BITBIT ni Bee ang isang basket na naglalaman ng limang malalaking yanera ng leche flan na siya mismo ang gumawa. Dadalhin niya iyon para kay Radcliffe, at sa staff and crew na bumubuo sa paggawa ng music video ng bagong kantang i-re-release ng Rai’s.
Sa loob ng auditorium hall ng isang unibersidad ang location site ng shooting. Pagdating niya ro’n ay nakita niyang kumakanta si Radcliffe sa stage na may makukulay na ilaw gaya ng sa mga disco bar. Mukhang solo ng binata ang parte na iyon ng kanta dahil hindi nito kasama sina Rykard at Rydell.
Napangiti si Bee habang pinapanood si Radcliffe. Ah, there he was again in his all blackness glory. Alam siguro ng mokong na ang guwapo-guwapo nito kapag naka-itim. Pero bukod sa kaguwapuhan, takaw-pansin talaga ang husay nito sa pagpe-perform. Ang bilis gumalaw ng mga daliring nitong nag-i-strum ng gitara. Animo’y naglalaro lang ang binata dahil nakangiti ito habang kumakanta. Sabagay, happy love song naman ang kinakanta nito.
Narinig ni Bee na sumigaw ng “cut” ang direktor ng music video, pagkatapos ay nawala ang makukulay na ilaw at sumabog ang puting liwanag sa buong hall. Doon siya nakita ni Radcliffe na mas umaliwalas ang mukha.
“Hi, baby,” malambing na bati ni Radcliffe kay Bee at dahil may mikropono sa harap ang binata, rinig na rinig iyon ng lahat ng tao sa auditorium hall.
Umugong ang malakas na tuksuhan. Napalingon din sina Rydell at Rykard kay Bee, pagkatapos ay nakangiting sumaludo sa kanya ang magkapatid.
Sinenyasan ni Bee si Radcliffe na bumaba, pero tumawa lang ng mahina ang binata.
“Wait, baby. I want you to listen to this song first,” nakangiting sabi ni Radcliffe, saka muling kinalabit ang gitara. Pero hindi tulad kanina, mas malamyos na ang musikang nagmumula sa instrumento ngayon.
And then Radcliffe sang in the most gentle, softest voice a rocker like him could produce.
“You always frown, but it fails to make you less pretty in my eyes. You always glare, but it never really scared me. They say you are so horrible you’ll make children cry with your scowl. I say you can pass as a cover girl, and grace those magazines with your witchy glamour. You may appear as hateful as you want to, you can roll your eyes at me anytime again and again, but I will just love you all the same. Because despite the fierce look you show me, I see the stubborn girl I want to be with. You have the beauty that will never fade, the beauty that captured my heart, the beauty that is enough for you to become my own cover girl. Cover girl for the glossy magazine that tells the story of us...”
Bee could almost hear her heart go “awww...”. Kulang ang sabihing kinikilig siya. Libo-libong paru-paro ang humahampas sa sikmura niya, na tila nagpaparigodon sa puso niya at nagpapanginig ng mga tuhod niya.
Wala na siyang ibang nagawa kundi ang makinig sa makapagbagdamdaming pag-awit ni Radlciffe habang titig na titig ito sa kanya, na halos ipakita na ang pagmamahal at kaluluwa sa mga mata nito.
Natutunaw si Bee. At hindi siya nagrereklamo.
“Did you like it, baby?” nakangiti at bahagyang hinihingal na tanong ni Radcliffe matapos nitong kumanta.
Kinagat ni Bee ang ibabang labi bago tumango. “Oo. Pero sino `yong nagsabing horrible ako?” paggagalit-galitan niya na umani ng tawa mula sa mga nakarinig sa kanya.
Tumawa lang si Radcliffe, saka nag-flying kiss sa kanya bago bumaba ng stage at lumapit sa kanya. “That song, My Own Cover Girl, is dedicated only to you, Bee.”
Naging gelatin na naman ang puso ni Bee. Pabirong sinuntok niya sa dibdib si Radcliffe. “Thank you, Radcliffe. I... I loved the song.”
Ngumiti si Radcliffe at yayakapin sana siya pero natigilan ito nang mapansing may nakaharang sa pagitan nila. Bumaba ang tingin nito sa dala niyang basket, bago umangat ang tingin nito sa kanyang mukha. “Ano `yan?”
