Chapter 34

Nakatingin lang ako sa labas ng restaurant kung saan ako nakaupo habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa labas. May mga naglalakad na mag-isa, may kasamang asawa o kasintahan, may buong pamilya.

Marahil ay mamamasyal ang mga ito ngayon dahil na rin nasa loob sila ng mall ngayon. Normal na maraming tao ang naroon.

“Ma’am, may I take your order?” untag sa akin ng waiter na nilingon ko naman kaagad. Marahan akong umiling sa kanya. “Sorry, can I just order later? May hinihintay pa kasi ako…”sabi ko naman sa kanya. Tumango naman ito at dinala ang menu na hawak at naglakad papalayo sa akin.

Umilaw namang muli ang cellphone kong nasa lamesa at nakita ko ang mukha ni Jahann sa screen. He’s been calling me countless times already. Hindi ko sinabi sa kanya ang plano ko na makipagkita ngayon kay Mr. Alcantara.

Alam ko na hindi niya gusto ang desisyon kong ito pero alam ko naman na kailangan ko itong gawin para na rin maging maayos ang lahat. Hindi naman kami magiging maayos kung hindi kami mag-uusap.

Pinagmasdan ko lang ang tawag ni Jahann hanggang sa maputol ito. Napabuntong-hininga na lang ako bago muling tumingin sa labas. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ngayon. Kinakabahan ako dahil hindi ko rin naman alam kung ano ba ang sasabihin ko sa lalaki kapag dumating siya rito at kinausap ako…

He’s a stranger to me. I am a stranger to him.

Hindi ko alam kung paano namin maaayos ang relasyon namin bilang mag-ama…

I smiled a little when I saw a family walking outside the restaurant. May kasama itong dalawang batang babae na magkapareho ang damit at magkamukha.

Maybe they’re twins…

Naalala ko noon kaming dalawa ni Alyanna. Noong mga bata kami, lagi na halos pareho ang suot namin, magkaiba lang ng kulay. Hindi naman din malaki ang pagkakamukha namin ni Alyanna kaya may mga nagugulat kapag sinasabi namin na kambal kami…

Kaya naman pala ganoon dahil… hindi naman talaga niya ako kakambal…

I heaved a sigh and smiled a little. Naiisip ko na okay na rin na ako lang ang ampon at hindi si Alyanna. Alam kong masasaktan ito ng husto kung sakali, alam kong mahihirapan itong tanggapin iyon kung sakali kaya naman mas mabuti na rin na ako lang ang ampon sa amin…

Muli akong napalingon nang magring ang phone ko. It was Jahann again. Sumandal ako sa upuan habang nakatingin sa cellphone kong nasa mesa.

I know he’s worried about me…

Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone ko at sinagot iyon. Siguro ay sasabihin ko na lang sa kanya ang plano ko para kahit papaano ay mabawasan ang pangamba nito.

“Hello, Jahann?” bati ko sa kanya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng restaurant. Mabuti na lang at hindi naman masyadong matao ang oras na iyon kaya hindi ako nakakaramdam ng ilang.

“Where are you, baby?” he asked me instead. “Kanina pa ako tumatawag sa’yo,” sabi nito. Kahit na hindi ko nakikita ay alam kong napasimangot ito. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng maliit.

Kahit na mabigat ang mga nangyayari ngayon, gusto ko pa ring magpasalamat na nariyan si Jahann para sa akin, nandyan siya para palakasin ang loob ko.

“Creep,” he called me again when I didn’t say a word. I smiled a little. “You missed me already?” I asked him instead.

Lately, panay na lang problema ang napapag-usapan namin ni Jahann. Hindi ko man lang siya nakakamusta dahil sa dami ng nasa isip ko pero nakikita ko sa kanya na hindi niya talaga kami pinababayaan ni Nikolai. He always makes sure that I am okay, that I’ll always think that he’ll never leave me…

“Yes, I missed you. But, don’t change the topic. Where are you, Creep?” he asked again, impatient. Same old Jahann…

“I went out…” sabi ko sa kanya. Alam ko naman na hindi ko rin maitatago kay Jahann ang totoo pero gusto ko ring harapin na muna ito ng ako lang.

“Obviously, where are you, baby? Puntahan kita,” sabi niyang muli sa akin. Umiling naman ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. “Hindi na. Uuwi naman din ako mamaya, isa pa, nandyan si Airi, diba? You should be spending time with her and--”

“I want to spend all of my time with you,” putol niya sasasabihin ko. Napangiti naman ako ng tipid. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. “I asked Mr. Alcantara to meet me…” pag-amin ko sa kanya.

Hindi kaagad nakapagsalita si Jahann dahil sa sinabi ko at naiintindihan ko naman iyon dahil talaga namang magugulat ito dahil na rin sa biglaang plano ko. Nasa bahay pa rin namin si Airi kaya naman sinamantala ko na lang din ang pagkatataon kanina para umalis at makipagkita sa… kay Mr. Alcantara.

