"No. I work for her. She's my little boss,” sago ng binata.
"Little boss?" nagtatakang tanong ni Caroll.
"She is Jameson's personal assistant pero mas madalas si Nadia ang nagbibigay ng utos,” sabi ni Don Felipe na naaaliw sa taguri ni Jameson sa kanya. May pagkakataon kasi na malaro ang binata sa trabaho at kailangan niyang sermunan para kumilos agad.
Mabigat ang dibdib ni Nadia nang samahang mag-ikot si Madam Caroll kasama ang mag-amang Deogracias. She was dreading every step, every second ticking by. Natatakot siya na basta na lang sumulpot si Pocholo San Agustin.
"Are you okay?" tanong ni Jameson.
"Yes. Medyo di lang ako makahinga sa dami ng tao. Pwede bang sa labas muna ako?”
“Sasamahan na kita,” nag-aalalang sabi ng binata.
“Hindi na. Maiwan ka na dito.”
"Go to the verandah. Susundan kita mamaya.”
After excusing herself, she went to the verandah right away. Wala halos tao sa verandah. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling magkaharap ulit sila ng ama. Sa dinami-dami ng pagkakataon, sa party pa ng mga Deogracias. Paano kung ipahiya din siya nito gaya ng pamamahiya nito sa kanilang mag-ina sa mall?
Mas mabuti siguro kung aalis na lang siya. Madalang naman siguro nilang makaka-transact ang ama kapag ka-deal si Madam Caroll. Iiwas na lang siya.
Palabas na siya ng verandah nang may makabangga siya na papasok naman. Nakayuko kasi ang lalaki habang may kausap sa cellphone. "I'm sorry, Sir."
Nanlaki ang mata ni Nadia nang mamukhaan si Pocholo San Agustin. She had a weird feeling. Ngayong sila na lang dalawa, saka niya napagmasdan ang mga pagkakahawig nila. Mula sa bilugang mata hanggang sa matangos na ilong at maging ang cheekbones.
Nagdilim ang mukha nito. "It is you again. Sinusundan mo ba ako? Sino ang nagpapasok sa iyo dito?"
Napamaang siya. Ito na nga ba ang iniiwasan niya. Ayaw niya ng komprontasyon dito sa isang pampublikong lugar. "Sir, I work for this company,” she said in an even voice.
"Really? I don't buy that shit. The same thing that I don't buy the crap that you are my child. Kapag hindi mo ako tinigilan, ipapakulong ko kayo ng nanay mo for extortion."
Nadia stood her ground. "With all due respect, Sir, di ko naalala na ipinagpilitan ko ang sarili ko bilang anak ninyo. Wala rin akong natatandaan na nanghingi ako ng isang kusing sa inyo. Mula kinder hanggang college, iginapang namin ng nanay ko dahil wala naman kaming mapapala sa tatay ko na walang bayag para humarap sa responsibilidad."
Naningkit ang mga mata nito. "Tinawag mo akong walang bayag?"
Nang-iinsultong ngumiti si Nadia. "Kayo ba ang tatay ko para angkinin ninyo ang title? Akala ko ba hindi kayo iyon. Well, if the shoe fits."
Inangat nito ang kamay para sampalin siya. "How dare you?"
Ihinarang ng dalaga ang magka-krus na braso sa mukha para proteksiyonan ang sarili. Hindi siya napagbuhatan ng kamay ng ina kahit na kailan. Tapos ay sasaktan lang siya ng ama na ngayon lang niya nakaharap.
"May problema ba dito?" tanong ni Jameson. “Nadia!”
Nawala ang pangamba ng dalaga at pumunta sa likod ng nobyo para sa proteksyon. Hindi siya makapagsalita sa sobrang takot.
"Empleyado mo ba siya? I want her fired. Binastos niya ako na importanteng bisita dito,” maangas na sabi ng ama niya.
"Your name, Sir?" Jameson asked in a cool voice.
Namaywang ang matandang lalaki. "Pocholo San Agustin, Caroll San Agustin's wife."
Nakakunot ang noo siyang nilingon ng lalaki para kumpirmahin marahil kung totoo ang paratang ng lalaki. Umiling ang babae. "Sir, paano kayong binastos ni Nadia?"
"Tinawag niya akong walang bayag!” nanggagalaitig sabi nito.
"I was pertaining to my father,” sabi ni Nadia.