Inangat niya ang hawak na basket. “Leche flan. Merienda para sa inyo. Ako mismo ang gumawa nito kaya sana, magustuhan niyo.”
Nanlaki ang mga mata ni Radcliffe, halatang nasorpresa. “Talaga? Pero bakit? Anong meron?”
Umiling siya. “Wala naman. Hindi ka ba puwedeng dalhan ng merienda?”
Mabilis na umiling naman si Radcliffe. “No, no. Nagulat lang talaga ako.” Nakangiting kinuha nito ang basket mula sa kanya, at kinuha ang atensiyon ng buong staff and crew. “Nagdala ng merienda para sa’tin ang baby ko. Siguradong masarap `to!”
Nahihiyang hinampas ni Bee ang braso ni Radcliffe na natawa lang. Inabot nito sa assistant director ang dala niyang merienda at pinaghati-hatian `yon ng mga staff and crew. Nagte-“thank you” sa kanya lahat ng tao ro’n, kaya ngumingiti na lang siya.
“Naku, baka magkulang `yong dala ko,” nag-aalalang bulong ni Bee kay Radcliffe.
Radcliffe pressed his mouth against her temple and said, “Don’t worry. Magpapa-deliver na lang ako ng merienda kapag nagkulang.”
Tumango si Bee. “Salamat.”
Niyakap siya ni Radcliffe, at bumulong sa napakalambing na boses. “Thank you, baby.”
Ang sarap makulong sa yakap ni Radcliffe. Bukod sa ang bango-bango nito, ang titigas din ng mga bisig na nakayakap sa kanya kaya ramdam niyang ligtas siya. Yumakap din siya rito. “For what?”
“Para sa pagdadala ng merienda dito sa set.”
“Para `yon lang.”
Umiling ito. “Masaya ako kasi nararamdaman kong inaalagaan mo ko.”
Pinigil ni Bee ang mapabungisngis. Hindi rin naman siya sanay na may inaalagan. But Radcliffe was making it easy for her to care. Binabalik lang naman niya kung ano ang ginagawa ng binata sa kanya.
And then Bee realized that dating wasn’t so bad like she thought it would be. Akala niya, dagdag lang `yon ng sakit ng ulo, ng responsibilidad. Hindi naman kasi gano’n kadaling magmalasakit sa ibang tao.
Pero kung `yong tao pala na kasama mo ay inaalagaan ka, hindi naman pala gano’ng kasama ang may makasama sa magulong mundo na `to.
“HAY! KAINIS!” nakalabing reklamo ni Radcliffe habang nakatingin sa maliit na piraso ng leche flan na natira.
Natawa ng mahina si Bee. Parang blockbuster office hit naman kasi ang leche flan niya, ubos agad at puring-puri pa siya ng mga kasamahan ni Radcliffe. Siyempre, natuwa siya. Pero naawa siya kay Radcliffe na naubusan.
Pabirong binunggo niya ang balikat ni Radcliffe. “Igagawa na lang uli kita mamaya. Dinner at my place?”
Nangislap ang mga mata ni Radcliffe. “Just the two of us?”
Ngumiti ng pilya si Bee. “Sa dinner, yes. Pero sa bahay, no. Remember, housemate ko si Jolly at hindi mo `yon mapaalis ng bahay kung hindi para sa trabaho.”
Umarte si Radcliffe na parang nadismaya, saka eksaheradong bumuntong-hininga. “Gusto ko pa namang masolo ang baby ko.”
Pinaningkitan niya ng mga ang binata. “Parang dapat akong matakot d’yan, ha.”
Radcliffe feigned innocence. “Why? I don’t bite.”
Tumaas lang ang kilay ni Bee. Napansin naman niyang nagpipigil ng tawa si Radcliffe.
Hindi daw nangangagat, eh naaalala niyang kinagat siya ng binata sa balikat. Kinaumagahan, matapos siyang alagaan ni Radcliffe ng magdamag dahil sa lagnat niya at nagkasundong mag-de-date na, muli silang nakatulog. At ginising siya ng magaling na lalaki sa pamamagitan ng kagat sa balikat. Mukhang nanggigil ito sa kanya, kaya sinipa niya ito palabas ng kuwarto.
