HARLEY'S POV
Ito ang araw na ayaw kong dumating, ang araw ng kasal ko. Araw na iiwan ko na ang pagka binata ko.
Ito rin ang araw na tutoldukan na ang istorya namin ni Joshane. Kung lahat ng ikakasal ay masaya ako naman nalulungkot. Kung tutuusin pwede naman akong umayaw sa kasalang ito pero hindi ko ginawa. Hindi ko alam kung anu ang mangyayari after nito pero sure ako na habang buhay ko itong pagsisisihan.
" Iho, ready kana ba? Pupunta na tayo sa simbahan. " Nakangiting sabi ni mommy. Kahit nakangiti siya pero makikita sa mukha niya na nalulungkot siya para sa akin.
" Yes ma! Pero pwede po ba muna tayong mag stay dito kahit 15mins. lang? This is my last day to live here and starting tomorrow i will live in my own house together with my wife! " Malungkot kong pahayag kay mommy. Ang bigat ng pakiramdam ko na parang ayoko ng gumalaw pa. Nasasaktan ako pero wala akong magawa para pawiin ang sakit nito.
" Alam ko nahihirapan kana sa mga nangyayari sa ngayon but you should remember that everything happens for a reason. Magiging okay din ang lahat! " -Mommy
Bakit ganun, na kahit ilang ulit pang sabihin ni mommy na magiging okay din ang lahat feeling ko hinding-hindi na ito magiging okay? I chose this, so i need to deal with the consequences of my decision. I guess this is my destiny, to marry someone i don't love.
" Let's go mom, everyone is waiting for us now. " Lumabas na kami ng bahay at sumakay na ng kotse. Katabi ko sa backseat si mommy at si lolo naman nasa frontseat katabi si daddy. Buong biyahe kaming tahimik at ramdam mo ang tensiyon sa bawat isa sa amin. Nakarating kami ng simbahan bandang 9am at medyo marami narin ang mga bisitang naghihintay sa loob at labas ng simbahan. Nakita ko ang Gforce sa labas ng simbahan na nakatayo at hinihintay ako. Lumapit naman ako sa kanila at nakipag bro fist.
" Dude, are you ready? Any moment start na ng wedding ceremony mo. " - JL
Ready or not, the wedding will go on. Masakit kasi hindi mo maramdaman ang essence ng kasal. Wala yung feeling na dapat sana maramdaman ko sa wedding ko! I feel so empty since the day that Joshane and I broke up. Ang saklap ng buhay ko, pero anu pa ba ang magagawa ko? Wala na! Isinuko ko na ang lahat kasama na ang kaligayahan ko.
" Hindi ako ready, this whole damn wedding thing is a mistake that i'm sure i'll regret someday. But do i have a choice here? No! " Inis kong sabi sa kanilang lima. Lungkot at awa ang nakarehistro sa mga mukha nila. Against naman talaga sila sa kasal na to kaso wala din silang magawa para hindi matuloy ang kasal ko. Damn!
" Naiintindihan ka namin dude, alam ko na isang babae lang ang gusto mong pakasalan kaso hindi kayo ang para sa isa't isa eh. Like it or not, you need to accept the reality that Joshane is no longer part of your present and future life. She's just part of your past now. " - Peter
Nakatungo lang si Tristan at Kelvin samantalang si JL naman nasa malayo ang tingin. Mga kaibigan ko nga sila sa lungkot at saya, hirap at ginhawa, nandiyan parin sila para sa akin.
Tinawag na kami ng usherette para pumunta na sa designated area namin. Any moment kasi darating na ang bride, si Celine.. Para akong nanghihina na ilang minuto na lang may ibang babae na ang magdadala ng apelyido ko. Nakatayo na kami ngayon sa harapan at hinihintay na lang namin ang pagpasok ni Celine. Inabisohan narin kami na dumating na siya at isinarado na ang pinto ng simbahan. Pagkatapos ng ilang minuto nag umpisa ng tumugtog ang piano sinyales na papasok na ang bride.
