PANCAKES, fried rice, hot dogs, bacon, eggs, cheese, bread and hot coffee. Ang mga iyon ang naabutan ni Luka sa kanyang kusina nang umagang iyon.
“Good morning, elyen girl!”
And of course, a very loud and very gorgeous Khaki in an apron. Ang ganda ng simula ng umaga niya.
Tumango lang siya at umupo na sa harap ng mesa. “Anong oras ka ba pumupunta rito sa bahay ko?”
“Five o’clock in the morning. Sharp.” Hinubad nito ang apron bago umupo sa harap niya. “What do you want to eat?”
“Bread lang.”
“Okay.” Pero sinangag, dalawang hot dog, isang sunny-side up, at bacon strips ang inilagay nito sa plato niya.
“`Sabi ko, bread lang.”
“Mas maganda ang heavy meal sa breakfast. Saka nagpakahirap akong magluto pagkatapos bread lang ang kakainin mo? Eh, di sana bumili na lang ako ng pandesal.”
“Wala namang pumilit sa `yo na ipagluto ako.”
“Kumain ka na nga lang,” angil nito sa kanya.
Sinupil niya ang ngiti niya. Kumain siya ng inihain nito kahit hindi siya sanay kumain ng agahan. Kapag nagtatrabaho kasi siya, magdamagan kaya tanghali na siya kung gumising. O kung maaga man siya magising, matutulog lang uli siya.
But today was an exception. Alam kasi niyang darating sa bahay niya si Khaki para magluto ng almusal. Hindi naman ganoon katigas ang puso niya para hindi ma-appreciate ang effort nito.
Isa pa, wala na siyang dahilan para itaboy ito dahil nagtagumpay na ito sa pagtibag ng pader sa paligid niya. Alam niya kung saan patungo ang nararamdaman niyang iyon para sa binata, pero gusto niyang magdahan-dahan muna. Matagal niyang inilayo ang sarili niya sa ibang tao. Gusto niyang makasiguro na totoong nahuhulog ang loob niya kay Khaki at hindi lang siya komportable rito.
Tumikhim siya. “Khaki, salamat sa lahat ng ginawa mo sa’kin. I’m sorry, too, if I was cold and mean to you before.”
Ginagap nito ang kamay niya at idinikit iyon sa pisngi nito. Hindi siya nagtangkang magbawi ng kamay dahil gusto niya ang pakiramdam na hawak siya nito.
“Luka, hindi mo naman kailangang humingi ng sorry. Handa namang magpaka-masokista ang puso ko para sa’yo. Anytime, anywhere.”
Tinapunan niya ito ng masamang tingin, pero alam niyang hindi `yon epektibo dahil naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. “Khaki, tungkol sa pagtatapat mo ng pag-ibig sa’kin, hindi ko pa alam kung kaya ko nang magmahal uli. Ngayon pa lang ako bumabawi sa mga magulang ko. Frankly speaking, ang huli kong priority ay ang paghahanap ng magiging nobyo. Ayokong maging unfair sa’yo kaya hindi ko hihilingin na hintayin mo ko.”
Nakangiting umiling ito. “No, Luka. I will still wait for you kahit hindi mo hilingin. Wala akong pakialam kung ako man ang maging last priority mo. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Parati akong nakasuporta pa rin sa’yo sa lahat ng gagawin mo. Just don’t ask me to stay away from you.” Hinalikan nito ang likod ng kamay niya. “Can I still be with you?”
Nahihirapan siyang magdesisyon. Katulad ng sinabi niya, nilulubos pa lang niya ang pagbabalik niya sa dati niyang buhay. Pero katulad ng sinabi ni Khaki, hindi rin niya kayang malayo rito. Ito ang dahilan kung bakit siya nagdesisyong magbago.
Bumuntong-hininga siya. “Pakiramdam ko, napaka-selfish ko. I don’t want you to leave me kahit hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko para sa’yo.”
Nangislap ang mga mata nito. “Talaga? Ayaw mo ring mawala ako sa buhay mo? Ibig bang sabihin, kahit konti ay mahal mo na rin ako?”
Tumango siya. “Pero Khaki, hindi pa talaga ako sigurado. Ayokong paasahin ka kaya –” Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang ilapat nito ang daliri nito sa kanyang mga labi.
