Chapter BLOW ME A KISS, BABY CHAPTER 8

HINDI makapaniwala si Bee na nasa harap niya si Ryford.

Nakasuot si Ryford ng simpleng itim na long-sleeve, pantalon na itim, at Nike shoes. Naka-suot din ito ng bull cap na halos nakatakip sa mukha nito, pero nang muli nitong tawagin ang pangalan niya ay tinaas nito ang visor niyon.

“Bee, this is me,” sabi ni Ryford.

“Ryford!” hindi napigilang bulalas ni Bee nang masiguro niyang hindi guni-guni ang Ryford na nakatayo sa kanyang harapan.

Ngumiti si Ryford at lumapit sa kanya, pagkatapos ay walang kasere-seremonyang niyakap siya. “I missed you, Bee.”

Emosyonal pa mula kanina si Bee kaya hindi niya napigilan ang muling pagpatak ng mga luha niya. “Sira-ulo ka! Pinag-alala mo ko!”

“I know,” pabuntong-hiningang sabi ni Ryford. “I’m sorry.”

Kumalas si Bee sa pagkakayakap ni Ryford para mapagmasdan niya ang mukha nito. Kumpara nang huli niya itong makita, mukhang mas masigla na ito ngayon. Hindi na humpak ang mga pisngi, wala nang itim sa ilalim ng mga mata, mapusyaw na uli ang kulay ng balat at may buhay na uli sa mukha nito.

Nakahinga ng maluwag si Bee. Pinisil niya ang braso ni Ryford na may laman na uli, hindi tulad noon na napakapayat nito. “You look fine.”

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Ryford, pagkatapos ay napailing ito. “You already know what happened to me.”

Tumango si Bee. “Sinabi sa’kin ni Radcliffe. Actually, ngayon ko lang nalaman. Pagkatapos bigla kang nagpakita.”

Nagtagis ang mga bagang ni Radcliffe at naging matalim ang tingin. “So I was right. Si Radcliffe nga `yong nakita kong kasama mo kanina.”

Kumunot ang noo niya. “Kanina ka pa naghihintay dito sa labas?”

Tumango si Ryford, madilim pa rin ang anyo. “Hindi lang kita matawag dahil hindi pamilyar ang kotse sa harap ng bahay niyo. Nagulat ako paglabas mo, kasama mo si Radcliffe. At sa nakita ko kanina, mukhang hindi lang kayo basta magkaibigan.”

Bumuntong-hininga si Bee habang iiling-iling. “Ryford, hindi `yan mahalaga sa ngayon.” Hinawakan niya ang mukha nito. “Ikaw? Kumusta ka na? Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Saan ka nagtatago ngayon? Kumakain ka ba sa oras?”

Natatawang hinawakan ni Ryford ang kamay niya at hinalikan ang kanyang palad. “It’s good to have you fuss over me again. Pero hinay-hinay lang sa pagtatanong, Bee. Mahina ang kalaban.”

Napangiti si Bee. Kapag ganitong makulit at nakatawa si Ryford, bumabalik `yong binatilyong nagtakas sa kanya sa guidance office para iparinig sa kanya ang rock song nito.

Naalala ni Bee na pagbalik ni Ryford sa guidance office, naroon na ang kanya-kanya nilang mga magulang na kapwa alalang-alala sa kanilang dalawa. Napagalitan siya ng mommy at daddy niya pero nang tumingin siya kay Ryford, kinindatan lang siya nito at nginitian, pagkatapos ay magaang sa kalooban na niyang tinanggap ang sermon ng mga magulang.

Naputol lang ang pagbabalik-tanaw ni Bee nang haplusin ni Ryford ang kanyang pisngi. He looked at her lovingly. “Marami akong gustong sabihin sa’yo pero hindi ito ang tamang oras. Masyado nang late. I’ll just call you.”

“Alam mo pa rin ba ang number ko?”

Ipinaikot ni Ryford ang mga mata. “Of course. Unless you changed it.”

Umiling si Bee. “I didn’t.”

Ngumiti si Ryford. “Good. I’ll call you, then I’ll tell you where to meet me. Pasensiya ka na dahil palipat-lipat ako ng tinutuluyan ngayon kaya hindi ko masabi sa’yo kung saan ako eksaktong nakatira ngayon.”

“Kung pinagtataguan mo pa rin ang family mo, bakit nagpunta ka dito sa’kin?” kunot-noong tanong ni Bee.