“Dapat siguro iwasan ko nang mapagsolo tayong dalawa,” biro ni Bee.
Nagpaawa ng mukha si Radcliffe na ikinatawa ni Bee.
Hindi naman totoong natatakot siyang mapag-isa sila ni Radcliffe dahil ang totoo, napaka-gentleman ng binata. Mahilig lang talaga itong paliguan siya ng mumunting halik sa mukha pero bukod do’n ay napaka-gentleman na nito sa kanya. At kahit busy ang binata, hindi naman ito nakakalimot mag-text at tumawag, lalo na sa mga araw na hindi magkatugma ang schedule nila.
“What do you do, Radcliffe?” mayamaya ay naisipang itanong ni Bee kay Radcliffe. “Aside from being a member of Rai’s.”
Isang misteryosong ngiti ang isinagot ni Radcliffe kay Bee. “What do you think?”
Umiling si Bee. “Wala akong idea. Sa Florida ka naka-base `di ba? Wala akong masyadong alam sa’yo bukod sa pinsan ka nila Ryford.”
Matagal bago sumagot si Radcliffe. “Music was my major in college. Kaka-graduate ko lang bago ako pumuntang Pilipinas. But even before I graduated, may raket na ko.”
“Ano’ng raket?”
Ngumiti lang si Radcliffe.
“Huy, ano nga?” pangungulit ni Bee.
Inakbayan siya ni Radcliffe. “Sabihin na lang nating pinagkakitaan ko ng husto ang best asset ko.”
Best asset? Hindi ba’t ang kaguwapuhan at ka-sexy-han nito ang best asset nito? “Nagbenta ka ng aliw?”
Binigyan siya ng kakaibang tingin ni Radcliffe, pagkatapos ay bigla itong natawa ng malakas. “I know what you’re thinking, baby. Na ang pagiging hot ko ang best asset ko, but no. I’m better than that.” Pinisil nito ang baba niya. “Give me some credit, will you?”
“Bakit kasi ayaw mo pang sabihin?” nakalabing reklamo ni Bee.
Naging sympathetic ang mukha ni Radcliffe habang nakatingin sa kanya, kaya akala niya ay maaawa na ito sa kanya. Pero sa huli ay ngumiti lang uli ito habang masuyong hinahaplos ang buhok niya. “Because telling you straight away everything you wanna know about me is boring. Do you like observing people, Bee?”
“Well... it’s the nature of my work. Pero madalas, ang in-o-observe ko lang ay `yong mga taong ginagawan ko ng article. Most of the time, ni-re-research ko sa internet ang kailangan kong malaman sa kanila,” nahihiyang pag-amin ni Bee. Kadalasan naman kasi sa mga ini-interview niya ay mga celebrity. Bukod sa mahirap obserbahan ang mga ito (dahil iba ang pinapakita sa harap at likod ng camera) ay mas madaling makakuha ng impormasyon sa internet.
Napahiya si Bee sa kanyang sarili. Dahil sa simpleng tanong ni Radcliffe, nalaman niya ang pinakamalaking pagkakamali niya bilang reporter. Kapag gano’ng umaarte si Radcliffe na matured, nagmumukha siyang bata na para bang hindi bagay sa binata. Na para bang marami pa siyang dapat matutunan bago siya makasabay dito.
“Mas gagalingan ko sa trabaho ko,” determinadong sabi ni Bee.
Halatang naguluhan si Radcliffe sa sinabi niya, pero sa huli ay ngumiti ito. “Sige lang. Nandito lang ako sa likod mo.”
Ngumiti lang si Bee.
“Ah, I know. Since we’re dating, why don’t we play a game?” nakangising tanong ni Radcliffe, mukhang may naiisip na namang kalokohan.
Kumunot ang noo ni Bee. “Anong laro?”
“We should get to know each other better without asking too much questions. Kung gusto kong malaman kung ano ang favorite color mo halimbawa, kailangan ko `yong alamin sa sarili kong paraan. Pero kailangan mag-set tayo ng rules. First, we’re not allowed to ask other people about each other. Pero puwede nating basahin ang blog, statuses or tweets ng isa’t isa, at puwede rin tayong magkuwentuhan. Basta wala lang tanungan ng deretso. Second, no using of dirty tricks. Bawal kang magpa-cute para mapilitan akong sagutin ang tanong mo.”
