Chapter 33

Nakaupo lang ako habang nakatingin kay Daddy. Sabi nito ay ipapaliwanag nito sa akin ang lahat ng nangyari kaya naman nasa loob pa rin kami ng library at nakatingin sa kanya. Mabigat ang mga nakalipas na araw dahil na rin sa sunod-sunod na nangyayari sa amin, sa pamilya… namin…

Hawak ni Jahann ang kamay ko habang maging ito ay nakatingin kay Daddy para malaman kung ano ba ang totoo. Naghihintay rin sa sasabihin nito para maliwanagan kami sa nangyari noon.

He sighed and looked at me. I saw him smile a little. “You’re probably confused, you have lots of questions inside your head right now, and I understand that, Cherinna,” panimula ni Daddy habang nakatingin pa rin sa akin. “I’d understand if you hate me now, too.”

Hindi naman ako kumibo habang nananatiling nakayuko ang ulo. Gusto kong mag-angat ng tingin sa kanya pero mas lamang na nahihiya ako sa kanya.

Hindi ako galit sa kanya o sa kahit na sino. Nalulungkot ako, naguguluhan, nasasaktan pero hindi ako galit sa kahit na sino…

“First, I want to apologize… for keeping this from you, and from you, too, Jahann,” he glanced at Jahann. Bakas sa mukha nito ang pagod at lungkot dahil sa nangyayari sa amin ngayon. Hindi ko naman din alam kung nakapag-usap na ba sila ni Mommy… kung okay ba silang dalawa. When I left last night and went to my room, they were still in the living room, talking.

Sa palagay ko ay hindi pa rin maayos ang relasyon nila ngayon dahil hindi naman din madaling matatanggap ang nangyari.

I remember how she looked last night. Full of pain, sadness, anger…

“How’s Mom…?” I managed to ask him when I looked at him. He smiled sadly and shrugged. “She hates me right now and it’s understandable, I don’t have plans on running away from this because I did this,” he replied as he sighed. “But that’s different, I’ll handle it. I’ll talk to your mom…” he tried to smile at us. “What’s important now is to explain to you what happened…”

Hindi ako kumibo at nakatingin lang ako sa kanya. Kahit si Jahann na nasa tabi ko ay hindi rin nagsasalita. Nakatingin lang din ito kay Daddy at naghihintay ng sasabihin nito. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang naghihintay ako sa mga sunod na sasabihin niya sa amin.

“When your mom gave birth to Alyanna and… and Airi…”

I looked down at my lap when she mentioned her name. Kung tutuusin ay hindi naman ako dapat na masaktan dahil iyon naman ang totoo. Anak nito si Airi… ito ang kakambal ni Alyanna…

Siguro nga ay dapat na isinisiksik ko na iyon sa isipan ko ngayon para mas mabilis kong matanggap at hindi ako mas masaktan pa.

“We’re so happy that we had twins. We thought everything was okay, not until a nurse came to me and told me one of my daughters is missing…” he looked down and heaved a sigh, he shook his head and looked at me.

Matagal na ang pangyayari na iyon pero bakas sa mukha ni Daddy ang sakit habang inaalala ang bagay na iyon. It was as if it was only yesterday…

“I know that I should’ve told Mikaela what happened, but…” he paused and looked at Jahann. “Your lola doesn’t want me to do that…”

“Si Lola?” tanong ni Jahann na nakakunot ang noo. Ang tinutukoy nito ay ang Lola namin sa side ni Mommy.

I mean, lola nila…

He nodded a little and looked at me. “I did what I had to do, I went to Child’s Hope and luckily… they just got you, Cherinna…” naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Daddy habang ang mga mata ay nananatiling nasa akin.

“I made Mikaela believe you are our daughter and trust me, Cherinna. I treated you as our own, as my own…”

Napaiwas ako ng tingin ng maramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko naman talaga maikakaila ang bagay na iyon.

They really treated me as their own.

Kahit pa nga alam nila Tito Thunder at Tito Hunter ang totoo, ni hindi ko naramdaman noon na iba ako sa kanila… hindi ko naramdaman na ampon ako.

I used to hope that one of us is adopted so we can have a chance to be together… but I didn’t know it would be this hard… I didn’t know it would be this painful…

Pinipilit ko naman na tanggapin ang nangyayari, may parte sa akin na nagpapapakapositibo na may dahilan ang lahat ng ito.

Pwede na kaming dalawa ni Jahann… magiging mahirap pa rin ang lahat pero mas pwede na kami ngayon kaysa noon…

Pero hindi ko pa rin talaga matanggap agad ang nangyayari…

“You didn’t look for her?” Jahann asked him, I know he’s talking about Airi. She’s talking about her real sister. Napalingon ako rito. I was so consumed by what happened that I failed to ask how he was.

Hindi ko man lang siya natanong kung kamusta ba siya, kung ano ang nararamdaman niya. He met Airi, became friends with her, without knowing she’s his real sister.

