"Ah... Salamat nga pala Lieven ah? Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala. Hindi ko rin kasi alam kung bakit nagka-ganu'n ang card ko, nakakainis tuloy." I pouted.
Naglalakad kami papunta sa parking, kasi nag volunteer pa siya na ihatid ako sa sasakyan dahil madami akong pinamili at mabibigat iyon.
"Ano ka ba, okay lang 'yon. Isipin mong libre ko na sayo 'yon." Nakangiting sabi niya sa akin.
"H-hindi ano ka ba, ang mahal kaya ng binayaran mo, promise babayaran kita." Sabi ko ng buksan ko ang backseat ng sasakyan ko at ipinasok niya ang pinamili ko.
"Sige, ikaw ang bahala pero sinasabi ko sayo. Libre ko na 'yon." Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Eh, Teka ano pa lang ginagawa mo dito? May kasama ka ba?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Hala baka naman hinahanap na siya ng kasama niya.
"Kasi, ano. May sinusundan ak—" Napatigil siya sa pagsasalita na para bang na realize niya na mali ang sasabihin niya, kumunot ang noo ko sa kaniya.
"Sinusundan...? Sino naman? Hoy ikaw ah, hindi ko alam na stalker ka na ngayon." Natatawang sabi ko na ikina-iling niya, tumikhim siya bago nagsalita.
"Ah... Si Mama. Oo, si Mama sinundan ko dahil sabj niya mamimili siya niyaya niya ako ayaw ko naman na mag-isa siya." Paliwanag niya na ikinatango ko, napaka-swerte naman ng Mommy ni Lieven. Ang bait ng anak niya.
Nakita kong sumeryoso ang mukha niya na para bang hindi siya napakali. Ang weird ni Lieven ah.
"Hm... Sige, mauna na ako. Balikan mo na ang Mama mo sa loob for sure na hinahanap ka na non," Sabi ko at naglakad papasok sa driver set, bubuksan ko na sana iyon ng buksan iyon ni Lieven para sa akin, gentleman talaga ni Lieven kahit kailan.
"Thank you," Nakangiting sabi ko sa kaniya bago ko ipinasok sa loob ng sasakyan ang gamit ko.
*Uwahh*
Sabay kaming napalingon ni Lieven ng makarinig kami ng iyak ng sangol na pumuno rito sa parking. I was stunned ng makita ko si Ezekiel na pinapatahan ang bata sa mga bisig niya. Nakikita ko kung gaano siya kasaya habang hawak niya ang bata, na siya namang ikinakirot ng puso ko sa sakit.
Napabaling sila sa amin kaya nakita ko ang pagkagulat nila pareho ng makita kami ni Lieven, nagkatinginan kami ni Lieven kaya nginitian ko siya ng makita kong nakangiti siya sa akin.
"Si Rem 'yon 'di ba?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Hm... Ah? Sige na, m-mauuna ako," Pag-iiwas ko sa tanong niya, alam ko namang si Ezekiel 'yon dahil nakita ko siya sa loob pero hindi ko inakala na magkikita ulit kami rito sa car Park.
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng sasakyan ko.
"Sige, ingat ka sa pagmamaneho." Pinat ni Lieven ang ulo ko na para bang sampong taong gulang na bata.
"Opo. Salamat po ulit," Nakangiting saad ko sa kaniya at tumango naman siya.
Isinara niya na ang pinto ng sasakyan ko ng makaupo na ako sa loob, ibinaba ko ang salamin sa tapat ko at nakita kong kumaway siya sa akin at nginitian ko naman siya, napabaling ako sa kinaruruunan ni Ezekiel nakita kong masama ang tingin niya sa akin na para bang ang laki ng kasalanan ko... Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nagsimula na akong nag maneho papaalis sa mall.
Bakit ganito siya sa akin? Nagkita kami pero parang wala siyang pakialam sa akin, bakit pakiramdam ko nakikita niya pero hindi niya ako kilala, para hindi niya ako lapitan o tulungan man lang.
First time kung makita si Bianca, masasabi kong sobrang ganda niya? Sa pananamit niya, sa hubog ng kaniyang katawan, sa kinis niyang kaniyang balak, at sa Ganda ng kaniyang mukha, hindi na ako magtataka kong bakit babalik sa kaniya si Ezekiel. Ang ganda niya, at sa tingin ko ay mabait pa siya, iyon bang tipong mahinhin siya? Hindi mo rin iisipin na may anak na siya.
Magkasama silang tatlo at nakikita kong ang saya ni Ezekiel na kasama sila, kompletong pamilya sila. Hindi ko man nakita ang mukha ng bata pero alam kung maganda iyon, dahil maganda't gwapo ng magulang niya.