“Because you’re my friend, Bee,” halos pabulong na sagot ni Ryford. “The only true friend I had. And I am so stupid to realize it just now. I’m sorry for pushing you away.”

Naawa si Bee kay Ryford nang makita ang takot, pag-iisa at kalungkutan sa mga mata ng binata. Gusto niya itong yakapin, at sabihing magiging maayos din ang lahat pero hindi niya magawa dahil may pumipigil sa kanya. Lalong-lalo na ang mga katanungan sa kanyang isipan.

Tama si Ryford. Hindi pa ito ang tamang oras para mag-usap sila.

Hinawakan ni Bee sa braso si Ryford. “I forgive you, Ryford. Mas mahalaga sa’kin na okay ka na ngayon.”

Akmang may sasabihin pa si Ryford nang biglang umangat ang tingin nito sa bahay sa likuran niya. Nilingon din ni Bee ang kumuha sa atensiyon ng binata at napasinghap siya nang makitang bumukas ang ilaw sa kuwarto ni Jolly.

Hinarap ni Bee si Ryford. “Ryford, you should go. Hinahanap na ko ni Jolly.”

Nakakaunawang tumango naman si Ryford. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. “Please don’t tell anyone na pinunatahan kita. I’ll see you again, Bee.”

Tila may humila sa puso ni Bee nang malinaw niyang nakita sa kanyang isipan ang nakangiting mukha ni Radcliffe. She felt like she was cheating on him. Pero kailangan siya ni Ryford na kaibigan niya.

Pikit-matang tumango si Bee. “Yes, I’ll wait for your call, Ryford.”

“I’M REALLY sorry, Bee.”

Natawa na lang si Bee. Ilang beses na niya iyong narinig kay Radcliffe mula nang umalis sila ng sinehan hanggang ngayong nandito na sila sa mansiyon ng mga McDonough. “Radcliffe, it’s okay. Really. Hindi mo naman kasalanan kung sikat ka.”

Kanina, nasa TriNoma si Bee dahil nag-cover siya ng mall tour ng mga sikat na tween star na isusulat niya para sa article niya sa online website ng Baby Pink. Saktong tapos na niyang interview-hin ang mga bata nang tawagan siya ni Radcliffe. Sinabi nitong huwag na siyang umalis do’n at ito na lang ang pupunta sa kanya.

Manonood sana ng The Fault In Our Stars sina Bee at Radcliffe pero naglalakad pa lang sila papuntang cinema ay pinagkaguluhan na ng mga tao si Radcliffe – na nakilala pa rin kahit naka-hoodie at shades na – lalo na ng mga kabataan. Ginawa pa nga siyang photographer ng isang dalagita, pero hindi iyon nagustuhan ni Radcliffe.

Kinuha ni Radcliffe ang camera mula kay Bee. “You don’t have to do this, baby. Hindi ka alalay ng mga batang `yan.”

Napakurap-kurap si Bee, nagulat dahil ngayon lang niya nakitang iritado si Radcliffe. “Hey, okay lang naman.”

“For me, it’s not,” giit ni Radcliffe, saka binalik ang camera sa dalagita na halatang natakot sa binata. Pero nakangiti na si Radcliffe nang muling magsalita. “Mag-selfie na lang tayo.”

Impit na tumili ang dalagita, at nakitili na rin ang lahat ng nakapalibot kay Radcliffe. Napangiti si Bee. Hindi nga yata marunong magalit si Radcliffe. Hayun nga at all-smiles na ito habang nakikipag-selfie sa mga fans.

Hahakbang sana paatras si Bee para magbigay-daan sa gusto pang maki-selfie, pero hinawakan ni Radcliffe ang pupulsuhan niya at hinila siya palapit dito. At sa kanyang pagkagulat, sa harap ng mga tao, at sa harap ng mga camera sa paligid, hinalikan siya nito sa mga labi na ikinatili ng “audience” nila. `Yong iba ay napaungol naman at napaiyak.

Then Radcliffe whispered in her ear. “Let’s run, baby.”

Hand-by-hand, Bee and Radcliffe ran as fast as they can away from the meddling fans, laughing. That was one of their best dates.

