Chapter Thirty Nine | Truth

Lacey POV

Nakatulala ako sa kisame pagkatapos akong ilabas mula sa Recovery Room. Nagpaalam sa akin si Andrew na lalabas muna para sagutin ang tawag sa opisina.

Naramdaman ko ang pag bukas ng pintuan kaya napatingin ako. Hindi ko inaasahan ang taong pupunta sa akin ngayon.

Biglang nanlisik ang aking mga mata

"Anong ginagawa mo dito?" Mariin kong tanong. Bumangon ang galit sa dibdib ko. Ang taong dahilan ng pagkawala ng aking anak. Dahil iniwan ako sa kamay ng mga dumukot sa kin.

"Kumusta. Lacey Florencio or should I say Lady Satinne?" Mahina niyang tanong. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Nabigla ako nang lumapit siya sa akin bago yumakap subalit tinanggal ko ang kamay niya.

"Anong kailangan mo. Kuya Luis?" Tumiim ang aking mukha. Halatang naiiyak ang mga mata ni Kuya Luis tanda na gustong umiyak. Biglang nawala ang galit sa aking mukha nang lumuhod si Kuya Luis sa akin. Kaya nanlalaki ang mata ko sa pagtataka

"I need your - help!" Pilit na pinatatag ni Kuya Luis ang boses. Pinilit niyang hindi umiyak subalit mas lalong nanghina ang boses nito.

"You need my help? For what? Pagkatapos mo akong pabayaan sa kamay ng mga mandurukot?" Tumawa ako ng pagak. Galit ako sa taong ito. Sobrang sakit ang pang iiwan niya sa kin.

"Ginawa ko lang iyon dahil si... Si Daddy. Nagmamakaawa na itakbo na si Mommy sa hospital. Patawarin mo ako" Hinawakan niya ang kamay ko.

"Patawarin? Bakit? Tatlong araw Kuya. Tatlong araw akong binaboy ng lalakeng iyon. Mas gugustuhin ko pang mamatay. Tuwing naalala ko ang nakaraan nangyari sa akin. Diring diri ako sa sarili ko tapos sasabihin mo lang sorry?" Hindi ko mapigilan ang mapaluha.

"Inaamin ko natakot ako. Lacey, Naging mahina ako" Napaluha ng tuluyan ang kanyang mata habang nakatitig sa akin.

"Namatay ang anak ko Kuya!!! Alam mong buntis ako" Galit kong sigaw. Hindi ko matiis na masumbatan siya. Nanlilisik ang mata ko sa sobrang galit.

"Hindi namatay ang anak mo. Lacey, Buhay siyang binigay ko kay Andrew" Napaawang ang labi ko. Nanlaki ang mata ko sa rebelasyon ni Kuya Luis.

"Paanong -?" Subalit pinutol ni Kuya ang sasabihin ko.

"Natagpuan ka namin ni Kuya Roldan sa gitna ng kagubatan. Comatose ka nang pinag buntis mo si Andrei nanganak ka thru caesarian operation. Hindi mo ba nakikita ang hiwa sa ilalim ng tyan mo? Pagkapanganak mo kinuha ka ni Bryan MacKenzie sa Hospital. Hinanap kita subalit wala akong makuhang inpormasyon sa iyo" Paliwanag niya sa akin.

"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo!" Umiiling ako sa kanya. Akala ko ang hiwa sa akin tyan. Isa sa mga sugat ko nang ma rape ako.

"Ako ang naglagay sa gate ng bahay ni Andrew sa Massachusetts. Mas ligtas siya kung kay Andrew ko iiwan ang bata"

All this time anak ko si Andrei? Kaya pala. Kaya pala magaan ang loob ko sa kanya.

"Tulungan mo ako iligtas si Einah. Nakikiusap ako sa iyo. Lacey, Ikaw lang nakakaalam lahat kay Bryan" Pakiusap niya.

"Wala akong planong iligtas ang babaeng iyon. Kuya, dapat lang siya mamatay!" Nabigla ako nang hinigit ako ni Kuya Luis sa hinihigaan kong hospital bed. Sakal niya ang leeg ko. Kaya napalunok ako. Nakita ko ang galit sa kanyang mukha. Mabilis niyang nilabas ang baril at itinutok sa akin.

"Please Lacey?! Nakikiusap ako sa iyo. Alang ala sa dalawa mong pamangkin si Nicholas at Eirah. Ang mga anak namin!" Lumuluhang sinabi ni Kuya Luis. Nanlaki ang aking mata.

Pamangkin ko ang batang iyon?

"Imposibleng anak mo si Nicholas ang batang iyon sa pagkakaalam ko anak ni Ivan Le -" Pinutol ni Kuya Luis ang sasabihin ko.

"He is my real son according to DNA test kung tinatanong mo kung paanong nangyari. I left her pregnant before I go to US for studies" Paliwanag ni Kuya Luis naguguluhan ako sa nangyayari. Halo halo na ang lahat.

Una ang anak ko si Andrei. Ang pagnakaw ni Bryan MacKenzie sa akin habang comatose ako. Ang anak ni Kuya Luis. Ginamit niya ako para patayin ko ang sarili kong pamangkin. Bakit ganito kagulo ang sitwasyon namin? Walang may gustong magsalita sa amin dalawa. Nanatiling nakatitig ako kay Kuya.

Mas lalo sumiklab ang galit ko kay Bryan MacKenzie. Sa panloloko niya muntikan nang mamatay ang sarili kong pamangkin.

Nakaramdam ako ng kunsensya.

"I- I'm sorry Kuya Luis" Sunod sunod na luha ang lumabas sa kin.

