“OKAY na talaga kayong dalawa, Quinn? Wala na kayong LQ?” tanong ni Harry nang salubungin sila ni Chance pagpasok nila ng bar.
Magkahawak ang kamay nila ng binata. Masaya ang naging workshop nila at plano nitong mag-launch ng booklet na may mga tula na tumatalakay sa bullying. Ka-collaborate nito ang iba pang mga biktima ng bullying. Kasama din ang sarili niyang tula sa ila-launch. Matapos ang workshop, pakiramdam niya ay may mas malalim silang koneksyon sa isa’t isa.
“Oo naman.” Pinahirapan ni Chance ang kamay niya. “Ito lang namang si Quinn ang mahirap paamuin. Pinahirapan ako nang todo.”
“Siyempre, ganoon talaga ang mga babae kapag nasasaktan,” makahulugang sabi ni Harry at sinulyapan siya. “Harry, hindi ba bagay na bagay sila?” puna ni Sosimo sa kanila ni Chance.
“Bagay naman talaga kayo,” sabi ni Sosimo. “Manhid ka lang kasi.”
“Anong manhid?” bulalas niya at pasimpleng sinipa si Sosimo.
“Ay! Sinipa ako ng bonggang-bongga!” tili ni Sosimo. “Violent reaction.”
Pinanlakihan niya ng mata si Sosimo. Di lang sipa ang matitikman nito. Gugulpihin niya ito oras na ibulgar nito kay Chance ang pagsinta niya.
“Chance! You are finally here!” excited na salubong dito ni Cindy at umabrisyete agad sa binata. “Kanina ka pa namin hinihintay.”
“Kadarating lang namin ni Quinn,” anang si Chance.
“And they should not manipulate you like this. Come. Matutuwa tiyak ang classmates natin kapag nakita ang bagong ikaw,” sabi ni Cindy at inakay si Chance papunta sa second floor ng bar na naka-reserba para sa kanila.
“Girl, gusto mong ako na ang kumalbo sa pinsan mo?” nakataas ang kilay na tanong ni Sosimo. “Nakakapikon na kasi. Kung makaasta akala mo siya ang naka-discover sa kaguwapuhan ni Chance. Duh! Isa kaya siya sa nam-bully kay Chance noon.”
“That’s Cindy being Cindy,” sabi naman ni Harry at nagkibit-balikat. “Parang di ka nasanay sa isang iyan. Gusto niya nakadikit siya sa kung sino ang sikat. Pero siguro naman alam na ni Chance kung sino ang mga tunay na nagmamalasakit sa kanya.”
Sana nga. “Ano bang makakain diyan? Gutom na ako,” anang si Quinn at sumunod na rin umakyat sa second floor.
Sentro na ng atensiyon si Chance. Ang mga kaklase nila dati na dumalo sa party ay excited nang malamang ito ang writer na si King. Ang iba ay may dala pang libro at si Cindy pa ang puri nang puri sa binata kung gaano ito kagaling.
“Pustahan tayo di binasa ni Cindy ang tula ni Chance,” bulong ni Sosimo sa kanila ni Harry.
“O kung binasa man, baka wala siyang naintindihan katulad ng ibang mga kaibigan niya,” anang si Harry at humalakhak.
“Hayaan n’yo na sila. Ang mahalaga binibili nila ang libro ni Chance. Benta din naman iyan,” sabi ni Quinn at sumimsim ng orange juice. “Hayaan n’yo lang din na i-enjoy ni Chance ang kasikatan niya.”
“Understanding girlfriend. Clap clap clap champion ka diyan, bestie,” anang si Sosimo at pumalakpak.
“Baliw! Deserving lang si Chance sa lahat ng success na ito. Isipin mo sa dami ng pinagdaanan niya, nabago niya ang sarili niya. Saka tumutulong pa siya sa iba na nabiktima din ng bullying.”
At ikinuwento niya sa mga ito ang tungkol sa susunod na project ni Chance na kasali siya para sa mga biktima ng bullying. Umaasa sila na dumami pa ang mabago ng booklet na ilalabas nila. Ang magbigay ng lakas ng loob sa mga biktima ng bullying at maging aware ang ibang tao na bullying na pala ang ginagawa ng mga ito at labag na sa batas. “Hawak-kamay kami ni Chance na gagawa ng pagbabago. Masaya ako dahil iisa lang kami ng advocacy.”
“Kaso iba naman yata ang advocacy ng pinsan mo,” anang si Sosimo at ngumuso sa dance floor.
Sa gitna no’n ay halos lingkisin na parang sawa ni Cindy si Chance. Rave music ang tugtog pero nang-aakit na ikinikiskis ng pinsan niya ang katawan sa binata. And Chance was... Enjoying it? Parang masaya ito sa ginagawa ni Cindy.
“Nagseselos ka ba?” tanong ni Sosimo. “Sabi ko sa iyo kalbuhin na natin.”
Iniwas na lang niya ang mga mata. “Hayaan ninyong mag-enjoy si Chance. Party niya ito.” Wala naman siyang magagawa kung masaya ang binata na kasayaw ang pinsan niya.