“Hindi kaya!”
Radcliffe smiled triumphantly. “Good. And lastly, which is unlikely naman pero I wanna make sure na rin, no hiring of private investigator.” Tumaas ang isang kilay nito. “Game?”
“Game,” mabilis na sagot ni Bee. Na-excite kasi siya sa laro nilang iyon. “Kailangan ilista natin `yong mga malalaman natin tungkol sa isa’t isa. `Tapos, mag-e-exchange notes tayo tuwing weekends. At kung sino ang may mas mataas na score, siya ang winner of the week.”
Lumuwang ang ngiti ni Radcliffe. “I like that. And winners ought to have prizes, right?”
Tumango si Bee. “One wish. Tutuparin ng loser ang isang wish ng winner, sa abot ng kanyang makakaya.”
Naging pilyo uli ang ngiti ni Radcliffe habang nakatingin sa kanyang mga labi. “I’m pretty sure you can grant my wish, baby.”
Pabirong sinuntok niya sa dibdib ang binata. “Sira! Sino namang nagsabi sa’yo na ikaw ang mananalo?”
“I’m good at observing people, baby,” confident na sagot ni Radcliffe.
Ngumiti rin si Bee. “Well, that’s the nature of my work, baby.”
Halatang nagulat si Radcliffe sa tinawag niya rito, pero nang makabawi ay niyakap siya nito. “Tawagin mo nga uli akong ‘baby’.”
“Ayoko nga,” pagpapakipot ni Bee. “Saka huwag mo nga akong yakapin. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Baka ma-tsismis tayo.”
“Baby, ang love parang tsismis. Maraming version ng ibang tao, pero `yong mga taong in love lang ang nakakaalam ng totoo,” natatawang sagot ni Radcliffe.
Ngumiti lang si Bee. Hindi pa siya handang pangalanang “pag-ibig” ang nararamdaman niya para kay Radcliffe. Though what she felt for him was the closest thing to love right now, and she was contented with it.
And then, the urge to kiss him came. Hindi naman kasi niya maintindihan kung bakit hindi pa siya hinahalikan ni Radcliffe sa mga labi hanggang ngayon.
Natigil lang ang pagmumuni-muni ni Bee nang may marinig siyang bulungan. Kumalas siya sa yakap ni Radcliffe para lingunin ang sanhi ng pagkakagulo ng mga tao sa auditorium hall. Dumating pala si Barbie na para na namang barbie doll at pink na pink mula ulo hanggang paa.
Dumako ang tingin ni Barbie kay Radcliffe, at gumuhit ang nang-aakit na ngiti sa mga labi nito habang palapit sa kanilang direksyon.
Kinabahan si Bee. Kilala niya si Barbie – kapag may gusto, nakukuha. At kitang-kita niya sa mga mata ng dalaga ang matindi nitong pagkagusto na makuha si Radcliffe. Naalala niya ang araw na hinalikan ni Barbie si Radcliffe at hanggang ngayon, naiinis pa rin siya dahil do’n.
Hindi niya hahayaang mangyari uli iyon.
Hinarap ni Bee si Radcliffe na binigyan siya ng alanganing ngiti. Halata sa binata ang tensiyon, na tila ba hindi ito komportableng naroon si Barbie.
So Bee did the thing she thought they should have done already for the past two weeks since they have been dating – she kissed Radcliffe. On the lips.
No’ng una ay halatang nagulat si Radcliffe sa ginawa niya, pero nakabawi rin ito agad at tinugon ang kanyang mga halik. She found her hands on his nape, and his arms encircled around her waist, pulling her closer to deepen the kiss, the sweetest kiss she had tasted in her life.
The moment was almost perfect.
At lalo iyong naging perpekto nang marinig ni Bee ang impit na tili ni Barbie, at ang maingay na tunog ng takong nito habang nagwo-walk out. Naghiyawan rin ang mga taong nanonood, at pumito pa nga ang iba, sa eksena nina Bee at Radcliffe.
Natawa tuloy siya sa pagitan ng mga halik ni Radcliffe.
“Bad girl,” bulong ni Radcliffe nang tumigil ito sa paghalik sa kanya. May paghihinanakit sa boses nito. “Did you just kiss me to annoy Barbie?”