I was insecure. I don't know, why? Maybe I can't tell Ezekiel that I am carrying his child even if I am his wife, unlike Bianca. She told the man who got her pregnant even she know that he already married to someone just to give her child a complete family. How brave and strong she is to fight the right if her child, how lucky she is.
Nasa kaniya ang lahat na wala ako, wala akong lakas ng loob, hindi ako kasing tapang ni Bianca na ipaglaban ang karapatan para sa anak.
"I'm sorry baby..." I whispered as I caressing my small womb. I can't help not to cry, palagi na lang 'tong nararamdaman, akala ko ayos na ang lahat pero hindi pa pala, bakit parang ang sakit-sakit?
Siguro kapag may lakas na ako ng loob na sabihin sa kaniya, makakaya ko ang hindi ko lang alam kung anong isasagot niya. Pwedeng hindi niya matangap ang baby ko, baka sabihin niyang hindi pwede dahil sa may anak na siya sa iba at mas magpapakatatay siya rito kaysa sa anak namin. Ayaw kong marinig ang nga salitang 'yon mula sa kaniya. Ayaw ko, hangat kaya ko pa, hangat hindi pa halata ang baby ko, hindi ko muna sasabihin sa kaniya.
Kaagad akong bumaba sa sasakyan ko ng maiparada ko sa cark park ng bahay namin ang sasakyan ko. Kaagad kong ibinaba ang isang cartoon, since ang bigat ng mga ito kailangan kong isa-isahin papasok sa bahay, bawal rin kasi ako magbuhat ng mabibigat sabi ng O.B ko.
Binuksan ko ang bahay at pilit kong binuhat ang lahat ng pinamili ko papunta sa kitchen, ng matapos ko itong nailagay sa kitchen, umakyat muna ako sa itaas para magpalit ng damit at kaagad ring bumalik sa ibaba para ayusin ang mga pinamili ko.
Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ng mga pinamili ko nakaramdam akong gutom, kaya naman nag timpla ako ng milk at gumawa ako ng waffle. Dinala ko sa Sala ang ginawa kung meryenda para doon kumain habang nanunuod ng tv.
Kinuha ko ang phone ko ng marinig ko itong tumunog nakita kong si Shaine ang tumatawag kaya napangiti ako.
"Hello Shaine?" Masayang bungad ko sa kaniya at narinig ko naman ang tili niya na para bang exited siya.
["Wahh!! Ate Sam, pupunta kami ni Ate Sarah diyan sa inyo. I'm so excited! Pumayag si Mommy na bisitahin ka namin,"] Masayang niyang sabi na ikinalukot ng mukha ko.
Masaya ako na bibisita sila pero ayaw ko naman na makita nila na hindi kami ayos ni Ezekiel. Humingga ako ng malalim at bumaling sa orasan, it just 4 pm, siguro naman hindi na sila aabutin ni Ezekiel dahil gabing-gabi na iyon kung umuwi, oh baka naman hindi nga siya umuwi ngayon.
"S-sure, wait. Na saan na ba kayo? Susunduin ko ba kayo ah?" Tinatapos ko ang pagkain ko para sunduin sila.
["No need Ate. Cause we know your address. Just wait...—I'm excited to see kuya Rem." Napatawa naman ako sa sinabi ni Shaine, naku. Hindi naman pala ako ang pupuntahan nito eh, pero wala naman dito ang gusto niyang nakita kaya for sure ako lang ang makikita niya.
["Ate oh, aagawan ka pa atah ng asawa eh, wag mo na kaya 'tong pasamahin?–hoy hindi ah! Love ko kaya si Ate Sam kaya 'di ko 'yon magagawa sa kaniya."] Rinig kong bangayan nilang dalawa.
"Oo na, wag na kayong magtalo," Natatawang sabi ko, napatingin ako sa main door at nakita ko itong bumukas nanglaki ang mata ko ng makita kong pumasok si Ezekiel na may dalang pizza?
Nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya ng maalala kong nakita ko kanila, itinuon ko ang atensyon ko sa tv.
["Bye-bye Ate! Muah! I love you... And I miss you so!"] I smiled as I heard Shaine sweetly said.
"And I miss you so much, baby. I'm waiting for you here to come. I love you more... "
*Blag*
Napatayo ako sa kina-uupuan ko ng pabagsak ni Ezekiel na ibinaba sa center table ang dala-dala niyang pizza at masamang nakatingin sa akin.
"Ano bang problema mo!?" Naiinis na tanong ko sa kaniya ng patayin ko ang tawag, muntik pa akong matapunan ng gatas na iniinom ko sa gulat dahil sa ginawa niya.
"What do you think you doing? Flirting in front of me?" He asked me coldly.