Ipinagdadasal ko na tumigil muna sandali ang pag ikot ng oras para magkaroon pa ako ng time na makapag isip. Pero siyempre hindi nangyari yun dahil ngayon nakikita ko ng naglalakad si Celine sa aisle kasama ang parents niya. I'm doomed! This is it, there's no turning back now.
Habang naglalakad si Celine sa aisle, iniimagine ko nalang na ikakasal ako kay Joshane. Na si Joshane ang naglalakad ngayon sa aisle at hindi si Celine. Pero bigla din akong nabalik sa reyalidad at yung saya na naramdaman ko kani-kanina lang ay dagling nawala at napalitan ng lungkot at panghihinayang.
Kaharap ko na ngayon si Celine at ibinigay na ng daddy niya ang kamay ni Celine sa akin. Malamig ang kamay niya na para bang kinakabahan siya sa oras na to. Ngumiti siya sa akin pero hindi ako gumanti ng ngiti sa kanya kaya bigla din napalis ang ngiti sa labi niya.
" Iho, ibibigay ko na sayo ang anak ko. Ingatan mo siya katulad ng pag iingat namin sa kanya. " - Daddy ni Celine
Tumango lang ako sa kanya bilang tugon sa sinabi niya. Ewan ko ba, parang gusto ko nalang mag laho sa lugar na ito. Kung pwede lang sanang bumuka ang lupa ngayon, magpapalamon nalang ako sa lupa para matapos na ang kalokohang to.
Nakaharap na kami ngayon sa pari at sisimulan na ang wedding ceremony namin.
PRIEST:
" We are gathered here today in the sight of God and angels, and the presence of friends and loved ones, to celebrate one of life's greatest moments. To give recognition to the worth and beauty of love, and to add our best wishes and blessings to the words which shall unite Harley and Celine in holy matrimony.
Marriage is a most honorable estate, created and instituted by God, signifying unto us the mystical union which also rests between Christ and the church; so too may this marriage be adorned by true and abiding love..
If anyone here has any reason why this couple should not be united in marriage, they must speak now or forever hold their peace! "
Tahimik lang sa loob ng simbahan at halos lahat nakikinig lang. Biglang may pumasok sa loob ng simbahan dahil rinig na rinig ko ang tunog ng heels niya habang naglalakad siya papasok sa simbahan. Bigla akong lumingon sa direksyon ng taong naglalakad papasok sa loob. Shocked written all over my face when i saw who it was. Si Joshane!
" I object! " - Joshane
Halos lahat lumingon sa kanya at kasama na si Celine na nanlaki ang mga mata pagkakita niya kay Joshane na may hawak na kulay blue na folder. She's wearing a black long gown that suit to her body.
" Joshane, what's the meaning of this? " Biglang tanong ni Celine. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa ni Joshane. Kahit desisyon ko na pakasalan si Celine, still umaasa parin ako na hindi matuloy ang kasal.
" The only reason why Harley will marry you is because your pregnant. Paano pala kung hindi ka totoong buntis, na nagpapanggap ka lang na buntis para hindi ka iiwan ni Harley? Itutuloy parin ba ang kasal? " - Joshane
Napasinghap naman si Celine at nanginginig na ang kamay niya, ewan ko lang kung dahil sa takot or sa galit dahil pinigilan ni Joshane ang kasal?!
" Anu bang pinagsasabi mong babae ka? Gusto mo talagang sirain ang kasal ko dahil hindi ka parin maka get over kay Harley. " - Sigaw ni Celine kay Joshane. Ngumiti lang si Joshane at tila nang iinis pa ang ngiti niya.
" Kasasabi lang ni Father na marriage is a most honorable estate. At kailangan magpapakasal lang ang dalawang tao dahil mahal nila ang isa't isa hindi dahil buntis ka. Sa tingin mo, nasaan ang honorable sa part na yan? At ang matindi pa dun kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi mo kay Harley na buntis ka dahil ang katotohanan niyan hindi ka naman talaga buntis! Paano ba mabubuntis ang isang baog? Sige nga, explain mo nga sa amin Celine. " Dahil sa mga sinabi ni Joshane pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko. Hindi ko alam kung anu ang dapat na magiging reaksiyon ko sa mga isiniwalat ni Joshane.