Umupo si Bee sa couch at binuksan ang laptop niya na lagi niyang dala, samantalang nagpaalam naman si Radcliffe na may kukunin sa kuwarto nito. Pag-log in pa lang niya sa kanyang Twitter account ay bumulaga na sa kanya ang mga picture nila ni Radcliffe nang halikan siya ng binata. Naka-mention si Radcliffe sa mga pictures at dahil follower siya ni Radcliffe sa Twitter, nag-a-appear din iyon sa account niya.

“Radcliffe, nag-te-trend ka sa Twitter!”

“Talaga? Ano’ng hashtag?” naaaliw na tanong ni Radcliffe habang pababa ng hagdan.

“Hashtag Radcliffe’s girlfriend,” natatawang sagot ni Bee. Nang mag-browse siya sa kanyang notification ay nakita niyang nag-tweet sa kanya sina Jolly, Puma at Miss Tan. Naka-retweet ang litrato nila ni Radcliffe at halos pare-pareho ang tanong ng tatlo: What is the meaning of this? Napapalataktak siya. “I think I’m in trouble with my bosses.”

Umupo sa tabi niya si Radcliffe, may pag-aalala sa mukha. “You are?”

Nagkibit-balikat si Bee. “Unethical na i-date ng interviewer ang interviewee niya. Pero tapos naman na ang interview natin so I guess, malulusutan ko naman `yon.”

“You sure? Puwede naman akong humarap sa mga boss mo at ako ang magpaliwanag,” alok ni Radcliffe.

“Ano naman ang sasabihin mo sa kanila?”

Ngumiti ng pilyo si Radcliffe. “Na pananagutan mo naman ako.”

Natawa si Bee, saka hinampas sa balikat si Radcliffe. “Ang yabang ng mama!”

Ngumiti lang si Radcliffe.

“Ikaw ang dapat mag-alala. Baka magalit ang fans mo dahil may “girlfriend” ka na. Though we’re still just dating.”

Radcliffe scoffed. “I don’t give a damn about what they think. What we have is more important than anything I have in life right now.”

Natunaw na naman ang puso ni Bee dahil sa sinabi ni Radcliffe, at pagpaparamdam kung gaano siya kahalaga sa buhay nito. “You’re the sweetest thing that has ever happend in my life, Radcliffe.”

“You, too,” nakangiting sabi ni Radcliffe. Pagkatapos ay inabot sa kanya ang libro ng The Fault In Our Stars. “Since you mentioned you haven’t read the book yet, I suggest na basahin mo muna `yan bago tayo mag-isip ng battleplan kung paano tayo makakanood ng sine nang hindi ako nakikilala ng mga tao.”

Napakurap si Bee. “Wow. You read YA books.”

Naging pink ang mga pisngi ni Radcliffe, saka tila nahihiyang tumango. “I love The Fault especially, even before it began being mainstream.”

Kinuha ni Bee ang libro. The book wasn’t in its best condition. Halatang ilang beses na `yong nabasa. When she flipped through the pages, napansin niyang naka-high lights ang ilang linya. Favorites lines siguro ni Radcliffe ang mga `yon. Honestly, she hasn’t read the book yet. She was more into chicklits than YA novels. Pero kung gusto `yon ni Radcliffe, willing siyang i-try.

“Is it weird for a guy to read YA books?” nag-aalalang tanong ni Radcliffe.

Nakangiting umiling si Bee. “Boys who read books are hot, baby. Major turn on.”

“Ipapahiram ko rin sa’yo ang Percy Jackson series ko pero bago `yon...”

Naging maulap at madilim ang mga mata ni Radcliffe, lalo na nang bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi. Then he leaned forward and kissed her. Napangiti na lang si Bee. Mukhang may mga idadagdag siya sa “listahan”.

Loves YA books.

Really good at making out.

So into me.

After an hour of making out on his couch, Bee distanced herself away from Radcliffe to reach out for her phone. Kanina pa kasi nag-iingay iyon.

Racliffe kissed her ear and said, “I’ll just make coffee for us.”

Tumango lang si Bee. Nang naglaho si Radcliffe sa kusina, saka niya sinagot ang tawag.

“Hello?” magalang na tanong ni Bee. Madalas kasi ay mga boss niya ang tumatawag sa kanya gamit ang iba-ibang numero.

“Bee.”

Napasinghap si Bee. Tumingin siya sa pinto ng kusina. Mukhang busy pa si Radcliffe sa pagtitimpla ng kape, pero hininaan na rin niya ang boses niya. “Napatawag ka?”

