Chapter 51: Finding job

Samantha Gabrielle Point Of View

Bumaba ulit ako sa Sala pagtapos kung mag-ayos ng sarili ko nakita kong nakaupo si Shaine at Sarah sa magkaharap na pang-isahang sofa, nanunuod ng tv habang kumakain ng pizza. Si Ezekiel naman ay tahimik lang na nakikinuod sa pinapanood ng dalawa.

"Ate! Pizza, ang sarap." Alok sa akin ni Shaine ng makita niya ako, kumuha naman si Sarah ng isang slice ng pizza at ibinigay sa akin pero tumangi ako dahil sa busog pa naman kasi ako.

"Busog pa ako eh, teka ready na pala ang guest room na tutuluyan niyo." Sambit ko at naupo sa armrest ng kina-uupuan ni Sarah, wala na kasi akong nakikitang vacant seat dahil nakataas ang dalawang paa ni Ezekiel sa mahabang sofa.

"Hmm... Ate dito ka, gusto kitang katabi." Reklamo ni Shaine na siya namang ikinatawa ko na ikina-iling ni Sarah at kumapit sa braso ko.

"Hindi, dito lang si Ate." Binilatan niya si Shaine, sumimangot naman ito, nahagip ng mata ko na nakatingin sa akin si Ezekiel kaya bahagya akong ngumiti sa kaniya, bago nag-iwas ng tingin.

Napansin kong tahimik lang siya kanina pa ng pagkatapos naming kumain, hindi na rin siya muli pang umimik ng naitanong niya sa akin kung buntis ako. Kinabahan ako sa tanong niyang iyon, hindi pa ako handa na malaman niya, ayaw ko pa.

Isa pa siguro dahil sa kanina sa mall hindi kami nagpansinan tapos nagkasagutan pa kami pagdating niya.

"Oo na, wag nang magtampo ang baby girl na 'yan." Sambit ko at naglakad papalapit kay Shaine pero bago pa ako makaabot sa tabi ni Shaine, may naramdaman akong kamay na humila sa kamay ko at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakapatong kay Ezekiel na nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko, nag angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa akin.

My heart beat so fast as our eyes meet.

Aalis na sana ako sa ibabaw niya ng marinig ko ang tili ni Andrea at Shaine pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

"Stay." He huskily whispered.

"Ehhh!" Protesta nila Sarah and Shaine. Nakita kong tiningnan ni Ezekiel ang dalawa bago niya ako tiningnan.

"Hu—"

"Aakyat na ako, inaantok na kasi ako." Putol ko sa sasabihin ni Ezekiel at umalis sa ibabaw niya.

"Sige Ate! Good night, I love you so much!" Tumakbo papalapit sa akin si Shaine.

"Good night labidabs!" Hinalikan ko siya bago yumakap kay Sarah.

Kaagad rin akong umakyat sa kwarto at dumiretso sa banyo dahil nasusuka ako ng sumalubong sa akin ang amoy ng pabango ni Ezekiel na pumupuno sa buong kwarto, ang sangsang!

Ipinikit ko ang mata ko ng maramdaman kong nahihilo ko, god! Bakit ngayon pa? Naghugas ako ng kamay at tiningnan ko ang itsura ko sa salamin, ang putla ko. Ano ng nangyayari sa akin?

Nang maramdaman kung wala na ang pagkahilo ko kaagad rin akong lumabas sa banyo at narinig kong nag r-ring ang phone ko kaya dali akong pumunta sa center table kung saan ang phone ko, pero ng makita ko hindi pala akin ang tumunog kay Ezekiel.

Mapait akong napangiti ng mabasa ko ang pangalan na nag flash sa screen. It's Bianca at may picture pa ito ni Bianca at ng anak nila.

Malalim na ang gabi, ano kayang kailangan nito? Teka? Wala namang iba kundi si Ezekiel ang kailangan nito. I want to know why she's calling, may emergency kaya sa anak nila? Hala, baka may sakit kawawa naman.

Hindi ako nagdalawang isip na pindutin ang answer button, magsasalita na sana ako ng mauna siyang nagsalita.

["Hi babe! Tulog na si baby na saan ka na ba?"] Ngumiti ako ng mapait ng marinig ko ang sinabi niya, pakiramdam ko nadurog ang puso ko.

