JOSHANE'S POV
Parang bombang sumabog ang huling sinabi sa akin ni Harley. I can't believe that he was no longer inlove with me. All this time ako na lang pala ang nag-iisang lumalaban. Na ako na lang pala ang nag-mamahal at siya tuluyan ng naka moved on. He's getting married na nga next week.
Sinubukan kong ipaalam sa kanya ang totoo pero tila sarado na ang kanyang isipan sa katotohanan. Nalason na ng kasinungalingan ang isip niya.
Pero hindi parin ako susuko na habulin siya dahil kaligayahan ko ang nakataya dito.
***
Magkikita kami ngayon ni Ethan sa mall namin at kasama ko ngayon si Tricia na makikipag meet kay Ethan. Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasan ang mabahala dahil malapit na ang araw ng kasal ng taong mahal ko.
" Alam mo bruh, pag nakita ko yang Celine na yan kakalbohin ko talaga yan. Plastik na nga ubod pa ng sinungaling. Nakakapanggigil siya! Grrrr. " Himutok ni Tricia. Alam narin kasi niya ang tungkol sa pagiging baog ni Celine kaya galit na galit siya kay Celine.
" Relax bruh, parang ikaw ang nasa posisyon ko eh. Ako nga kalmado lang eh. " Mukha lang naman akong kalmado pero deep down inside tense na tense na ako. Sa loob-loob ko gusto ko ng mag freak out!
" Knowing you? Mukha ka lang kalmado pero i know na nababahala ka din. Hindi masama kung ilalabas mo kung anu ang tunay nanararamdaman mo ngayon. " - Tricia
Tumahimik na lang ako kesa makipag talo pa ako kay Trish. Alam ko ipaglalaban niya talaga kung anu ang point of view niya. Narating namin ang mall at dumiretso na kami sa starbucks. Doon kasi kami magkikita ni Ethan. Pag pasok namin sa loob hinanap na namin kaagad kung saan naka pwesto si Ethan at nakita namin siya sa sulok ng coffe shop na ito na kumakaway sa amin. Nilapitan namin siya at pinakilala ko siya kay Tricia.
" Kanina ka pa ba naghihintay sa amin? By the way, this is Tricia my bestfriend, Trish, siya naman si Ethan. " Nagkamayan silang dalawa at after nun umupo na kami.
" So, nasabi mo na ba kay Harley ang tungkol sa sakit ni Celine? " - Ethan
Bigla kong naalala ang pag-uusap namin ni Harley na nauwi lang sa wala. Hindi niya pinaniwalaan ang mga sinabi ko and as usual si Celine parin ang pinili niya.
" Sinabi ko sa kanya ang lahat pero ayaw niyang maniwala. " Sabi ko kay Ethan.
" Paano na yan? Hahayaan mo nalang ba na tuluyan ng mapunta si Harley kay Celine? " - Ethan
Sa sinabi ni Ethan biglang uminit ang ulo ko pero paano ko nga ba mababawi si Harley kay Celine? Naikuyom ko ang palad ko sa thought na yun. No, i'm not letting her to get what was really mine.
" Hindi ko alam kung anu pa ang pwede ko magawa but one thing is sure, i'm gonna get back what was really mine. " Napatingin silang dalawa sa akin dahil sa sinabi ko.
" So what's your plan then? " - Ethan
" Plan? You'll find out soon, sa mismong araw ng kasal nila. " Ngumiti ako sa kanila at kahit na kinakabahan ako pero confident naman ako sa magiging out come ng plano ko.
" Hmm. I think magugustuhan ko yung plan mo na yan bruh. " Nag smirk si Tricia, gets na niya kung anu ang plano ko.
Si Ethan naman nag kibit balikat lang sa tinuran ko pero hindi naman siya against sa secret plan ko.
" Joshane, see you on Saturday. I'll pick you up at 9am since ang oras ng kasal is 10:30am. " - Ethan
" Sure Ethan, sige mauuna na kami. I'll keep in touch with you. " Umalis na kami ng mall at pumunta kami sa resort nila Cherry and Lia to relax. May gamit na kami sa resort nila since may sarili kaming VIP suite dun.