“Oh. Is this call inconvenient for you?”

“M-may kasama kasi ako ngayon. May kailangan ka ba?” kinakabahang tanong ni Bee, nag-aalala na baka marinig siya ni Radcliffe. Pero hindi rin niya mabale-wala si Ryford dahil baka kung saan na naman ito magpunta kapag itinaboy niya.

“Yeah. Please come over here at my place, Bee. We need to talk.”

Sinulat ni Bee sa memo pad niya ang address na binigay ni Ryford, at ang hotel room nito. Mag-a-alas otso pa lang naman ng gabi, puwede pa niya itong daanan sandali. He sounded sad, kaya nag-alala siya na baka kung anong maisipan nitong gawin kapag hindi niya pinuntahan.

Matapos makipag-usap ni Bee kay Radcliffe ay pinuntahan niya sa kusina si Radcliffe. Tapos na itong magtimpla ng kape para sa kanilang dalawa.

“Coffee muna tayo. Magpapa-deliver na lang ako ng dinner. Ano’ng gusto mo? Italian food?” malambing na tanong ni Radcliffe.

Nalungkot si Bee. Gusto pa niyang makasama si Radcliffe pero kailangan siya ng kaibigan niya. “I’m sorry, Radcliffe. But I have to go. May kailangan pa kasi akong tapusing work.”

Halatang nadismaya si Radcliffe. “Oh. I see. Ihahatid na kita.”

Mabilis na umiling si Bee na ikinagulat ni Radcliffe, kaya kinalma niya ang sarili. “Okay lang ako, Radcliffe. Mag-ta-taxi na lang ako. Pagod ka rin naman, eh.”

“Not too tired to drive you home, baby,” giit ni Radcliffe.

Hinawakan niya sa kamay ang binata. “I’ll be fine. Magpahinga ka na lang.”

Kumunot ang noo ni Radcliffe. Kung nakakahalata itong nagsisinungaling siya, minabuti nitong huwag na lang magsalita. Bumuntong-hininga ito, saka tumango. “I’ll call you a cab.”

Tumango si Bee. “Thank you.”

Radcliffe smiled and kissed her forehead, and Bee felt bad for lying at him.

AN HOUR later, Bee found herself inside a hotel room with Ryford. Pagdating niya ro’n ay naabutan niya ang binata na umiinom ng wine habang nanonood ng videos na kuha ng fancam mula sa katatapos lang na concert ng Rai’s.

“Hey, bakit ka naglalasing?” sita agad ni Bee kay Ryford.

Ryford smiled weakly at her. “Hindi ako naglalasing. Nagre-relax lang.”

Inilibot ni Bee ang tingin sa malaking suite ni Ryford. Mukha namang komportable ang binata ro’n. Kanina, nang dumating siya sa hotel ay hinanap niya sa receptionist ang pangalang ibinigay sa kanya ni Ryford – “Anthony Sy”. Iyon ang ginagamit nito upang hindi mahanap ng mga reporter. Mukhang na-instruct na ang receptionist dahil itinuro nito sa kanya ang room number ni Ryford.

“Ga’no katagal ka na rito?” tanong ni Bee kay Ryford matapos siya nitong paupuin sa sette.

“Tatlong araw pa lang.” Sinulyapan siya ni Ryford. “Bee, thank you for coming over.”

Bumuga ng hangin si Bee. Ngayon pa lang ay binabagabag na siya ng kanyang konsensiya. “Hindi ako magtatagal, Ryford. Gusto ko lang talagang malaman ang kalagayan mo dahil nag-aalala ako sa’yo. What happened to you?”

Matagal bago sumagot si Ryford. “Bee, when you’re on top, you will feel like you own the world. That you can do anything because people love you. But it gets tiring. Especially when at the end of the day, you’re still alone.”

“Hindi ka naman nag-iisa, Ryford,” giit ni Bee.

Mariing pumikit si Ryford. “Hindi `yan ang nararamdaman ko nang panahong `yon, Bee. Pakiramdam ko, sila lang ang nakakaintindi sa’kin.”

“Sino’ng ‘sila’?” kunot-noong tanong ni Bee.

Nagmulat si Ryford, saka nagkibit-balikat. “My new friends. One night, I just found myself alone in a bar. They offered me company. Bago ko pa namalayan, sinusubukan ko na ang trip nila. No’ng una, sinubukan ko lang talaga dahil nakaka-curious. But the euphoria it brought me was... addicting. Hanggang sa hindi ko na natigilan at hinanap-hanap ko na.”

