Chapter NPC 36

“I LOVE Gigantes Island!” sigaw ni Nadia habang nakataas ang dalawang kamay. Nakatayo siya sa ibabaw ng lighthouse ng isla ung saan tanaw ang dagat at ang magandang paglubog ng araw pati na rin ang white beach sa baba. Nakatutok naman ang cellphone ni Jameson at kinukuhanan siya ng video. Gusto daw nitong ipakita sa lahat na siya na ang girlfriend nito para daw hindi na umasa pa ang ibang babae na masisilo ito.

“Hindi mo ba ako sasabihan ng I love you?” nakalabing tanong ni Jameson.

Binelatan lang niya ito sa camera at muling pinagmasdan ang magandang view. It was precious. Nang sabihin ni Jameson na mamamasyal sila, akala niya ay sa kalapit na Guimaras lang sila pupunta. Fifteen minutes lang iyon mula sa Iloilo City. Nagulat na lang siya nang sumakay sila ng bus papuntang Estancia, Iloilo at mula doon ay sumakay ng chartered ferry patungong Gigantes Island.

Hindi madali ang pagpunta sa isla. Malakas ang alon at naabutan pa sila ng ulan sa laot. Pero nang makita na niya ang isla mula sa dagat ay nabighani na siya. Nakita agad niya ang limestone cliffs. Nakakaaliw din ang malinaw na tubig ng dagat.

“Akala ko pangarap lang na makapunta ako sa ganito kagandang lugar,” sabi ni Nadia at sumalampak sa sahig ng resthouse. “Masyado kasi akong naka-focus sa trabaho no’n.”

“At sa pamilya mo rin. Masyado kang maraming gustong patunayan sa sarili mo at sa ibang tao. Nawala na sa isip mo kung paano bigyan ng reward ang sarili mo. It is about time that you got yourself a vacation and a handsome boyfriend.” At saka ito pumalatak.

"You are not a reward, Jameson. You are what I deserve. I choose you. And I choose to be happy. Noon hindi ko napapansin ang magagandang bagay sa paligid ko dahil lagi kong iniisip kung makakatulong ba sa career ko ang pagre-relax gaya nito. I don't want to put my guard down. Ayoko ring magkaroon ng kahit anong kahinaan. Lahat ng kunin ko, dapat may return of investment. Pero nang mahalin kita, natuto akong mag-take ng risk. Ang magbigay kahit na walang hinihinging kapalit. And it is such a good feeling."

"So do I. Kahit mukha akong tangang sunud-sunuran sa iyo, kahit pinagtatawanan mo lang ang attempts ko na ligawan ko, okay lang sa akin. At ito mismo ang iniiwasan ko dati. Ayoko ng emotional investment sa isang tao. Paano kung gusto kong umalis na sa isang lugar at gusto niyang mag-settle?"

Nilingon niya ito. "Hindi ba nangangati ang kamay mo na maglayas? Yung katulad nito na wala kang aalalahaning trabaho at walang responsibilidad." Inilahad ni Nadia ang mga kamay. "I mean, I can see the charm. Parang gusto ko nang kalimutan ang magulong buhay sa Manila at dito na lang mag-stay. Walang gaanong responsibilidad dito. Walang deadline or phone calls na kailangang sagutin. Pwede akong pumunta kahit na saan ko gustuhin para lang magbiyahe."

Natatakot siyang magtanong kay Jameson dahil natatakot siya sa pwedeng mangyari sa hinaharap. Ito ang ayaw niya sa pag-ibig. Ang kawalan ng katiyakan. Ang posibilidad na mawala din sa kanya ang taong mahal niya.

"Noong una parang gusto ko nang umalis. Then I realized that I've been running away from my father and the company. Nakita ko rin ang passion mo sa kompanya. I felt at home.” Umupo ito sa sahig ng viewing deck. “Okay naman pala kahit na hindi ako laging nakakapag-adventure sports sa kung saan-saang parte ng mundo. I am breathing just fine. Saka pwede pa rin akong magbakasyon pero di na gaya ng dati na matagal. I will also make sure that you will join my adventures."

Nahigit niya ang hininga. "Isasama mo ako?"

Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Hindi kita iiwan. We will share a lot of things from now on. Like this beautiful sunset."

Umupo siya sa tabi nito at humilig sa balikat nito. "This is so romantic.” Hindi makapaniwala si Nadia na nasasabi niya ang salitang romantic nang walang halong sarkasmo. She couldn’t believe that she will experience something so beautiful. “Kahit saan pa iyan, masaya ako basta kasama kita. Thank you for making me happy."

Hinalikan ni Jameson ang ibabaw ng ulo niya. "Thank you for giving me enough reason to stay."