Pagdating namin sa resort nandun narin ang dalawa at busy na sa pakikipag landian sa dalawang hunk na foreigner. Kunsabagay, maganda naman sila Cherry at Lia kaya natural na hahabulin sila ng mga lalake. Si Lia, nagpaayos ng mukha kaya naging maganda narin siya gaya namin. Kung dati mukha siyang paa na ewan, ngayon isa na siyang dyosa. From ugly duckling turns into a beautiful swan ang drama niya.
" Hey girls, wanna join us? " Niyaya kami ng dalawang foreigner na ito pero tumanggi kami ni Tricia since hindi pa kami nakapag palit ng swimming outfit namin.
" Thanks, but we need to change our outfit first. Laters! " Paalam namin at pumunta na kami sa aming room. Actually, kaming dalawa ni Tricia ang magkasama sa room at si Cherry and Lia naman sa kabilang room. Pag trip namin na matulog na apat na magkasama, binubuksan lang namin ang door na naghahati sa room namin para mag mukhang isang malaking room ang dalawang VIP rooms.
" Bruh, parang hindi ka worried sa mangyayaring kasal nila Harley and Celine this week. " - Kumento ni Tricia, why would i be so worried? Buti sana kung wala akong gagawin na hakbang para makuhang muli si Harley. Ako pa ba? Hinding-hindi na ako papayag na malamangan pa ako ni Celine. Gusto niya ng maduming laban? Okay! I'll give it to her.
" Why should i? Ayokong mag mukhang stressed and wasted sa araw ng kasawian ni Celine. Dapat maganda ako that day! " Taas noo kong sabi kay Tricia. Nag palit na ako ng pang swimming outfit ko. Naka two-piece ako na pinatungan ko ng beach dress na medyo hinang at kita ang suot ko na two-piece sa loob. Lumabas na kami ng room namin at pumunta sa swimming pool kung saan sila Lia at Cherry nakikipag landian.
" Bruh, tara maligo na tayo? " Yaya ni Tricia sa akin.
" Ayoko pang maligo bruh, mauna kana at sumali dun sa dalawang bruha na kanina pa nakalunoy sa swimming pool. " Taboy ko kay Tricia na obvious naman na atat na atat ng maligo.
" Okay! Sunod ka nalang ha? " - Tricia
Tinanguan ko nalang siya at nag dive na siya sa pool. Pumunta naman ako sa cafeteria ng resort para bumili ng soda. Pagkapasok ko sa loob ng cafeteria kunti palang ang tao dahil yung mga tao nandun sa swimming pool naliligo. Pagkatapos kong bumili ng soda, umupo muna ako dun sa isa sa mga upuan dun sa loob. May narinig akong nakakairitang boses na nag painit ng dugo ko. Pag lingon ko sa nag salita nakita ko ang taong ayaw kong makita lalo na at this moment.. Si Celine!
" Wow! I never thought na makikita kita dito. Of all places, dito pa talaga tayo magkikita no?! Kamusta kana bestfriend? Don't forget to attend my wedding, malulungkot talaga ako kung wala ka dun. "- Celine
Naaalibadbaran ako sa pag mumukha niya plus dagdagan pa ng plastik niyang ugali. Tiningnan ko lang siya at ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.
" Cut the crap Celine! I'm not your bestfriend for pete's sake! " Sagot ko.
" I know! And i never considered you as one! " Nakangisi niyang sabi. Kung hindi ko lang iniisip ang kahihiyan baka nasabunotan ko na si Celine ngayon. Pasalamat siya at may kahihiyan pa ako sa katawan.
" Don't worry Celine, i'll be there on your wedding day! Gusto ko kasing masaksihan kung paanu ka mapapahiya sa harap ng maraming tao. Until then, bestfriend! " Note the sarcasm here. Tinalikuran ko na siya pero nasira na ang mood ko mismo nung oras na masilayan ko ang pagmumukha niya. Bumalik na ako sa swimming pool para maligo at matanggal ang init ng ulo ko. I went here for relaxation not to stress myself in agony.
The moment i reached the pool, i dive and leave a big splash.
I swim back and fort until i got tired. Napansin naman ni Tricia na madilim ang mukha ko kaya lumapit siya sa akin at nagtanong.