Dinuro siya ng lalaki. "Ipinipilit niya na anak ko siya. And she wants money from me. Nalaman niya siguro na maganda ang estado ng buhay ko. Akala siguro niya mapapaikot niya ako. Walang pwedeng manggantso sa akin.”
"I never asked you for money,” protesta ni Nadia.
Pagak na tumawa si Pocholo. "Come on. Bakit pa ipagpipilitan ng nanay mo na kilalanin kitang anak kundi dahil sa pera?"
Pera? Pagmamahal at pagtanggap ang hinihingi ng nanay niya. Hindi pera. Pero ano bang alam ng walang kwentang lalaking gaya nito sa pagmamahal?
"Hindi ko kailangan ng pera mo. Hindi kita kailangan,” mariing sabi ni Nadia. “Dahil naabot ako ang kinalalagyan ko nang di humingi ng tulong sa iyo o sa kahit na sino. Di ko kailangan ng pera ng isang taong wala namang kwenta.”
Dinuro ulit siya ni Pocholo. "Bitch! I will get you fired. Di ka makakapasok sa kahit anong trabaho.”
"Sir, bisita namin kayo dito. Pero kailangan irespeto ninyo ang ibang tao dito,” malumanay pa ring babala ni Jameson pero narinig niya ang panginginig ng boses nito. Parang tinitimpi lang nito na sumabog.
Ito naman ang dinuro ni Pocholo. "Huwag mo akong uutusan kung sino ang dapat at hindi ko dapat irespeto. Fire her or my wife won't sign the contract."
"Hindi ko aalisin sa trabaho ang isang taong wala namang ginagawang masama,” pagtatanggol ni Jameson sa kanya.
Tumango-tango ang lalaki. "She got you by the dick. She's a whore like her mother..."
Napatili si Nadia nang nang biglang suntukin ni Jameson ang tatay niya. Pumaling ang ulo ng mayabang na ama niya sa lakas ng pagkakasuntok ni Jameson. May bahid agad ng dugo ang labi nito.
Akmang susundan pa ni Jameson ang suntok pero niyakap na ito ni Nadia sa baywang para pigilan. “Jameson, hayaan mo na siya.”
Bagamat di nanlaban si Jameson ay dama niya ang tensiyon sa buong katawan nito. "Hindi kita binibigyan ng permiso na bastusin ang girlfriend ko at ang nanay niya. You messed up with the wrong person.”
Isang tili ang kumawala mula kay Madam Caroll. Dali-dali nitong dinaluhan ang asawa. "What have you done to my husband?"
Saka lang napansin ni Nadia na marami nang tao na nanood sa kanila. Hindi na nila magagawang itago ang gulong iyon.
"I am sorry, Ma'am. But he deserves it,” matapang na sabi ni Jameson.
"You will pay for this. Hindi makakarating ng Hollywood ang Deogracias Furniture. Idedemanda ko kayong lahat,” sabi ni Madam Caroll at inakay palabas ang asawa nito.
Niyakap siya ni Jameson. "Are you okay?"
Tumango siya. "Yes." Tiningala niya ang lalaki. “Pero paano kung magdemanda sila? Paano ang deal ninyo sa mga San Agustin?”
"Walang ibang importante kundi ikaw. I will protect you, whatever the cost is."
PUNO ng tensiyon ang conference room. Hapon noon matapos ang party nang humingi ng meeting ang mga San Agustin. Kumalat na sa social media ang pananapak ni Jameson kay Pocholo at hindi maganda ang naging feedback sa nobyo. It gave Nadia a sleepless night. Marami ang nangangamba sa kinabukasan ng Deogracias Furniture kapag nasa kamay ng isang maiinitin ang ulo at YOLO boy na gawa ni Jameson. And she could feel the doom now that they were facing her father. Natitiyak niyang wala itong gagawing maganda.
“My wife and I decided that we don’t want to make things worse,” sabi ni Pocholo na katabi ang asawa at ang abogado nito. “Sayang naman ang magandang samahan sana na nabubuo sa Deogracias Furniture na kami magdedemanda at hindi na namin sasampahan ng physical injury si Jameson Deogracias kung susundin ninyo ang mga kondisyon namin."
"Terminate Nadia Realondo, ten percent of the company as damages and she'll sign a document that she'll give up any claims that she is Mr. San Agustin’s daughter. Di na siya maghahabol kahit na kailan.”