Chapter NPC 35

Nawalan na ng lakas si Nadia para lumaban. Kagabi ay kontrolado pa niya ang sarili niya. She always kisses him first. Pero iba pala kapag si Jameson ang naunang humalik sa kanya. He was the one holding the reins. He was taking over her senses, as if he was claiming her whole being with a simple kiss. He skimmed his lips against hers. Nahigit niya ang hininga at bumuka ang labi niya. She felt the smile on his lips. Then he plunged his tongue and she was lost. Doble pa ang sensasyong naramdaman niya kumpara nang nagdaang gabi.

Dapat ay itulak niya ito palayo. She needed her sanity back. She should argue with him about it but reason left her. Ito ba ang tatakasan niya? Hindi niya kayang kumawala dito.

She was independent. She was designed not to need anyone specially a man. Pero kailangan niya si Jameson gaya ng hanging hinihinga niya. This is not a simple attraction. This is love. At kahit gusto niyang lumayo, alam niyang mahihirapan siya dahil hahanap-hanapin niya ang halik nito, ang company nito.

He caressed her cheeks when their lips parted. She didn’t dare speak. Ayaw niyang masira ang sandaling iyon. Hindi na magiging madali para kay Nadia na lumayo dito ngayon. Natatakan na ni Jameson ang pagkatao niya.

“You are in love with me. Huwag mong isipin na nagpakababa ka kagabi dahil gusto mong ibigay ang sarili mo sa akin. Babaeng in love lang ang gagawa no’n.”

“I beg to disagree! I am not in love with you!” Magpapabaril na lang siya sa Luneta kaysa aminin na in love siya dito.

Umangat ang gilid ng labi ni Jameson. Hinaplos nito ang pang-ibabang labi niya. “Hindi mo siguro nare-realize sa ngayon o ayaw mo lang tanggapin. But that is how you really feel. You love me.”

“Wala sa plano ko ang ma-in love!” Lahat ay pinaplano niya. Wala siyang plano na sirain nang tuluyan ang plano at buhay niya dahil lang dito.

Humalakhak ito. “Plano? Hindi pinaplano ang pagmamahal, Nadia. Nasa denial stage ka lang. At hindi mo dapat ikahiya kung in love ka man sa akin. Kung ako man ang nasa sitwasyon mo, gagawin ko rin iyon.”

“Kung pi-pick up ako ng callboy, willing kang pumalit sa kanya?”

Pinisil nito ang ilong niya. “Silly! I mean I am territorial. Very territorial. I won’t let any other man touch you.”

“Bakit? Ayaw mo nga sa akin. Tinanggihan mo ako.”

“You have no idea what you can do to me. Nadia, I kissed you back last night because I’ve been dying to kiss you for a long time. The first time we’ve met at the airport, gusto ko nang halikan ang nakatikwas mo na nguso. Tuwing sinusungitan mo ako, gusto na lang kitang halikan para tanggalin ang kasungitan mo. And you definitely made me feel alive after last night. Kahit pa charity case mo lang ako.”

“H-Hindi ka charity case,” usal niya. “I did it because... You are special to me. At natatakot ako na baka nawalan ka na ng respeto sa akin. Saka kung gusto mo ako, sana hindi ka tumigil.”

”I will always respect you. Kaya nga ako tumigil dahil ayokong isipin mo na sinasamantala kita. Because I like you a lot. And I want you to be my girlfriend.”

“Girlfriend? Ako? Gusto mong maging girlfriend. Teka lang… Paano ‘yung brunette na sinasabi mo noong isang gabi. ‘Yung dahilan kung bakit ayaw mong makipag-date kay Blondita.”

“That is you, silly. Ikaw lang itong manhid at di makaramdam na gusto kita.”

“Sigurado ka?” Direkta niya itong tiningnan sa mata. “Are you doing this to save my face? Para ibalik ulit ang mataas na tingin ko sa sarili ko? Para di kita iwan?”

“Ngayon sarili mo naman ang iniisip mo na charity case? Noon ko pa sinasabi na gusto kitang ligawan pero basted agad ako.”

“Kasi parang di ka naman seryoso.”

Huminga ito ng malalim. “Ikaw na lang naman ang di sumeseryoso sa akin. Alam na ng buong opisina na gusto kita. May seal approval na rin ako ng nanay at pinsan mo. At may warning na rin sa akin si Papa na huwag kang sasaktan. Kailangan yata halikan kita ulit para maging malinaw sa iyo na gusto kita.”