“I did, we did…” Dad smiled sadly. He massaged his temple as he looked at me. “We did, but it was as if she never existed… we weren’t able to trace her, track her…” napailing ito. “I kept on looking for her…”

Hindi ako kumibo habang nakikinig kay Daddy.

“I treated you as my own daughter, Cherinna. I was thinking, maybe, whoever got her, they will treat her the same way I will treat you…”

Napakuyom ang kamay ko nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. I know he’s guilty and he feels bad, but it’s not his fault…

“I am sorry for keeping this from you, I am sorry for--”

“Thank you…” I said, cutting him off. Nag-angat ako sa kanya ng tingin habang patuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Mabigat man ang loob ko, hindi ko kayang balewalain ang katotohanan na inalagaan nila ako.

Kahit na hindi nila ako tunay na anak…

“What?” kumunot ang noo ni Daddy, nagtataka marahil kung bakit nagpapasalamat ako sa kanya. Pinunasan ko ang pisngi ko at muling tumingin sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang paghikbi nang tumayo ako at lumapit sa kanya.

“Cherinna…” I heard Jahann’s voice call my name. Hinawakan ko ang kamay ni Daddy at marahan iyong pinisil…

“Don’t blame yourself, Dad…” mahinang sabi ko habang patuloy ang paghikbi. “It wasn’t your fault…”

I bit my lower lip hard as I looked down and let my tears fall from my eyes.

Hindi ko alam kung hindi na ba ako mapapagod kakaiyak dahil parang wala na rin naman akong ibang ginagawa ngayon kundi ang umiyak.

“Cherinna…” he touched my cheek and wiped my tears.

“I’m sorry…” I told him, I looked at him. Sa dami ng nagawa kong mali, hindi ako kailanman pinagbuhatan ng kamay ni Daddy. Alam ko na maraming bagay akong nagawa na nakapagpadisappoint sa kanya pero kailanman ay hindi ko naramdaman na nagalit siya sa akin. “I’m sorry, kasi… kahit na hindi niyo naman ako anak, kahit na… hindi naman ako Anderson… tinanggap niyo ako kahit na ang dami kong ginawa na hindi niyo gusto…” napayuko ako dahil hindi ko alam kung kaya ko bang harapin ang tingin ni Daddy.

He’s been so supportive of me. He’s always there for me…

“Nahihiya ako kasi… hindi niyo naman ako kaano-ano tapos puro problema ang binigay ko sa inyo…”

“Hey, don’t think like that…” hinawakan ni Daddy ang kamay ko. “You made us all happy, Cherinna. Ikaw ‘yung bumuo sa pamilya natin…” sabi nito habang nakatingin sa akin. Muli nitong pinunasan ang pisngi ko. “You’re part of this family. You and Nikolai,” sabi nito kaya naman mas lalo akong napaiyak dahil hindi ko alam kung deserve ko ba na makatanggap ng ganoong mga salita mula rito kahit na puro kahihiyan na lang ang naibigay ko sa kanila.

“I’m really sorry, Daddy…” I hugged him tight and buried my face on his chest. Yes, he never made me feel like I was not part of this family.

Kahit sino sa kanila ay hindi iyon pinaramdam sa akin kaya naman mas nahihiya ako sa kanila dahil sa ibinalik ko sa kanila sa kabila ng lahat ng iyon.

Jahann was just looking at me while I was hugging Daddy. He smiled a little. I know I need to talk to him about what’s happening, about us…

“We really love you, Cherinna. Your mom and I love you so much…” he said while rubbing my back. I answered with a small nod.

Mahal na mahal ko rin kayo… mahal na mahal ko kayo ni Mommy…

I just bit my lower lip as I continued sobbing while hugging Daddy. I’m not blaming him, or anyone else… It happened already.

I just have to accept it.

Hindi nila ako anak.

Huminga ako ng malalim bago ako tumingin kay Daddy. I’ve been thinking about this since earlier, when he told me that he wants to get me.

Ang totoong Daddy ko.

Lumingon ako sa kanya at sa kabila ng hilam na mga mata dahil sa pag-iyak, nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Daddy. “I…” may kung anong tumutusok sa puso ko dahil sa naiisip ko ngayon. “I… want to talk to him…”

Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko. Alam kong naiintindihan niya ang sinasabi ko.

“No, Creep. No…” Jahann said while looking at me. “They’re just going to get you and--”

“They’re my family, Jahann…” putol ko sa sasabihin niya nang lingunin ko siya. Hindi naman din madali para sa akin na sabihin iyon pero hindi ko naman na maitatanggi ang totoo. Sila ang pamilya ko.

“I want to talk to him… I want to… know them…” napayuko akong muli nang makita ko ang tingin ni Jahann na halatang tutol sa gusto kong mangyari. “I am sure you all want to be with Airi…” dagdag kong sabi sa kanila.