"KINAKABAHAN ako. We need to make a good impression. A-attend sa party natin ang sikat na Filipino interior designer na naka-base sa Los Angeles. Do you think this is classy enough? Magugustuhan kaya niya ang party natin?” kinakabahang tanong ng executive assistant ni Don Felipe na si Ma’am Judith.

“Siyempre naman po, Ma’am. Presidente nga ng Pilipinas na-impress sa mga dating parties na kayo ang nag-organize. No worries,” paniniyak ni Nadia sa matandang babae.

Anniversary ng Deogracias Furniture sa One Canvas sa Makati at imbitado ang sikat na interior designer na si Caroll San Agustin. Interesado daw ito na idala ang produkto nila sa Amerika at ilagay sa tahanan at vacation houses ng mga Hollywood celebrity. Nao-overwhelm ang mga tauhan ng kompanya dahil sa magandang oportunidad na iyon. Nape-pressure tuloy ang lahat na magkaroon ng magandang impression sa babae.

“We must nail this deal,” sabi ni Judith.

Nilapitan niya ang mga kasamahan na mukhang excited din sa presensiya ng sikat na interior designer. “Madi-discover kaya niya ako? Pwede naman akong pang-Hollywood, di ba?” tanong ni Atheena sa mga kasamahan.

“Shungers! Di naman siya talent scout. Interior designer lang siya,” kontra ni Meril dito.

"Kailangan maging close kami. Ipakilala niya ako sa friends niya na Hollywood stars. Baka nandoon ang destiny ko,” feeling hopeful na sabi ni Miggy.

"Akala ko ba nasa Pilipinas ang The One mo?" tanong ni Atheena.

"Wala na. Inagaw na niya sa akin," anang si Miggy at ngumuso sa kanya. Lumapit ito sa kanya at nag-beso. "Pero happy naman ako para sa iyo. Pag ayaw mo na kay Sir Jameson, ipasa mo sa akin."

"Doon ka na lang sa Hollywood. Akin si Jameson,” mariing sabi ni Nadia at walang kangiti-ngiti siyang tiningnan.

"Pak! Taob ako doon, girl,” kantiyaw ni Meril.

Mula nang maging nobyo niya si Jameson ay mas naging malapit siya sa mga kasamahan. Dati pa naman gustong maging close ng mga ito sa kanya pero lagi siyang pormal. Hinahayaan na niya ang sarili ngayon na magkaroon ng maraming kaibigan.

"Nadia!" tawag ni Jameson sa kanya.

"Bakit umalis ka sa tabi ni Don Felipe?"

Hinawakan nito ang siko niya. "Gusto kong ipakilala sa lahat ang girlfriend ko. Excuse us,” sabi nito sa mga kasamahan niya.

Masarap palang pakinggan na maipakilala nito ang girlfriend mo. May mga nagtataas ng kilay pero tumitiklop ang mga ito kapag ipinagmamalaki na siya ng binata. Naa-appreciate nito ang mga kaya niyang gawin.

"Jameson is here. Nakita ba ninyo ang Princess Urduja themed resort sa Pangasinan? He helped with the designs. Nai-integrate niya ang iba't ibang ideas mula sa mga biyahe niya."

Inilahad ng babaeng kausap ni Don Felipe ang kamay kay Jameson. "The heir."

"Just call me Jameson, Ma'am,” sabi ng binata.

"I am Caroll San Agustin,” pagpapakilala nito.

San Agustin. Saka niya naalala kung sino ito. Ito ang tinawag na sweetheart ni Pocholo San Agustin. She was her father's wife.

Sa malayo lang niya ito nakita noon. Pero ngayon ay natitiyak na niya na asawa ito ng ama. Iba ang itsura nito sa magazine at mukhang may ipinabago sa mukha kaya di niya nakilala. Na-rattle si Nadia. Alam ba nito kung sino siya? Alam ba nito na may anak ang tatay niya sa ibang babae?

"The interior designer for the celebrities,” anang si Jameson. “This is my girlfriend, Nadia. Nadia, Madam Caroll San Agustin.”

“Good evening, Ma’am,” sabi ni Nadia at ngumiti sa babae. She had to be professional. Kahit pa di siya komportable sa taong may kinalaman sa ama niya, kailangan niyang pakiharapan ito dahil malaki ang inaasahan ng kompanya dito.

Kumunot ang noo ng babae. "Hi! Have we meet before?"

Umiling siya. "Ngayon lang po."

"Baka kahawig mo lang.” Alanganin ang ngiti ng babae. “Anyway, my husband is on his way. He also used to travel a lot when he was younger. Marami kayong mapagkukwentuhan. Does your girlfriend travel a lot with you?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.