" Wala kang basehan sa mga ibinibintang mo sa akin. Get out! Now! " Sigaw ni Celine.
Ngunit imbes na umalis ay hindi nagpatinag si Joshane kay Celine. Pumasok narin sila Tricia, yung pinsan niya at yung isang lalake sa loob ng simbahan. Lumapit narin sa pwesto ni Joshane ang apat na Gforce at ako naman nandito lang sa likuran ni Celine na parang napako ang mga paa ko at hindi makaalis sa kinatatayuan ko.
" Pruweba ba ang hanap mo? Heto! Basahin mo ang mga nakasulat diyan at saka mo sabihin sa akin na buntis ka. " - Joshane
Ibinigay ni Joshane ang folder kay Celine pero hinablot ko ito at binasa. Pakiramdam ko lumaki ang ulo ko sa mga nabasa ko. Malinaw na nakasaad doon na wala siyang kakayahang magkaanak dahil baog siya. Medical records niya ito at imposibleng mag kamali ang siyensiya or ang doctor na nagsuri sa kanya. Sa galit ko dinuro duro ko si Celine.
" Bakit ka nag sinungaling sa akin Celine? Muntik ng masira ang buhay ko dahil sa letcheng kasinungalingan mo! Nakaka gago lang ang ginawa mo sa akin. " Sigaw ko kay Celine. Pilit naman niyang hinahawakan ang kamay ko pero hinawi ko iyon.
" Please, let me explain! Kaya ko lang naman nagawa yun dahil mahal kita Harley. " Naghihysterical na siya pero wala na akong pakialam sa kanya. Dinalohan naman siya ng parents niya dahil naka lumpasay na siya sa floor sa tindi ng pag iyak.
" Simula ngayon, ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo. This whole thing is over! " Sabi ko na nagpaangat naman ng tingin kay Celine.
" Noooooo.. Pakakasalan mo ako kahit hindi ako buntis. " - Celine
" At sino ka para utusan ako? Wala na akong pananagutan sayo kaya tapos na ang palabas na to. " Tumalikod na ako at naglakad palabas ng simbahan. Hindi ko na nakita sila Joshane at ang mga kasama niya pati na ang apat na Gforce. Wala narin akong pakialam sa mga bisitang naiwan sa loob ng simbahan. Ngayon nakahinga na ako ng maluwag, akala ko talaga habang buhay akong magsisisi sa desisyon ko na pakasalan si Celine. Buti nalang dumating si Joshane at pinigilan niya ang kasal. Ang gago ko talaga, hindi ko pinaniwalaan ang mga sinabi ni Joshane sa akin nung una palang. Kung nakinig lang sana ako sa kanya noon hindi na sana dumating pa sa kasalan ang lahat.
JOSHANE'S POV
Buti nalang nakarating kami sa simbahan right on time dahil kung nahuli pa kami ng ilang minuto, malamang natuloy talaga ang kasal. Naawa ako sa parents ni Celine kanina at bakas sa mukha nila ang matinding kahihiyan na inabot nila sa hindi natuloy na kasal. Ang ipinagtataka ko lang all along alam nila na hindi pwedeng mabuntis si Celine pero bakit nila kinunsinte ang kalokohan ni Celine? Given ng mahal nila ang anak nila kaya nila nagawang konsintehin ang mga pinanggagawa ni Celine kahit na alam nilang may ibang tao na masasaktan. Pero hindi sapat na reason ang love para hayaan nila siya na gumawa ng masama! That's a selfish act of love.
Pagkatapos kong ibigay ang folder sa kanila ni Harley, umalis na din kaming apat. Ayoko ng masaksihan pa ang sobrang kasawian ni Celine. Despite of what she did to me, naaawa parin ako sa kanya. Masyado siyang naging obssessed kay Harley na nagawa niyang magsinungaling dito para lang huwag siyang iwan ng isa. I feel sorry for her but she deserved it. I just gave her a doze of her own medicine.