Napipilan siya. She didn’t want to contest his claim. Kapag hinalikan siya nito, tiyak na mawawala na siya sa sarili. Makakalimutan na niya kung sino siya. Kung ano siya.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Pero okay lang naman na mawala sa sarili ngayon. Natiyak na niyang siya ang babaeng gusto ni Jameson. Kinabig niya ang batok nito at hinalikan ito. Nagulat si Jameson sa ginawa niya. Pero sinapo nito ang baywang niya para di sila tuluyang matumba. Yes, she would catch her when she fall.

She felt free. She felt wild. Her heart was soaring.

Parang nakasakay siya sa rollercoaster. Sa loob ng isang araw ay nakadamam siya ng selos, takot, sakit at saya dahil sa pag-ibig. But it was all worth it now. Kung tuluyan niyang tinakasan si Jameson, di niya malalaman na siya ang babaeng gusto nito.

“So, hindi ka na aalis?” tanong ng lalaki. “Alam ko pwedeng magkaroon ito ng komplikasyon sa trabaho natin...”

“Gusto ko naman talagang magpa-transfer para iwasan ka.”

Kinintalan nito ng halik ang kamay niya. “Kung walang magiging problema sa working relationship natin, you can stay as my assistant. Mas inspired ako kapag kasama ka. Pero kung di ka na komportable, pwede mong sabihin sa akin. We can work something out. I can’t wait to tell everyone that you are my girl.”

Kinagat niya ang labi. “Jameson, this emotion is all new to me. Alam mo naman kung ano ang nangyari sa parents ko, hindi ba?”

“Nadia, hindi ako mawawala. Mas mahal ka pa yata ng tatay ko kaysa sa akin. At ako mismo, di ko gugustuhing malayo sa iyo. Hindi kita minamadali.” He took her hand and laced her fingers with his. “I want to be the man who will take care of you. I just want to stay beside you. I just need you to trust me.”

“Fine. I will take this risk.” Kahit na natatakot siya sa posibleng mangyari ay susugal siya para makasama si Jameson. “But we need to make some rules.”

Umupo ito sa gilid ng kama niya. “Fine. I am willing to listen.”

“Kailangang mag-excel ka sa kompanya. Di dahil ako ang assistant mo at gusto kita, di mo ako pwedeng makukuha sa pagpapa-cute at paglalambing mo para mapagaan ang trabaho mo.”

Tumayo ito at niyakap siya sa baywang. “Noted. I will work harder now to prove my worth.”

“At ayoko ng distraction sa trabaho ko. Kung may personal issues tayo, di natin pwedeng pag-usapan kapag nasa opisina tayo at oras ng tao.”

Kinintalan nito ng halik ang dulo ng ilong niya. “Pwede ba kitang lambingin kapag tayong dalawa lang? Sa loob ng office ko may privacy.”

Pinanlakihan niya ito. “Jameson, you need discipline.”

Humalakhak ang lalaki. “I can control my urges. Ewan ko lang sa iyo. I think you can’t keep your hands off me” panunudyo ng lalaki.

Umikot ang mga mata niya. Siya pa ngayo ang di makapagtimpi sa sarili. “You can kiss after office hours.”

“And during breaktime. This is perfect! I never thought that I would settle for a girl whom I will take seriously. Nang umuwi ako ng Pilipinas, sabi ko sa sarili ko pagbibigyan ko lang si Papa pero alam ko na sasakit lang ang ulo niya sa akin. I don’t really deserve a place in Deogracias Furniture. But you appeared like a female Hitler and you put me on the line. Sabi ko gagawin ko ang lahat para hindi mo ako sukuan. Kasi ayokong mawala sa tabi mo. Ano bang ginawa mo sa akin, Nadia?”

“Ako nga ang dapat magtanong. How could you turn me from a manhating frigid to a crazy woman in love?” nakangiti niyang tanong at pumikit nang kintalan nito ng halik sa mata. “I am glad I am here in your arms. Masaya ako na di ako papunta sa airport ngayon na lasug-lasog ang puso.”

Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. “Hindi kita pakakawalan. Put that in mind. Kailangan siguro nating ipa-rebook ang flight natin?”

“Bakit? Aasikasuhin mo ba ang batang prostitutes?”

“Nope. Nai-endorse ko na sila sa isang kaibigan ko na NGO. Mas gusto ko yata na magbakasyon tayo nang tayong dalawa lang. We have the whole weekend ahead of us. I know a romantic place a few hours from here.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.