Nahigit ni Nadia ang hininga. Intense. Walang paligoy-ligoy ang lalaki. Kaya ba niya ang stamina nito? “I-I don’t really mind.” Kung siya lang ang babaeng makakasama nito at di ito tatakbo sa iba, wala iyong problema sa kanya.
Inilapit nito ang labi sa tainga niya. “If we will keep on doing this, you will regret it later on. And it will wreck your career. Probably your life. Hindi naman ikaw ang tipo na nakikipag-casual sex lang. You are so much more.”
“I can manage.” Natigilan siya pagsagot at itinulak ang dibdib nito. “Wait! Sa palagay mo ba magbabago ang isip ko dahil sa mga sinabi mo?”
“No. Mukhang hindi mo lang nare-realize ang implication ng ginagawa mo. That stupid offer would ruin your job. And your job is your life.”
Pumikit siya. Wala na siyang pakialam sa magiging epekto niyon sa buhay niya. She just wanted his touch and his kisses. She wanted more.
“Ayaw mo sa akin, di ba? Kahit ialok ang sarili ko sa iyo, di mo pa rin ako gusto. Mas gugustuhin mong bumalik sa mga batang iyon.”
Parang sinaksak siya sa puso sa rejection nito. Hindi na nga niya hinihiling na mahalin siya nito. Pero sampal sa kanya kung ire-reject siya nito bilang babae.
He breathed deeply. “Hindi ako aalis. Kung aalis man ako, hindi ako pupunta sa mga batang iyon. So you don’t have to do this.”
“I don’t understand. How about your urges?” Kaya lang naman siguro ito kukuha ng babae dahil di nito makuha ang babaeng gusto nito.
Humalakhak ito. “Urges? Hindi ako kailangan ng serbisyo ng mga batang iyon sa paraang iniisip mo. Gusto ko silang tulungan. Gusto kong sponsor-an sila ng foundation natin para makapag-aral. Tapos pwede na silang magtrabaho sa atin.”
Nahaplos niya ang sariling labi. “Iyon ba ang inaalok mo sa kanila?”
“Oo. Naawa kasi ako sa kanila dahil naikwento sila ng isang kaibigan kong blogger. Nakiusap siya na dalawin ko. Habang di pa tuluyang nilalamon ng sistema ang mga batang iyon, makakatulong pa rin tayo.”
Nanlumo si Nadia at napasandal sa dingding. Kung ganoon ay mali nga ang hinala niya. Gusto lang nitong tumulong. Hindi ito kukuha ng serbisyo ng bayarang babae.
Nakakahiya! Kung anu-anong ginawa ko kanina para lang sa wala.
“Iyon naman pala, eh! Bakit hindi mo sinabi kaagad?” paninisi ni Nadia. “Mukha tuloy akong baliw kanina.”
Itinuro nito ang sarili. “Ako? Bakit naging kasalanan ko? Gusto ko ngang magpaliwanag pero kontra ka naman ng kontra.”
Nasapo niya ang mukha at tinalikuran ito. “Oh! Ano bang ginawa ko?”
Wala palang kwenta ang sakripisyo niya. Palpak siya. At ipinagduldulan pa niya ang sarili dito. Wala na siyang mukha pang ihaharap dito. Pwede bang bangungot na lang iyon at magising na siya?
Hinawakan nito ang balikat niya. “Nadia, its okay!” At bahagya pa itong natawa.
“No! Its not okay!” Pumiksi siya. “Huwag mo nga akong hawakan.”
“Wala namang masamang nangyari, hindi ba? And I really appreciate the offer. Kung less noble lang sana ang intensiyon mo, I would take it up. Sana sinabi mo na lang na gusto mo ang katawan ko at di dahil gusto mong maging santa.”
“Yeah, great!” Salamat sa insulto. Inalok na niya ang katawan dito pero gusto pa nitong idiin niya na gusto niya dapat ito.
“I felt like a charity case. Medyo hindi masakit sa ego.”
“Sorry naman sa ego mo.”