Flirting in front of him? Sa nakikita ko wala akong kasama rito sa bahay ng dumating siya, at wala akong nilalandi dahil hindi ko 'yon ugali.
"Naririnig mo ba 'yang sinabi mo? Sa pagkaka-alala ko ikaw 'tong may kasama kanina," Mahina kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.
"So, ikaw wala?" Kaagad niyang sagot sa akin at umiling.
Si Lieven ba ang tinutukoy niya?
"Wala akong kasama kanina, mag-isa lang ako." Totoo naman eh, hindi ko kasama si Lieven ng pumunta ng mall.
"Wag mo nga akong ginagago! Nakita ko kayong magkasama ni Ramos, hindi ako bulag Gabrielle!"
"Hindi ka naman pala bulag, pero bakit parang hindi mo naman ako nakikita kanina? Sila pala ang mag-ina? Ang ganda nila pareho..." I commented that make him look at me seriously.
"Umuwi ka ba ng maaga para diyan? S-sorry kung sa tingin mo ginagago kita." Nakayuko kong sabi at kinuha ko ang pinagkainan ko para iligpit. Wala naman akong narinig sa kaniya kaya dumiretso na ako sa kitchen para hugasan ang mga ginamit ko.
Balak ko sanang magpahingga na muna dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako pero naisip kong nandodoon si Ezekiel, kaya wag na lang. Total pupunta rito sila Shaine magluluto ng dinner. For sure makakarating sila dito mamaya-maya pa.
Parang gusto kong kumain ng sinabawang baboy na may bagoong, kaya iyon ang niluto ko. Buti na lang nakabili ako ng bagoong sa tindahan dito malapit sa village namin kaya perfect 'yong niluluto. Inaamoy ko pa nga habang nagluluto, ang bango! Paniguradong masarap 'to.
Dahil alam kong hindi kumakain ng ganito sila Shaine gumawa rin ako ng fried chicken, then may natira pa namang adobo kanina kaya ininit ko na lang.
Inayos ko na ang mesa dahil mamaya darating na sila, isinama ko na rin si Ezekiel sa dinner dahil hindi ko naman narinig na umalis siya kaya for sure dito siya kakain.
*Ding dong*
Hala! Hindi ko nasabihan si Ezekiel na darating sila Shaine, dali-dali akong pumunta sa Sala ng marinig ko ang door bell, sila Shaine na iyan.
"Kuyaaa!!!" Kaagad kung narinig ang narinig ang boses ni Shaine ng papunta ako sa Sala, nakita kong pinag-buksan na ni Ezekiel ng pinto ang dalawa, nakita kong nakayakap si Shaine kay Ezekiel, I smiled as I saw them. How I miss my sister.
"Shaine." Tipid na bigkas ni Ezekiel sa pangalan ni Shaine at bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kaniya.
"Hi, kuya Rem. Si Ate Sam?" Kumaway si Sarah Kay Rem at tumango naman ito.
"She's on the kitchen, what brought you two here?" Seryosong tanong ni Ezekiel sa dalawa.
"Dinadalaw namin si Ate!–wow... May pizza! Kuya pwede pahingi?" Nakita kong lumapit si Shaine sa center table.
Napatingin sa gawi ko si Ezekiel, bago bumaling sa pizza na nasa center table at kay Shaine na parang mga bituin ang mata ng makita ito.
"I brought it for your sister, Gab. Ask her if she wanna open it right now..." ani niya na sa akin nakatingin. Para ba talaga iyon sa akin? Eh, kanina wala naman siyang sinabi kanina para sa akin 'yon. Basta niya na nga lang iyon binagsak sa center table malay ko ba kung buo pa 'yon o durog na.
"Eh? Kakarating mo lang kuya saan ka galing? Hehe sweet naman, may pasalobong so Ate." Komento ni Shaine at naupo sa sofa. Nakita kong kumunot ang noo no Ezekiel dahil sa madaming tanong si Shaine, tumingin siya sa akin.
"Ano ka ba Shaine, mahiya ka nga kay kuya! Sorry kuya masyado lang talagang madaldal 'tong si Shaine," Saway naman ni Sarah kay Shaine.
"Sarah, Shaine." Tawag ko sa kanila at ngumiti, sabay silang napatingin sa akin at nakita ko namang ngumiti sila ng makita ako.
"Ate Sammm!!!" Sigaw ni Shaine at tumakbo papalapit sa akin, dinamba niya ako ng yakap ng sobrang higpit. Ina-awat ko siya sa yakap niya sa akin baka kasi maipit ang baby ko.
"I miss you Ate Sam! Balik ka na sa bahay, palagi akong ina-away ni Ate Sarah. Wala akong kakampi," Sabi niya na parang bata at sumimangot, bumaling ako Kay Sarah na umirap lang siya. Hasyt!