“Where are you, I’ll be there…” sabi ni Jahann sa akin. Napangiti ako ng tipid bago huminga ng malalim. I want to do this now on my own. Alam ko na marami ring tumatakbo sa isipan ni Jahann ngayon kaya naman gusto kong makatulong at makabawas doon…

“I’ll be fine, baby…” mahinang sabi ko sa kanya. I guess it was the first time I called him that. I know he’s scared that I will leave him, but I won’t. Wala iyon sa isipan ko.

Napalingon ako sa pinto ng restaurant nang makita kong pumasok na ang Daddy ni Airi. Mag-isa lang din ito.

Agad na nawala ang mga ngiti sa mga labi ko at tila may kung anong tumambol sa dibdib ko nang magtama ang tingin naming dalawa.

“Cherinna?” I heard Jahann call my name.

“I… I will just call you later…” I ended the call and looked at him again. Maging ang lalaki ay nakatingin lang din sa akin. Binati ito ng mga waiter doon pero ngumiti lang ito ng tipid bago naglakad papunta sa lamesa na inookupa ko.

“Can I sit here?” He asked permission while looking at me. Tumango naman ako ng marahan sa kanya. Umupo ito sa katapat na silya at lumingon sa akin.

Hindi ito nakapagsalita habang ang mga mata ay nananatiling nakatingin sa akin. Tila ba kinakabisado nito ang bawat parte ng mukha ko…

Napayuko naman ako upang mag-iwas ng tingin.

Narinig ko ang pagtatanong na muli ng waiter sa amin kung ano ang order namin.

“What do you want to eat?” he asked her as he scanned their menu. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nang marahil mapansin nito na hindi siya kumportable ay ito na ang umorder ng pagkain niya.

“You’re not allergic to anything, right?” tanong nitong muli sa kanya na sinagot niya naman ng marahang iling.

I’m now in front of him.

I’m now with her father…

Naisip ko noon ang sinabi ni Mommy at Daddy nang malaman nila na ito ang ama ni Airi… noong panahon na hindi pa namin alam ang totoo…

He’s like Daddy. Kahit papaano ay may similarities ang dalawang lalaki.

Huminga ako ng malalim dahil hindi ko rin alam kung saan ba magsisimula. Ano ba ang sasabihin ko sa kanya? Ano ba ang gagawin ko?

“I was surprised when I saw your message…” panimula nito. Nag-angat naman ako ng tingin sa lalaki. Ngumiti ito sa akin. “Airi’s at your house, right? She’s also hesitant to visit your mom and dad, but I asked her. I told her she needs to talk to them, too…”

Nakatingin pa rin ako sa lalaki habang nagsasalita ito. Kinausap nito si Airi para makasama ang pamilya namin?

“It’s okay with you…?” nagtataka kong tanong sa kanya. Okay lang sa kanya na kasama ni Airi ang totoong pamilya nito?

Paano sila? Okay lang?

He smiled a little and shook his head. “Of course, not.”

Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko siya. “It’s not okay, but I know Airi deserved it. She deserves to know Mika, Kerko, your brother and sister, her twin sister…” bakas ang lungkot sa boses nito. Nakikita ko rin ang kalungkutan sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.

Things are hard for everyone…

Kay Mommy, kay Daddy, kay Alyanna, kay Airi, kay Jahann… maging sa lalaking kaharap ko. Alam kong hindi madali na matanggap ang lahat.

All of a sudden, nalaman nito na hindi nito anak ang kasama nito ng mahabang panahon. Alam ko na masakit iyon.

“How are you…?” he asked while looking at me. I tried to smile at him. “I’m… I’m trying to digest everything…” pag-amin ko sa kanya. “Alam ko naman po na mahirap din para sa inyo ang nangyayari, and I’m sorry kung nasasaktan kayo ngayon na kasama nila si Airi. Alam kong mahal na mahal niyo siya at--”

“You’re my daughter, Cherinna…” mahinang sabi nito bago hinawakan ang kamay ko. Napalingon ako sa kamay nito na nakahawak sa akin. He reluctantly let my hand go and looked at me. “I’m sorry…”

Napailing ako ng marahan. “It’s okay po…” mahinang sagot ko naman sa kanya.

Halos hindi ko rin nagalaw ang pagkain ko dahil nag-uusap kami tungkol sa nangyari. I want to hear his side of the story…

“When Hannah, your mom, gave birth to you, Camilla was so happy to have you…” huminga ito ng malalim na tila nagsisisi sa naiisip na nangyari noon. “Nalaman niya na nanganak din si Mika noon, hindi ko alam na malalim pa rin ang galit niya kay Mika sa kabila ng maraming taon na lumipas…” dagdag niya.

Hindi naman ako nagsalita habang nakatingin sa lalaki. Patuloy lang ito sa pagkukwento tungkol sa nangyari kaya nakatingin lang ako sa kanya.

He smiled sadly. “She took you and left you at Child’s Hope. Kinuha niya si Airi para palabasin na anak namin ito. I don’t know how she could do all that despite her condition…” naalala ko na naka-wheelchair ang babae nang makita ko ito sa labas ng bahay nila Airi.

