaki sa kanya. Wala rin na naging aberya sa flight nila at kahit ang pagpunta niya sa airport. Nanatiling tulog si Ali hanggang sa makaalis siya papunta ng airport. Hindi siya nito ginulo at napigilan sa kanyang plano.

Ginagawa na ni Jasmine ang tama. Pero bakit purong mali ang pakiramdam niya? Habang kasama si Arthur, iisang lalaki lamang ang nasa isip niya. Mas gusto niyang kasama si Ali ngayon. Gusto niya itong katabi, kasama habang nililibot ang bagong mundo rin para kay Jasmine. Ngayon lang siya nakarating sa Singapore. Sa totoo lang, ngayon lang rin siya nakabiyahe papunta sa ibang bansa.

“I hope you are having a good time here, Jasmine. Siguro naman dahil kasama natin ngayon si Arthur,”

Pinisil ni Arthur ang balikat ni Jasmine. Ito ang sumagot para sa kanya. “I think she is, Mama. And speaking of kasama, maaari ko ba na masolo si Jasmine? You see, we love to tour the city with all of you. Pero bilang magkarelasyon, sa tingin ko ay kailangan rin namin ng quality time ng kami lang dalawa.”

“Naiintindihan namin,” masayang wika muli ng ina ni Arthur. Sumang-ayon rin ang ama at mga kapatid nito na kasama sa tour.

Sa pangalawang araw, sila lamang dalawa ni Arthur ang magkasama. Dinala siya nito sa sikat na Merlion. Muli, hindi maganda ang pakiramdam ni Jasmine. Halos isang taon na niyang hindi nakita si Arthur. Pero hindi niya ito na-miss. Mas nami-miss pa nga niya si Ali kahit kahapon dalawang araw pa lamang naman silang hindi nagkikita.

“Kumusta ka na?” wika ni Arthur habang naglalakad-lakad sila.

Bilang fiancé, malalim dapat ang relasyon nilang dalawa ni Arthur. Pero hindi sila normal na magkarelasyon ng lalaki. May isang buwan na yata nang huli niyang makausap ang fiancé sa cell phone. Ang pamilya rin nito ang kumausap rito sa pagsunod nito sa Singapore.

Hindi sila ganoong kalapit ni Arthur. Ang totoo, hindi normal ang relasyon nila. Iyon ang dahilan kung bakit kakaunti lamang ang nakakilala rito.

“Okay naman,” pinilit na ngumiti ni Jasmine. Okay nga ba talaga siya? Nagsisinungaling siya. “S-sa tingin ko,”

Umarko ang kilay ni Arthur. “Sa tingin mo?”

Huminga nang malalim si Jasmine. “May mga problema lang ako nitong nakaraan,”

“It’s personal. And that also concerns our relationship,”

Kumunot ang noo ni Jasmine sa mabilis na conclusion ni Arthur. “Paano?”

“Come on, Jas. Matagal na tayong magkakilala. Magkaibigan tayo pero hindi ka naman magaling mag-open sa akin.”

Napaawang ang labi ni Jasmine. Hindi siya nakapagsalita.

“Hindi ka mag-o-open sa akin kung hindi iyon makakaapekto sa relasyon natin. I know it. So spill it out,”

“Arthur…”

Itinaas ni Arthur ang isang kamay. “Mabuti ng malaman ko nang mas maaga. Is it about matters of the heart? Is it about Ali?”

Sa pagbanggit sa pangalan ni Ali, nakaramdam ng kirot sa puso ni Jasmine. Missed na missed na niya ang lalaki. “Oh, Art…”

Niyakap siya ni Arthur. “Minsan na naikuwento mo sa akin ang papa mo na iyon.”

“N-nakuwento ko siya nang maka-relate ako sa `yo. When you are broken hearted. Masama lang rin ang loob ko noon.”

“At ngayon? Sa sama pa rin ba ng loob kaya ganito ang naging reaksyon mo sa pagbanggit ng pangalan niya?”

Napaiyak si Jasmine. Mabilis na naunawaan siya ni Arthur. Niyakap at inalo siya nito.

“I understand. Matagal ko na rin naman na napag-isip-isip ito. Isang malaking kalokohan ang pagiging engaged natin sa isa’t isa. Pero siguro ay masyado lang talaga ako na kinain ng takot. Mali iyon. Unfair rin ang lahat ng ito para sa `yo. So let’s do the right thing now. `Wag ka ng mag-alala. Ako na ang bahala…”

Natulala si Jasmine. Ganoon lang kadali? Napakaintindihin naman ni Arthur. O tama lang rin ito. Tama lang na gawin nilang dalawa ang tama. Walang dalawang tao ang dapat na magpakasal kung hindi naman nangagaling ang dahilan sa sigaw ng puso.

Hindi nagpapakasal ang dalawang tao dahil lamang kailangan nilang magtago sa sikreto ng kanilang mga pagkatao…

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.