"Kung galit ka. Sakin mo ibuhos Lacey huwag kay Einah. Nakikiusap ako sa iyo. Iligtas mo si Einah alang ala sa mga pamangkin mo umiiyak sila sa kanilang ina!" Humagulgol sa pag iyak si Kuya Luis.

Napakagat ako sa labi. Sasagutin ko na sana si Kuya Luis nang bumukas ang pinto. Naabutan kami ni Andrew naka hawak sa leeg ko si Kuya at nakatutok ang baril sa sentido ko. Palipat lipat ang tingin niya sa amin.

"What's happening here?" Mapanganib na tanong niya. Akmang lalapit si Andrew.

"Don't come here. Andrew!" Babala kong sinabi. Binitiwan ako ni Kuya Luis nagkatitigan kami nagpapahiwatig ng pakiusap.

Tumango ako sa pakiusap ng kanyang mata. Bumuka ang labi ko.

"Bukas ng umaga nasa bahay mo na si Einah" Nakayuko kong sinabi.

Ililigtas ko si Einah para sa kapatid ko.

"Maraming salamat. Lacey, Patawarin mo ako" Yumugyog ang balikat ni Kuya Luis pagkatapos akong yakapin. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"I miss you my little sis" Tumayo si Kuya Luis. Nagkatitigan sila ni Andrew bago umalis ang kapatid ko.

***

Muling namuo ang katahimikan sa loob ng kwarto. Walang may gustong mag salita sa amin dalawa ni Andrew.

Katok sa pinto ang narinig namin. Kaya pinagbuksan ni Andrew ang tao sa labas.

"Good afternoon Sir and Ma'am, dala na po namin si Baby Diorella" Anunsyo ni Dra. Althea sa amin. Kinuha ni Andrew ang anak namin. Nakita ko ang saya sa kanyang mukha habang buhat ang anak naming babae. Napangiti ako binigay niya sa akin si Diorella.

Tumingin ako sa masayang mukha ni Andrew.

"Thank you. Thank you for taking care of our kids" Nagtatakang napatingin si Andrew. Sa pagkakasabi kong "our" subalit inisip nito na tinuturing kong anak si Andrei.

Kinuha niya ang kamay ko. Hinalikan niya ito habang buhat ko sa kaliwang kamay si Baby Diorella.

Sinabi ng nurse na ibabalik na si Diorella sa nursery room.

Pagkatapos na kinuha ng Nurse ang anak namin.

"May gusto ka bang kainin?" Malambing niyang tanong. Umiling ako sa kanya. Dahan dahan akong tumayo. Kinuha ko ang bag nasa gilid ng kama ko. Binigay ko ang yellow folder sa kanya. Nagtatakang nagsalubong ang kilay ni Andrew .

"What's this?" Nagtatakang tanong ni Andrew. Pinakawalan ko ang buntong hininga.

"Pre Nuptials Agreement. Nandyan na ang pirma ko" Binuksan ni Andrew ang Folder. Napatitig siya sa nilalaman ng papel.

"Deposit the 5 million pesos to my account tomorrow. Kailangan ko nang bumalik kay Aaron" Hindi ako makatingin sa kanya.

Kailangan ko gawin ito para sa kaligtasan ng mga anak namin. Hindi pwedeng malaman ni Bryan ang tungkol kay Andrew.

Itinapon niya ang papel.

"Iiwan mo ang anak natin? Ganon na lang ba kadali sa iyo ang lahat?! Ipagpapalit mo si Diorella sa lalake mo? " Nanlilisik ang mata ni Andrew habang nakatitig sa akin.

Mas mabuti pang ganon na lang ang isipin ni Andrew. Sa mga sinabi ng ama nito na hindi niya ako gusto para kay Andrew.

"Oo! Mahal ko si Aaron. Masaya ka na?! Ibibigay ko na sa iyo si Diorella" Patagong kinagat ko ang labi sa pag pipigil ng iyak sa harap niya.

"Damn you Lacey! Tahimik na ang buhay ko simula nang dumating ka. Ginulo mo lang. Sana pinili ko na lang si Angelina maging ina ni Diorella kaysa sa iyo" Sinuntok ni Andrew ang pader sa sobrang galit niya. Mabilis na umalis si Andrew sa sobrang sama ng loob. Iniwan niya akong nag iisa.

Napaluhod akong umiiyak.

"I'm so sorry Andrew. Mahal na mahal kita pati ng mga anak natin" Mabigat ang dibdib ko. Halos hampasin ko sa sobrang sakit.

"Ayokong madamay kayo sa gulo ng pamilya namin" Pilit akong tumayo kahit masakit pa ang sugat ko sa puson mula sa caesarian operation. Pagkatapos kong mahimasmasan.

Inalis ko ang Dextrose sa kamay. Mabilis kong kinuha ang cellphone. Hindi maaring ipag pabukas ang lahat. Sa ginawa ni Kuya Luis sa anak ko kay Andrei. Gusto kong pag bayaran ang ginawa ko sa anak ni Einah.

Tatlong Ring bago sinagot ni Aaron ang tawag ko.

"Agent Arrow, pick me up here in hospital. Inform our men to prepared the weapons. Locate the location area of Einah Sandoval"

"But Satinne, you are just gave birth this morning?" Pag aalalang sinabi ni Aaron sa akin.

"That's an order Agent Arrow!" Ibinaba ko ang tawag. Kinuha ko ang bag para mag palit na ng damit kailangan kong tumakas ngayon sa Hospital.

Isang desisyon na kailangan kong gawin. Ang pagbayarin si Bryan MacKenzie.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.