Akala ko may ugnayan sila dahil anak nila pero bakit parang may relasyon pa sila? So ano ako? Napatakip ako sa bibig ko para pigilin ang ingay na kumawala sa bibig ko dahil sa pag-iyak ko.

"Gab?"

Napalingon ako sa pinangagalingan ng boses at nakita kong nakatayo si Ezekiel sa may pinto at nakatingin sa akin.

["Hello? Who's this? Rem?"] Rinig kong sabi ng nasa kabilang linya dahil hindi pa pala patay ang tawag.

Kaagad kung pinunasan ang luha ko at iniabot kay Ezekiel ang phone niya ng humakbang siya papalapit sa akin.

"I-i think she needs you. Go, puntahan mo siya," I said as he get his phone on my hands and I walk towards the bathroom and I locked it. I heard him calling me but I didn't bother to answer him instead I was leaning at the close door while silently crying.

May mas masakit pa pala sa malamang may anak siya sa iba at may relasyon pa silang dalawa. I thought he just doing his responsibility as a father but why he's doing his not responsibility to have a relation with that woman?

"Gab? Open up!" Pinahid ko ang luha ko ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pintuan bakit mukhang nag-aalala siya?

"Just go if you're leaving, don't mind me." Deritsahang sabi ko sa maawtoridad na boses.

"Damn, Gab what's going on with you? You know what I can understand you! This is shit! You know? Damn it!" Nagulat ako sa sigaw niya pero mas nagulat ako sa kalabog ng pinto.

Hindi niya talaga ako maiintindihan. Dahil hindi niya alam 'yong pakiramdam na pagtaksilan at patuloy na niloloko.

Napaupo ako sa sahig at umiyak ng tahimik habang niyayakap ang sarili ko, now I feel like I'm so miserable, I thought we were going to have a happy family bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na handang-handa na akong ibigay sa kaniya ang lahat ng nasa akin, ngayon pa dumating ang bagay na dapat ako lang magbibigay sa kaniya. Why?

I caressing my small tummy while smiling ear to ear but still the tears leaky down on my cheek.

"You're the part of me I can't let go..." I whispered to myself, talking to my baby.

Yes, my baby is the very important and special to my life that God gave this wonderful gift. Kaya kung pakawalan si Ezekiel para sa pamilyang binubuo nila, pero kailan man hindi ko gagawa ng ikakasama ng baby ko, mawala na sa akin si Ezekiel kahit masakit wag lang ang baby ko dahil wala ng may mas sasakit pa sa nararamdaman ko kapag nangyari iyon.

***

Iminulat ko ang mata ko ng maaninag ko ang sikat ng araw, kaagad kong inilibot ang paningin ko at nakita kong nasa loob ako ng kwarto, anong ginagawa ko rito? Wala akong natandaan na pumasok ako sa kwarto kagabi, ang alam ko ay nasa banyo ako.

Sinapo ko ang ulo ko ng makaramdam ako ng pagkahilo, baba na sana ako sa kama ng napansin kong may pagkain sa center table kaya inilibot kung muli ang paningin ko sa buong kwarto para makita kung sino ang nagdala nitong pagkain.

"Para sa akin ba 'to?" Takang tanong ko sa sarili ko ng natatakam ako sa masasarap na pagkain na nasa harapan ko, si Ezekiel kaya may gawa nito? Akala ko galit siya sa akin? Bakit may pagkain rito?

Lumapit ako sa center table ng nakangiti, he prepared this for me? I saw a small paper on the plates and I read the note. Nawala ang ngiti sa labi ko ng mabasa ko ang nasa sulat, para bang inihip lang ng hangin ang ngiti sa labi ko at napalitan ng lungkot ang nararamdaman ko habang naalala ko ang nangyari kagabi.

"Sino nga ba naman ako para gawan niya ng pagkain?" I smiled bitterly and appreciate the food in front of made by my cousins. Ang sasarap nito umalis lang ako sa bahay marunong na silang magluto, ang galing naman. Hindi man lang ako hinintay na gumising bago sila umalis.

"Masarap 'to baby, made by Tita Sarah and Shaine." Hinaplos ko ang tummy ko at kumuha ako ng isang ham, natatakam na ako sobra nakikita ko pa lang ang mga pagkain naglalaway na kaagad ako, pero ng kakainin ko na ay bigla akong nasuka ng maamoy ko ang pagkain.

