Chapter NPC 34

Kaya niyang malampasan ang kahihiyan. Pero di kakayanin ng puso niya kapag nalaman na niya kung sino ang babaeng gusto nito. Siya pa ang magse-set ng date ng mga ito. Siya rin ang unang bubungad sa babae kapag dinalaw nito si Jameson sa opisina. Baka siya pa ang tagabili ng regalo nito at kakasabwatin kapag may sorpresa kay Jameson.

Mariing pumikit si Nadia. “Hindi ko kaya. Masyadong masakit.”

Inapuhap niya ang cellphone at nag-connect sa wifi. Nag-Google siya kung paano maka-move on. Reduce contact with him. Meet new people.

Naglaro na lang ang ibang letra sa mata niya. Pwede niyang sabihan ang sarili na magmo-move on na lang. Para naman ganoon kadaling mag-move on. Nanay nga niya hanggang ngayon di pa nakaka-move on sa tatay niya. Sira ulo pa iyon. Paano naman si Jameson na mas matino? Mas mahirap maka-get over.

“Mas mabuti siguro kung dumistansiya na lang ako sa kanya. Tama.”

Pwede siyang mag-quit bilang assistant nito at magpalipat ng ibang department. Nasa parehong kompanya pa rin sila pero di nila kailangang laging magkita. Pwede siyang magpa-destino sa Cebu o sa Isabela siguro. Para din maiba ang environment ng nanay niya at baka mas mabilis itong gumaling sa probinsiya.

Tama. Drastic ang desisyon na iyon pero para sa kanya ay tapos na ang misyon niya kay Jameson. Hindi na mahihirapan ang ibang papalit na assistant sa kanya.

Pero bago siya magpalipat ng trabaho, kailangan muna niyang makalayo kay Jameson ngayon. Alas diyes pa ng umaga ang flight nila. Di niya kakayaning makaharap ito mamayang umaga. Kung magkakaharap man sila ulit, titiyakin niyang nakapagpa-transfer na siya sa ibang department o sa ibang branch. Bahala na si Batman.

Nag-empake siya ng mga gamit. Magtsa-chance passenger na lang siya. Di naman peak season ngayon kaya umaasa siya na di puno ang mga eroplano. She needed to be in the first place out of Iloilo. Mag-iiwan na lang siya ng message sa counter para dito.

It was the coward way out. And drastic, too. Pero di niya kayang makipagsapalaran. Di pala siya ganoon katapang para isugal ang puso niya. Her self-preservation was still alive.

Tiningnan muna niyang magkabilang direksyon ng hallway bago hinila ang bag. Alas tres na noon ng umaga. Siguro ay himbing na himbing pa rin si Jameson.

Isa na naman itong sakripisyo para sa lalaki. Mabuti nang lumayo siya ngayon pa lang kaysa naman maging hadlang siya sa kaligayahan nito balang-araw. Nalaman na niya kung ano ang kaya niyang gawing kabaliwan para sa pag-ibig. Paano kung sa susunod ay gumawa siya ng paraan para makuha si Jameson mula sa babaeng gusto nito at masaktan ito sa huli? She couldn’t risk that. Okay na siyang masaktan nang mag-isa.

Kinaladkad niya ang luggage bag papunta sa elevator. Yakap niya ang sarili habang hinihintay na bumukas ang elevator. Nang bumukas ang pinto ay nasa loob si Jameson. Naestatwa ang dalaga sa kinatatayuan habang magkasalubong naman ang kilay ng lalaki.

“S-Saan ka galing?” tanong niya.

“Nag-gym ako sa baba.” Suot pa nito ang rubbe shoes, pajama at black sando. “Saan ka pupunta? Bakit dala mo na ang bag mo?”

“Ano... Ah...”

Lumabas ito ng elevator at hinawakan ang braso niya. “Aalis ka na? Pupunta ka na sa airport? May emergency ba? Ang nanay mo?”

Napalunok si Nadia. Tatakasan na niya ito pero siya pa ang inaalala nito. Kaya ba niyang magsinungaling sa lalaki?

Nang di siya makasagot ay inilabas nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. “Hello, Maddie. Kumusta si Aling Linda? May nangyari ba sa kanya? So, she’s okay.” Malamig ang mga mata siyang tiningnan ni Jameson. “Nag-aalala lang si Nadia. She really cares about her mother. Yes. Biscocho at piyaya? No problem.” Magaang tumawa ang lalaki. “Yes. Really? Nabanggit niya na gusto niyang mag-Guimaras o kaya Gigantes Island? Yes. Kailangan niyang mag-relax kasama ko.” Inakbayan siya nito. “Yeah. Late na nga. Sabi ko magpahinga na siya at huwag mag-alala. Magandang idea ‘yang pag-e-extend dito para magbakasyon. Thanks, Maddie. Bye.”

Pumiksi si Nadia. “Bitawan mo ako.”

“Para takasan mo ako? No way. Your mother is safe and sound. Walang nangyaring masama sa kanya. Walang emergency. Wala akong naiisip na dahilan para basta ka na lang umalis.”

“Walang dahilan? May amnesia ka ba?” tanong niya dito.

“Nahihiya ka ba dahil sa nangyari kagabi?”

Iritado niya itong hinarap. “Jameson, sino ba ang hindi mahihiya sa ginawa ko kagabi? Parang sobrang baba ko. Hindi ko nga alam kung paano pa kita nahaharap ngayon. Mas gusto ko ngang bumuka na lang ang sahig at lamunin ako.”

“Bago ka magpalamon sa sahig, mag-uusap muna tayo. Let’s go to my room. Baka ireklamo tayo kapag dito tayo nag-usap. Ibalik mo ang bag mo sa kuwarto mo.”

“Jameson, just let me go.”

“Kapag malinaw na ang lahat, ako mismo ang magpapadala sa iyo sa airport. Di na rin kita guguluhin, if you really want to stay away from me so badly. But we must talk first.” At ginawa nitong hostage ang luggage bag niya.

Walang nagawa si Nadia kundi ang sumunod dito pabalik sa kuwarto niya. Kumuha ito ng mineral water sa mini-ref at inabot ang isa sa kanya. Ang isa naman ay tinungga nito. “Hindi mo kailangang magpakain sa nakabukang sahig dahil sa nangyari kagabi. I appreciate your concern. You did it for me.”

“And it was stupid. Bakit mo pa ako kinakausap? You should treat me as if I have a contagious disease. O gusto mo lang lalo akong mapahiya sa sarili ko? Gusto ko lang magtira ng kaunting kahihiyan sa sarili ko.”

Umuklo ito sa harap niya. He pressed her hands against his cheek. Mukha itong lovestruck na teenager nang mga oras na iyon. “Maybe you really like me so much. Hindi iyon gagawin ng kahit sinong santa.” Kumislap ang mata nito. “Or maybe you are in love with me.”

Hinila ni Nadia ang kamay mula dito at nahigit ang hininga. “Pwede ba? Patamaan mo na lang ako sa kidlat o kaya ihulog mo ako sa eroplano pero di ako mai-in love sa iyo.”

“That is the only sane reason I can think of. Ikaw, may iba ka pang naiisip?”

“Baliw siguro ako. Dapat na akong ipadala sa mental hospital. Hindi ko kayang i-justify, okay? Hayaan mo na lang akong maka-recover sa kahihiyang ito. Kung itinuturing mo pa akong kaibigan kahit na paano, just let me go.”

He silenced her with a hot, searing kiss.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.