“Martir much?” tanong ni Sosimo.
“Kung gusto mo magsayaw na rin tayo,” yaya ni Harry sa kanya at hinila siya patayo sa upuan. “Walang mangyayari kung magmumukmok ka lang dito.”
Sa gitna ng dance floor ay hindi na makita ni Quinn si Chance. Nakakalungkot dahil nag-enjoy na ito sa pakikipagsayaw kay Cindy at nakalimutan na siya. Nagsayaw lang siya nang nagsayaw at inimbay ang katawan sa tugtog. Bahala na. Pumikit na lang siya at dinama ang musika. It was a rave music. Hindi mahirap gawan ng step. Sayaw langn siya nang sayaw at kunwari ay nag-e-enjoy. Sa isip niya ay pilit niyang binubura ang imahe ni Chance na masaya habang kasama si Cindy. I will have fun! I want to have fun!
Itinaas niya ang mga kamay at sumigaw. “Yeah!”
Nagulat na lang siya nang mapansin na tahimik na ang lahat maliban sa malamyos na piano at ang boses ni John Legend na kumakanta ng All of Me. Pagdilat niya ay nagulat siya dahil nakatingin sa kanya ang mga tao na pawang may kanya-kanyang kapareha. Hindi na rave music ang tumutugtog at iba na rin ang sayaw. Hindi na niya makita sina Sosimo at Harry. Iniwan siya ng mga Hudas.
“That’s cool. Di ko alam na bagay din pala ang step na iyan sa All of Me,” anang boses ni Chance sa likuran niya.
Nanigas ang katawan ni Quinn. Naman! Bakit biglang sumulpot doon si Chance? Ang alam niya ay nasa kung saang parte ito ng dance floor at kasayaw ang grupo nila Cindy.
“Uh... Akala ko remix kasi,” aniya at kinagat ang labi.
Lumigid ito at tumayo sa harap niya. He had an amused look on his face. “Gusto sana kitang samahan sa remix mo pero sa palagay ko mas bagay ang step na ito,” sabi nito at hinapit ang baywang niya.
Nahigit ni Quinn ang hininga at itinukod ang mga palad sa dibdib ni Chance. Nanlaki ang mga mata niya. “Isasayaw mo ako?”
“Ayaw mo ba akong isayaw?” tanong nito.
“No, I mean...” Hindi siya handa. Di niya alam kung paano pakakalmahin ang tibok ng puso niya. “Can you dance?”
“Don’t worry. Hindi naman siguro tayo magbe-breakdance dito. Hindi ko rin tatapakan ang paa mo,” anito at umimbay ang katawan nito sa musika.
Hindi niya alam kung paano titingin dito. She was dancing with him and she was getting cold feet. Ilang pulgada lang ang layo ng katawan nito sa kanya. She dance with him, feel his nearness. Pero natatakot siya na malaman nitong daig pa niya ang tumakbo sa marathon bilis ng tibok ng puso niya.
Idinikit ni Chance ang noo sa noo niya. “Hoy! Bakit hindi mo ako matingnan? Kung saan-saan ka nakatingin?” tanong nito.
“H-Hinahanap ko sila Harry...”
“Nagpahinga na. Bumalik na sa taas. Gusto ko tuloy isipin na ayaw mo akong kasayaw o napapangitan ka sa akin,” nagtatampo nitong sabi at ibinaba ang mga mata.
Hinawakan niya ang baba nito. “Ang drama mo. Umayos ka nga.”
“Gusto ko kapag nagsasayaw tayo, sa akin lang ang atensyon mo. Gusto ko sa akin ka lang nakatingin at ako lang ang iniisip mo. Ayokong kinukuha ng iba ang atensyon mo.”
“Wow! A bit demanding, aren’t we?” nakangisi niyang tanong.
“Pwede mo bang gawin iyon? Please?”
She just couldn’t pretend otherwise. The please nailed it. Kaya habang nasa mga bisig siya nito ay tumitig siya sa mga mata nito. And she was lost. Pakiramdam niya ay nasa ibang mundo siya habang nakatitig sa mga mata nito - isang mundo na silang dalawa lang. And she wanted to stay in that world, in his arms forever.
“Excuse me? Pwedeng ako naman ang isayaw ni Chance?” tanong ng maarteng boses ni Cindy na sumira sa magical moment nila ng binata. “Kanina ka pa kasi.”
Ibang klase talaga ang pinsan niya. Hindi na ito nasiyahan na minanipula ang atensiyon ni Chance mula pa kanina. Pati pagsasayaw nila ay kailangan pa itong umeksena.
“Okay,” napipilitan niyang sabi at bumitiw kay Chance. “Thank you for dancing with me.”
Tinalikuran na niya ang mga bago pa magbago ang isip niya at makatikim ng salita sa kanya ang pinsan niyang kulang sa atensyon. Tuloy-tuloy siya sa ladies room sa inis. Hindi niya alam kung tatagal siya sa gabing iyon nang nakikita si Chance sa bisig ng pinsan niya.