" Somethings wrong? You look like you're gonna kill someone at this very moment." - Tricia
I just shrugged off. Ayoko ng malaman pa niya na nandito si Celine kaya mukha akong papatay ng tao ngayon. Knowing her? Baka mag freak out pa siya at masabunutan pa niya si Celine in front of so many people at baka makaapekto pa ito sa business nila Lia and Cherry.
" Don't mind me, i'm just tired and exhausted. " Tinaasan niya lang ako ng kilay niya sign that she isn't convinced with my excuse. She really knew me so well.
" Spill it bruh, i know may nakita ka kanina na nagpaiba ng mood mo. " - Should I tell her or not? I chose not to tell her so i just shut my mouth. Pero sadya talagang nang-iinis si Celine na nagpunta pa talaga kung nasaan kami banda. Nung makita ni Tricia si Celine bigla nalang naikuyom niya ang mga palad niya.
" Now i know why you look like a monster ready to kill a while ago. She's here! " Ngayon nakatingin na si Tricia sa akin. Hinawakan ko naman siya sa braso para kumalma siya.
" Trish, don't spill out the secret. Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya but not her secret. That's my thing bruh. " Halos pabulong kong sabi kay Tricia pero sapat lang para marining niya iyon. Ngumiti naman siya sa akin parang sinasabi na "don't worry, my mouth is zip".
" Wow! Look who's here?! The infamous bestfriend of Joshane. What brought you here by the way? " - asked Tricia.
" And who are you to asked me that? As far as i know, this place is for public and i paid my stay here. " Taas kilay na sabi ni Celine. Tahimik lang ako at nakikinig sa usapan nilang dalawa.
" Tinanong lang kita kung bakit ka napadpad dito. Bawal kasi ang plastic sa lugar na ito. Baka kasi may dumampot sayo at itapon ka sa basurahan. Mukha ka kasing basura at plastic pa. " Gusto kong matawa sa sinabi ni Tricia kay Celine. Too childish act pero at least totoong tao si Tricia unlike Celine na trying to be Miss Goodgirl and turns out to be a back stabber friend.
Si Tricia ang masasabi ko na tinarayan at binully ako noon pero ngayon siya naman ang nagtatanggol sa mga nang-aaway sa akin, eventhough i can take care of myself now. She's a real friend. A real friend that hard to find nowadays. I'm just lucky i found her eventhough i met her as my enemy first.
" Ang bitter mo, kunsabagay magiging bitter ka talaga para kay Joshane dahil ako ang pakakasalan ni Harley. Ingget kayo kaya kung anu-anu nalang ang binabato niyong masama sa akin. " Tumawa si Celine na animo'y may nakakatawa sa sinabi niya. She's laughing with all her lungs out for pete sake. Baliw na nga siya!
" Tricia, let's go! Don't waste your time to her. She's not that important anyway. " Inismiran ni Tricia si Celine at bago pa kami tuluyang nakalayo, lumingon pa ulit si Tricia kay Celine.
" By the way, this resort belongs to Lia and Cherry. Enjoy your stay here! " - Tricia
I saw Celine jaw dropped. At umalis na kami sa pool at pumunta ng room namin. Hindi ko na napigilan ang tawa ko at humagalpak nalang ako sa kakatawa.
" Uy, anung nakakatawa? Nababaliw kana yata?! " - Tricia
" Ofcourse not! Natawa lang ako sa mga sinabi mo plus nung sinabi mo kay Celine na sila Lia at Cherry ang may-are ng resort nanlaki ang mga mata ng bruha. Geez! This made my day! " -Tawa parin ako ng tawa ngunit napailing nalang si Tricia sa akin.
Sa totoo lang hindi ako makatawa this past few days. Kaya nga dahil sa nangyari kanina parang ang gaan ng feeling ko nung mapatawa talaga ako sa eksena kanina. I never thought that i can still laughed like that. Lalo na ngayon, na in just a few days ikakasal na sila. I'm not even sure if my plan will work out and i hope it will. This is my last card, and i need to win this coz if i lost again this time, it will be my great loss. Not only that, i will also lost my happiness and the man that i want to be with for the rest of my life.