Lumuwang ang ngiti ni Bee. “No. I kissed you because you’re taking your sweet time doing it. Kaya ako na ang gumawa ng first move.”
Radcliffe just laughed and pressed his mouth againts her forehead as he said, “I was just afraid... but now that you let me have a taste of your kiss, huwag mo kong sisisihin kapag hindi na kita tinigilan, ha?”
Kinurot niya sa tagiliran si Radcliffe na ikinatawa lang nito. “Naughty boy.”
TUWANG-tuwa si Bee habang nililista sa kanyang notebook ang ilang mga bagay na napansin niya kay Radcliffe sa nakalipas na limang araw simula nang pagkasunduan nila ang “laro” na tinawag nilang “Guessing Game”.
1. Favorite color: black (obvious)
2. Favorite music genre (aside from pop & rock): jazz (always plays jazz music when driving me home)
3. Generous (often treats me to lunch and dinner)
4. Not a morning person, coffee monster (found out straight from his mouth)
Napabungisngis si Bee nang maalala niyang nang minsang tinawagan niya si Radcliffe ng mag-a-ala sais pa lang ng umaga (sinusundan niya ang schedule ng celeb na i-interview-hin niya kaya maaga siyang nasa layasan) ay sininghalan siya nito. Naaalala pa niya ang sinabi nito sa kanya – na malamang ay hindi tiningnan ang caller ID – ng umagang iyon:
“Hang up or I’ll kill you.”
Na-shock si Bee dahil sa panganib na na-detect niya sa boses ni Radcliffe, kaya naman mabilis niyang pinutol ang tawag. Pinaalala niya sa sarili niya na hindi lahat ng tao ay puwede niyang kausapin nang hindi pa nakakapag-kape.
Nasa Batangas siya no’n dahil doon ang shooting ng celeb na naka-schedule niyang kapanayamin at gawan ng article tungkol sa bago nitong show. That afternoon, when she was almost done with the interview, at nagmamadali na siya para hindi siya gabihin sa daan, ay bigla na lang dumating si Radcliffe, may bitbit na malaking bouquet ng pulang rosas.
“Baby, I’m sorry, I’m really sorry about this morning,” sinsero at tila hiyang-hiyang paumanhin ni Radcliffe paglapit pa lang sa kanya.
At dahil nagulat si Bee at ang daming tanong sa isip niya gaya ng paano nalaman ni Radcliffe kung nasaan siya, ay napakurap na lamang siya sa harap ng binata.
Humugot ng malalim na hininga si Radcliffe. Nasa mga mata nito ang takot at halatang kabado rin ito dahil sa bilis ng pagsasalita na animo’y kinakain na ang mga letra. “Halos kakatulog ko lang nang may tumawag sa phone ko. Grudgingly, without looking at the caller ID thinking it was only Rykard, I answered the call. Gano’n talaga ako kapag bagong-gising. Hindi ko naman akalain na ikaw pala `yon.
After having my usual two cups of coffee this morning, saka lang ako nahimasmasan. Tiningnan ko kung sino `yong kawawang nasinghalan ko kanina. And I was shocked to see your name on my call log. Ahm, ano `yong sinabi ko sa’yo nang tumawag ka?”
“Hang-up or I’ll kill you,” nakasimangot na sagot ni Bee.
Napapiksi si Radcliffe na para bang hindi nito matanggap na nasabi nito sa kanya ang mga salitang iyon, pagkatapos ay lumuhod sa harap niya habang inaalay ang mga bulaklak. “I’m really sorry, baby! I promise not to be grumpy with you again!”
Natawa si Bee. Kahit natakot siya kay Radcliffe kanina, hindi na niya iyon maramdaman ngayong mukha itong maamong tupa habang nakatingala sa kanya. Kaya pinatawad na niya ito. “I promise not to call you in the morning until you had your coffee.”
Ngiting-ngiti pa rin si Bee nang isulat niya ang sumunod na napansin niya kay Radcliffe.
5. Crybaby
Naalala ni Bee nang nanood sila ni Radcliffe ng Miracle in Cell No. 7 sa bahay. No’ng una ay tawa ng tawa ang binata, no’ng kalagitnaan ay nagmumura na ito habang nagpipigil umiyak at sa huli ay mas marami pang Kleenex tissue ang naubos nito kaysa sa kanya. At kahit no’ng magkausap na lang sila sa telepono, umiiyak pa rin ito.