“Don’t say anything more, baby. Luka, mahalin mo lang ako ng konti, ako nang bahalang magparami,” masuyong wika nito.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. He was so sweet. “Binabawi ko na ang sinabi ko. Wait for me, Khaki. Hintayin mo kong matugunan ang pagmamahal mo sa’kin.”
Ngumiti ito – at iyon na yata ang pinakamagandang ngiti nito na ibinigay nito sa kanya. “Of course. I will wait for you –” Naputol ang madamdaming pagtatapat nito nang tumunog ang cell phone nito.
Binawi niya ang kamay niya rito para masagot nito ang tawag. Kitang-kita niya ang pagdidilim ng mukha nito habang nakikinig sa kausap nito sa kabilang linya. Mayamaya ay in-off nito ang cell phone nito.
“That was Monica. `Yong babaeng nakita mong kasama ko sa restaurant no’ng isang araw,” paliwanag nito kahit hindi niya ito tinatanong. “Ang kulit niya.”
“Hindi ba gusto n’yo namang mga lalaki `yong hinahabol-habol ng mga babae?”
Kumunot ang noo nito. “Of course not. Monica’s my friend kaya ayokong nakikita siyang nagkakagano’n nang dahil sa `kin.”
Kung hindi pa nito ikinuwento ang problema nito kay Monica ay baka nagselos na siya dahil sa binibigay nitong importansya sa babae.
“A scheming witch,” komento niya pagkatapos.
“No, she isn’t really scheming. It’s more like she doesn’t even know na sa ginagawa niya, she’s ruining my life.”
“Masyado ka kasing mabait sa babae,” sabi niya habang pinapapak ang cheese.
Ngumiti ito. “It’s because of my Tita Marga.”
“Hmm?”
Sumimsim ito ng kape bago nagpatuloy. “Si Tita Marga ang kumupkop sa `kin nang maulilang-lubos ako. Siya ang tumayong ina at ama sa `kin. Sa tingin ko, dahil sa pag-aaruga niya sa `kin kaya siya hindi nakapag-asawa.
“Malaki talaga ang pasasalamat ko at ibinigay siya sa `kin ng Diyos. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na magiging mabuti ako sa lahat ng babae. Because if I hurt a woman, parang si Tita Marga na rin ang sinaktan ko. And I would never do anything that would hurt my aunt,” anito.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ang guwapong mukha nito. While he was talking about his aunt, his eyes were filled with love and admiration. Bibihira na lang ang katulad nito.
Tumikhim ito. “Me, the self-proclaimed playboy is actually an aunt’s boy.”
“At dahil do’n, nadagdagan nga ang paghanga ko sa `yo.”
Kumislap ang mga mata nito sa sinabi niya. “Talaga? Kung gano’n, puwede ka bang magpanggap na girlfriend ko para tigilan na `ko ni Monica?”
“`Sabi ko na nga ba at iyan ang nasa isip mo.” Binitbit niya ang mug ng kape, saka tumayo at mabilis na naglakad palabas ng kusina. “Salamat sa almusal. Maaari ka nang umalis.”
“Luka! You’re one heartless elyen!”
She just laughed.
HUMINGA nang malalim si Khaki. Buong gabi na nakalingkis sa braso niya si Monica habang kinakaladkad siya sa bawat sulok ng malawak na hardin ng mansiyon ng pamilya nito. Inuulan tuloy sila ng tukso ng mga kaibigan nila.
“Monica, would you please let go of my arm? Hindi naman ako tatakas, eh,” naiiritang sabi niya rito.
Lumabi ito at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa braso niya. “You’re still my boyfriend, Khaki.”
Niluwagan niya ang kurbatang suot. “Monica, hindi na `ko natutuwa sa ginagawa mo. May girlfriend man ako o wala, tapos na ang pagpapanggap ko bilang boyfriend mo.” Marahas na inalis niya ang kamay nito sa braso niya na halatang ikinagulat nito.
Bumakas ang hinanakit sa mukha nito. “Khaki, you’ve changed. Hindi ka naman dating ganyan. You’ve always been nice and gentle to all women. Paano mo `ko nagagawang saktan nang ganito ngayon?”
Bumuga siya ng hangin. “There’s only one girl on my mind now kaya wala na `kong pakialam sa `yo, o sa kahit sinong babae.”
Iyon ang unang pagkakataon na nagbitiw siya ng masakit na salita sa isang babae. Pero kailangan niya iyong gawin para matauhan ito. Ginagamit na ni Monica ang pagiging gentleman niya para mapaikot siya nito sa palad nito. And he wasn’t a toy, damn it!