"Ang higpit naman ng yakap eh, pero alam mo na miss na miss na miss kita." Ngayon ay ako naman ang yumakap sa kaniya.
"Sinisiraan niya na naman ako sayo Ate Sam." Lumapit si Sarah sa akin at niyakap ako, niyakap ko rin siya.
"I miss you two... Buti naisipan niyong pumunta rito." Hinawakan ko ang pisngi nilang dalawa, kaya naman. Ngumiti sila sa akin, kita ko kung gaano sila kasaya, ako rin naman masaya na makita ko sila.
"I love you na talaga Ate! Pwede ko bang buksan 'yong pizza mo? Nagugutom na ako eh," Ngumuso si Shaine sa pizza na nasa center table, nahagip ng mata ko na nakatingin sa akin si Ezekiel, tumango siya na para bang sinasabi niyang okay lang?
"S-sige, buksan niyo na at igagawa ko kayo ng juice," Sabi ko at kumalas sa yakap nila.
"Yehey! Thank you Ate." Hinalikan ako ni Shaine sa pisngi.
"W-wait? Anong amoy ba 'yon?" Nakita kung kumunot ang noo ni Shaine na para bang nandidiri siya.
"A-ate ano 'yon? Ang baho..." Reklamo ni Sarah at medyo lumayo sa akin, Hala ako ba ang mabaho?
"Damn." Rinig kung mura ni Ezekiel.
"Mabaho? Wala naman ah, tsaka mabango kaya ang naamoy ko. Teka nga lang baka ako na ang nangangamoy usok kasi nagluto ako, wait lang maliligo muna ako." Paalam ko at maingat na umakyat sa hagdanan.
"Anong niluluto mo?" Napatingil ako sa pag-akyat ko ng marinig ko ang boses ni Ezekiel, humarap ako sa kaniya.
"W-wala na, tapos na akong mag-luto. Pero sinabawang baboy ang niluto na may bagoong," Nakangiting sabi ko.
"Eww..." Sabay na sabi ni Shaine at Sarah kasabay naman ng sama ng tingin ni Ezekiel sa akin.
Maka-eww naman, ang sarap kaya.
"Fuck. Do you think it's right? Saan mo naman natutunan ang ganiyan? I swear Gab. It is really smell bad. How can you say that it smell good?" Asar na tanong sa akin ni Ezekiel.
"Ang arte niyo! Kung ayaw niyong kainin ide wag, akong kakain, masarap kaya 'yon mabango pa." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa kwarto.
Kaagad naman akong naligo pagkapasok ko sa banyo. Ang bango ng niluto ko tapos sasabihin nilang ang pangit ng amoy? Hindi sila nakakatuwa.
Pagkatapos kung maligo kaagad rin akong bumaba, nagsuot lang ako over size t-shirt at cycling since Gabi na naman, papatungan ko na lang mamaya ng pants para hindi ako lamigin.
"Ate, ang wierd mo..." Reklamo ni Shaine.
"Sure kang 'yan ang kakainin mo? Ate ang pangit ng amoy." Sabi pa ni Sarah.
Nandidito na kami sa harap ng pagkain at kakain na pero sila ayaw pa ring maniwala na masarap ang niluto ko at mabango, lalo naman si Ezekiel na para bang ayaw niya talaga ng amoy, ang arte niya.
"Wag mong kainin 'yan." Inagaw sa akin ni Ezekiel ang bowl ng sinabawang baboy at nilagyan ako ng kanin at fried hicken sa plates ko.
"Bakit hindi? Sayang naman ang effort ko rito kung hindi kakainin. Tikman mo kaya? Ezekiel ang sarap nito promise, wait tikman mo oh..." Kumuha ako ng sabaw at akmang isusubo ko na sa kaniya ng bumaling siya sa akin.
"Gab." Madiin niyang tawag sa akin na ikinababa ko ng kutsara, ah... Alam ko na ayaw niyang sinusubuan ko siya dahil si Bianca lang ang gagawa no'n sa kaniya kaya naman nilagyan ko na lang ang plates niya.
"Ayan, Ezekiel tikman mo! Promise ang sarap talaga niyan." Nakita ko siyang nakatingin sa plates niya na para bang ang sama ng itsura niya... Bakit ba ayaw nila? I pouted, lahat na lang ayaw sa akin.
Ibinaba ko ang kutsarang hawak ko at akmang aalis ako sa upuan ko ng pigilan ako ni Ezekiel.
"This is a wierd foods Gab. Are you pregnant...?" Mahina niyang tanong sa akin na ikinatigil ng dalawa sa pagkain na siya namang ikinalaki ng mata ko, paano niya nalaman?
"W-what?!" I ask him innocently.