Kaya kaagad akong tumakbo papunta sa banyo at nag duduwal, sukang-suka ako pero wala naman akong isinuka kundi puro laway, pagkatapos kung magsuka naghilamos at nagmumog ako. Sa subrang pagkatakam ko nakalimutan ko ng mag toothbrush bago kumain pero hindi naman ako nakakain amoy pa lang ang lansa-lansa hindi naman isda! Nakakainis!

Iniligpit ko na muna ang hinigaan ko bago dinala sa kusina ang mga pagkain na nasa kwarto dahil kahit anong subok kung kainin hindi talaga gusto ng pang-amoy ko kaya naisipan ko na lang na sa labas kumain.

Tangahali na paniguradong wala na rin dito sa bahay si Ezekiel dahil may pasok pa siya sa opisina o baka nga kagabi pa siya umalis pinpuntahan ang mag-ina niya. Hindi ko nga alam kung ako ang nagdala sa sarili ko papunta sa kama o may ibang gumawa niyon sa akin?

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan papalabas ng bahay, nakasuot ako ng overall spaghetti strap pants then, white flat shoes. Dala-dala ko rin ang Isang folder na may lamang resume ko. Balak ko kasing mag-aply ng trabaho nakakahiya naman kay Ezekiel kung aasa ako sa kanina lalo't pa may binubuhay na naman na siyang pamilya, nakakahiya naman kila Mommy kung sa kanila pa ako aasa kahit na may asawa na ako, ayaw ko rin namang malaman nila ang nangyayari. Isa pa kailangan kong magipon para sa panganganak ko sa daily check up namin ng baby ko. Speaking of check up, schedule ko bukas. I need to get a job, for myself, for my baby at para na rin mabayaran ko si Lieven. Kahit pa sabihin niyang libre iyon nakakahiya sa kaniya.

Kaagad akong sumakay sa sasakyan ko ng napansin kong wala ang sasakyan ni Ezekiel, kanina pa siguro iyon naka-alis. Kaagad kung pinatakbo ang sasakyan ko papunta sa mall para mag breakfast.

After a minutes nakarating na rin ako sa carpark at maingat akong naglalakad papasok sa loob ng mall hindi pa naman halata ang baby ko but I need to be careful just what the doctor told me.

Dahil sa tinatamad akong maghanap ng ibang makakainan sa Jollibee na lang ako kumain, na miss ko rin kasi ito. Umurder ako ng isang complete meal then float, buti na lang at hindi sumama ang pakiramdam ko kaya nakakain ako ng matiwasay at nabusog ako. Siguro gusto rin ng baby ko ng Jollibee eh.

Wala pa akong trabaho na nakikita na pwede kung pasukan ayaw ko na munang gamitin ang pinag-aralan ko since kailangan ko lang naman ng temporary work kapag nakapanganak na ako maybe I'll find a job that suit to me, for now I try to be a waitress or something basta may mapagkakakitaan ako. Naglilibot ako sa mall ng napadaan ako sa isang shop para sa mga baby.

Pumasok ako doon at nakita kong may mga mang ilan-ilang mag-asawa at buntis ang namimili kaya napangiti ako kasi ang gaganda ng mga damit dito ang c-cute pa. Napadaan ako sa mga damit na pambabae, halos lahat ang gaganda, gusto ko tuloy bilhin lahat ng makikita ko pero bigla kong naalala na hindi ko pa alam ang gender ng baby ko isa pa wala pa akong sariling pera para pambili ng mga kakailanganin ko kaya, hangang tingin na lang muna ako.

"Ang ganda nito nu? Sa tingin mo bagay ito sa baby ko?" Napatingin ako sa isang babae sa tabihan ko hawak ang Isang white dress na pambata and I find it so cute. Ngumiti ako ng makita ko ang baby niya na karga-karga ng Daddy niya. She's so cute too, ang taba-taba ng pisngi niya.

"Yes, ang cute naman ng baby mo paniguradong bagay iyan sa kaniya." Masayang tugon ko sa kaniya.

"Ah, sige kukunin ko na nga ito. Nga pala binyag ng baby ko bukas at ito sana balak kung ipasuot sa kaniya, invite kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hala ang bait niya naman!

