Chapter Forty | Truth

Lacey POV

"Agent Arrow, can you hear me?" Inayos ko ang earbuds nakakabit sa tainga ko. Nakasuot ako ng itim na sleeveless black with black jacket, black pants at eight eye black boots. Nakakabit sa akin ang mga baril kasama ng sniper ko. Kilala ako isa sa pinakamagaling humawak ng sniper.

Nakita ko sa Binocular Telescope si Einah. Nakatali ang kamay at paa habang nakaupo sa upuan. Binubugbog ng tatlong kalalakihan.

Nakatutok ang Sniper ko kung saan nakapwesto ang tatlong lalake. Sa ngayon hindi ko pa kakayanin na makipag combat sa mga kalaban lalo na hindi ako ganon kalakas para makipag laban. Ramdam ko ang sakit sa puson ko sinuotan ko ng post partum girdle c - section. Grabe si Andrew nakadalawang bata na lumabas sa Matris ko. Ako ang nag hirap pero lahat kamukha niya.

Sa pag pisil ko sa trigger. Isang iglap nakahiga na ang tatlong kalalakihan. Nagkagulo na ang iba.

"Agent Arrow, move your men inside the warehouse. Make it fast!" Tumayo ako papunta kay Einah.

Dalawa kami ang Leader ni Agent Arrow/Aaron sa itinayo naming A&L Organization.

Narinig ko ang palitan ng putok ng mga baril. Matagumpay akong nakapasok sa loob ng warehouse kahit hirap akong makakilos. Nakita kong lupaypay si Einah sa upuan. Naawa akong pinagmasdan ang kanyang mukha. Tadtad ng pasa. Alam nilang pag pinakawalan nila si Einah kaya silang labanan kaya pinili nilang tinali ito sa upuan.

Mabilis kong kinuha ang Dagger knife sa loob ng aking Jacket. Habang kinakalas ko ang tali sa kamay at paa niya. Bumuka ang mata niya.

"What are you doing here lady S?" Kahit hirap sa pag sasalita si Lady X. Gulat ang nababanaag sa mata ni Einah.

"I'm here to save you" Tipid kong sagot.

"Te- Thank you Lady S" Sinserong pahayag ni Einah.

"Do not thank me Lady X, because I need your help too" Inilagay ko ang kamay niya sa aking balikat. Kahit nahihirapan pinilit ni Einah ngumiti tanda na sumasang ayon sa kahilingan ko.

Nakasalubong ko si Aaron sa labas ng pinto.

"Let's go. Satinne! I'll call the back up!" Tinulungan niya akong alalayan si Einah hanggang sa maipasok sa loob ng itim na Van.

Hinawakan ko ang kamay niya. Gusto kong humingi ng tawad

"Einah, I'm sorry for all I've done to you. Hindi ko alam ang tungkol sa inyo ni Kuya Luis" Madamdaming kong sinabi. Dahil sa akin muntikan nang malagay sa panganib ang pamangkin ko.

"It wasn't your fault. Lacey, kay Bryan natin isisingil iyon. I promise we will finish this fight" Ipinikit niya ang mata tanda na gusto nitong mag pahinga.

***

Matthew POV

Kagabi pa ako walang tulog. Kakahintay sa Ina ng aking mga anak si Nicholas at Eirah.

Kahit ang anak kong si Nicholas hindi rin makatulog sa pag aalala sa kanyang ina. Nasaksihan nito ang pag dukot kay Einah kaya walang tigil ang anak niya sa kakatanong sa akin. Hinaplos ko ang mukha ng aming anak. Kamukhang kamukha niya talaga si Einah. Kung may nakuha sa akin ay ang ilong at build ng katawan niya. I can't believed na may anak akong 12 years old. Nagpasalamat ako kay Ivan sa pag papalaki niya ng maayos sa anak namin ni Einah. Ang unang asawa ni Einah.

Naalimpungatan ang anak namin. Habang karga ko ang kapatid niyang babae natutulog sa bisig ko walang tigil sa kakaiyak. Hinahanap ang kanyang ina. Nagising ang anak ko si Nicholas.

"Dad, I'm worried to our Mom. I don't want to lose her again" Niyakap ko ang anak. Habang karga ko si Eirah. Sa totoo lang hindi ako mapakali. Kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Lacey.

Naalala ko ang kinuwento sa akin ni Einah ang nangyari sa kanila ni Ivan iniwan nito ang asawa't anak para makapag higanti kay Bryan MacKenzie.

Sa pag balik ni Einah sa asawa nito huli na ang lahat may iba nang minamahal si Ivan. Kung ako lang nagpapasalamat ako dahil nag mahal ng iba si Ivan hindi ako magiging ganito kasaya. Ngayon kasama ko ang asawa't at mga anak namin.

Tumunog ang cellphone ko hindi pa natatapos ang ring sinagot ko na ang tawag.

"Son, Let's go to the Hospital. You're Mom is safe now. " Naluluha kong sinabi sa anak namin. Masayang balita ang dumating sa amin.

"Thank you. Lacey" Mahinang usal ko.

I love Einah so much. Ang marinig ko lang na ligtas na siya. Nabuhayan ako ng loob.

