Mariing pumikit si Cindy. “You are starting to get into my nerves. Hindi ako santa, Quinn. Lahat tayo nagpapanggap na mabuti sa harap ng iba kahit na may kamalditahan tayo. At nakikinabang din naman ang mga losers sa akin.”
“Iyan kasi ang akala ninyo na sapat na ang exposure at ang pera na kaya ninyong i-provide. Don’t you think that those kids have money, too? Ilan sa kanila galing din sa may kilalang pamilya. Di naman simpleng atensiyon o exposure ang kailangan nila. They need genuine love and concern.”
Tinapik ng pinsan niya ang balikat. “Kaya ka nga nandiyan para sa kanila. Hmmm... Huwag mo na akong kontrahin. Ayokong isipin na nagseselos ka sa akin dahil ako ang laging kasama ni Chance ngayon.”
“Isa pa iyan. Bakit mo siya kinakaladkad dito? Hindi mo ba naisip na baka mapahamak siya kay Turvey?”
“Break na kami ni Turvey. Wala na siyang pakialam. After all, mawawalan na rin siya ng power. His family is starting to lose their status in the society. And I am opening a new chapter of my life now with Chance. Don’t we look good together. He was bullied and I am the queen he fell in love with. At nagbago siya para sa akin. Ngayon ay bagay na kami. What a lovely love story.”
“Alam ni Chance ang totoo mong kulay. Your heart is black.”
“Really? I may be a bitch but your Fat Chance still loves me. Tanggapin mo na lang na iba talaga ang ganda ko, cuz. Don’t worry. I won’t reject him this time. Ngayon pa na perfect na siya para sa akin?”
“You make me sick,” usal niya at iniwanan ito sa restroom. Hindi na niya matatagalan pa ito. Hindi na niya kayang maging participant sa kalokohan ni Cindy.
Nagpaalam siya kay Kelly, sa mga participants sa bullying recovery session at sa mga staff ng pageant. Tinapik lang niya sa balikat si Chance. “I’m leaving,” aniya lang sa malamig na boses.
“S-Sandali. Hindi pa dumadating ang pagkain,” sabi nito at tumayo.
“Sa bahay na lang ako kakain,” aniya at naglakad na palabas ng restaurant.
Sinundan siya ni Chance. “May problema ba? Kanina ko pa napapansin na hindi ka kumikibo.”
“Ikaw ang problema ko. Isinubo mo na naman ang sarili mo ay Cindy at ngayon ay pati ang center nadadamay. Did you watch the interview? It was a disaster. Mali-mali ang pinagsasabi niyang pangalan, kung anu-anong drama ang ginawa niya at iniba niya ang kwento ng mga participants, whatever suits her...”
“She tried hard.”
“Ginagamit ka niya at ang center para sa sarili niyang interes. I don’t have time for this kind of hypocrisy, Chance! Kaya mas mabuti pang umalis na lang ako.”
“Quinn, wait!” Hinarangan ni Chance ang dadaanan niya. “You can’t just leave like this. Alam ko siguro may mali ako pero gusto ko lang namang makatulong.”
“Magpakatanga, you mean? I just can’t see you like this. She rejected you once. Hindi ka na natuto ng leksiyon mo. Ngayon parang baliw ka na naman na nakakapit sa bawat sa sasabihin niya. Alam mo ba ang gulong pinapasok mo, Chance? Oras na malaman ni Turvey na nandito si Cindy, iisipin niya na nag-break sila dahil sa iyo. And you know what it means. Guguluhin na naman niya ang buhay mo.”
“Whoa! Wait!” Itinaas nito ang dalawang kamay. “We know each other. Nakita ko na malungkot siya kahapon. Natural lang pasayahin ko siya.”
Sarkastiko siyang ngumiti. “Ano ito? Pinapaikot mo rin ba ako? She is obviously after you. At di rin ako magtataka kung ikaw ang dahilan ng break up nila ni Turvey. Ano ito? Gina-grab mo ba ang opportunity para maging sa iyo si Cindy?”
“Wala akong ginagawang masama,” mariing wika ni Chance. “Tumutulong lang ako. At masyado pang maaga para isipin na ako nga ang gusto ni Cindy. Nagkataon lang siguro na ako lang ang pwede niyang makausap.”
“Chance, bulag ka talaga pagdating kay Cindy. Bibilhin mo kahit anong sabihin niya. Akala ko nagbago ka na. But you are at it again. Mahal mo pa rin siya.” Umiling siya. “I can’t see you like this.”