Monica scoffed. “Yeah, right. So, where is she now?”
“Who knows?” Napangiti siya at tumingala sa mabituing kalangitan. “Maybe in outer space. With her kind.”
Luka was probably alone in the rooftop, watching some sappy anime series, and crying her eyes out.
Elyen girl...Why the hell can’t I get you out of my mind? Your eyes, your smile, your laugh, your quirkiness. Everything.
Pumikit siya at inilagay ang kanyang dalawang daliri sa kanyang noo. He concentrated so hard.
Luka phone home! Luka phone home! Can you hear me? I want to see you badly.
“Khaki! Niloloko mo ba `ko?”
Napadilat siya nang sumigaw si Monica. Tiningnan niya ito. “Nandiyan ka pa pala,” matabang na sabi niya.
Namula ang mukha nito sa sobrang galit. “You’re doing this because you want to get rid of me, right? Well, sorry ka na lang, Khaki. But I won’t let you go! Akin ka lang!”
“Monica, hin—”
“Khaki.”
Sabay silang napalingon ni Monica sa tumawag sa kanya.
It was Luka! She was gracefully walking towards him like a model—confident and with her head held high. And, God, she was so beautiful tonight! Hindi ito nakasuot ng wig. Her long, raven hair framed her small heart-shaped face. She looked like a walking doll in her pink tube dress and high stilleto shoes.
Huminto sa harap niya si Luka. She looked up at him under those thick eyelashes of hers. His nostrils caught her familiar sweet scent. It took him all that he had to not pull her close to him and kiss her senseless right then and there. Mabibingi na yata siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. She was driving him crazy.
Napangiti siya. “Hey, Luka. Do we have a psychic connection now? Parang narinig mo yata na tinatawag kita.”
Marahan itong tumango. “Yeah. Paulit-ulit ka. ‘Luka phone home. Luka phone home.’ Nakakarindi kaya pinuntahan na kita.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Alam niyang nagbibiro lang ito pero nakakagulat na tugma ang iniisip nito sa isinisigaw ng isip niya kanina lang. Hindi na niya napigilan ang sarili niya.
Hinawakan niya ito sa kamay at hinila palapit sa kanya hanggang sa masubsob ito sa kanyang dibdib. He wrapped his arms around her tightly. The feel of her small, soft body against him was bliss. Isinubsob niya ang mukha niya sa buhok nito.
“Luka, I wanted to see you badly. I’m glad you came,” bulong niya malapit sa tainga nito.
“Khaki! Who’s that girl?” galit na tanong ni Monica.
Naramdaman niya ang mga kamay ni Luka sa kanyang dibdib. And damn, it felt so good. Marahan siya nitong itinulak at hinarap nito si Monica. Hindi siya lumayo rito, umakbay siya rito. He felt her stiffen, but then she relaxed.
“Good evening,” bati ni Luka kay Monica. “You’re Monica, right? I’m Luka, Khaki’s girlfriend. Hello and good-bye. I’m taking my boyfriend with me now.”
Boyfriend. Ah, it sounds good.
Pagak na tumawa si Monica. “Just because you introduced yourself as his girlfriend doesn’t mean I’ll believe you easily. Malay ko ba kung nagpapanggap lang kayo?”
“Well, gusto mo bang maghalikan kami sa harap mo para patunayang boyfriend ko talaga si Khaki gaya ng napapanood sa mga Koreanovela?”
Maang na napatingin siya kay Luka. Mukha itong seryoso, pero alam naman niyang sinasakyan lang nito si Monica. Hindi niya alam kung bakit nadismaya siya.
Humalukipkip si Monica at ngumisi. “Sure. Go ahead.”
“What do you want to see? Smack or French kiss?” tanong ni Luka.
Suminghap nang malakas si Monica at ang ilang bisita na nakikinig pala sa usapan nila. Napatingin siya kay Luka. If she was serious this time, he’d be freaking happy.
“You’re so gross! Gagawin mo `yon dito sa harap ng lahat ng tao?” nanggagalaiti na tanong ni Monica.
“Bakit hindi? We’re a couple and this is a free country.” Hinarap siya ni Luka at hinila ang kanyang kurbata dahilan para bumaba ang mukha niya rito. “To hell with everyone.”