Pakiramdam ni Bee ay nahirapan siyang huminga. By “trip”, she was pretty sure Ryford meant drugs.

“Napansin nila Kuya ang pagbabago sa’kin,” pagpapatuloy ni Ryford. “Hindi ko alam na naghihinala na silang may ginagawa akong kalokohan. Isang araw, pinakialamanan nila ang mga gamit ko. Nakita nila ang mga marijuana na itinatago ko. They got angry, I got angrier. Hindi ko na alam ang nangyayari.

Until Mom and Dad came to me, crying. I suddenly felt guilty. Nagalit ako sa sarili ko at dahil magulo ang isip ko, nagpatianod na lang ako sa gustong mangyari ng lahat. I went to a rehab and helped myself get better.”

Naniniwala naman si Bee na bumubuti na ang lagay ni Ryford simula nang huling beses niya itong nakita anim na buwan na ang nakakalipas. Masigla na uli itong tingnan kahit malungkot ang mga mata. “Bakit tumakas ka sa poder ng parents mo, Ryford?”

Nagtagis ang mga bagang ni Ryford at dumaan ang galit sa mga mata. “I was threatened. Napanood ko ang TV guestings ng Rai’s at sinubaybayan ko ang bago nilang videos sa YouTube. I felt like Radcliffe has successfully taken over my place. Even the fans seem to have forgotten about me easily. Radcliffe was enjoying everything I had worked hard for. Pati ang mga kapatid ko, parang siya na ang mas gusto. Alam kong kasalanan ko ang pagbagsak ko, pero akin pa rin dapat ang lahat ng `yon...”

Biglang nanlumo si Bee. Nakita kasi niya ang dati niyang sarili kay Ryford. Gano’n kasama ang tingin niya kay Radcliffe noon. Gano’n kakitid ang kanyang utak. Pero napatunayan na niyang mali ang lahat ng iniisip niya tungkol kay Radcliffe.

Hinawakan ni Bee ang kamay ni Ryford na ikinagulat nito, pero nang tumingin sa kanyang mukha ay lumamlam ang mga mata. “Ryford, alam kong mahirap itong paniwalaan, but Radcliffe is a good guy. Hindi niya inaagaw ang puwesto niya sa’yo. Ang totoo nga niyan, iniingatan niya `yon para pagbalik mo, may Rai’s pa rin na sasalubong sa’yo. Wala siyang balak na palitan ka sa banda, lalo na sa buhay ng mga kapatid mo.”

Marahas na binawi ni Ryford ang kamay nito mula sa kanya, pagkatapos ay tumayo ito at tinapunan siya ng nag-aakusang tingin. “Pati ba naman ikaw, Bee? Napalitan na rin ba ako ni Radcliffe sa buhay mo?”

Tumayo si Bee, pilit inuunawa ang Ryford na nakatayo sa kanyang harapan ngayon. Para bang hindi na ito `yong Ryford na kaibigan niya. “What’s happening to you, Ryford? Nathe-threaten ka ba kay Radcliffe?”

“He’s taking my place, Bee,” galit na sagot ni Ryford, halatang iniiwasang sagutin ang tanong niya.

Nagprotesta ang kalooban ni Bee. What an irony it was. Noon ay siya ang numero unong tagabintang ng masasamang bagay tungkol kay Radcliffe. Pero ngayon, nagagalit siya na makarinig ng maling paratang kay Radcliffe. Kahit pa mula iyon kay Ryford na iniidolo niya ng sobra. “Walang inaagaw sa’yo si Radcliffe, Ryford. Ikaw `yong hindi nagpahalaga sa mga bagay na meron ka. Ngayon, kung napunta man lahat `yon kay Radcliffe, sarili mo lang ang dapat mong sisihin. Masyado kang selfish.”

Bumuga ng hangin si Ryford, halatang kinakalma ang sarili. “I get it now, Bee. You’re on Radcliffe’s side. Bakit pa nagulat pa ko? Dapat no’ng nakita ko kayong magkasama, naghinala na ko.”