" Bruh, okay kana ba? " - Tricia
" I feel a lot better now! At least hindi natuloy ang kasal nilang dalawa. " Napangiti ako sa naisip ko. A genuine smile!
" It's good to hear that! So, club republiq tayo later? Its time to celebrate your success. " - Tricia
Ibang klase talaga tong si Tricia ang hilig uminom, bad influence na siya sa akin eh. Pero happy na ako sa tagumpay ng plano ko. I know its a cliche plan but hey, we exerted efforts on that plan. So we deserve to celebrate!
***
Papasok palang kami ng club republiq nung makita namin si Ethan kaya niyaya narin namin siya sa loob. Pagkapasok namin sa loob iba nanaman ang ambiance ng bar. Nakasindi ang lahat ng ilaw ng bar at walang ibang tao sa loob kundi kami lang kasama na ang Gforce. Anu to party din nila?
" Joshane, buti nakarating na kayo. Kamusta kana? " - Peter
One week na pala ang lumipas after nung hindi natuloy ang kasal ni Harley. After nung nangyari kasi hindi ko na sila nakitang lima kaya ngayon nalang kami ulit nagkita-kita.
" Okay naman ako! " Sagot ko sa kanya. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bar, hinahanap ko siya sa kahit saang sulok ng bar pero wala siya. Bigla naman akong nalungkot dahil wala siya dito.
" Are you looking for someone in particular? " Ngiting-ngiti pa si Peter habang sinasabi niya yan. Bigla naman akong nahiya dahil masyado pala akong obvious.
" Nah, tinitingnan ko lang ang loob nitong bar mo. Dami na kasing nag bago dito! " Pagsisinungaling ko kay Peter. Ako na ang sinungaling dahil ayoko malaman niya na hinahanap ko si Harley.
" Hindi ka magaling mag sinungaling Josha! Oh ayan na pala ang hinahanap mo eh. " Napalingon ako sa likuran ko at nagulat pa ako dahil muntik ko ng mahalikan si Harley sa biglang pag lingon ko. Ang lapit-lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko. Buti nalang napaatras ako kaya hindi ko siya nahalikan.
Nagkatitigan kaming dalawa na parang kaming dalawa lang ang nandun. Wala na akong pakialam sa mga kasama namin na nakatingin lang din sa amin. Lumapit pa lalo si Harley sa akin at niyakap niya ako. Hindi ako nag protesta dahil gusto ko din siyang mayakap.
" I missed you! " Bulong ni Harley sa akin na naghatid ng kiliti sa puso ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.
" I missed you too! " Ngumiti ako at this time ngiting masaya.
" I want you back! God knows how much i love you. I never stop loving you Joshane. All this time ikaw lang ang nag-iisang babae sa puso ko.Sobrang pagtitimpi ang ginawa ko noon na huwag kang mahawakan dahil oras na mahawakan kita, hinding hindi na kita bibitawan pa. I love you babe, to the moon and back! " Biglang nagsipag unahan sa pagpatak ang mga luha ko, luha ng kaligayahan. Sobrang saya ko na halos nag uumapaw sa puso ko. Ngayon sigurado na akong kami na talaga!
" I love you babe, to the moon and back! " Naglapat ang mga labi namin at biglang nag slow motion ang lahat. Katulad na katulad nung una kong naramdaman ang ganitong feeling para sakanya.
" Whooooooohh.. " Sigaw nilang lahat! Napaharap kaming dalawa sa kanilang lahat. Sa mga taong naging saksi ng pagmamahalan namin mula sa simula at hanggang ngayon.
" I'm happy for you bruh! Finally, you have him back now! " Niyakap ako ni Tricia at ang loka nag eemote pa talaga! Natawa nalang ako sa kanya at niyakap ko din siya.
Kung dati hindi ako naniniwala sa qoutes na
'Love is sweeter the second time around' ngayon naniniwala na ako.