"Seryoso? Ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Sakto, hindi makakarating ang isang Ninang ni Baby kung ayos lang sayo pwedeng ikaw na lang ang pumalit," Nagkatinginan ang mag-asawa ng nakangiti pagkatapos sabihin iyon ng lalaki.

"Oo nga, pwede ka ba?" Masayang tanong sa akin ng babae.

First time kong maalok ng ganito, nakakatuwa lang kasi hindi kami magkakilala pero ang gaan ng loob ko sa kaniya.

"S-sure? Titingnan ko, kapag 'di ako dinalaw ng hiya ko." Napangiti ang dalawa.

"Ano ka ba wag mong tingnan! Ako nga pala si Annie and this is my husband James." Pagpapakilala niya.

"Samantha. I'm Samantha," Then I accept her hands for shake hands and she look at our hands, napakunot ang noo ko ng nakangiti siya sa akin ng nakakaloko.

"You're married, don't you?" Ngayon ko lang na realize na sa kamay ko siya nakatingin nahihiyang binawi ko ang kamay ko.

"Y-yeah." Nauutal kong sagot at ngumiti.

"Where is he? Invite him too, we glad to meet your husband. By the way nice to meet you Sam." Nakangiting sabi niya sa akin may kinuha siya sa bag niya at iniabot sa akin.

"This is my calling card, I'd love if you call me tommorow before we meet again. " Paalam niya.

"Okay, thank you. Thank for inviting me." Kumaway ako sa kanila. Ang cute naman ng baby nila, sana baby girl ang baby ko dahil bakas ang ngiti sa labi niya kapag kasama ang anak nila ni Bianca. I hope I can see his smile too with me and our baby.

Pagkatapos kung mag lakad-lakad sa mall hindi ko pa rin alam kung pupunta ba ako bukas o hindi, pero sa tingin ko kasi ay kailangan ko munang makapag hanap ng trabaho. Kaagad akong sumakay sa sasakyan ko at palinga-linga sa aking mga nadaanan nagbabaka-sakaling may hiring na shop na pwede kong pasukan.

Nanlaki ang mata ko ng may nadaanan akong isang coffee shop na may nakalagay na hiring two girl waitress and 2 dishwasher Siguro pwede ako sa waiter? Kasi hindi naman ako masyadong magaling maghugas, mas lalong wala rin akong experience na maging waiter. Sana ay matangap ako.

"Wish me luck baby." Nakangiting hinaplos ko ang tummy ko bago ako naglakad bitbit ang folder ko. Pagkapasok ko ay kaagad kung inilibot ang paningin ko nakita kong maganda ang buong paligid ng coffee shop halatang mamahalin ang lahat, masasarap rin ang mga pagkain na sine-serve nila.

"Hello Ma'am, good afternoon." Bati sa akin ng isang babaeng sa tingin ko ay waitress na may dalang menu.

"Hm... Hi! Nakita ko kasing hiring kayo, gusto ko sanang mag-aply bilang waitress." Nakangiting sagot ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya at tiningnan ako mula ulo hangang paa.

"Seryoso? Mag-a-aply ka? Hindi halata ah, teka lang tatawagin ko si Boss, sumunod ka sa akin." Hindi makapaniwalang sambit niya, siguro dahil sa pananamit ko kaya hindi halata na naghahanap ako ng trabaho.

Nakasunod lang ako sa kaniya hangang sa pumasok siya sa isang opisina, naiwan muna ako saglit sa labas pero kaagad niya rin akong binalikan, kinakabahan ako ng papasok ako sa loob, sana ay matangap ako para may pera akong maiipon.

Nakangiting humarap ako sa Boss kahit na labis-labis ang kaba sa dibdib ko nakita kong babae ito dahil sa itsura ng nakatalikod na upuan, halatang may pinagkaka-abalahan.

"Ma'am, ito na po siya." Saad ng babaeng waitress.

"Okay, you can leave now." I heard her voice that's make me gulp like it's familiar?

"So, nice to meet you miss—" Sabi niya habang dahan-dahan iniikot ang upuan niya papaharap sa akin, hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng makita ako. Maging ako ay natigilan ng makita ko siya at nanlaki ang mata ko. Oh my god!

"Samantha?!"

"Annie?!"

Sabayan naming sabi, napatayo pa siya habang buhat niya ang kaniyang anak. Oh my god! What a coincidence.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.