Napailing si Bee. Hindi niya gusto ang Ryford na kaharap niya. Siguro nga hindi na ito lulong sa droga, pero nilalamon naman ito ng insecurity. “Hindi na talaga ako dapat nagpunta rito. Akala ko kasi kailangan mo ng kaibigan. Pero sa nakikita ko, mas kailangan mo ng oras para sa sarili mo. Para makapag-isip-isip ka.”

Gumuhit ang guilt sa mga mata ni Ryford. “Bee –”

“Good bye, Ryford,” malamig na sabi ni Bee bago siya lumabas ng suite.

Naiinis na pinunasan ni Bee ang mga luha na basta na lang pumatak sa mga pisngi niya. Wala na yatang pinakamasakit para sa isang fan kundi ang makita ang pagbagsak ng idolo nito gamit ang sarili nitong mga mata. At iyon ang dumudurog sa kanyang puso ngayon.

Mataas ang tingin ni Bee kay Ryford dahil may paninindigan ito, alam nito kung ano ang gusto nito, at puno ito ng mga pangarap. But the Ryford she just talked to was insecure, selfish and... empty. He was almost lifeless. At tanda iyon ng isang taong tumigil nang mangarap.

“Bee!”

Bago pa namalayan ni Bee ay yakap-yakap na siya ni Ryford habang umiiyak siya at paulit-ulit na sinasabi sa binata kung gaano ito ka-selfish.

“I know, I know,” bulong ni Ryford. “I’m sorry, Bee. I’m really sorry.”

Naramdaman ni Bee ang mga labi ni Ryford sa kanyang pisngi, sentido, at noo habang pinapatahan siya. Pero dahil masyado pa siyang emosyonal, hindi niya ito napigilan. Nang bumalik siya sa kanyang sarili, saka lang niya nagawang lumayo sa binata.

Pero mukhang huli na ang lahat.

Kulang ang sabihing nagulat si Bee nang makita si Barbie na nakatayo sa likuran ni Ryford, nakahalukipkip at nakataas ang kilay. Base sa ekspresyon ng dalaga, kanina pa ito naroon.

Nagtaka marahil si Ryford sa kung sino ang tinitingnan niya kaya pumihit ito paharap. “Barbie.”

Ngumiti si Barbie – ngiting nang-uuyam. “Hi, Rydell. You’re back in the country, huh?”

Nagkibit-balikat si Ryford. “Can you keep it a secret?”

Ipinaikot-ikot ni Barbie ang dulo ng buhok sa daliri nito. “Well, you’ve been good to me before so... yes, I think I can keep this meeting our little dirty secret.”

Rydell laughed softly. “Thanks, Barbs.”

Umirap si Barbie. “It’s ‘Barbie’! And you should go back to your suite, Ryford. May press con ang Barbie Dolls ngayon kaya ako nandito. Maraming reporter sa lobby.”

Tumango si Ryford. “Thanks, Barbs.” Nilingon ng binata si Bee at hinawakan sa braso. He gave Bee’s arm a light squeeze. “I’m sorry, Bee. Hindi na kita maihahatid kahit man lang sa lobby. Call me when you get home, okay?”

Tumango lang si Bee. Sa panlalamig na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon dahil sa nang-uuyam na tinging ibinibigay ni Barbie sa kanya, pakiramdam niya ay nanigas na siya.

Ryford gave Bee a half hug before walking back to his suite. Taas-noo namang nilagpasan ni Barbie si Bee, at no’n lang natauhan si Bee.

Pinigilan ni Bee si Barbie sa braso. “Barbie, kung ano man ang iniisip mo tungkol sa’min ni Ryford, nagkakamali ka.”

Binawi ni Barbie ang braso nito mula sa pagkakahawak niya, pagkatapos ay hinawi ang bangs. Ngumiti ito ng ubos ng tamis. “And what do you want me to think, Bee? Malalim na ang gabi, pero nasa hotel suite ka pa rin niya.”

“Wala kaming ginagawang masama ni Ryford. Nag-uusap lang kami,” giit ni Bee.

Tumaas ang kilay ni Barbie. “Really? Hindi kasi `yon ang nakita ko. You and Ryford were kissing.”

“We didn’t kiss!” mariing tanggi ni Bee.

Ngumiti lang si Barbie saka siya tinalikuran. “I bet even Radcliffe would find it hard to believe you.”

Doon na ginapang ng takot si Bee. “Sasabihin mo kay Radcliffe?”

Nilingon siya ni Barbie. There was a triumphant smiile on her lips. “Only what I saw and what I know.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.