Halos di na siya makahinga sa sama ng loob. It was too much.
Hinawakan nito ang bag niya. “Quinn, let’s talk. Hindi ka pwedeng basta-basta na lang umalis.”
“What’s this? Hindi ka ba natutuwa na hinahayaan kita kay Cindy?”
“Pero sabi mo concern ka sa akin. Hindi mo ako hahayaan na gumawa ulit ng isang pagkakamali. Kaya hindi ka aalis at makikinig ka sa akin.”
“Chance, don’t do this to me.” Isinuklay niya ang daliri sa buhok. Naiiyak na siya at di niya alam kung paanong makakalayo. She just wanted to hide in her own cave and lick her wounds. “I’ve been through this before. Nasira ang pagkakaibigan natin dahil kay Cindy. Hindi ko matatagalan na nakikitang mahal mo siya pero di niya kayang mahalin ang buong pagkatao mo. Natatakot ako na saktan ka niya ulit.”
“Kung ayaw mong masaktan ako, dito ka lang sa tabi ko.” Hinawakan nito nang mahigpit ang kamay niya. “Kung alam mo na hindi ako magiging masaya kasama siya, hindi mo ako iiwan.”
Umiling siya at hinila ang kamay niya. “I am sorry. Chance, kahit na gusto ko na manatili sa tabi mo, hindi ko matatagalang makita ka na ganito. Masaya ka naman kapag kasama mo si Cindy. At kahit na ano pang sabihin ko, hindi ko maibibigay ang kaligayahan mo. As a friend, I won’t bother you this time. Hahayaan kita kung saan ka mas masaya.”
Niyakap siya nito. “No! I won’t let you go. Gusto mo ba na layuan ko siya? Iyon ang gagawin ko.”
“No. Gawin mo kung ano ang alam mong tama at magpapasaya sa iyo. Huwag mong gawin dahil iyon lang ang gusto ko.”
“Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong gawin ko,” mariing sabi nito. “Just say it.”
Sa nanlalabo niyang mga mata ay tinitigan niya ito.l “Love me. I want you to love me, Chance. Hindi bilang kaibigan. I want you to see me as a girl who loves you. I want you to love me back.”
Natigagal ito. “You love me?”
“Noon pa. Kahit noong ikaw pa si Fat Chance, bago ka pa naging si King, mahal na kita. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko inangkin mo na ang puso ko. But just like the cakes you love to give me or bribe me with, you are not good for me. Hindi mo naman ako mahal. Pinsan ko pa rin ang mahal mo.”
Umiling ito. “Hindi ko alam...”
“Wala ka namang alam dahil si Cindy lang ang nakikita mo. Kahit na saktan ka niya, tanggap ka lang nang tanggap. Kahit na gamitin ka lang niya, ayos lang sa iyo kasi masaya ka. I wish I could say the same to you. Pero hindi ako masokista o martir. Nasasaktan ako ngayon. Kaya ayoko nang maging kaibigan ka noon.That’s why I want to quit being your friend for good. Ayoko nang magpanggap na masaya para sa iyo. Ayoko nang masaktan.”
Yumuko siya at humagulgol ng iyak. She laid all her cards for him. At alam niya na sa simula pa lang ay talo na siya.
“Quinn, ayokong magkasira tayo dahil lang kay Cindy.”
“Kung siya ang magpapasaya sa iyo, di kita pipigilan. Maging masaya ka sa pinsan ko.” Kinagat niya ang labi habang pinipigil ang sarili na humagulgol ng iyak. Kinuyom niya ang palad. She wanted to touch him one last time but decided not to. Kailangan niyang labanan ang puso niya. Oras na madama niya ang init ng balat nito sa ilalim ng palad niya ay baka hindi na niya ito pakawalan pa. “Be happy, Chance. Alam ko naman na kahit wala ako sa buhay mo ay magiging masaya ka. Just like before. Just like before.”
Patakbo niya itong iniwan at sumakay sa kotse niya. Inutusan agad niya ang driver na magmaneho palayo doon. Palayo kay Chance.
Pagdating talaga sa pag-ibig ni Chance ay lagi na lang siyang talo. She was a hopeless case. Pero sinubukan naman niya. Iyon ang mahalaga. Sa pagkakataong ito, di nga lang niya alam kung saan sisimulan ang pagbangon ng puso. She was afraid her heart won’t be able to recover anymore.