“Cherinna…” he sighed and leaned on the couch. Nilingon niya ako at napailing dahil sa sinabi ko. I know he’s against it, but that’s what I need to do…

I looked at Dad and asked him again. “I can meet him, right?” hingi ko ng permiso sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin na tila iniisip kung ano ang isasagot niya sa akin. Hindi kaagad ito nagsalita habang nag-iisip.

Kahit naman ako ay ayokong umalis, pero hindi ko alam kung dapat ba akong naroon.

Makalipas ang ilang sandali ay tumango si Daddy sa akin. “Alright. I will call him.”

“Dad!” ani Jahann na nakatingin kay Daddy. Nilingon naman ito ni Daddy bago nagsalita. “It’s Cherinna’s choice, Jahann. We should respect that.”

His jaw tightened as he looked at me. I know he’s not okay with it and I know he’s scared that this might be the reason why I will leave him.

I know he’s losing his confidence but I love him…

I really do, and I told him I won’t leave him. Wala akong planong iwan siya.

“Are you sure about that, Creep?” He asked me again when we’re in my room. Nakaupo lang ako sa kama habang nakatayo naman si Jahann at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung nakailang tanong na ba siya sa akin simula nang matapos kaming mag-usap nila Daddy kanina kung seryoso ba ako sa sinabi ko na gusto kong makausap ang Daddy ko… ang tunay na Daddy ko.

Si Hugh Alcantara.

I looked at him and smiled sadly. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Idinikit ko ang pisngi sa dibdib ni Jahann at hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit.

“Baby…” he whispered, I felt him kissing my head.

“I have to do it…” mahinang sabi ko habang nakayakap sa kanya. I closed my eyes when I felt them heating up again. Nagbabanta na namang muli ang mga luha sa mga mata ko.

I am so tired of crying already…

“But, Creep…”

“I won’t leave you…” sabi ko na hinigpitan ang yakap sa kanya. “I know you are scared, but I won’t leave you… I promise you that…” I looked at his face and smiled a little. “Kailangan kong malaman kung sino ba talaga ako…”

He looked at me and moved his head, he pressed his forehead on mine.

“Promise me that you’ll stay…” he said softly.

“You’ll stay with me…”

I smiled a little and hugged him tight. “I won’t leave you…” sabi ko naman sa kanya bago marahang idinampi ang labi ko sa mga labi niya.

Jahann hugged me tight.

I know he will understand me. Gusto akong kuhanin ng totoong pamilya ko at alam kong iyon naman talaga ang tama. Hindi ko pa lang magawang magdesisyon ngayon kung ano ba ang gagawin ko dahil sa dami rin ng tumatakbo sa isipan ko.

Magiging okay ba ako sa kanila?

Magiging okay ba sila sa akin?

Paano kung hindi nila gusto kung ano ako ngayon? Kung hindi nila matanggap si Nikolai?

I heaved a sigh and opened my eyes when someone knocked on my door. Marahan namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumungaw si Ate Mildred.

“What is it?” tanong ni Jahann na humarap sa babae ngunit nananatili ang kamay sa likod ko. Lumingon din ako sa babae at halatang hindi ito kumportable base na rin sa ikinikilos nito.

“Pinapatawag ka ng Mommy mo, Sir Jahann,” sabi nito sa lalaki. Nilingon ko naman si Jahann na kumunot ang noo. “Why?” he asked her again.

Napakamot ito bago lumingon sa akin.

“What is it, Ate Mildred?” tanong ko sa kanya.

“Nandyan po kasi si…” huminga ito ng malalim. “Nandyan po si Airi… gusto po ng Mommy niyo na makausap kayo kasama si Aly…” marahang sabi nito.

Airi is here? Inimbitahan ba ito ni Mommy?

His jaw tightened as he nodded a little. Nagbaba ito ng tingin sa akin. “Let’s go, Creep?” aya niya sa akin. Sumagot naman si Ate Mildred sa amin bago pa ako makahakbang.

“Hindi po kasama si Cherinna…” sabi nito na sa amin.

Napatingin ako sa kanya. Napayuko ito at humingi ng paumanhin sa akin. Napangiti ako ng malungkot pero tumango na rin ako.

Binitiwan ko ang kamay ni Jahann at tinignan ito.

“Go meet your sister…” I softly said and tried to give him a smile. Jahann stared at me and sighed heavily.

“Baby…”

“It’s okay…” sabi ko sa kanya bago tumalikod para ayusin ang gamit kong nasa kama. Alam kong labag sa kalooban ni Jahann ang lumabas ng kwarto ko pero wala na rin itong nagawa.

Pinakawalan ko na lang ang malalim na buntong-hininga nang makalabas ang lalaki at naupo sa kama ko.

Is this the sign I was waiting for?

Dapat bang sumama na rin ako sa totoo kong pamilya?

Cherinna Alecksia Alcantara…

I smiled sadly at the thought.

Hindi talaga ako Anderson.

Iyon ang totoo at kailangan ko ng tanggapin iyon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.