Gagawin ko ang lahat matulungan ko ang kapatid ko na haharapin si Bryan MacKenzie para matapos na ang pag papahirap sa pamilya namin.

***

Lacey POV

Nakatayo ako sa gilid ng kama ni Ate Einah habang karga ko ang xerox copy kong pamangkin si Eirah.

Buti pa si Kuya kamukha niya ang anak niyang babae. Samantalang ako dalawa na ang anak ko kay Andrew ni isa wala akong kamukha.

Nagkatotoo ang hiniling ko noon na sana kamukha niya anak namin pero hindi ko sinabi lahat.

Magkatabing naka upo ang pamangkin ko si Nicholas at Kuya Luis.

My nephew Nicholas. Napangiti ako habang pinag mamasdan ko ito. Kaugali nito si Kuya Luis masyadong matalinong bata. Pati ang kilos niya parang si Kuya Luis pero ang mukha ng bata kamukhang kamukha ni Einah.

Hindi ko alam kung coincidence ba ang nangyayari sa amin. Akalain mong sila pala ni Ate Einah ang babaeng nakasama ko sa panahon na Assassin pa kami ni Bryan MacKenzie.

Flashback

Pinagmamasdan ko ang sasakyan ni Einah. Nakahinto sa harap ng malaking bahay sa Los Angeles. Palihim ko siyang sinusundan. Nakita kong lumabas ang batang lalake. I think nasa anim na taong gulang. Mukhang kasama nito ang ama naglalaro sa garden. Mga ilang minuto lang umalis ang sasakyan ni Einah. Mukhang sinilip lang ang asawa at anak. Lihim akong napangiti alam ko na may tinatago siya. At tama nga ako. May mission si Einah sa Los Angeles dahil bored ako ngayon naisipan ko na sundan siya.

Kinuha ko ang phone tinawagan ko ang isa sa mga tauhan ko.

"Gilbert, can you investigate this man" Binigay ko ang address at picture ng lalake.

Ilang araw kong hinintay ang result.

Nalaman ko si Ivan Lester Gonzales - Black at may anim na taong anak si Nicholas Sandoval - Black. Asawa at anak ni Einah.

"How stupid of you, Einah! you give up your family for this fucking mission" Hawak ko ang larawan ni Ivan kasama ang babae nito nangangalan Harriet. Halatang mahal nila ang isa't isa.

"Lady Xelena, mukhang wala ka ng babalikan pa na asawa at anak" Napailing ako hawak ko ang larawan ng pamilya ni Einah.

Masaya akong nakikita na buo ang pamilya ng kapatid ko. From Secret Agent to Secretary. Ngayon she is my Kuya Luis Wife. Halos pareho kami ng kapalaran ni Lady Xelena. Lihim akong napangiti. Napakaliit talaga ng mundo akalain mo na bahagi pala ng pamilya namin si Einah. Inamin ko din sa kanila na ako ang bumaril sa killer gustong ipapatay ni Bryan MacKenzie ang pamangkin kong si Nicholas.

"Kuya Luis, I want to talk to you outside" Untag ko kailangan kong sabihin ang mga plano namin para mapabagsak namin si Bryan MacKenzie.

Tinawag namin ang yaya ni Eirah. Para ibigay sa kanya ang pamangkin kong babae.

"I'll give one month rest kay Ate Einah. We need her sa plano namin patayin si Bryan MacKenzie." Seryoso kong sinabi.

"After gumaling ang mga sugat at bugbog ni Ate Einah. Sasama siya sa amin" Tahimik nakikinig si Kuya Luis. Alam niya ito ang magiging kapalit sa pagligtas ko sa babaeng mahal niya. Huminga siya ng malalim.

"I know this will be happened. But promise me Lacey. Please be safe. I love you my little sis. I'll take care of everything pati sa anak ninyo ni Andrew" Niyakap ko si Kuya Luis iyon lang ang gusto kong marinig. Natatakot akong idamay ni Bryan ang mga bata ikakamatay ko iyon.

***

Seven months Later

Nakatitig ako sa mag a - ama ko kasama ang mga bata. Nasasaktan akong makita si Andrew kasama si Angelina. Para silang isang buong pamilya kung pwede ko lang silang alagaan at hawakan subalit hindi maari.

Ayokong malaman ni Bryan MacKenzie tungkol kay Andrew kaya hinayaan ko si Andrew. Masakit sa kin na makita ko na may kasama siyang iba. Kung pwede ko lang siyang ipaglaban. Subalit si Bryan MacKenzie ang taong pag nalaman niya tungkol sa kahinaan ko gagamitin niya si Andrew. And worst aangkinin nito ang kumpanyang pinag hirapan ng ama ni Andrew.

Hindi birong makalaban ang isang Bryan MacKenzie. Mafia of all the mafia. Maraming sinirang buhay ang taong ito. Suntok sa buwan ang kalabanin ang isang katulad niya.

Pinaandar ko ang sasakyan napansin kong tumingin sa kinalulugaran ng sasakyan ko si Andrew.

Nakita ko ang pag ngisi niya nakatingin sa kin. Kahit hindi niya ako nakikita.

Alam ba niya na ako ang nasa loob ng sasakyan?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.