His heartbeat skyrocketed. It wouldn’t be his first kiss. But this was the first time he had anticipated a kiss from a woman. Oh, her eyes were really beautiful, yet they looked dangerous. It was as if she was warning him not to get carried away.
Nagtitili si Monica. “Stop it! Stop it! I don’t want to see it!” Then she walked out.
Binitiwan agad siya ni Luka. Okay, the show was over. Damn. Bakit hindi na lang natuloy?
“Let’s go, Khaki.” Nauna nang maglakad si Luka sa kanya.
Habang nakasunod dito, nakita niyang sinusundan ng tingin si Luka ng kalalakihan doon. He felt irritated by the way they looked at her. He suddenly felt so possessive of her. Hinubad niya ang overcoat niya at ipinatong sa balikat nito.
Nilingon siya nito. “Thanks.”
Tumango lang siya. Masama pa rin kasi ang loob niya sa hindi natuloy na paghahalikan nila. “Luka, ang damot mo naman sa kiss. Pa –” Natigilan siya nang maramdaman ang mainit at malambot nitong mga labi sa pisngi niya. Gulat na nilingon niya ito. “Luka?”
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. She was blushing. “May sinasabi ka?”
Napangiti siya. “Gusto mo ba kong patayin, Luka?”
Nagtatakang nilingon siya nito. “Ha?”
“Gusto mo ba kong patayin sa kilig?” nakangising tanong niya rito.
Lalong namula ang mukha nito. “Ewan ko sa’yo!” Binilisan nito ang lakad nito.
He walked by her side. Hinawakan niya ang kamay nito. “Paano ka nga pala nakapunta rito?” naisipan niyang itanong dito. Lihim siyang napangiti dahil hindi nito binawi ang kamay nito.
“Pinuntahan ako ni Tita Marga sa bahay. Apparently, pinadalhan siya ni Monica ng invitation. Pinapunta niya `ko bilang proxy niya.”
Sumimangot siya. “So you only came here because Tita Marga asked you.”
“No.”
Kumunot ang noo niya.
Ngumiti ito nang matipid. “Nakalimutan mo na? You said, ‘Luka phone home. Luka phone home.’”
He laughed out loud. Napatingin sa kanya ang lahat ng bisitang naroon. Ngumiti lang siya sa mga ito at kumaway.
“Hey everyone, listen! This woman is my one and only elyen girl!” deklara niya sa malakas na boses.
Luka kicked his shin. Hard. But it was worth it.
IBINAGSAK ni Luka ang kanyang katawan sa malambot niyang kama pagkatapos niyang mag-shower. It had been a long night. She had saved Khaki’s ass from the devious woman.
May balak naman talaga siyang tulungan ito kaya nang dumating si Tita Marga sa bahay niya ay hindi na siya nagpapilit pa. Sa dami ng naitulong sa kanya ng binata, oras na para siya naman ang tumulong dito. Pero hindi niya inasahan ang mga nangyari kanina.
His touch, his warmth, his scent... they were driving her insane. And she had almost kissed him! When she looked deep into his beautiful light-brown eyes, she was suddenly drawn to him. Mabuti na lang at natauhan siya sa huli.
And Khaki... He looked like he was really anticipating the kiss. Nakita niya sa mga mata nito na gusto siya nitong halikan. To be honest, she was tempted to kiss him, too.
Tinampal-tampal niya ang kanyang mga pisngi. “Luka, ano ba `yang sinasabi mo? Mahiya ka nga!”
But she couldn’t forget his warm hug. Parang masayang-masaya talaga si Khaki na makita siya. Her heart almost exploded in happiness when he held her in his arms. Ewan ba niya pero nang matanaw pa lang niya ito sa malayo, lumukso na sa sobrang pagkasabik ang puso niya.
Naitakip niya ang mga kamay sa kanyang bibig nang tumama ang isang realisasyon sa kanya.
Mahal ko na ba si Khaki?
Isang tawag ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Si Tita Marga `yon. “Yes, Tita?”
“Luka, naaksidente si Khaki habang pauwi siya sa condo niya! Sinugod siya ngayon dito sa ospital! He’s calling your name! Pumunta ka rito, please,” natatarantang wika ni Tita Marga.
Nabitawan niya ang phone niya. Biglang nilukob ng takot ang kanyang puso. Takot na maaaring isang araw ay mawala rin si Khaki sa kanya. Takot at pasakit na ayaw na niyang maranasan uli.