“It was an unfair trial,” paghihinanakit ni Radcliffe, sumisinghot-singhot pa.
Pumipikit na ang mga mata ni Bee dala ng antok, pero naaaliw pa rin siyang makinig sa mga sentimyento ni Radcliffe kahit dalawang oras na silang magkausap sa telepono, at paulit-ulit na lang ang sinasabi ng binata.
“He was innocent,” giit ni Radcliffe.
Nauwi sa ngiti ang paghihikab ni Bee. “Yes, he was.”
“He shouldn’t have been...” Narinig niya itong humugot ng malalim na hininga. “He could have been proven innocent... but he was blackmailed... he was... Oh, God! The kid – that beautiful, brilliant little girl! She lost her father so unjustly!”
Natawa na ng mahina si Bee. “Radcliffe?”
“Yeah?”
“It was just a movie.”
Naitakip ni Bee ang mga kamay sa mukha para mapigilan niyang matawa ng malakas sa alaala. Hindi siya makapaniwalang sa laki ni Radcliffe ay hindi ito mahihiyang umiyak sa harap niya, o mag-emote sa kanya sa telepono. Ang mas nakakapagtaka pa, imbis na mainis ay naaaliw pa siya sa binata.
Nang ma-realize `yon ay unti-unting natigilan si Bee. Hinawakan niya ang notebook at tinitigan ang mga sinulat niya ro’n. Marami pa siyang idadagdag do’n na napansin niyang mga nakakainis at kakatwang ugali ni Radcliffe.
And then she realized, as she got to know him better, she was also getting closer to him. At iyon ang ikinatatakot niya. Takot siyang mapalapit sa taong gusto niya dahil natatakot siyang makita ang mga kapintasan nito dahil natatakot siyang mabawasan ang damdamin niya para rito.
Pero hindi pa naman nangyayari ang kinatatakutan ni Bee. Hindi dahil kahit ano yata ang gawin ni Radcliffe, hindi niya ito mahuhusgahan o mapipintasan man lang. Nagagawa niyang tanggapin ang lahat sa binata.
Simply because she wanted to be with him. And that realization stunned her.
Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Bee nang dumating si Puma at ibinagsak ang mga kamay sa mesa niya.
“I hate Rykard McDonough, that obnoxious jerk!” nanggigigil na sabi ni Puma.
Napakurap-kurap si Bee. “Bakit, Puma? Ano bang ginawa ni Rykard sa’yo?”
“Nabunggo lang naman niya ang kotse ko ng kotse niya, pero imbis na mag-sorry ang walanghiya, hinagis lang niya sa’kin ang calling card niya at itawag ko na lang daw sa kanya kapag napaayos ko na ang damage. Babayaran na lang daw niya. The nerve!” gigil na gigil pa rin na kuwento ni Puma. “Akala mo kung sinong guwapo!”
“Pero guwapo naman si Rykard, `di ba?”
Namula ang mukha ni Puma, pero alam niyang hindi iyon dahil sa galit. Nag-iwas ito ng tingin. “Well, h-hindi naman por que guwapo siya eh puwede na siyang maging gano’n kayabang.”
Pinag-aralan ni Bee ang reaksyon ni Puma, pagkatapos ay napangiti siya. “I smell romance.”
Tinapunan siya ng masamang tingin ni Puma. “No!”
Itinaas ni Bee ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. “Sorry.”
Bumuga ng hangin si Puma, saka namaywang at tila nahulog sa malalim na pag-iisip. Hanggang sa magsalita ito. “Ang weird lang kanina...”
Na-curious naman si Bee. “Bakit?”
Dumako ang tingin ni Puma kay Bee, bahagyang nakakunot ang noo. “Nabangga ni Rykard McDonough ang kotse ko dahil nagmamadali siyang umalis ng parking. Dahil may hinahabol siyang lalaki...”
Hindi alam ni Bee kung bakit bigla siyang kinabahan. “May hinahabol si Rykard?”
Dahan-dahang tumango si Puma, at halos pabulong na lang na sinabi ang mga sumunod na tila ba natatakot itong may ibang makarinig. “I saw him, the guy Rykard was chasing. I’m pretty sure it was Ryford McDonough.”