“May mga binayaran siya para gawin ang bagay na iyon. I was lucky enough to trace them,” napailing ito. “I paid them to tell me where my real daughter was… then it all led me to you…” lumingon siya sa akin. “Ikaw ‘yung anak ko…”

Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mga mata ko habang nakayuko at nakikinig lang sa lalaki. Nararamdaman ko ang lungkot, ang dismaya at panghihinayang sa tinig niya.

Malungkot ito dahil hindi nito inakala na ang kapatid pa nito ang gagawa ng bagay na iyon sa kanya. Nakikita ko rin ang frustration sa kanya dahil hindi niya inakala na mangyayari sa kanya iyon.

Sa pamilya niya…

“Sigurado ako na naging masaya si Airi na kayo ‘yung naging pamilya niya…” sabi ko sa kanya upang palakasin ang loob niya, pinalis ko ang mga luha sa pisngi ko bago ngumiti sa kanya. Alam kong may mga panahon na nainis ako kay Airi pero alam ko na mabuti itong tao.

Maganda ang naging pagpapalaki nito kay Airi.

I am sure mom will love her, too…

“We want to make it up with you, Cherinna. Gusto namin ng mommy mo na makabawi…” sabi niya sa akin. Nakita ko naman ang pamumula ng ilong nito maging ng mga mata nito, tanda ng naluluha ito habang nakatingin sa akin. “We know it’s hard for you, too, Cherinna… but your mom and I…” huminga ito ng malalim. “Gusto kong makabawi sa’yo. Mabigay sa’yo kung ano ba ang dapat na sa iyo…”

I could feel his sincerity. Nararamdaman ko rin ang kagustuhan niya na makilala ako… makasama ako…

“I know this is all so confusing to you, Cherinna… but I’d like to ask you to live with us. With me, your mom…”

Dad told me he wants to get me. Hindi iyon nakakapagtaka dahil sila ang totoong pamilya ko pero hindi madaling pagdesisyunan ang bagay na iyon. Hindi madaling umoo sa kanya lalo pa at hindi pa kami okay nila Mommy… ni Alyanna…

Napayuko naman ako.

Pero paano kung iyon ang kailangan kong gawin para mabawasan ang sakit na nararamdaman nila? Paano kung… kung iyon ang paraan para mabawasan yung lungkot nila… yung galit nila?

“I’m not rushing you, Cherinna. I will wait until you’re ready…” pinisil nito ang kamay ko at ngumiti ng tipid. “I am thankful that they took care of you…”

Napangiti na lang ako ng tipid at tumango sa kanya. Talaga namang inalagaan nila ako. Hindi nila ako pinabayaan. Ibinigay nila Mommy at Daddy ang lahat sa akin.

We stayed there and he’s trying to get to know me more. Alam niya ang tungkol sa amin at kay Nikolai pero wala akong narinig na judgement sa kanya. He’s asking me questions about Nikolai and he said he’s excited to meet him.

It was weird but the meeting turned out fine… gaya ng sinabi nito, hindi niya ako pinilit na sumama sa kanya at tumira kasama sila. Sinabi nito na hahayaan niya akong magdesisyon kung kailan ako pupunta sa kanila.

Nagsabi lang siya sa akin na kung pwede nila akong makita kasama ang asawa nito. Hindi naman ako tumanggi. It’s still their right.

Nagpahuli na ako sa pag-uwi kahit na inalok ako nito na ihahati ako. I still want to be alone right now. Kanina pa ako paikot-ikot sa mall habang nagtitingin lang dahil wala naman akong planong bumili ng kahit na ano. Hindi ko na rin alam gaano na ba ako katagal na naroon habang naglalakad.

Iniisip ko rin kung tama ba ang naging desisyon ko na makipagkita sa lalaki.

Meeting him made me think about things…

The what ifs…

I heaved a sigh as I went out. I was walking while holding my bag when I saw Jahann looking at me. He was standing outside the mall, it was as if he’s waiting for me.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Napahinto ako sa paglalakad na naging dahilan naman para maglakad ito palapit sa akin.

“What are you doing here…?” I asked him as he hugged me tight. “I told you, I’ll be here, right?” he said before kissing my head.

Napangiti naman ako ng tipid bago gumanti ng yakap sa kanya. I inhaled his scent and pressed my cheek on his chest.

“Are you okay?” he asked me. I could feel him looking at me. Hindi naman na ako nag-angat ng tingin sa kanya at hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

“Thank you…” I whispered. Marami akong dapat na ipagpasalamat kay Jahann dahil sa mga ginagawa nito para sa akin. Those words will never be enough, I know that.

“I love you…” he softly said while caressing my back.

I looked at him and smiled a little. “I love you, too…” sagot ko naman sa kanya.

Tinitigan ko siya at mas nabubuo na rin ang desisyon sa isip ko para sa akin, sa amin ni Nikolai, sa amin ni Jahann…

I hugged him tight as a decision was made inside my head.

Maybe it was the right thing to do…

Baka maging mas okay rin para sa ibang tao.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.