“I survived for months without a warm body. Pero kanina parang nagbago ang isip ko. It isn’t everyday that I got a virgin sacrifice. That was tempting.”
Ni hindi niya ito nilingon. Kasalanan naman niya iyon. So she aroused his sexuality. Ngayon niya nalaman kung ano ang kaya niyang gawin bilang isang babae. Matapos niyang ipagduldulan ang sarili dito, imposibleng di mabuhay ang libido nito. Pero sa huli ay tinanggihan siya nito. She was not even good for casual sex. End of the story.
Hinamig ni Nadia ang sarili at dinampot ang gamit. “B-Babalik na lang ako sa kuwarto ko.”
Hindi na niya kaya pa itong titigan sa mata. Ni ayaw na rin niyang makita siya nito. Isang cheap na babae siguro ang tingin nito sa kanya. She was offering her body for free for charitable reasons. Baliw lang ang gagawa noon. Baliw nga siya.
“Basta mo na lang ako iiwan?” tanong nito.
“Wala na tayong kailangang pag-usapan. There’s your noble intention for the girls. Then that’s good. Congratulations! Wala na akong silbi dito kaya magpapahinga na lang ako. May flight pa tayo bukas.”
Nakakatatlong hakbang na siya nang maagap nitong hinarangan ang pinto. “One last question. Kapag ba sinabi ko na pupunta ulit ako sa lugar na iyon para kumuha ng serbisyo ng ibang babae. For real this time. Mag-o-offer ka ba ulit?”
“Hindi na!” bulyaw niya. “Magka-STD ka man sa mga babae mo, wala na akong pakialam! Tabi!”
Nag-side step ito at ipinagbukas siya ng pinto. Inirapan niya ito sa sobrang inis. How dare him! Pinagkakatuwaan siya nito. Dumapa siya sa kama at isinubsob ang mukha sa unan pagpasok niya ng kuwarto niya. Ano bang ginawa niya sa sarili niya at pinababa niya sa harap ng lalaki iyon? Nasaan na ang dignidad niya pati na rin ang respeto niya sa sarili. Ultimo nga simpleng common sense niya ay nag-coffee break din kanina.
Binuo niya ang sarili niya para irespeto ng iba. Para tingalain siya at kilalanin. Nawala lang sa isang iglap dahil sa kagagahan niya kay Jameson. Lecheng pag-ibig na iyan. Mabuti na lang at hindi niya sinabi dito na mahal niya ito. Lalo siyang magmumukhang tanga. Baka masapak lang niya ang lalaki kapag pinagtawanan ang pagmamahal niya.
Mabuti nang hindi niya malaman. Sesekretuhin ko na lang ito.
PABILING-BILING sa higaan si Nadia. Alas dos na nang madaling araw pero di pa rin siya nakakatulog. Sariwa pa sa isipan niya ang kahihiyan kay Jameso kanina. Nagre-replay lang sa isipan niya ang nga nangyari tuwing pumipikit siya. Gusto niyang maiyak sa kahihiyan pero huli na ang lahat. Nangyari na at di na niya mababago pa.
Parang di naman iniinda ni Jameson ang nangyari. Mukhang mahimbing na ang tulog nito sa kabilang kuwarto. Feeling guwapo siguro ang kumag. Di na bago dito ang mga babaeng nag-aalok ng sarili dito. Paano kung siya lang ang tinanggihan nito?
Kaya ko bang harapin siya mamaya kapag nagkita kami at magpaka-professional? Kaya ko bang pagtawanan na lang ang kapalpakan ko at sabihin kay Jameson na kalimutan na lang ang lahat?
Siya pa rin ang personal assistant ng lalaki. Lagi silang magkikita. Lagi silang magkakasma. Di niya alam kung saan siya kukuha ng lakas ng loob para magpanggap na wala lang ang nangyari ngayong mahal na niya ito.
Hindi lang niya basta inalok ang sarili dito. Kasama na doon ang puso niya. It would never be casual. Hindi pwedeng no strings attached.